"Pasok ka.." dinig kong boses ni kuya Ryle. Nasa kusina ako't nagliligpit ng pinagkainan. Kakatapos naming mananghalian. Ako, si Ali at mama. Kakarating lang ni kuya Ryle galing Batangas. May binisita sya ro'n. Di ko alam kung sino.
"Ate, gusto ko nang strawberries.." hinila hila ni Ali ang laylayan ng damit ko sa tabi ng sink. Pinupunasan ko na ang mga iyon at handa nang ibalik sa lagayan.
"Kakatapos mong kumain baby.." baka kasi maempatso. Pagalitan ako ni mama pag di sya nakahinga. Minsan na kasing nangyari iyon at ayoko nang ulitin pa. Di naman sa ayokong magkamali. Sadyang natuto na rin ako sa pagkakamaling wala akong ideyang mali na pala talaga simula pa.
"But I'm not yet full.. I want strawberries.." patuloy nitong hila sa dulo ng aking damit. Nakanguso na sya't nagmamakaawang pagbigyan ko ang hiling nya.
Lumuhod ako't pumantay sa paningin nya. "Okay.. ate will get your strawberries.. don't cry na ha.." napapalibutan na kasi ng luha ang paligid ng kanyang mata. Minadali ko iyong pinunasan saka inayos ang buhok nya't kinarga sya sa aking tagiliran. He's three years old turning four this coming October.
"Salamat hijo.." umalingawngaw ang tinig ni mama galing sala. May kausap sya. May binigay siguro o may sinabing magandang bagay para sa kanya. Iyon rin kasi ang gusto nya. Yung pinupuri sya.
Sino kayang bisita nila?. Si kuya kanina?. Tapos ngayon si mama?. Gustuhin ko mang isipin na sya nga iyon ay di pa rin ako naniniwala hanggat di ko nakikita sa dalawa kong mata.
"Ate, faster po.." Doon ko lamang natanto na tulala pala ako sa mismong harapan ng ref. Dala nge pag-iisip ay di ko na maaari kung ano nga bang ginagawa ko.
"What?.." taka ko pang tanong. Nakakahiya sa nakakabata kong kapatid.
Kumurap sya at tinuro ang lagayan ng mga prutas. "My strawberries please.." Sabi nya nang di na sa akin nakatingin. Sa isang topper ware na ang mata kung saan natatanaw nya ang nakakatakam na nyang pagkain.
Mabilis ko iyong kinuha tapos iniabot ko rin sa kanya pagkatapos. "Yehey! thank you po.." masigla na nyang sabi bago pinaulan ng halik ang aking pisngi. Sinong di matatawa sa kakyutan nya?. Naku!.
"Ehem.." isang tikhim ang nagpatalon sa akin matapos kong isarado ang pintuan ng ref. Kinabahan ako sa takot na baka multo.
"Yummy.." magiliw nang sambit ni Ali sa nginunguya nyang strawberry nang pumihit ako paharap sa mesa.
Doon umawang ang aking labi. Nakatayo sya sa hamba ng kusina. Nakahalukipkip at nakacross ang mga binti. Suot ang itim na shorts at plain white tee na umabot sa kanyang siko ang haba ng manggas nito. May suot itong silver necklace na hugis puso. Ang pilik mata nyang makapal noon ay lalo pa yatang umusbong. Ang tangos ng kanyang ilong ay may iilang butil nang pawis. Ang magulo nyang buhok ay ganun pa rin. Ganunpaman, bagay pa rin sa kanya ang ganuong ayos. Bad boy look! Bagay na nagustuhan ko sa kanya. Dumapo sa kanyang labi ang aking paningin. Awtomatikong nanlabo ang aking mata. Di ko alam bakit. Dala siguro ng kaba o excitement na sobra sobra. I want to run and hug him the way he stand right there but damn! I'm too weak to atleast make some movements. Nanginginig ako't di makapag-isip ng tama.
"Ate, I'm falling.." niyugyog ako ni Ali sa balikat saka kinawit ang maliliit nitong braso sa aking leeg.
Mahinang humalakhak ang taong kanina pa nakatayo sa di kalayuan.
Damn it! Bulong ko sa sarili. Paano ba naman kasi. Nakita nya kung paano akong matigilan? Tanaw palang iyon ha?. Paano nalang kung kaharap ko na sya mismo.
"Oh sorry, baby.." ayoko sanang banggitin ang bagay na ito dahil pakiramdam ko, naging double meaning na iyob pagdating sa taong nasa harapan ko. Inayos ko si Ali sa beywang ko at lihim na kinagat ang labi. Damn! Ano ba Joyce!?. Anong gagawin ko ngayon?.
"Joyce!.. oh!. Ali, bakit ka nagpabuhat sa ate?.." dumating si mama sa kusina at dumiretso sa gawi ko. Kukunin nya sana ang batang nakakawit pa rin sa leeg ko hanggang ngayon nang tumanggi ito. "No mama.. I miss hugging ate like this.." anya pa at niyakap nga ako ng mahigpit gaya ng sinabi nya. "Who's the gwapo man right there mama?. He's been staring to ate since he went in here.." natigilan ako sa kadaldalan nya.
What the heck! Yung tanong na di ko kayang sabihin ay sya na ang nagsabi. Teka. Bat pa ako nagmura?. Dapat magpasalamat pa ako dahil di ko na kailangan pang magsalita sa ngayon.
"Baby, he's ate Joyce's boyfriend.." ngisi sakin ni mama bago kinarga si Ali kahit umayaw pa ito sa kanya.
"What's his name po?.."
Tahimik pa rin ako. Walang masabi. Nawala bigla yung mga bagay na pinlano ko na bago pa sya makita nang harapan.
"It's kuya Lance pogi, baby.. let's go there na.."humakbang sya paalis. "Ma?.." pigil ko dito. Nilingon nya ako. "Welcome him anak. galing pa pala ng Australia.." wala na akong nagawa pa nang iwan na nila kami. Hanggang ngayon. Di pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko, kanina pa. Di ko magawang maihakbang ang mga paa dala nang malakas na kalabog ng aking puso. Pawisan na ang mga palad ko dala ng halo halong pakiramdam.
Unti unti syang gumalaw papunta sakin. Lalo akong nataranta. Iniisip kung, tatakbo ba ako o magtatago nalang?.
"Why are you staring at me like that.." umpisa nyang sabi nang eksaktong huminto ito sa kinatatayuan ko. "Did you missed me?.." umangat nang kaunti ang gilid ng kanyang labi. Lumunok ako. Iyon lang ang tangi kong nagawa. Blangko ang utak ko sa tuwing kaharap sya. "I wanna hug?. Can I?.." mahina nyang bulong ngunit malinaw ko itong narinig.
"I miss you, baby.." huli na nang maramdaman ko ang yakap nya. Ni hindi man lamang ako umangal o kumontra. Noon ko lang natanto na yumakap na rin pala ako pabalik sa kanya.