webnovel

Chapter 18: Bukas

Paglabas namin ng maynila. Naginhawaan na ako. Malayo pa ang pupuntahan namin pero mabilis na lamang iyon dahil bibihira na ang traffic sa iba pang kalsada. Di ko na muling tinawagan si Ryle. Baka lalo nya lamang akong sumbatan sa mga bagay patungkol sa kapatid nya. Oo, di ko naman maikakaila na may kasalanan nga rin ako kay Joyce. Pero di ko talaga iyon sinadya. O mas lalong di ko ginusto. Mahirap na ngang itago ang sikreto. Mas lalong mahirap aminin ang nagawang pagkakamali nang pasikreto. Ngayon ko lang naranasan ang magipit nang ganito. Dahil siguro sa lihim kaya ganito. But I can't just blame the reason behind it. It's just me, who can't even stand the gap between us. Lumagpas ako sa pagitan na iyon kaya dumating ako sa punto na ganito. Na kailangang dumaan sa proseso nang pagpapakatotoo. I have to be true. I need to tell the truth para gumaan man lang ng kahit kaunti ang nararamdaman ko. Galit man sina papa at mama sakin, pati na rin si kuya. Masasabi ko pa ring naging magaan ang mabigat kong puso at isip. They gave me the support that I never thought. Kahit dismayado sila sakin. Nakuha pa rin nila akong suportahan. And I'm so thankful for that.

On the way. I called papa. Wala sa isip ko iyon kanina. Kung di pa nag-alarm yung cellphone ko. Di ko pa maiisip na tawagan sya.

Just like what I've expected. Tinanong nya kung kamusta ang lakad ko. Then I said na I'm on my way to the North. Tumaas ang boses nya sa pagkabigla. "What!?. Anong saysay ng plane anak?.." anya. Kinukuwestyon kung bakit ako nagmamaneho ngayon. Sinabi kong ayos lang. Kaya ko pa namang magmaneho. Humihinto naman kami pag kami'y gutom o kailangan dumaan ng comfort room. Kaya, kaya pa!

"Pa, it's okay.. I'm fine.." sagot ko. Taliwas sa totoong nagaganap.

"Are you really fine?. Wala ang Bamblebie to comfort you there.." natawa ako. Si Bamby talaga ang nagpapawala ng pagod ko minsan. Pag binully ko na sya. Nawawala na lahat ng bigat sa dibdib ko. Not this past few weeks. Dahil isa rin sya sa dahilan bat ako nahihirapan ng ganito. Iniiwas ko sya sa gulo, I guess. Sana nga. Naiiwas ko sya just like how I thought. Malay ko kasi kung she had an idea. I don't know.

"Pa, I'm just fine here.." tumawa ako ng pilit. Ayokong mag-alala sya, sila.

"Okay then.. I'll count on that.. Just call me if you need anything son. Drive safely.."

"Yes Papa.. Thank you.." nagbilin pa sya na maging kalmado ako't manalangin. I laughed at his remarks. Why would I need to pray?. And then! Pinasabugan nya ako ng mga paalala. Na I have to do it daw dahil walang kasiguraduhan ang pupuntahan ko. Either magugustuhan nang taong dadalawin ko ang makita ako or neither way round. Like damn! Dahil duon! Matinding panalangin nga ang ginawa ko. Bawat pagliko namin ng daan pababa sa probinsya. Nananalangin ako na sana, tanggapin nya pa rin ako. Gaya ng sabi ni Ryle. Ayokong umasa sa mga sabi sabi but damn it!! Di ko mapigilan! Doon ako kumakapit at syang nagbibigay ng lakas sa akin!

Bago nya binaba ang linya. "Wag matigas ang ulo Lance.. One week is one week.. understand?." paalala nya sakin. Isang linggo lang ang binigay nyang pamamalagi ko rito. At kahit di madali. Kailangan kong sundin iyon kundi lagot!

Kalaunan. Nagpatuloy lang kami ni Ryle sa pagbyahe hanggang sa inabutan na kami ng dapit hapon.

Napapabuntong hininga nalang ako sa pagod.

Sa pagitan ng malalim kong paghinga ay ang pagtunog ng aking cellphone. Mabuti nalang at full charged to ngayon. Hay!

"Yes?.." sagot ko nang di tinitignan kung sino ito.

"Stop over muna tayo.." yun lang at binaba na nya ang kanyang linya. Nakakagigil pero wala akong ibang magawa kundi ikuyom lamang ang magkabila kamao para ibsan ang mainit na pakiramdam. Huminto nga kami sa may gilid. May mga bus dito at iilang mga sasakyan. Nasa Isabela na raw kami. Nakita ko sa may Google maps na gamit ko Bumaba ako't nag-unat. Ang sakit ng katawan ko.

"Let's taste their pasit batil patong here.." salubong nya sakin. Kakalabas nya rin ng sasakyan nya.

Gusto kong magtanong. Itanong kung ano iyon pero itinikom ko nalang ang labi ko. Pagod ako at ayokong makarinig ng pambabara ngayon. Bahala na kung anong kakainin namin.

Nauna na syang pumasok at umupo. May lumapit agad sa kanya saka nya ito kinausap. Hula ko'y kinuha ang order nya.

Pagpasok ko sa loob. Naamoy ko na agad ang sibuyas na may halong suka, kalamansi at sili. Maraming kumakain. Karamihan nga lang ay puro lalaki. Pagtanaw ko sa kanilang plato. Napalunok na ako. Ang laman nang kanilang plato ay puno ng pansit na sa taas nito ay puno rin ng iba't ibang toppings. May mango sprouts. Onion leaves. Napritong karne ng baboy na binudburan pa ng giniling na karne. Di ko alam kung ano pa iyon. Atsaka may itlog sa gilid. May maliit pang mangkok na pinaghugupan nung lalaki. Tuloy, tumunog na ang tyan ko.

"Maupo ka.." alok nito sakin. Duon lang din ako napaupo. Nang magkaharap kami'y mabilis syang nag-iwas ng tingin sakin.

A long period of silence pass us by.

Sobrang awkward. Walang nangahas na magsalita sa amin. Parehong nag-iisip o alo lang ang nag-iisip.

Dumating ang order namin. Gaya ng nakita ko kanina. Puno ang aming plato. He thanked the server and then proceed without any word. So. I grabbed also my spoon and fork for me eat. Sinimulan ko nang kumain dahil kanina pa ako gutom.

Again. In a half minutes. Walang nagsalita hanggang matapos at bumalik na kami ng sasakyan. Bumili lang sya ng pansit na di luto saka na nagyayang tumuloy.

"Diretso muna tayo ng bahay.. bukas na tayo pumunta ng ospital.." he said while driving. He's so damn cold!

Inabot na kami ng gabi bago namin narating ang kalupaan ng probinsya nila.

Nakakapagod subalit may kung ano sakin ang di maramdaman iyon sapagkat excited na ako para bukas.

Sana maayos lang ang lahat, bukas.

Chương tiếp theo