"Heleana!" Rinig ko ang tawag ni Yurika at Janine sa akin na puno ng pag-aalala sa aking likuran. Ako'y tumakbo patungo sa kanila at agad na yinakap silang dalawa. Sila'y nagulat sa aking mga kilos nang ako'y tumingin sa aking likuran na tila may hinahanap.
"Hali na...Nag-aaksaya na tayo ng oras."Ani ko at agad na umunang lumakad sa kanilang dalawa patungo sa lagusan.
Sa buong lakad namin ay hindi kami nagsalita sa isa't-isa, tila hindi mawala sa kanilang alaala ang paninibago sa aking mga inaksyon kanina. Ako'y huminto sa aking paglakad at hinarap sila. Kami ay nagkatininginan habang naghihintay kung sino ang unang magsasalita sa aming tatlo. Ako'y napahinga ng malalim at agad na nagsalita sa kanila...
"Totoo ako. Ako ang tunay na Heleana na nakilala niyo."Ani ko sa kanila. Sila'y napahinga naman ng malalim at napatingin sa isa't-isa.
"Hindi ba kayo naniniwala sa aking mga sinasabi?"Tanong ko ulit sa kanila.
"Naniniwala ako."Ani ni Yurika at lumapit sa akin. Siya'y umakbay sa aking balikat habang ang reaksyon ng mukha niya ay hindi ko mapaliwanag. Siya'y nakatutok ng maigi sa aking mukha tila hinuhusgahan kung totoo ba ako.
"Ano nga pala ang nangyari sa iyo kagabi at bakit ka biglang nawala?"Tanong niya ka agad na puno ng pagtataka. Ako'y ngumiti at tumawa ng marinig ko ang tanong niya.
"Ako'y ihing-ihi na, magpapasama sana ako sa inyo kaso hindi ko na kayo nagising dahil kayo'y natutulog ng mahimbing at ayaw ko rin naman kayong gambalain sa inyong pagtutulog. Maliwanag na ba sa inyo ang mga dahilan na aking sinasambit sa inyo?" Tanong ko sa kanila at tumawa sa kahulihan dahil ang kanilang mga mukha'y tila ay nalilito pa rin sa bawat salita at aksyon na ginagawa ko. Nagulat kaming dalawa ni Yurika nang pumunta sa gitna si Janine sa aming dalawa at itinuro ang ilaw sa may daan.
"Ang lagusan!"Sigaw ni Yurika. Kami ay agad na tumakbo nito ngunit kami ay nagtago nang may nakita kaming mga bantay.
"Bakit may mga bantay?"Tanong ni Janine kay Yurika.
"Hindi ko alam."Sagot ni Yurika na tila naguguluhan din sa kanilang nakikita.
"Ang sabi sa akin ni Manang Zelda ay pinaalis na nina Heros ang mga bantay."Ani naman ni Janine. Kami ay tumingin sa paligid-ligid. May paparating na isang tauhan, ito'y nakabalot ng kapa at lumalakad patungo sa mga guwardiya. Ibinaba niya ang kanyang tabon.
Si Binibining Helen...
"Sino siya?"Tanong ni Janine kay Yurika ngunit hindi niya rin ito kilala. Sila'y tumingin sa akin.
"Kilala mo ba siya?"Tanong nila.
"Isa sa mga kapatid ni Madam Miranda."Sagot ko sa kanila.
Nakita kong umalis ang mga guwardiya habang si Binibining Helen naman ay nagpabilin. Tila may hinihintay siya sa gubat.
"Nag-iisa nalang siya, kaya natin siyang atakihin sa kanyang likuran."Ani ni Janine.
Natigil sa paglalakad si Janine patungo kay Binibining Helen dahil pinigilan ko siya. Nagulat naman silang dalawa sa aking ginawa.
"Bakit mo-"Hindi natapos ni Janine ang kanyang sasabihin ng may nakita siya sa aking likuran. Ako'y tumingin nito at na surpresa din kagaya ng dalawa.
"Huwag kayong maingay." Ani ni Binibining Helen at agad na itinuro ang ibang daan patungo sa lagusan. Kami ay sumunod sa kanyang paglakad.
"Heleana."Tawag ni Binibining Helen sa akin habang nasa harapan na namin ang lagusan patungo sa ibang mundo.
"Babalik ka pa rin sa mundong ito." Ani ni Binibining Helen habang hawak-hawak ang aking kamay na puno ng lungkot sa kanyang mukha.
"Alam ko. Huwag kanang mag-alala, babalik ako."Ani ko sa kanya habang nakangiti. Kami ay nagkayakapan at nagpaalam sa isa't-isa.
"Bilisan niyo na habang hindi pa nauubos ang oras." Pag-papaalala sa amin ni Binibining Helen.
' Hihintayin kita sa aking mundo,
Hinhintayin kita dahil ikaw ang aking kabiyak.'
Iyon ang huling salita na narinig ko sa kanya habang kami ay umaalis sa mundong kanyang namumunoan. Agad naman kaming nagtago at nanatili sa isang hotel malapit sa paliparan patungo sa Cebu. Ako'y tumingin sa langit, ito'y nagiging kulay asul. Malapit na ang umaga, malapit na rin matapos ang aking oras sa mundong ito. Nakita kong lumalakad si Yurika patungo sa akin. Ako'y natauhan ng lumapit siya sa akin at tumingin ng maigi sa aking mga mata.
"Bakit ka umiiyak?"Agad na tanong niya sa akin.
