webnovel

Chapter 10: Baby

Lumipas ang unang linggo ng pasukan nang meron na akong tinataguan. Ewan. Pakiramdam ko lang na kailangan ko syang taguan. Hindi kasi maganda ang tagpo namin noong nasa library kami minsan. Di man sinasadya pero parang ganun na rin dahil natagpuan ko sya o silang gumagawa ng kababalaghan.

Sana lang. Hindi nya ako habulin o komprontahin sa kung anumang nakita ko noon. Actually, hindi ko naman aakalain na ganun ang gagawin nila. Nacurious lang ako sa boses na bumubulong kaya hinanap ko.

"Hmmm?.." muntik na akong madapa ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Ilang araw ko syang tinaguan. Nilayuan at lalong hindi na naman pumupunta sa bahay nila dahil iniiwasan ko sya. Kahit alukin pa ako ng kapatid nya. Nagiguilty na nga ako kay Bamby. Gusto ko ng aminin sa kanyang may gusto ako sa kuya nya pero nanghihina ako sa tuwing nakikita ang ngiti nyang kumikinang tuwing andyan si Jaden. Ayokong magkaroon ng lamat ang samahan naming dalawa hanggat kaya ko pa.

"Iniiwasan mo ba ako?.." he asked in a very low voice.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit nangangatog na tong mga binti ko. "Tinataguan, isn't it??.." nasapul nya pero hindi ako nagpaapekto. Kinagat ko ang ibabang labi saka naglakad patungong building namin subalit nahawakan nya ang palapulsuhan ko. He dragged me hanggang sa likod ng gymnasium.

Nanlaban ako. Hinila ko ang braso ko pero mas malakas sya kaysa sakin. Ano namang laban ko, sa nakakapaso nyang palad?. Ano namang laban ko sa taong dahilan ng panghihina ko?.

"Now tell me, bakit?.." he pinned me sa malamig na semento ng gym. Sa likod kung saan walang mga tao.

No! You tell me why are you asking me that!?.. Why do you care?. Or do you really care for me?. Balik tanong ng isip ko subalit kinginang puso to! Pinanginginig ako!

"Why, baby?.." ngayon. Marahan na nya itong sinambit. Hindi na rin mahigpit ang hawak sa palapulsuhan ko. Tama lang para hindi ako makatakas sa kanya.

What--!?. Ba-by!?.. Baliw na ba ako?. Baby agad?. Whoa!! Seryoso ba sya?. O nababaliw na rin tulad ko?. Sinabi nya ba iyon o may bumulong na ibang tao sakin?. Like seriously Joyce?

Gusto kong tumakbo, lumayo at taguan na lamang sya kahit saan pa yan pero saan?. Saan ako pupunta kung parehong school ang pinapasukan namin?. Paano ako ngayon tatakas kung sa kanya, ako ay nahulog na nang todo at buong puso. Ayst!!

Narinig kong tumunog na ang bell pero di pa rin nya ako pinakawalan. "Ka-kailangan k-ko na-nang u-umalis.." pagdadahilan ko. Mariin akong pumikit dahil sa hiya. Bakit pa kasi ako nautal?.

"Why are you stuttering then?.." ngumisi sya. Doon na binaba ang braso ko. At bago iyon. Inayos muna ang takas na buhok ko saka inipit sa likod ng aking tainga.

"Be careful okay.. I'm watching you.." Hindi ko alam kung banta nya ba iyon o nasabi nya lang.

Tumakbo na ako palayo. Sa lugar kung saan marami ng estudyante na naglalakad.

Hinihingal ako sa di maipaliwanag na pakiramdam. Halo halo. Saya, lungkot. Takot at panghihinayang. At ang excitement.

Masaya ako dahil kaharap ko sya, as in face to face. Kulang na nga lang halikan ko sya. Kung di lang ako nahiya. Naku! Lungkot dahil malamang ginagawa nya ito sakin dahil pinoprotektahan nya yung gf nya. Okaay! Malamyang kantyaw sakin ng aking sarili. Takot, natatakot akong baka sa lumipas na mga araw, lalo pa akong mahulog sa kanya. Hindi sa ayaw ko. Sadyang, mahirap magmahal kapag ako lang mag-isa. Para akong baliw pag ganun. Excited ang puso ko. Ang lakas ng tibok nito. Daig pa ang nakipagkarera sa kabayo.

Mas iisipin ko ng banta nya nga iyon. Ayaw ipaalam sa kahit na sino ang tunay nynag ginagawa sa school. Hmm?. Dapat ko pa ba syang gustuhin o hinde na?. Wala kang magagawa dyan Joyce. Hindi mo kailaman madidiktahan ang iyong puso. Nanlumo ako nang naisip na baka may gusto rin sya sakin base sa huli nyang sabi, pero lalo lang nananaig ang takot ko. Na baka, itago nya rin ako tulad ng ginagawa nya ngayon.

Chương tiếp theo