webnovel

Chapter 38

Akala ko mahihirapan ako mag patawad dahil sa napunong galit dito sa puso ko pero nagkamali ako. Mas masarap pala sa pakiramdam ang magbigay ng kapatawaran dahil mawawala na din 'yong bigat na dinadala mo.

"Leon ano ba!" nakita ko si Nadia na kinukulit ni Leon habang sila ay nakaupo.

"I love you," ani Leon. Nagulat ako sa pagsabi ni Leon kay Nads ng ganoon. Nagtago ako sa gilid upang hindi nila makita at para marinig ko rin ang kanilang pinaguusapan.

"magkakaayos pa kaya sila Rose at Alice?" tanong ni Nadia.

"oo.. Kailangan sa misyon 'yon para walang alitan dahil matured naman sila para isantabi muna ang away," wika ni Leon. Napansin ko ang paghinga neto ng malalim.

"I love you too," nagulat naman ako sa paghawak ni Nadia sa pisngi ni Leon at pinisil niya ito sabay halik dito. Bakit hindi ko 'to alam?

"may hindi kayo sinasabi sa akin," nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Nadia at ang pagpipigil nang tawa ni Leon dahil sa biglaan kong paglabas kung saan ako nagtago.

"A.. Alice," ani Nads. Bahagya naman akong natawa dahil parang bata ito dahil sa kaniyang reaksyon.

"para ka naman nakakita ng multo Nads!" si Leon ay nagpipigil ng tawa ngayon. Bahagya naman siyang hinampas ni Nadia.

"ako lang ba ang hindi nakakaalam?" tumango si Leon. Pero bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Jacob sa t'wing niloloko ako ni Leon? Kung alam naman na sila ng kapatid niya.

"seloso lang talaga si Jacob kaya ganoon kung kumilos sa t'wing binibiro kita," ani Leon.

Nagkatinginan kaming tatlo at biglang nagtawanan, napailing na lang ako dahil kay Jacob nang bigla na lang ako may naramdamang pumalupot sa baywang ko.

"Jacob!" nagulat ako ng maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko habang masuyo akong inaamoy. Ngayon, nagkapalit na kami ng pwesto ni Nadia. Ang kaninang pulang pula na si Nads, ngayon ako naman ang nasa lagay niya. Nakita ko naman ang pagsinghap ni Leon at natatawang si Nadia

"nandito ka lang pala," wika ni Jacob na hindi pa rin inaalis ang labi sa aking leeg.

"hmm oo," I fucking hate myself right now, bakit parang halata sa boses ko na gustong gusto ko ang ginagawa niya sa akin.

"hintayin natin si Rose parating na 'yon," wika ni Leon.

Nagpunta na kami sa gubat upang mag ensayo ng archery at espada. Wala ang guro namin ngayon dahil sapat na si Jacob upang kami ay maturuan.

Sa una, pinaliwanag ni Jacob ang parte ng archery. Ang daliri ay isusuot sa tinatawag na finger tab para sa bowstring at hahawakan namin ng kaliwang kamay ang stabilizer rod para magkaroon ng pwersa.

Ang unang iginaya ni Jacob ay si Rose. Pumwesto si Rose at nasa likod neto si Jacob. Ang akala ko ay hahawakan ni Jacob si Rose mula likuran ngunit ito ay tinuruan lamang niya para mismong si Rose ang gumawa.

Nasa harapan ni Rose ang isang kahoy na pahaba at may mansanas dito, kailangan niyang matamaan at maitusok mismo doon ang palaso. Sa unang subok ni Rose ay natamaan niya ang limang mansanas at tanging isa lang ang hindi, namangha ako dahil sa taglay netong lakas.

Sumunod ako naman ang tinawag ni Jacob, may limang mansanas din ang nasa harapan ko ngayon. Ang akala ko'y katulad lang din ang gagawin niya sa akin sa ginawa niya kay Rose ngunit nagkamali ako. Hinawakan niya ang balikat ko pababa sa aking kamay, at ang isang kamay niya ay nakahawak sa baywang ko. Nagulat naman ako sa paglapit niya mula likuran kung kaya't naramdaman ko ang init ng katawan niya.

