webnovel

Chapter 14: Bamby

Linggo akong naging matamlay. Kahit kulang nalang ay dito na sa bahay tumira sina Winly at Karen. Di pa rin naging sapat sakin ang lahat. Para bang may kulang na hindi ko mapangalanan.

"Hey gurl.. may sinabi na ba si pogi sa'yo?.." Dinunggol ako nitong si Winly. Nakaupo kaming tatlo sa sala. Nanonood ng tv. Maulan sa labas kaya mas pinili naming dito nalang sa apartment maglagi.

"Wala, bakit?.." t asked curiously. Walang binabanggit si Lance sakin na kahit ano. Busta kapag lagi sya dito, yakap nya lang ako, pinagluluto tapos magkukwentuhan ng balak namin sa future. Yun lang. Wala ng iba.

"Win, ano ba?.." Karen interrupt him sa kung anumang sasabihn nito. Nilingon ko si Karen na nakaupo sa medyo malayo. Malapit na sa pwesto ng tv. Nang magtagpo ang aming mga mata, napaupo ito ng maayos sabay ayos sa damit nyang maayos naman.

Para tuloy, may alam sila na di ko alam. Ano kaya yun?

"What is it, Win? You can tell whatever it is.." paniniguro ko dito. Tinalikop nito ang mga paang kumakampay kanina sa sahig saka ipinatong sa sofa. Niyakap nito ang mga tuhod sabay lagay ng baba sa kanyang tuhod. At duon na nya ako tinitigan na para bang may gusto syang ipaabot pero parang hindi nya alam kung paano. I saw sadness in his eyes while watching me.

Damn! I hate this feeling na parang may masamang nangyari sa kanya.

"Say it please! Pinapakaba nyo naman ako ng hindi maganda. I love him kaya wag naman kayo ganyan.."

"Joyce kasi.." Karen again. Tumayo sya't marahan na kinagat ang kuko sa kanyang hintuturo.

"Oh Karen! Wag ka ng maawa sakin because I'm used to feel any pain. Ako pa ba?.." I said while half smiling. Matagal nya akong tinitigan.

"What?. Winly?. Come on guys.."

"Baka kasi magalit sya samin eh.."

Natahimik ako. What did he say?. Baka magalit sya?. Bakit anong meron para gawin nya iyon? Anong rason nya para hindi sabihin sakin ang lahat gayong ako tong nagmamalasakit sa kanya?. Hindi kita magets minsan Lance.

"Ano bang rason para magalit sya sa inyo?. Telling the truth?. Diba mas maganda iyon para mapadali ang lahat. Hindi iyong pareho kaming nagpapanggap sa isang magandang kasinungalingan."

"It's not that girl.." Tumabi na sakin si Karen.

"Then what?.." medyo naiirita ko ng sambit. Gumalaw din si Winly sa kinauupuan nya't lumapit sa amin ni Karen. Umupo naman sya sa kaliwang tabi ko. Pinagigitnaan na nila ako.

"Ayaw kasi naming pangunahan sya. Gusto naming sya yung magsabi mismo sa'yo para magkausap kayong dalawa.." he explained.

"Nasaan sya kung ganun?. Call him. I want to talk to him, now ."

"Hindi namin alam kung nasaan sya girl. Hindi ba sya nagtext sa'yo?. Ang alam namin nasa bahay lang nila sya.."

"Ask Bamby, where did her brother go.." utos ko sa kanila na para bang ako ang kanilang amo. Mabagal silang tumango. Karen took her phone and dialed Bamby's number.

"Hello, Bam.." paunang bati nito sa kabilang linya. Segundo syang tahimik.

"Yes, kamusta?. hehe.." bati din ni Bamby sa kabilang linya. Ni loud speaker na nya ang phone para madinig din namin.

"Okay lang naman. Eto parang ikaw, maganda pa rin. Para namang di tayo nagkita kahapon, hahaha.."

"Hahahaha.. oh, e anong satin?.."

"Wala. Gusto ko lang marinig boses mo."

"Sus. Nambola na naman Si Kian kaya biruin mo nang magkapikunan kayo.. hahaha.."

"Ay grabe sya! Porket may Jaden na eh.. minamaliit ang walang jowa.. ay wala to.. masamang kaibigan to.."

"Bwahahhahaha! Ulol.."

"Busy ka ba ngayon?. Labas tayo?.." anito nang humarap na sya samin. Nakatalikod kasi ito kanina.

Isang thumbs up din ang natanggap nito mula kay Winly na napatayo pa.

"Medyo busy ako girl. May lakad kasi kami nila kuya ngayon eh.."

"As in kayong tatlo?. wow! Pwede sumama?.." halakhak ni Karen.

