webnovel

Chapter 71: His message

Ilang araw lang namin inayos ang lahat na kailangan sa school. Tapos after nun. Pumasok na rin kami. Ang hirap pa naman nang ganito. Tipong kailangan mong humabol kahit alam mong dehado ka na. Ganunpaman. Pumasok pa rin ako. At first. Kabado at naiilang ako, kasi nga, ako itong bago lang sa kanila. Mga nagtatanong ang kanilang mga mata. Iyong iba. Di man lang ako pinansin o tinapunan ng tingin o binati. Mga walang pakialam. May iilan din na ngumiti sakin. At karamihan nun ay mga lalaki. Eto na naman tayo!.

"You may sit down.." ani Miss sakin. Naispatan ko ang bakanteng upuan sa pinakadulong gilid at duon naupo. Dalawa iyon. Ang isa ay inupuan ko. Tabi mismo ng bintana.

"Hey, do you remember me?.." Wala pang isang minuto ay tinanong na ito ng lalaking naupo bigla sa upuang bakante. Lumipat yata ng upuan. Mabuti di sya sinita ng aming guro.

Nilingon ko sya't inilingan. Bakit sino ba sya?. Bago lang ako dito. Paano ko naman sya makikilala?. Tsaka, ilang buwan akong nagkulong sa Antipolo. Paano ako makakakilala ng isang estranghero?.

"Aww.. bakit di mo ako maalala, gayong unang tingin ko palang sa'yo kanina, kilala na kita.." bulong nya na bahagyang inilapit pa ang upuan sa akin.

Hindi ko sya pinansin. Anong pinagsasabi nya?. Di nga kita kilala!

Maya maya. Nagpaalam na ang aming guro. As usual sa isang classroom nang umaalis ang guro. Nag-iingay na ang lahat.

Kagat labi akong umupo ng maayos sa upuan saka inayos ang mga gamit sa loob ng bag. Nahihiyang makipag-usap sa mga kaklase.

"Hi.." may nagpakilala sakin. Carl daw ang name nya. Kaibigan nya si Zeki. Ang lalaking pinipilit na kilala nya ako.

Nginitian ko sya't kinamayan din. "Hi. I'm Joyce.." pormal kong sabi.

"Kilala mo sya Zek?.." anang lalaki sa kaibigan.

"Hmmm.." tango nya lamang dito. Nagtaka naman ang isa. "How?.."

"None of your biz bro.." matigas na anya rito. Tumawa itong di Carl bago tinapik ang balikat nitong si Zeki. Bumulong pa ng, "Too fast bro.. hahaha.." ayun at umalis na sya. Kinausap ang iilang mga kaklase. Sa pag-uusap nila. Napapansin ko ang panay na paglingon nila sa gawi ko. I wonder why?. Ako ba ang tinitignan nila o ang katabi ko?.

"Di mo pa rin ba ako natatandaan?.." muling kulit nya. Sinulyapan ko sya sa gilid ng aking mata saka umiling.

"Okay.." malamya nya biglang sabi. Noon ko lang natanto na may babae palang lumapit at umupo sa kandungan nya. Susmi!! Nasa school po tayo mga tiyo at tiya!! Hindi ba yan bawal?.

After that long and so damn awkward day. Umakyat na ako sa building kung saan kami naninirahan ngayon. Tinotoo nga nina kuya ang sinabi nilang pagtira namin dito during school days. Hiwalay ang dorm ko sa kanila dahil bawal magsama ang babae at lalaki sa iisang dorm. Catholic school pa tong school namin. Talagang bawal iyon.

Mabuti nalang rin at di na ako kinulit pa nung Zeki kanina. Girlfriend yata nya yung umupo sa kanya kaya natahimik.

Bahagya akong humiga sa maliit na kama. Katamtaman naman para sakin. At dinampot ang cellphone na nakapatong sa mesa. Binuksan ang data niyon.

Sunod sunod na tumunog ang notification nito kaya nagtaka talaga ako.

Binuksan ko ang messenger kung saan duon galing lahat ng mensahe.

Una kong binasa ay ang kay Karen.

Uy gurl. Kamusta ka na?. Nag-aalala na kami sa'yo?.

Reply ka naman oh!.

Di ka na ba talaga papasok?.

Ang sabi kasi ni Denise, nagdrip out ka na raw?. Bakit?.

Kung kailangan mo ng makakausap, andito lang kami. Feel free to message us.. take care always. I love you..

Dire-diretsong mensahe ni Karen.

Sunod naman ay kay Winly.

Gurl, ano na?.

Papasok ka pa ba o hinde?.

Wag naman ganyan?.

May kaibigan ka gurl! We are here kung kailangan mo ng makakausap.

Gurl naman. Nakakatampo ka na.

Reply naman dyan oh!

Sunod sunod nitong mensahe.

Pareho ko silang nireplyan ng. Ayos lang ako. Maayos na ako. Pasensya kung di ako nakapagreply noon dahil wala ako sa sarili ng mga oras na iyon. Don't worry. I am truly fine now. I'm doing good. Bumalik na akong school. We'll catch up soon. Take care too. I love you guys.

May mensahe rin si Bamby duon. Nag-iisa. "I hope you're doing good now bes.. I miss you na. be strong and keep on fighting.. we love you.."

Natigilan ako. Bahagyang huminga bago sya nireplyan. "Thank you bes. I miss you too. Take care always.. I love you.."

After kong sinend iyon. Binack ko na para mabasa pa ang iilan. May mga kaklase akong nagpadala ng pakikiramay. Nakikisimpatya at nangangamusta. Subalit isa lang doon ang nakapukaw ng atensyon ko.

He messaged me!. Really?.

"Hi." Una nyang mensahe.

"Huli na nang marinig ko ang tungkol kay tita. I'm sorry.." anya. May kasama pang emoji na malungkot. "Sorry about sa lahat.. I didn't mean to hurt you.." sunod nyang pinadala.

But you already did!.

"I was wrong.." buti alam mo. Kinakausap ko na sarili ko.

"I was so damn stupid because I've made you cry.." sampung balde ng luha dude kung alam mo lang!.

Nag-init ang gilid ng mata ko kaya mabilis akong umupo. Tumingala upang wag mahulog ang tubig na nagbabadyang bumuhos.

"I realized that it's too late for me to recognize how much I really like you.."

Too late?. Bakit?.

"Totoong gusto kita but things suddenly went wrong.."

Paano?. Explain then para maintindihan ko rin.

"Gusto kong magpaliwanag subalit baka lalo lang kitang masaktan. kaya mas pinili ko noon na wag nalang.."

Damn! Alam mo bang hinintay ko ang paliwanag mo na di na dumating?. Tinipa ko ito subalit binura din kalaunan. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Mahaba ang mensahe eh.

"Naging malamig ako sa'yo but actually ayoko talagang gawin iyon sa'yo.."

Damn!! Bakit nga?!.

"I'm that cold, to atleast protect you from any harm. I'm sorry.. for the coldness and confusion." Ha?. Kanino?.

"Mitch, threatened me na sisiraan ka raw nya pag kinausap pa kita."

Oh damn girl!. Mitch, you are a witch!

"Can I call you?. Gusto kong magpaliwanag pa sa'yo?.." pinunasan ko ang luha na dumaan saking pisngi.

Bakit ganun nalang ang galit ng mga tao sakin?. Wala naman akong ibang ginagawa kundi gawin ang maganda. Piliin ang tama at magmahal ng sobra. Mali ba ang mga iyon?. Paano ba dapat ang magmahal?.

Chương tiếp theo