Kumurap ako para mawala ang panlalabo ng aking mata. Kailangan kong magpokus sa lecture namin dahil marami akong kailangang habulin.
Nanlalabo ang mata ko dahil kulang ako sa tulog. O sabihin nalang natin na umiyak ako kagabi kaya di ako nakatulog agad. After ko kasing basahin ang mga mensahe ni Lance ay di ko mapigilan ang humagulgol nalang. I miss him! I really do kahit na hindi ko pa rin maintindihan ang mga dahilan nya.
May parte sakin ang gusto syang tawagan. Sundin ang huling mensahe nya subalit pinangungunahan ako ng aking pride. Binubulong nito na sinaktan ako nung tao at kailangan ko na syang kalimutan.
Gustuhin ko mang kalimutan ang taong nanakit sakin ngunit di ko rin maikakaila na, mas malaki ang pagmamahal ko sa kanya. Natatabunan nito ang galit ko sa kanya sa tuwing naririnig nalang ang himig nya. Ganun kalakas ang impluwensya nya sa buong sistema ko.
"Hey..." nagulat ako. Biglang sumulpot si kuya Rozen sa likuran ko. Nakapamulsa. Kakalabas ko ng room. Kakatapos ng pang araw naming subject. Papunta na akong cafeteria para kumain.
"Kuya.." baling ko sa kanya. Huminto at hinintay syang makatayo sa harapan ko.
"Gutom ka na ba?.." dungaw nya sa mukha ko. Mabilis kong inatras ang mukha palayo sa kanya. Humalakhak sya.
"Ililibre mo ba ako?.." imbes umoo dapat ako ay iyon ang nasabi ko dahil namataan ko si Zeki na nakatayo sa di kalayuan. Tinatanaw ako kasama ni Carl.
Humakbang sya papalapit saka ako preskong inakbayan. "Mukhang gutom.ka na nga. Tara. Labas tayo.."
"May pasok pa ako after.."
"Balik din naman tayo agad.. With Ryle.. ayaw mo?.." ngiwi nya sakin.
Nag-isip ako. May isang oras pa naman ako. Kaya pwede nga. "Fine.. Balik agad okay?.." tinanguan nya ako gamit ang kanyang mga kilay.
"So, let's go.." binaba nya ang braso sa balikat ko saka inilahad iyon para ikawit doon ang aking braso. Bahagya pa syang nakayuko. Naaagaw tuloy nya ang atensyon ng iba. Lalo na ng mga kaklase kong babae. Na sa maiksing pagsulyap ko ay masama na ang tingin sakin.
Ano naman kayang mga problema nila?.
Ikinawit ko ang aking braso bago jya aoo inalalayan paalis ng aming building.
Hanggang sa parking lot ay ganun pa rin ang itsura nya. Nagpapacute. O sabihin ko nalang na nagpapapansin. Tsk!.
"Buti, napapayag mo?.."
"Of course! Ako pa.." yabang nya kay Kuya Ryle na nakasandal na sa sasakyan.
"Hey bruh.. how's school.. namiss kita.." tumayo sya't nilapitan ako upang mayakap. Di rin kasi kami nagkikita kahit nasa loob na ng school. Abala sila at ganun rin ako. Isa pa, bawal pumasok ang mga kolehiyo sa area ng mga secondary. Kaya bihira rin kamung magkita. Ngayon lang ulit.
P.s. Panahong, di pa uso ang senior high.
"Namiss rin kita kuya.." yumakap ako sa kanya.
"Guys, we need to rush.. may pasok ka pa, beautiful young lady.." tukso sakin ni kuya Rozen na nasa loob na ng sasakyan. Sa may driver's seat. Sya at magmamaneho. Sumakay ako sa likod. Silang dalawa sa harapan.
"Bro, anong update?.." Ani kuya Ryle sa katabi. Nalito ako bigla. Kasabay nun ay ang kaba na di na yata nawala simula nang mabasa ang mga iyon sa messenger. Ano kayang balita nag tinutukoy nila?.
"Masyadong maganda yang kapatid mo.. maraming nabale ang leeg kakatanaw sa kanya.." halakhak nya.
Nilingon ako ni kuya suot na ang isang matulis na nguso. "Is that true?.."
Napakamot ako ng ulo. Naguluhan sa kanilang dalawa. "Ano?.."
Tapos iyon. Sabay na naman silang humalakhak.
Ano ba kasing nakakatawa?.. Sinamaan ko sila ng tingin nang nasa kalsada na kami.
"Focus on driving please.. gutom na ako.." sabe ko nalang para mabilis sila. Bigla silang tumatawa nang di man lang pinapaliwanag sakin ang lahat. Nakakainis!!
Hinayaan ko na lang din sila sa walang katapusan nilang tawa. Mukhang masaya sila eh. Bahala na sila dyan!.
Kumain kami sa Sm mall. Ito na ang pinakamalapit na kainan sa buong syudad. Napapalibutan ito ng iba't ibang school. Gayunpaman. Bawal pumasok rito ang mga kagaya kong high school palang kapag ganitong school hours o days. Nakalusot lamang ako dahil sa mga kapatid ko.
"She's okay, okay.. wag mo na syang isipin.." inakbayan ako ni Kuya Ryle. Tapos na kaming kumain at palabas na. Patungong parking lot. Pinaharurot nya iyon pabalik ng school dahil minuto nalang. Malelate na ako.
Ganun pala ang sinabi ni kuya kanina dahil nagtanong ako tungkol kay Denise. Kung hindi ba sya nagalit sa pag-alis nila? Kung ayos lang ba na samahan ako ng mga kuya nya?. Pinagtawanan lang nila ako pareho. Hindi ko rin sila maintindihan minsan.
"Joyce, sino yung umakbay sa'yo kanina ha?.." usisa ng isa sa mga kaklase kong babae. Di ko maalala ang pangalan nya.
"Boyfriend?.." sabat rin ng kasama nya. Pinalibutan na nila ako. Karamihan sa kanila ay mga babae. May apat rin na lalaki. Kasama na ruon si Carl.
Di ako umimik. Para saan pa?. Bakit kailangan pa nilang malaman pa?.
"O, guys.. mukha ngang boyfriend.. kaya tigil na.." si Carl din ang humawi sa kumpulan. Unti unti na ring nagsialisan ang iba. Hanggang sa sya nalang ang natira.
"May jowa na pala pre eh.. hahaha.." umalis sya sa sinasandalang upuan. At hayun. Nakita ko ang may ari ng upuang sinandalan nya. Tinapik nya iti sa likod ng ilang ulit. Hanggang sa buanto nito ng notebook sa mukha dahilan para humagalpak sya't bumalik sa sariling upuan.
Natapos ang araw na yun nang di ako kinausap ni Zeki. Di naman ako umasa noh.
Sa gabing ding iyon. May mensahe na naman sya.
Kagat labi ko iyong binasa.
"Can I call you now?.."
Sa dami ng kailangan kong aralin. Di ko sya nireplyan. Binasa ko lang iyon at pinatay na ang data.
Kapag ginawa kong replyan sya't makausap. Baka lutang ako bukas. O di kaya'y, di makapasok dahil sa di nakatulog. Nakupo!
Wait, till weekend!.