"Eh, hindi ko alam. Pero I'll ask them.."

"Girl naman. Joke lang.. Baka sungitan pa ako ni kuya Lance mo eh.."

"Hahaha.. buti alam mo.. hahaha.."

"Saan ba punta nyo?.." iyon na yung gusto ko pang tanungin nya na di ko masabi dahil nakaspeaker sya.

"Sasamahan si kuya Lance na ayusin papers nya sa school.."

"Bat kayong tatlo pa?. hahaha.."

"Syempre, supportive kami kuno... hahahaha.."

"Savage neto.. di mo love kuya mo?.."

"Oi wala akong sinabi na ganyan ha.. Wish ko nga pa eh, sana magkajowa na sya.. tapos yung kilala ko pa.."

Laglag panga ko. Base sa kanyang sinabi, pakiramdam ko, may alam na tuloy sya. Nilingon ako ni Win na halos sya na humawak sa phone ni Karen. Lumaki pa ang dalawa nitong mata.

"Eh, talaga?.."

"Hmmm.. para alam mo iyon, hindi na mahirap pakisamahan.. Haha.."

"E paano nga yung nagkatotoo na ngayon yung wish mo?.." patuloy na tanong ni Karen na pigil din ang labing dumaldal sa akin.

"E di maganda, pero sana kung totoo man, sana maisip na ni kuya na ipakilala kung sino man sya..para alam mo yun, atleast makilala ko sya in person bago kami lumipad patungong Australia.."

That news made me blow. Lilipad muli sila pabalik duon?. Iyon ba yung ayaw sabihin ng dalawang to?.

Isang malungkot na buntong hininga ang pinakawalan ko. Narinig nila iyon kaya bahagya ring nalungkot ang kanilang mga mukha.

"Oh oh.. babalik na kayo?. Kailan then exact flight nyo?.."

"We don't know pa. Bibili palang kami ng ticket after naming ayusin yung kay kuya Lance sa school nya.. maybe next week or next next week..basta this month na.."

"Ganun ba?. nakakalungkot naman.. matagal na naman tayong di magkikita girl.."

"Kaya nga eh. Gusto nyo, after ng lakad namin ay mag overnight kayo dito sa bahay?.."

"Wow!. that's sounds fun.." masayang sambit ni Karen na itinago ang sakit ng tignan ako. Yumuko ako at kunyaring inayos ang sofa set na hindi naman magulo.

"Call Winly.. and Joyce too if she's available.."

Nagulat ako ng banggitin nya maging ang pangalan ko.

"Talaga?.."

"Hmmm...baka kasi matagalan na kami duon. Alam mo na, college life.."

"I mean, si Joyce?.." ulit pa nitong si Karen. Naniniguro. Simula kasi nang nag-away kami ni Bamby ay parang nagkaroon na ng lamat ang aming pagkakaibigan. Hindi na katulad dati na talagang dikit kami sa isa't isa. Alam kong ginawa iyon ni Karen just to make sure na maayos nga ang lahat pagdating sa kanya at lalo na siguro sa akin.

"Ano ba girl?. oo nga. Call her okay?. Sabihin mong, iniimbita ko sya dito sa bahay. Let's sleep together."

"Sure girl.. no problem.. naeexcite tuloy ako.. I'll call her immediately.."

"So we're settle then?.."

"Oo.. kailan ba overnight?."

"Mamayang gabi na if you guys are not busy.."

"Okay okay.. tawagin ko na sila para iconfirm sa'yo.."

"Sige.. I need to hang up na. Paalis na kami.. see you.."

"Ingat kayo girl. See you.."

Sa haba ng usapan nila ay naging magaan kahit papaano ang isipan ko. Knowing that she is still willing to be with me despite of me being cold to her is really warm my heart. But the fact that her kuya Lance is there too, kinakabahan na ako.

"Girl, go ka ba?.." ani Winly sakin. Marahan syang tumalon pabalik sa tabi ko't inakbayan ako. Bumalik din maging si Karen sa dati nyang pwesto.

"Kung pupunta kayo, go ako.." sambit ko ng di na nag-isip pa. They didn't bother to answer me anymore. They both hug me and Karen give me a peck of kiss on my cheeks.

"All for you girl.. Basta kung saan ka sasaya, doon kami.."

"Thank you.." sinsero kong saad.

"But girl, what about the wish of Bamblebie?. Ano ng plano mo?.."

"I don't know yet. Pero kung sakali mang malaman na nya, bahala na. I'll go now with the flow. Pagod na akong kontrahin ang takbo ng buhay ko.."

Whatever life wants you to teach. Just go with the flow. Whatever it is.

Chương tiếp theo