webnovel

Ang Talon

Nang kami ay nagkatinginan ay agad siyang tumayo. Hindi ko pa ramdam ang aking sraili na tumayo, kaya ako'y humiga pa sa lupa. Ako'y napapikit at niramdam ang sariwang hangin.

Nakita kong may bitbit na kahoy si Asher at mga bato."Buhay pa ba ang mga kunehong nakuha mo?"Tanong ko habang nakahandusay pa rin sa lupa.

"Malamang patay na. Mabuti nga na namatay na,dahil kakatayin ko nalang ito pagkatapos ay ibabad ko muna sa tubig upang malinisan ang mga dugong kumakalat."Saad niya, hindi na ako umimik pa at ipinikit ulit ang aking mga mata.

Nakaramdam akong may tumapik sa aking balikat. Ako'y nagising, kitang-kita ko na may dala-dala siyang dahon na puno ng pagkain. Ako'y napabangon sa aking katawan. Gabi na pala, tanging apoy lang ang nagbibigay liwanag sa aming lugar.

"Kumain ka muna."Saad niya at ibinigay sa akin ang dahon. Sabay kaming kumain, pagkatapos ay tumingin kami sa tanawin. May mga alitaptap at ang mga isda ay umiilaw sa talon. Ang ganda ng tanawin na aking natatanaw.

"Gusto mong maligo?"Tanong ni Asher, ako'y tumango sa kanyang sinabi. "Binabad ko na sa araw ang mga damit mo kanina."Saad niya at hinubad ang kanyang pangtaas na damit. Siya'y lumangoy patungo sa talon. Hinubad ko rin ang aking damit, tanging pangilalim na itaas at ibaba lang ang aking sinuot. Ako'y tumungo sa kanyang kinarorounan.

"Ang ganda!"Sigaw ko habang tinitignan ang talon. May kumikinang na mga bagay-bagay sa ilalim nito. "Alam mo ba, na may nagbabantay sa lugar na ito?"Tanong niya."Hindi pero... ngayon alam ko na dahil sa sinabi mo."Saad ko habang nakangiti. Ako'y lumangoy papalapit pa sa talon. Sumunod si Asher sa akin.

"Halika, pumunta tayo sa loob."Saad ni Asher dahilan ako'y nagtaka sa kanyang sinabi."Ha?...Sa loob?"Tanong ko sa kanya, hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming lumangoy patungo sa loob. Isang kuwebang puno ng mga diyamante na kumikinang.

Ako'y natulala sa aking nakita. Ito'y nakakabighani sa aking mata. May nakita akong bulaklak sa gitna nito, isang gintong bulaklak. Ako'y lumapit nito at tinignan ng maigi.

"Sigurdo akong magugustuhan ito ni Madam Miranda."Saad ko."Paano mo naman masisigurado na magugustuhan niya ang bulalak na iyan?"Tanong niya. Hindi ko na pala namalayan na magkatabi na kami.

"Hula ko lang."Saad ko at tumingin sa kanya habang nakangiti."Mali ang hula mo."Maikling saad niya. Nag-iba ang tono ng kanyang boses, mas lumalim pa ito. "Kulay pula na bulaklak ang naaakit sa kanyang mata."Saad niya. Ibinahala niya ang kanyang sarili sa pagtingin ng mga diyamante.

Ako'y tumungo papalabas at nagsimulang lumangoy. Habang ako'y nasa gitna ng talon ay may naramdaman akong may humawak sa aking paa. Ako'y napasigaw sa kaba.

"Ah!"Sigaw ko, may humila sa akin pababa. Hindi ako makahinga ng maayos, nakita ko si Asher lumangoy patungo sa akin.  Nang malapit na akong mawalan ng malay ay inilapit niya ang kanyang bibig sa aking bibig at binigyan ako ng hangin. Kami ay umahon pataas at ako'y napasigaw. Niramdam ko ang simoy ng hangin at huminga ng malalim. Di ko namalayan na nakayakap na ako ng mahigpit kay Asher.

"Huwag kang mag-alala, ligtas ka na."Saad ni Asher sa akin. Ako'y napatingin sa kanya habang naka akbay sa kanyang balikat."Salamat."Saad ko sa kanya."Giniginaw ka na, oras na para umahon."Saad niya. Kami ay lumangoy patungo sa lupa at umahon.

