webnovel

Chapter 34: Father’s Sympathy

HIS phone rang. He quickly grabbed it and saw it was Brielle's call. He cleared the lump in his throat before he spoke.

"Brielle!"

"Carl, how are you? I hope you're okay now?" Brielle said.

"Yeah. I'm good, but I am so worried about Denise," seryosong tugon ni Carl.

"Huwag kang mag-alala kumilos na ang mga tauhan ko, matatagpuan din natin ang kapatid ko," anito.

"May ideya kana ba kung sino ang tumangay sa kanya?" balik-tanong ni Carl.

"May pinaghinalaan na ako pero kailangan muna nating masiguro kung tama nga ba ang assumption ko dahil di nga natin nakita ang anyo talaga ng taong tumangay kay Denise. Kahit may CCTV video hindi ganon kalinaw ang capture at yung naiwan nga na human skin mask hindi sapat na evidence iyon para makapagturo sa identity ng taong iyon," anito.

"Can you give me the name of that person? Baka sakaling makatulong ako sa paghahanap sa kanya," aniya.

"I have this strong thought that the man behind my sister's abduction was Simon's little brother. His name was Reymond Yun, a Doctor by profession,"

"Paano ka nagkaroon ng hinala na siya ang taong kumidnap kay, Denise?" He asked.

"Simple, the great enemy of my family was Simon's family. Simula pa ang alitan ng pamilya namin noong pinatay ng Uncle nina Simon ang grandparents ko. Saka wala rin akong matandaan na may nakagalit kaming mag-ama sa business world. Tanging ang pamilya lang ni Simon ang may tanim na galit laban sa amin,"

"Nakakulong na si Simon at ang Uncle niya diba? Paanong pati ang kapatid niya nakisawsaw din? Saka bakit di naman nababanggit noon na may kapatid pala si Simon?" nagtatakang tanong niya.

"Simple lang, ang kapatid ni Simon ay namuhay ng tahimik at hindi nakikisabay sa ginagawa niya noon. Nagpaimbestiga ako at nalaman ko nga Doctor iyon. Siya rin ang tumulong noon kay Ivana pero sabi ng asawa ko mabait daw iyon pero hindi ako kumbinsido at malakas ang kutob ko siya ang taong tumangay nga sa kapatid ko. Isa lang ang motibo niya, maghiganti laban sa amin. Wala ring mahanap na data tungkol sa kanya sa Europe. Kung mali ang hinala ko bakit wala siyang record at bakit wala rin siya sa South Africa gayong sabi ng magulang niya nandoon ito for some medical mission. Besides, Simon had created a Medical Laboratory way back two years ago, and according to the report I got, Reymond was the one who runs that Lab, but the moment Simon's downfall, his brother gone too. It was not a coincidence but clear evidence that his brother wanted to take revenge,"

Napasinghap siya ng marinig ang rebelasyon ni Brielle. "Paano natin matutunton ang kinaroroonan niya? Brielle nag-aalala ako para sa nobya ko," malungkot niyang tugon.

"Hahanapin natin sila. Huwag kang mag-alala nandito lang ako para tulungan ka, after all, we are family now even you haven't marry my sister. Di na muna ako pupunta dyan sa Villa namin kasi alam mo naman si Mommy, masyadong emosyonal at naririndi ako kapag naririnig ko na ang litanya niya. Hindi ako nakakapag-isip ng mabuti kapag naririnig ko ang bibig ng Mom ko. Tayo lang din muna ang dapat na nakakaalam nito dahil wala pa akong sapat na ideya kung saan dinala ng taong iyon ang kapatid ko," anito.

"Okay, naiintindihan ko. Inform me, every now and then when you get a more detailed report from your men. Makakaasa ka, tikom muna ang bibig ko," Carl said.

"Okay, that's good. And I'm sorry that you got into this kind of a mess. You shouldn't experience this kind of turmoil, but this had happened already, out of our control,"

"Pamilya na tayo, sabi mo nga kaya nauunawaan ko. Sana lang ligtas si Denise sa mga kamay ng kapatid ni Simon,"

"Palagay ko naman hindi noon gagawan ng masama ang kapatid ko. At tiyak akong sa akin at kay Dad galit iyon, ginamit lang niya si Denise dahil mahina ang kapatid ko. Masyado lang din kaming naging kampante mag-ama dahil akala namin tahimik na ang lahat matapos makulong ni Simon,"

He heaved a deep sigh and said, "Don't worry, I understand. I will wait for your update. Bye for now!"

"You take care of yourself, buddy!"

The call ended, and Carl went down immediately. Nadatnan niya sa dining room ang pamilya niya. Lumingon si Brent sa kanya at buong simpatya siya nitong tinitigan.

"Carl, come here! Kanina ka pa namin hinihintay, tapos na kaming mag-agahan lahat pero di na muna kami umalis dito para samahan ka," Brent said.

Lumapit siya sa dining table at naghila ng upuan sa kabisera nito. "Thank you, Uncle Brent. Sorry, I woke up late!"

"It's okay, Carl. We know what you've been through. Kahit kami di rin nakatulog ng maayos," Brent replied.

"Anak kumain ka muna! Mamaya doon tayo sa living room mag-uusap lahat," untag ng Mommy niya.

Carl nodded, and he silently filled his stomach with the food. An hour later, they all settled in the living room. Tahimik pa rin si Shantal at namamaga ang mga mata nito, halatang umiiyak ito halos magdamag.

"Carl, napag-usapan namin ng Daddy mo kanina habang wala ka pa na tingnan ang lahat ng record ng mga dumalong bisita sa engagement party ninyo dahil kutob namin isa sa mga iyon ang gumawa nito," Brent said.

