webnovel

Chapter 4: Mall

"Hija, sa mall kami didiretso.. wanna join?.." si tito ang bumasag sa nagyelo hangin sa loob ng sasakyan. Sya ang nagdadrive. Katabi nito si ehem! Lance ko. Hay!. Anong sinabi mo?. napapikit ako sa tumatakbo saking isip saka maliit na umiling. Tama lang para di nila mapansin.

"Ayaw mo?.." ulit nya. Nakita kong pinapanood nya ako mula sa front mirror. Nakita nya yata ang pag-iling na ginawa ko.

Ikaw naman kasi Joyce. Kumalma ka nga!

"Ahm..." nawalan tuloy ako ng maisasagot. Nag-isip ako ngunit lalo lang nanlabo ang gustong sabihin sa mata nyang tumingin rin sa salamin. Why so hot kuya!?

Maingay akong lumunok bago nagsalita. Iwas ang mata sa salamin. Sa likod nalang ni tito ako tumingin. "No.. tito I mean.. ayos lang po. hindi pa naman masyadong gabi.. kayo po?. okay lang po na kasama ako?.." I mean, ang anak nyo po?. Ayos lang ba na kasam nya ako?. Aaahhh!!

"Yah.. of course hija.. mas marami.. mas enjoy diba?.. Lance. what do you think?.." anito sa anak na hindi pa rin maalis ang mata sakin. O nag-aasume lang ako. Maaaring kay Bamby sya nakatingin. Malayo kasi ang tingin nito sa labas. Mukhang malalim ang iniisip.

Magtigil ka Joyce! Anu ba!?

"Hmmm?.." umawang ang labi ko sa di maipaliwanag na dahilan. Para akong hinele sa lamig ng boses nya.

"Ayos lang ba sayong, isama natin si Joyce sa mall?.." kinagat nya ang labi bago tumango.. "It's up to you pa.." magalang pa nyang sambit. Lalo akong namangha sa paggamit nya ng po kapag kinakausap si tito. I kind of, love that.

"Where is kuya po?.." noon lang din nagsalita itong katabi ko. Ngayon, nasa harapan na ang paningin. Sumulyap sya sakin ng mag-iwas ako ng tingin sa salamin. Kinda awkward. Sana lang di nya maramdaman kung anong nangyayari sa kaibuturan ko.

"Sama ka na sa mall.. ice cream tayo.." masaya nyang sabi sakin. Akala ko na kung may alam e. Kinabahan ako ng sobra. Nahihiya na lamang akong umoo. Mahirap tumanggi sa harap nya. Sa pamilya nya. Lalo na kapag kasama sya. What!

"Tapas arcade tayo after.. what do you think kuya?. Kayong dalawa ni Joyce versus me?. game?.."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa suhestyon nito sa kapatid. Namamalat na ang lalamunan ko sa pwedeng mangyari.

Kahit malamig ang aircon ay pinagpawisan pa rin ako. Hinahabol ang hininga sa namumuong kaba. Hindi naman ako nakatingin sa mata nya pero daig ko pa ang nakatitig doon.

Mabuti nalang at nasa parking lot na kami. Mabilis si tito magpatakbo. Noong bumaba kami'y ay agad kinuha ni Bamby ang kamay ko saka hinila na papasok ng mall. Narinig ko pa ang boses ni tito pero mukhang nagmamadali na itong kaibigan ko.

"Hey!!." mula sa likod namin. Naulinigan ko ang boses nya. Hinabol nya yata kami o inutusan ng papa nila. Ang kulit kasi ni Bamby. Excited sya masyado.

"Bamblebie, stop running! Hey!!.."

"Bamby, tawag ka ng kuya mo.." hinihingal kong sabe sa kanya. Pinagtaasan nya lamang ako ng kilay at talagang dumiretso kami sa bilihan ng ice cream.

"Two rocky roads please.. and two buko flavor.. thanks.." umorder pa sya agad ng gusto nya. Wala pa naman akong dalang pera.

Eksaktong paglingon ko ay nadatnan kong huminto sya sa mismong likuran ko. Aah!!! Anu ba!?. Hawak ang dalawang tuhod habang nakayuko. Hinihingal. Pinagtitinginan sya ng mga kaedaran nya dahil sa kahit ganun ang posisyon nya. Halata mo pa rin ang angkin nyang kagwapuhan. Nakakawala ng hangin sa baga. Haist!

Tumayo sya kalaunan at namaywang. Masama ang tingin sa likod ng kapatid na inaabangan ang order na ice cream. "Tsk.. little spoiled brat.." mahina nyang bulong. Naging isang linya ang labi ko sa kilig. Hindi nya naman sakin iyon sinabi pero pakiramdam ko, ako talaga ang kauspa nya.

Sana. Balang araw. Ganyan rin sya sakin. Concern lagi.

Chương tiếp theo