webnovel

EPILOGUE

DUMAAN ang napakaraming taon sa mundo ng mga tao.

Muli naging matiwasay ang naging pamumuhay nga mga tao.

Sa pagdaan ng panahon unti-unting nanumbalik ang kapayapaan.

Halos walang naging palantandaan sa nangyari noon, kung saan kamuntik ng masakop ang mundo ng mga Bampira, Lobo at Zombie.

Halos natunghayan iyon lahat ng mga pares ng mata nito, kung saan mula pa lamang sa unang panahon hanggang sa pagbawi nga ng lahat niya sa buhay ng tatlong bampirang itinalaga ng Ama ng lahat sa napakahalagang layunin.

Mabilis na hinayon niya ang pansin sa papalapit na yabag. Isang ngiti ang ipinaskil niya pagkakita niya rito.

"Mother Herriena, nasa labas na po pala ang mga donation box. Maaari na natin umpisahan ang pagbibigay isa-isa sa mga bata ng mga magagamit nilang school supplies."masayang pamamalita nito.

"Okay sige sandali lamang at may nais lamang akong kausapin, mauna ka na muna sa labas Oleene."sagot ni Eleezhia sa batang si Oleene.

Agad naman itong napatango, sinundan muna nito ang bata palabas ng silid na kanyang kinaroroonan bago siya muling pumihit paharap.

Kung saan nakadikit sa pader ang replica na krus. Isang dasal muna ang inihandog niya para sa Ama ng lahat.

Sa pamamagitan niyon ay ipinaparating niya roon ang taos-puso niyang pagmamahal dito.

Matapos ang ilang sandaling pagpupugay ay minabuti na niyang sundan mula sa labas si Oleene, ngunit bago pa siya makahakbang ay napatitig muna siya sa painting na kamakailan lang ay ibinigay sa kanya ni Oleene.

Noong una'y pagkagulat at pagtataka ang namayani sa kanya pero naglaon ay nahalinhinan na ng nakakabinging kasiyahan ang damdamin niya na halos gusto ng sumabog ang puso niya.

Kahit na ang totoo nanatiling nagluluksa at nangungulila ang puso niya sa tatlong bampirang naitakdang maghugas ng kasalanan ng lahi ng Bampira noong nakaraang buhay niya.

Lalo na kay Zain, ang bampira na minahal niya.

Labis siyang nasaktan dahil siya ang inilaan ng Ama ng lahat upang kitlin nga nito ang buhay ng tatlong bampira.

Matapos nga niyang maisagawa ang pagkuha sa puso ni Halls ay ang pinakahirap na parte.

Kung saan, sa mismong mga kamay niya mismo nakasalalay ang pagkitil sa buhay ng lalaking mahal na mahal niya.

Naalala pa niya ang mapayapang mukha nito, ang napakabaritono nitong tinig ang ngiti nito na kahit hirap na sa paghinga dahil sa tuluyan na niyang naihiwalay ang puso nito sa katawan ng binata.

Katulad nina Oreo at Halls ay hindi na siya nahirapan makuha ang puso nito.

Pero iyon ang inaakala niya.

Dahil sa pagdaan ng sandali, sa paglipas ng panahon at sa pagpapalit ng mundo sa makabagong sibol na daigdig ng mortal ay siyang hirap naman sa kanya na makalimot.

Araw-araw pa rin niyang naalala ang mga huling tagpong iyon. Ang mga salitang umukit sa balintataw niya na nanulas sa bibig ng binatang si Zain.

"Huwag kang magalit sa sarili mo Eleezhia, 'wag mong iisipin na kasalanan mo. Na galit kami sa iyo, dahil hindi 'yan totoo. Sapagkat katulad mo, katulad ng mga mortal nagmamahal ang lahat. Kabalikat niyon ang pagpapatawad at pagtanggap sa magiging kapalaran ng bawat nilalang sa mundo. Mahal kong Dyosa, lubos pa rin akong magpapasalamat kay Ama. Dahil kahit sa maikling panahon may isang katulad mo na nagbigay liwanag sa mga katulad namin..."

Isang pagkurap ang ginawa ni Eleezhia, nanatili siyang nakatunghay sa rebultong replica ng ama ng lahat. Mula sa ilalam niyon nakabaon ang tatlong puso ng magkakapatid na bampira.

Patuloy na titibok at magpapaalala sa mga iba't bang elemento sa mundo na pantay ang lahat. Sa pamamagitan niyon nanatili ang dimensyon sa mundo ng mga mortal at ibang nilalang sa mundo.

Na masakop man muli ng kadiliman ang mundo ay mas iiral pa rin ang kapayapaan at kabutihan ng lahat sa bawat puso ng nilalang sa mundo.

Sa pakikiisa sa layunin ng mga ito'y tuluyang isinuko ni Dyosa Herriena ang kanyang kapangyarihan sa Ama ng Lumikha.

Mas pinili niyang mamuhay sa piling ng mga mortal, patuloy niyang tutuparin ang pangako niya kay Zain.

Nawala man ang mga ito mananatili pa rin sa puso at isip niya ang lahat ng sakripisyo ng lahi nito para sa ikakaayos ng mundo ng mga mortal sa mga susunod pang panahon...

Wakas.