"Wala ito."Ani ko sa kanya at pinunasahan ang mga pagtulo ng aking mga luha mula sa aking mga mata.
"Di mo ba siya kayang kalimutan?" Tanong ni Yurika.
Ako'y tumawa at agad na umiling-iling sa kanyang katanungan. Ako'y napahinga ng malalim at sumagot sa kanyang tanong.
"Kaya ko naman siyang kalimutan. Masakit lang ang kanyang mga nagawa sa akin." Saad ko.
Hindi nakapagsalita si Yurika, hindi niya alam kung anong mga salita ang kanyang gagamitin mula sa akin. Ako'y ngumiti naman sa kanya at agad na tumingin sa langit.
"Kaya pala hinalikan niya ako sa labi." Mapait na sabi ko, ang mga mata ko'y puno ng lungkot sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon.
Nagsimula sa laro na hindi ko inaasahan na magbabago pala ang aking buhay. Aking buhay na walang kakulay-kulay. Ito'y puno ng lungkot at kapinsalan sa aking buong pagka-tao. Noon ay walang silbi mabuhay, ngunit bakit nag-iba? Nag-iba ang aking kagustohan, kagustohan na mabuhay at magsimula muli.
Ako'y napatulala muli sa tanawin na aking tinititigan ngayon, binabalik ang mga alaala noong ako'y namumuhay pa sa mundong ito. Mga alaala na mas mapait pa sa mga pangyayari na aking naranasan sa kabilang mundo. Ako'y huminga ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Nakita kong paparating sa amin si Janine.
"Halika na, pupunta na tayo sa Bohol. Tutulongan tayo ng mga albularyo doon." Sagot ni Janine.
Gumaan ang aking kalooban sa kanyang mga sinabi, tila nabuhayan ako ng sigla. Kami ay nagkatitigan ni Yurika sa isa't-isa. Siya'y lumapit sa akin at ikinuha ang aking kanang kamay. Ako'y nagtaka kung bakit niya hinahawakan ang aking kamay. Ikinuha niya ang isang rosario sa kanyang bulsa at inilagay sa palad ng aking kamay. Siya'y tumingin sa akin at nagsimulang magsalita...
"O, eto." Ani niya. Tinignan ko ito ng maigi at tumingin sa kanya.
"Kailangan mo ring magdasal para iwasan ka ng kampon ng kadiliman." Saad niya. Minasdan ko muli ng maigi ang rosario, hindi ko namalayan na ako ay ngumingiti na pala. Si Yurika ay mas lumapit pa sa akin.
"Naaalala mo pa ba, noong tayo ay kandidato pa lamang?"Tanong niya dahilan ako'y magtaka. Siya'y napatawa sa mukha kong nalilito habang inaalala ang mga pangyayaring naganap noong unang panahon.
"Sabi ko noon sa iyo, ibibigay ko ang aking rosario upang ika'y maging ligtas at...malayo ang buhay mo sa mga panganib sa kasalukuyan man o hinaharap."Ani niya at nakangiti.
"Salamat, Yurika. Malaking tulong ang rosaryo mo."Pagpapasalamat ko naman sa kanya.
"Walang anuman."Ani niya naman sa akin pabalik.
Natahimik kami nang nakita naming nakahandusay sa kawalan si Janine. Ang mukha ni Janine ay seryoso, hindi namin alam kung to ba ay galit. Siya'y nag-iisip ng malalim. Nakita naming tumingin si Janine sa aming dalawa.
"Patawas, ako'y nag-iisip lamang ng malalim." Pagdadahilan niya sa aming dalawa. Tumingin siya sa langit, ito'y mas nagiging maliwanag na.
"Hali na kayo, kailangan na natin umalis."Ani niya. Kami naman ay tumungo sa sasakyan. Si Janine ay lumapit sa akin at tinignan ang aking dalang-dala na rosaryo.
"At huwag mong aalisin iyan sa iyong tabi. Proteksyon mo yan at para rin hindi tuluyang maging halimaw ang nasa sinapupunan mo." Saad ni Janine at siya'y tumawa. Kami ay nagkatawanan, ngayon ko lang ulit naranasan ang saya habang kasama ang iyong matalik na mga kaibigan. Ako'y nagpapasalamat dahil ako'y binayayaan at ginabayan pa rin ng Diyos kahit na marami na akong pagkakamali na ginawa sa aking buhay.
'Diyos ko, sa aming paglalakbay sa gitna ng aming buhay at kamatayan, huwag niyo ho kaming pabayaan. Proteksyonan niyo ho kami sa lahat ng mga panganib na mangyayari sa aming buhay. Iyon lang ho ang hiling ko sa inyo, Amen.'
Tala ng may Akda,
Maligayang bagong taon! Nais ko sanang humingi ng tawad dahil hindi ako nakalathala ng mga kabanata sa aking nobela at hindi ko rin ito natapos noong taon dahil inuna ko ang mga mas kailangan gawin kagaya ng aking mga proyekto na pinapagawa sa mga paaralan. Ako'y nagpapasalamat sa inyong pagsubaybay sa aking nobela. Muli, maligayang bagong taon sa inyong lahat at sana'y ligtas kayo sa panahon ng pandemya.
Paalala:
Sa susunod na linggo ay maglalathala ako araw-araw ng mga kabanata simula huwebes.Kung mayroon man kayong pagkabahala o pagkalito sa aking nobela, pwede ninyo akong kausapin sa pamamagitan ng aking Discord o G-mail. Maraming salamat muli sa inyong lahat!
Discord: MariaMaharlika
G-mail: mariamaharlika.novels@gmail.com