Nang kami ay umahon, ibinigay agad ni Asher ang kanyang kapa sa akin. "Paano ka?"Tanong ko sa kanya."Sinabi ko na sayo noon...hindi ako natatablan ng ginaw."Saad niya at agad na iniwala ang kanyang pagtingin. "Maraming nakatitig na di kagaya sayo. Simulan mo nang magpalit."Paalala niya sa akin. Nang matapos na akong magpalit ng damit ay tumungo ako sa ginawang bahay ni Asher.

"Dito ka matulog habang ako naman ay sa may labasan. Maaga pa tayo bukas."Saad ni Asher. Ako'y tumango sa kanyang sinabi at iniligpit ang aking gamit. Ako'y humiga sa higaan na dahon na gawa ni Asher.

Nagising ako sa maingay na boses galing sa labas. Nakarinig rin akong may lumalakad sa labas. Ako'y napabangon at ikinuha ang lampara. Wala si Asher sa kanyang higaan. Ako'y bumalik sa aking higaan at nagsimulang humiga. Nang sinimulan ko nang pumikit ay nakaramdam akong may humahawak sa aking tiyan. May bumubulong rin sa aking tenga. Nararamdaman ko ang pagbagsak ng aking mabibigat na pawis.

May naramdaman akong may pumapasok sa aking pusod, ito'y parang dila. Nang ito'y pumasok sa aking loob ay ako'y napasigaw sa sakit. Hindi ko makita kung sino o ano ang gumagawa nito. Ako'y napahinga ng malalim at ipinilit ang aking sarili gumalaw. Buong lakas ang ginamit ko upang makagalaw ngunit hindi ko pa rin ito magalaw. Ang bigat ng puwersa na aking nararamdaman.

Ipinikit ko ang aking mga mata at itiniis ang sakit na nararamdaman. Ako'y napasigaw nang marating sa aking limitasyon. Naramdaman kong may humahawak sa aking tiyan, ako'y sumilip nito. Kitang-kita ko si Asher puno ng pag-aalala."Anong nangyari?"Bungad niya sa akin.

Kami ay pumunta sa labas para mag-usap. Nagtimpla ng kape si Asher at ibinigay sa akin. "Anong nangyari?"Tanong ulit ni Asher."Nakaramdam akong may pumapasok sa aking kalooban."Nakayuko kong saad sa kanya."Malapit na."Tipid na saad niya ngunit puno ito ng emosyon.

"Anong sinasabi mong malapit na?"Agad na tanong ko sa kanya."Malapit nang magpili ang kataasan kung sino ang susunod nilang isusumpa."Saad niya, ngayon ay nanatili kaming tulala habang tinitignan ang tanawin sa madaling araw. Maitim pa rin ang kalangitan. Hindi ako mapakali mangamba sa aking buhay.

"Buhay pa ba ang papa mo?"Tanong ko sa kanya. Siya'y napalingon naman ng malungkot na mukha."Patay na."Maikling saad niya at inilingon ang pagtingin sa mga alitaptap."Bakit?"Agad na tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik, nanatili lang siyang nakatulala habang tinitignan ang mga tanawin na nakalibot sa amin.

"Dahil isa rin siya sa mga isinumpa."Saad niya habang tinitignan ako. Wala akong masagot sa kanyang sinabi. Parang malaki ang paghihirap na dinaraanan niya noong bata pa siya. "Hindi...ka naman...natatakot sa akin...hindi ba?"Tanong niya dahilan ako'y mabigla.

"Bakit naman? Tinulungan mo ako maligtas ang aking buhay sa kabila ng mga nangyari kahit na...ikaw ang nagdala sa akin dito."Pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi akma ang aking ginagawa kaya nakapansin siya na hindi ako komportable sa aming pinag-uusapan.

"Di bale na, huwag mo nang aalahanin ang aking mga salita."Saad niya at pumunta patungo sa loob. Ako'y naiwan dito mag-isa sa labas habang iniinom ang kapeng ginawa niya.

"Hindi ka naman natatakot sa akin, hindi ba?"

Paulit-ulit na mga salitang gumugulo sa aking isipan. Hindi ako mapakali kung ano ang tinutukoy niya. Maaring isa rin siyang isinumpa sa mundong ito. Hindi pa ako nakakasiguro dahil hindi naman kami malapit sa isa't-isa. Susulitin ko rin ang aking nalalabing na mga araw na malaman ang kanyang kasarinlan at mapalapit rin ang loob namin sa isa't-isa bilang magkaibigan.

Chương tiếp theo