"Go Alice," nang nabitawan kona upang maitusok na ang palaso bigla itong bumagsak hudyat na palpak ang ginawa ko. Narinig ko ang paghingang malalim nila Nadia at si Rose ay bahagyang yumuko tila alam na kung bakit nangyari 'yon, nakakahiya! Tiningnan ko ng masama si Jacob at agad niyang tinaas ang dalawa niyang kamay at lumayo.

Nang makalayo si Jacob, pumwesto ulit ako para magkaroon ng pwersa. Ang unang mansanas ay natamaan ko at sa huli lahat ng 'to ay nagawa ko. Pumalakpak sila Nadia dahil sa nangyari.

Makalipas kalahating oras, si Leon at Jacob ay naglalaban. Lumipad si Jacob at agad din siyang napuruhan dahil sa pinalipad na palaso ni Leon.

"Jacob!" sigaw ko ng nakita kong duguan ang binti niya. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa pangambang naramdaman nang makitang sugatan si Jacob.

"ayos lang ako," ani Jacob. Nagtawanan naman sila Leon ay Jacob.

Natapos ang ensayo na pagod na pagod kaming lahat, si Nadia naman ay hindi mo na kailangan turuan dahil bihasa naman siya sa paggamit neto.

Nagpunta sa clinic si Jacob at agad din gumaling ang sugat neto dahil oo nga pala nanay niya itong doctor dito na kayang pagalingin ang sugat kung hindi ito malalim.

"Alice bukas ng umaga na ang pagsalakay natin sa bahay ng matanda," nagulat ako kay Rose na sumulpot sa tabi ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto ko habang nakadungaw sa labas.

"oo nga, ayos ka lang ba?" sa palagay ko kailangan ko din magtanong sa nararamdaman ni Rose dahil alam kong nababahala siya.

"medyo hindi, sino ba namang gustong kalabanin ang sariling ina niya.. Pero wala naman akong magagawa kundi gawin ang misyon na 'to para sa ikabubuti ng lahat," tiningnan ko ng seryoso si Rose. Ang pagkakaiba nilang magina, si Rose ay maagang namulat sa kaniyang mga maling gawain, si Felicia naman.. Masyadong inisip lang ang kapakanan ng anak kahit ang kapalit neto ay ang pagkawasak ng iba.

Hindi niya alam na dahil sa ginawa niya mas lalo niyang pinahirapan ang anak niya, mas lalo niyang nilagay ang anak niya sa sitwasyon na kailangan netong mamili.

"hayaan mo.. Magiging maayos din ang lahat. Nakausap ko si Felicia noon sa dagat kung saan ko sinaboy si mama, mukhang siya talaga 'yon. Dinalaw niya si mama," wika ko. Agad pumukaw ang atensyon ni Rose sa akin, halata sa kaniya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.

"yes Rose, iba siya. Naramdaman kong nagsisisi siya sa kaniyang ginawa at kung nakikita ka niya ngayon magiging proud siya sayo. 'wag kang magtatanim ng galit sa kaniya dahil ang gusto lang niya noon ay mapa buti ang kapakanan mo at kung kapalit man neto ay pakikipag laban sa kaniya magiging sobrang proud siya sayo dahil maganda ang kinalabasan ng lahat na ginawa niya, 'yon nga lang may parte na hindi dahil sa lagay ng sitwasyon mo ngayon," nakita ko agad ang luhang tumulo galing sa kaniyang mga mata. Pinunasan niya ito at huminga ng malalim sabay tingin sa langit na punong puno ng mga bituin.

"sana maging maayos ang lahat," sambit niya. Napatingin na din ako sa langit na puno ng mga bituin. Ano kayang mangyayari bukas?

Kinabukasan maaga pa lang ay nagayos na kami. Ang mga estudyante ay sinabihan ni president na 'wag munang lalabas sa kani kanilang kwarto.

"kasama niyo kami kung may mangyari man," wika ni vice president na ngayon ay naka upo sa tabi ni ma'am Leonora. Kung dati nagtataka ako kung bakit hindi nila kami natutulungan, ngayon ay alam ko na ang dahilan.

"nakikita kong magiging maayos ang lahat ng 'to" ani ni vice president. Bakit tahimik si president? Hindi ba't dapat siya ang nasasalita at nagsasabi ngayon para sa kaligtasan namin lahat dahil nakikita niya ang hinaharap.

"sige na, magsimula na kayo."

Palabas na kami ng ospisina at binalik ko ulit ang tingin kay president na seryosong nakatingin sa amin. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad para lumabas.

Chương tiếp theo