webnovel

Ang Ibang Mundo

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kung anong mangyayari sa buhay ko at ano ring nangyayari sa buhay ng ibang kandidato. Wala sa katinuan ang aking isip, nagmumukha na akong baliw.

Ako'y nag-ayos na sa aking sarili at pumunta sa hapagkainan. Wala pa si Asher kaya dali-dali akong kumain para maiwasan ko ang pressensiya niya. Nang matapos akong kumain pumunta ako sa hardin. Nagdidilig ako sa mga bulak na dinidiligan noon ni Madam Miranda. Nakita ko si Manang Zelda. Ako'y lumapit nito.

"Manang Zelda!"Tawag ko sa kanya. Pumuntq naman ito kaagad sa akin. "Bakit ho?"Pagtatanong niya. "Ngayon ko lang nakita itong uri ng bulak. Ano ho ito?"Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Higanbana po tawag niyan, isang uri ng bulaklak na sumisimbolo ng huling paalam."Pagkukuwento niya."Ang sabi rin nila ay nagbibigay ito ng gabay sa mga taong patay na sa mundo. At ang sabi rin ng alamat ng bulak nito ay ang taong ito'y muling mabubuhay."Paliwanag niya.

Marami akong nakita na higanbana ngunit may nakita akong bulaklak na mas kaakit-akit pa nito.

"Ang gandang bulaklak!"Sigaw ko at itinuro ito."Ano naman ho ang pangalan nito?"Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Camellia."Maikling saad niya."Simbolo rin yan ng kamatayan o pagmamahal. Ngunit, hindi sila magandang regalo kapag may sakit o nasugatan."Sabi niya.

"Bakit naman ho?"Nagtataka kong tanong. Ang ganda naman ng bulaklak nito. "Dahil sa paaraan nilang ipugot ang kanilang ulo kapag namamatay ito." Paliwanag niya. Ako naman ay natawa.

"Ano naman hong meron sa pugutin ng ulo kung ipuputol rin naman ito?"Natatawang sabi ko sa kanya.Ang kanyang mukha naman ay nagulat sa aking sinasabi at dahil na rin tinatawanan ko lamang ito. Ako'y huminto sa pagtawa at umubo.

"Patawad sa aking inasal."Saad ko sa kanya. Siya'y yumuko at nagsimulang lumakad papaalis ng hardin. Ako na naman mag-isa sa hardin. Nakaramdam ako ng lungkot at pangungulila sa mga kaibigan ko.

Nasaan kaya sila?

Ako'y lumakad patungo sa loob ng palasyo. Nakita kong nakadamit ng pangaso si Asher kasama ang ibang kawal.

"Saan kayo pumunta?"Osyosa kong tanong sa kanila. May dala-dala itong usa. "Galing kami sa gubat, nakita naming may nawawalang usa kaya dinala namin ito."Saad nito.

"Hindi naman yan nagpapalit ng anyo diba?"Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang natawa sa aking sinabi. "Lulutoin ito para sa ating hapunan. Kung papalit man ito ng anyo ay mauuwi naman siyang patay."Saad niya at tumingin sa usa. "Kaya huwag kang magpapalit ng anyo para may kabutihan kapang magagawa. Wala ring saysay kung papalit ka ng anyo dahil kamatayan pa rin ang kabsagkan mo."Saad niya habang nakatangin at nakahawak sa usa. Para siyang bata. Agad naman akong natawa sa kanyang sinabi sa usa.

"Anong nakakatawa?"Nagtatakang tanong niya. "Wala, baliw lang."Saad ko sa kanya. Ang kanyang mukha ay nanatiling kalmado lamang ngunit parang may hinahanap na kasiyahan na di niya mahanap. Sumabay ako sa paglakad niya.

"Pagod ka siguro."Saad ko sa kanya habang tinitignan ang kanyang kamay na puno ng sugat at ang kanyang likod na puno ng pawis."Oo, may mga mababangis kasing hayop sa gubat."Saad niya habang tinitignan ako.

"Gusto mo hilotin kita?"Agad ko namang tanong sa kanya dahilan sa kanyang pagkabigla."AAAAA-Wala naman akong masamang gagawin."Paliwanag ko sa kanya, agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin. "Gagamutin ko rin ang sugat mo kung pwede sa iyong sa loobin?"Tanong ko sa kanya at huminto sa aming paglalakad.

"Siguraduhin mong wala kang magagawa na kabaliwan. Nahihibang ka kasi palagi."Sabi niya sa akin dahilan ako'y nakasimangot. "Grabe ka naman manlait. Wala nga akong gagawin."Saad ko sa kanya at itinaas ang kanang kamay ko."Pangako."Maikling saad ko habang nakangiti.

Nagsimula na kaming lumakad ngunit natumba si Asher sa kanyang kinatatayuan. Agad naman akong tumungo sa kanya at ang ibang kawal at kasambahay. Aking hinawakan ang kanyang noo, mainit ito. Agad naman namin siyang inihatid sa kanyang silid.