"Uncle, Dad, I think we should talk in private. Kapag kasi nandito sina Mommy at Tita Shantal lalong sasama ang loob nila," aniya.

Nagkatinginan sina Shantal at Aya ngunit naunang nakabawi ang Mommy niya.

"Shantal, I think we need to leave them. Makabubuting magpahinga muna tayong pareho," Aya said.

"Okay, I will respect Carl's opinion. Aakyat na muna tayong dalawa sa itaas at nang makapag-usap sila ng maayos,"

Nauna na itong tumayo at walang lingon na diretsong pumanhik ng hagdan. Brent's gaze throws an apology look towards Aya.

"It's okay Brent. Naiintindihan ko ang inasal ng asawa mo. Mahirap sa isang ina na tanggapin ang ganitong pangyayari. I will comfort her, she needed it,"

"Thank you, Aya," mabilis na tugon ni Brent.

"Honey, susundan ko lang si Shantal. Maiwan ko muna kayo rito," paalam ni Aya kay Erick.

"Go ahead, hon,"

Nang makaalis na ang dalawang babae, naunang nagbukas ng usapan si Carl.

"Uncle, Dad, bago ako bumaba kanina tumawag si Brielle. Hindi na muna raw siya pupunta rito dahil ayaw niyang makita ang Mommy niya na malungkot. Nabanggit niya rin na may hinala na siya kung sino ang tumangay kay Denise. Sabi niya maaaring ang kapatid ni Simon Yun ang taong iyon,"

"Simon Yun's brother? Does that man had a sibling?" sabay na tanong ni Erick at Brent.

Carl nodded and said, "Sabi ni Brielle may kapatid raw si, Simon. Reymond ang pangalan at Doctor din daw iyon,"

"Bakit di ko naman narinig o nakita sa publiko ang sinasabing kapatid ni Simon," Brent asked.

"Sabi ni Brielle di raw talaga nakikialam iyon dati sa mga ginagawa ni Simon at tumulong pa iyon noon kay Ivana,"

"Kilala ni Ivana ang kapatid ni Simon? Paano?" Brent asked again.

"Dati niligtas daw non si Ivana. Di ko alam ang eksaktong kwento dahil pahapyaw lang sinabi ni Brielle. Mas makabubuti sigurong hintayin muna natin ang makukuhang report ng mga tao ni Brielle. Kumilos na rin naman siya," aniya.

"Mukhang mas kilala nga ni Brielle ang angkan ni Simon, buddy," tugon ni Erick para kay Brent.

"Yeah, I guess my son knows a lot more than us. Sana naman pumunta siya rito at nakipag tulungan sa atin," Brent said.

"Hayaan nalang muna natin si Brielle sa diskarte niya buddy. May dahilan din marahil ang anak mo, umiiwas lang iyon na makita ang Mommy niya na malungkot. Alam mo naman din si Shantal, sa halip na makapag-isip tayong lahat ng mabuti mas lalo tayong naririndi sa bibig niya," bakas ang bahagyang ngiti sa labi ni Erick ng sinabi iyon.

"Pasensya na kayo sa asawa ko, alam niyo naman overprotective lagi iyon sa dalawang anak namin. So, ang gagawin lang natin ngayon hintayin ang pagpunta ni Brielle dito?"

"Opo, Uncle! Huwag po kayong mag-aalala sinabihan ko naman siya na balitaan tayo agad-agad kapag may progreso na ang paghahanap nila,"

"Hindi ako sanay sa ganito na naghihintay pero wala rin tayong magagawa ngayon. We didn't have a clue nor lead about the identity of that person who took my daughter,"

"Carl, I know it's hard for you to stay calm, but always remember we are here for you. Rest assured, no news will come out about this incident. Right, Brent?" lumingon si Erick sa gawi ni Brent.

"Oo, ang PR TEAM na ng kumpanya ko ang bahalang magmonitor sa mga lalabas na news tungkol sa nangyari kagabi. Makakaasa tayong walang lalabas na balita tungkol doon. Ito lang ang maitutulong ko sa ngayon dahil wala rin sa hinagap ko na mangyayari ito,"

"Okay lang Uncle, malaking bagay na po para sa akin ang ginawa ninyo para makaiwas sa eskandalo ang pamilya natin," tugon ni Carl.

"Salamat Carl at naunawaan mo lahat ng ito. Sige lang, malalampasan natin ito at mababawi natin si Denise," tugon ni Brent.

"Walang anuman po, Uncle! Saka pamilya na rin po tayo, kung anuman ang pinagdadaanan nating lahat naniniwala akong lilipas din ito,"

***

HOU Villa past eight in the morning...

Samantha was ready to leave when she heard his son's voice. Pababa na ito ng hagdan at kasunod ang yaya nito.

"Mommy, aalis kana?" Nate asked.

Lumingon siya sa gawi ng anak at ngumiti, "Oo, pasado alas-otso na ng umaga, papasok na si Mommy sa opisina,"

"Saglit lang may sasabihin ako," Nate again.

Nagtaka man, hinintay niyang makalapit si Nate. Umupo siya saglit sa sofa. Nate threw himself into her mother's arms.

"Mommy, nakita ko kagabi si Uncle Reymond sa CR ng Hotel. Diba nagpaalam ako sayo kagabi na mag-CR, paglabas ko po ng cubicle nakita ko si Uncle,"

Napaawang ang labi ni Samantha at nanlalaki ang mata niya habang tinitigan ang anak. "Nakita mo ang Uncle Reymond mo doon sa venue kagabi?"

Nate nodded and said, "I told him you are looking for him. Kaya lang nagmamadali po siya, saka ang suot niya na damit uniform ng staff sa hotel. Doon siguro siya nag-wo-work at nahiya lang sa atin," walang gatol na tugon ni Nate.

Chương tiếp theo