webnovel

Chapter 8 - Settled

"Napainom mo si Quinn ng gamot?" hindi makapaniwalang tanong ni Nanay Luding nang ibaba niya ang tray at makitang wala na roon ang gamot.

She just smiled.

"Manang."

Agad silang napalingon sa nagsalita.

"Ay Sir! Nariyan na po pala kayo."

Tumango lang ang bagong dating. Siya ay hindi alam ang gagawin. Kung ngingiti ba siya, o babati. Nanatili lang siya sa puwesto at nakatingin dito. It's Yudge' s Dad. Si General Antonio Salvido. Hindi niya mapigilan ang sariling kabahan ngayong kaharap na niya ito. The man's face was full of authority. Sabagay, he needs that para makuha ang respeto ng mga tauhan nito.

Well, this man was really young for being a general. Sa pagkakaalam niya, nasa around 40-45 lang ang age nito. And she secretly smiled ng mapagmasdan ito. Alam na niya ngayon kung saan nakuha ni Yudge ang features ng mukha nito ganoon na rin ang hatak nito sa mga babae.

"So, you're Aianiell Mortez?"

"Y-yes, Sir."

"Girlfriend ka pala ng anak ko."

Ewan ba niya kung amusement ang nasa boses nito ng sabihin iyon.

"Ahmm,...ano po, ah kasi..." hindi niya alam kung sasang-ayunan ba ang sinabi nito. Napayuko siya.

'Alangan namang sabihin mo ang totoo?' kastigo niya sa sarili.

"Sabi kasi ni Manang. Well, I'm glad that for the first time ay nagdala rito si Quinn ng babae at kasintahan pa niya.

Napaangat ang mukha niya rito at hindi niya alam kung ang pagkagulat ay dahil sa nalaman niyang siya ang kauna-unahang dinala roon ni Yudge bilang girlfriend, o ang makitang ngiting-ngiti sa kaniya ang Daddy ng lalaki.

"Since wala pa akong gagawin, magkuwentuhan muna tayo." Bumaling ito kay Nanay Luding. "Manang, pakihandaan kami ng merienda ni Aianiell at pakidala na rin sa living room."

Pagkatapos ay tinawag siya nito at sinabihang sumunod.

>>>

Masigla ang katawan na bumaba si Yudge ng silid niya. Maayos na ang pakiramdam nang imulat ang mga mata. And that's because of Aianiell. Nang maalala ang babae ay malawak siyang napangiti lalo na nang tila maramdaman ang halik na iginawad nito sa pisngi niya bago tuluyang lumabas ng kaniyang silid. Ipinilig niya ang ulo. 'Ow, boy!' kantiyaw niya sa sarili.

"Nanay Luding, kakai---" napatigil siya ng mamataan ang Daddy niya na nakaupo sa dulo ng hapag-kainan.

Agad na napalis ang ngiti niya sa mga labi. Walang imik na lumapit siya sa lamesa at naupo.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Napabaling siya sa ama ng magsalita ito. Hindi niya alam kung magugulat dahil for the first time, after of what happened to his mother, muli siyang inalala nito. Tumingin siya kay Nanay Luding at nakita niyang ngumiti at marahang tumango ito. Ibinalik niya ang tingin sa ama. "Y-yes, Dad."

"Buti na lang at narito si Aianiell at napainom ka ng gamot. As what I remember, ayaw na ayaw mong iinom ng gamot kapag may sakit ka? Even your Mom, hindi ka mapilit uminom ng gamot.

He didn't know what to say. Nagulat siya sa mga sinabi nito lalo na at nakangiti ito habang nagsasalita.. Was he dreaming or just being dellusional? Baka may sakit pa talaga siya. For the past years, noon lang ulit siya kinausap ng ganoon ng Daddy niya. Na para bang close silang mag-ama. Like there's nothing happened between them. Na hindi nagkalamat ang relasyon nila lalo na at nabanggit nito ang Mommy niya.

Tumigil sa tangkang pagsubo ang Daddy niya ng walang marinig na reaction mula sa kaniya. He looked at him at ibinaba ang hawak na kubyertos ng makita ang pagkalat sa mukha niya. Tumikhim ito.

"Quinn, I know nagtataka ka. Sa mga lumipas na taon, nagkaroon ng gap sa pagitan natin. And I know it's my fault na nagtagal iyon dahil hindi ako gumawa ng way para magkaayos tayo."

He did not say something. Nakikinig lamang siya rito.

"I'm sorry, Quinn kung pakiramdam mo ay sinisi kita sa pagkamatay ng Mommy mo. Hindi ko gusto na nawala ang relasyon natin bilang mag-ama sa mga nakalipas na taon. Kahit gusto kong ayusin, hindi ko na alam kung paano. Until I talked to Aianiell.

Tila pumiksi ang puso niya ng marinig ang pangalang binanggit nito.

"She made me realized my mistakes." Napatingin siya sa ama ng tila nag-iba ang timbre ng boses nito.

At napanganga siya ng punasan nito ang mga mata. 'Was his Dad crying?'

Muli itong tumikhim. "Malaki ang pagkukulang ko sa iyo, according to her." Nakita niya ang pagngiti at pag-iling nito.

"And I admit that. Sadyang malaki ang pagkukulang ko at sana, bigyan mo ako ng chance na makabawi. After all, ayaw kong tuluyang mawala ang pagiging mag-ama natin." Malamlam at nakikiusap ang kislap ng mga mata nitong nakatingin sa kaniya. "Quinn, anak, I'm really sorry. Sana---"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Dagli niyang pinunasan ang mga iyon at ngumiti sa Daddy niya.

"O-of course, Dad."

Ginulo nito ang buhok niya. That time, alam niyang okay na ang lahat sa pagitan nilang mag-ama at lubos siyang nagpapasalamat sa taong naging dahilan ng pag-aayos nilang iyon.

Chương tiếp theo