Tinulungan ko ang mga kasambahay sa pagluto ng sopas at agad na inihatid ito sa kanyang silid. Nagpadala rin ako ng planggana na puno ng tubig na katamtaman lang ang init. Nang makarating ako sa kanyang silid ay nakaupo na ito malapit sa kanyang bintana.

"Anong nangyari?"Tanong nito habang nakatingin sa labas.

"Nawalan ka ng malay."Saad ko sa kanya. Nagsimula naman siyang umubo, ngunit may kasama itong dugo. Ako'y tumawag agad ng mga kasambahay.

"Kailan ka pa umuubo ng dugo?"Agad na tanong ko sa kanya. "Nagsimula ito sa pagdiriwang."Saad niya, ang kanyang mukha ay puno ng lungkot.

"Nagpadala na ako ng sulat kay Heros."Saad ko naman sa kanya. Ang mukha niya ay tulala pa rin. "Akala ko ba impyerno ito at walang labasan, ngunit asan sila napunta? Maari bang may ibang mundo pa sa aming mundo?"Agad kong tanong sa kanya.

"Ibang mundo ito."Saad niya."Ngunit hindi ito kagaya ng mundo niyo. Mundo ito ng mga missionaryo, mga hindi kagaya sa inyo, ng mga demonyo at anghel at iba pang halimaw."Paliwanag niya.

"Sinong namumuno sa mundong ito? Si Hudas?"Agad ko namang tanong sa kanya dahilan mapatingin siya sa akin. "Dalawa ang namumuno nito. Ang kabutihan at ang kasamaan. Sila rin ang bumabalanse ng mundo niyo."Paliwanag niya sa akin.

"Ngunit anong kinalaman ni Hudas?"Agad kong tanong sa kanya.

"Siya'y namumuno ng kasamaan."Saad niya at napatingin sa dingding."Ngunit hindi naman talaga siya gaanong masama. Namumuno lang siya para mabalanse ang mundo. Isang parusa na binibitbit niya dahil sa maling ginawa niya noon. Pinilit niyang baguhin ang kanyang ugali ngunit ganoon pa rin iyon."Pagkukuwento niya at ito'y tumingin sa bintana. "Siya'y humahanap ng paraan para mawala ang kanyang parusa. Gusto niyang makaramadam ng kahit konting kasiyahan man lang sa kanyang buhay, dahil palagi siyang malungkot at nag-iisa."Malungkot na saad niya.

"Kilala mo ba si Hudas?"Agad kong tanong sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at yumuko agad. "Sana nga hindi ko siya nakilala."Agad na saad niya. Wala akong nakikitang luha na bumabagsak sa kanyang mukha, malungkot lang ito.

"Sino si Hudas?"Tanong ko sa kanya. Wala siyang imik,nanatili itong tulala. Ako'y pumunta sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay."Sino si Hudas?"Tanong ko ulit sa kanya.

"Bakit? Ano bang kailangan mo sa kanya? Nananahimik na siya ngunit palagi niyo siyang inaabala!"Sigaw niya sa akin. Ako'y umatras naman sa kanya dahil malapit kami sa isa't-isa.

"Ako ang alay."Saad ko sa kanya."Di ko alam kung anong dedesisyonin ko. Buhay ko o buhay ng iba. Ngunit bumabagabag rin sa aking isipan na maari kong sagipin ang aking sarili kasama sila."Saad ko sa kanya at tumayo. "Ang sabi mo hindi masama si Hudas, kaya sana rin ay matutulongan niya akong sagipin ang mga kaibigan ko. Masama ang kutob kong may ginawa si Binibining Aphro sa kanila."Paliwanag ko sa kanya.

"Hindi ko maipapangako sa iyo na matutulungan kita na humingi ng tulong kay Hudas. May mas kapangyarihan pa sa kanya, sinusunod niya lamang ang mga utos nito." Saad niya. Wala akong imik, inilagay ko sa lamesa ang sopas na bitbit ko at inilapit sa kanya.

"Kumain ka na at magpalakas. Makalipas ang ilang oras ay darating na ang doktor."Saad ko sa kanya. Nagsimula naman siyang kumain. Aking iniligpit ang kalat sa kanyang kwarto.

"Kung may kailangan ka ay pwede mo akong puntahan. Sana ay makatulong rin ako sa iyo, lalong-lalo na may masama kang sa loobin sa kin."Saad ko sa kanya, siya'y tumango sa aking sinabi.

"Paalam, pupunta na ako sa aking kwarto baka bukas ay bibisitahin kita." Saad ko sa kanya, nanatili pa rin siyang kumakain sa sopas. Tila wala ang aking presensiya sa kanya.

Ako'y pumunta agad sa aking kwarto. Naririnig ko pa rin ang mga salitang sinasabi niya sa akin kanina.

"Hindi ko maipapangako sa iyo na matutulungan kita na humingi ng tulong kay Hudas. May mas kapangyarihan pa sa kanya, sinusunod niya lamang ang mga utos nito."

May isang buwan pa ako mag-isip sa aking desisyon. Dapat gumawa na ako ng planong sagipin ang mga kaibigan ko at plano ring lumisan sa mundong ito.

Chương tiếp theo