webnovel

MANILA HAS FALLEN

Tác giả: chikaquinn
Kinh dị ma quái
Đang thực hiện · 13.8K Lượt xem
  • 3 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • N/A
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

As the covid19 cases increases, the Philippine President issued a total lockdown in Metro Manila. With a series of catastrophic weird events one after another, Nikko was curious on what's happening. Is it really the COVID19? Or was it something else?

Thẻ
2 thẻ
Chapter 1PROLOGUE

Sunday, March 15,2020

"Hoy napanood mo na ba to?! Ila-lockdown na raw ang buong Metro Manila dahil ng Covid19."

Nakaharap ako sa tv habang nanonood ng balita. Sunday naman kaya walang pasok ngayon. Nilakasan ko pa ang volume ng tv para marinig ng ate ko mula sa banyo na halos isang oras nang naliligo.

Kasalukuyan kaming nasa Espanya, Manila dahil doon kami nag-aaral at nakatira kami sa condominuim kaya naman rinig na rinig ang tv dahil maliit lang ang kwarto.

"Ha? Oo, nabasa ko na rin yan pero sabi ni Papa dito na lang daw muna tayo dahil baka ma-stranded lang tayo sa may pier kung uuwi tayo. Papadalhan niya na lang daw tayo ng allowance 'pag wala na tayong pera," sabi ni ate habang nag-eecho yung boses niya sa loob ng banyo.

Ding!

Biglang tumunog ang cellphone ko dahil may nagchat sa messenger. Si Ria, ang kaklase kong matagal ko nang gusto na nag-aaya na naman maglaro ng mobile legends. Halos ilang araw na rin akong puyat dahil sa kabubuhat sa kanya. Well, crush ko naman tapos nakakalaro ko so why not diba?

[Non-verbatim]. "Uy ano na? Tara laro ng ML. Buhatin mo ako hanggang mythic sige naaaa," paawang sabi ni Ria na may tadtad pa ng emoji na puppy eyes. "Libre kita ng Milktea pagtapos," dagdag pa niya.

[Non-verbatim]. "Sige na nga. Basta libre mo ako ng milktea pagtapos ah? Kita tayo sa baba ng condo namin after. Open lang ako sa ML," ang sabi ko habang mangilig-ngilig pa sa pagta-type sa messenger.

Malapit na kaming manalo sa paglalaro naming ng ML ni Ria, kaso shit happens. Bigla na lang nagreconnecting yung cellphone ko dahil nawalan ng signal. Lagi na lang sa tuwing mananalo na kami. Ayun bawas star na naman.

"HOY P*TA NAMAN. BAKIT NGAYON PA? PATAPOS NA YUNG GAME OH!", mainis-inis kong sabi habang hinahampas ko yung modem.

"PLDT to PLDC realquick", patawa-tawang sabi ni Ate pagkatapos niyang lumabas sa cr makalipas ang isang oras.

Sinubukan kong magswitch sa data connection pero wala pa ring reception. Globe, Smart, TM, you name it, kahit ano walang signal. Chineck ko rin signal ng TV kaso wala pa rin tapos PLDT biglang nag-offiline.

"Ate ba't walang signal lahat? Wifi or data connection wala e. Nawalan din ng signal ang tv," tanong ko sa ate ko habang nakakunot ang noo dahil sa ML.

"Aba malay ko. Tiningnan ko na rin phone ko kaso walang signal e. Baka ngayon lang yan," sabi niya habang pinupunasan ang kaniyang basang-basa na buhok.

"Bababa muna ako. Magkikita kami ni Ria sa Tea-pyical Milktea sa baba. Ano gusto mo?," tanong ko sa kaniya habang nagpapabango, baka sakaling maamoy ni Ria na mabango ako tapos mahulog sakin.

"Wala. Sige bumaba ka na."

Habang naglalakad ako sa may lobby, naririnig ko yung usapan ng mga tao. Hindi ako chismoso pero sadyang malakas lang yung boses nila habang nag-uusap. Sakto malapit lang ako sa kanila.

"Uy nabalitaan mo ba? Halos puno ng sundalo yung buong border ng Metro Manila. Wala silang pinapalabas at pinapapasok," sabi nung isa.

Hindi ko na sila pinansin kasi para namang nonsense lang yung pinag-uusapan nila. Nagmadali na lang akong pumunta sa milkteahan sa tabi. Malayo pa lang ako, tanaw na tanaw ko na ang kagandahan ni Ria, short-haired na may clip na bulaklak, maputi, mabango, basta lahat ng maiisip mo na maganda siguro nasa kanya na.

"Uy. Libre mo ah sabi mo," bungad ko agad at paasar kong sabi sa kaniya.

"Sige na nga kahit nagdisconnect naman tayo lahat," na may halong pagkadismaya.

Pagkatapos bumili, syempre tumambay muna kami sa loob. Alam ko Gawain din ito ng nakararami. Kahit ubos na nandoon pa rin sa loob. Nagkwentuhan kami at nagtawanan ng ilang oras. Kitang-kita mo yung saya sa mga labi niya.

Badum. Badum.

Kumakabog na naman ng sobra ang dibdib ko. May nag-udyok sa akin na umamin na ako. Bigla kong narinig yung sabi ng best friend ko na si Juno.

"Kung hindi ka aamin, baka maunahan ka pa ng iba. Wag kang torpe, kung ayaw niya sayo, edi ayaw niya. Suportahan mo na lang sa gusto niya. Malay mo one day, she'll see you the way you want her to diba?", mga katagang bigla ko na lang naalala mula kay Juno.

I clenched my fist. Kahit kabadong-kabado, nilakasan ko yung loob ko. Mukhang ito na nga yung chance para umamin ako.

"Ria, uhm ano kasi. Matagal ko nang gusto sabihin to," nanginginig kong sabi.

"Ria, ma-."

BOOOOOOOOOOM!

Hindi ko na naituloy ang aking gustong sabihin matapos marinig ang malakas na pagsabog sa kabilang kanto. Tumunog din ang sirena ng buong lungsod na siyang nagdulot ng malaking panic sa mga tao.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla na lang akong napatingin kay Ria na halos tulala sa sobrang takot. Dali-dali kong hinawakan ang kamay niya at nagtatakbo papunta sa loob ng condo.

"Ria, sa amin ka muna. Mukhang delikado sa labas ngayon," habang dali-daling pumupunta sa condo.

Sobrang lamig ng mga kamay niya at ramdam ko ang kaniyang panginginig sa sobrang takot at tumango na lamang siya sa akin.

First, yung lockdown ng Metro Manila. Then nawalan ng reception pati internet. Tapos ngayon pagsabog at sirena? Ano ba talagang nangyayari? Something's not right.

Bạn cũng có thể thích
Mục lục
Âm lượng 1 :Manila on Lockdown