webnovel

Chapter 29

Sa pagkawala ni Edrian. The night before he died, i was just crying and crying, begging not to take him. Begging to heal him, hoping for another chance to live in this world. Pero alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay wala na akong magagawa dahil tuluyan na siyang nawala dito sa mundong puno ng kaguluhan.

Napangiti ako ng mapait habang inaalala ko ang mga masasayang alaala na kasama si Edrian, yung panahon na hindi ko pa alam na pusa pala siya. All this time siya lang din pala yung pusang bigla bigla na lang susulpot sa kung saan, pusang lagi akong binabantayan.

Binuwis niya ang buhay niya para sa akin, worth ba 'tong buhay na binigay pa sa akin kapalit ng buhay ni Edrian? Hindi ko na alam.

Wala na yung pusang palaging nakabuntot sa akin, wala na yung Edrian na masayang bubungad sa akin. Kahit dami niya na sinuot noong gabi bago siya mawala ay tuluyan ding naglaho kasama siya, kaya walang naiwan na alaala niya.

"Alice... May bibigay sana ako," biglang sumulpot si Nadia sa harapan ko. Nandito kami ngayon ni Nadia sa garden, kung saan palaging sumusulpot si Edrian.

"ano 'yon Nads?" pilit na ngiti ang iginawad ko kay Nadia.

"Ito.." binigay niya sa akin ang isang litrato, at nakita ko ang larawan naming magkasama ni Edrian. Nagtataka kong tinignan si Nadia kung bakit may ganitong kuha kami.

"hindi ko alam na nakuhanan ko kayo ng litrato," nakangiti niyang sambit.

Tiningnan ko ang litrato naming dalawa. Nagtatawanan kami at halata sa mukha ni Edrian ang pagiging mahiyain. Napanguso na lang ako dahil sa kanya, para siyang isang batang wala pang masyadong alam sa mundo. May biglang kumurot sa puso ko, naisip ko na kung hindi ba ako dumating sa magic academy.. Buhay pa kaya siya?

"huwag mong sisihin sarili mo sa pagkawala niya Alice," Wika nito.

"pero..." hindi ko na alam ang sasabihin ko, parang nanghihina na lang ako bigla.

"alam niya sa sarili niya yun, ginawa niya yun para mailigtas ka talaga."

Hinawakan ni Nadia ang aking kamay para mapakalma ako. Huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa kalangitan.

Pasado ala-una nang makaramdam ako ng pagkulo sa aking tiyan. Sabay na din kami kumain ni Nadia. Naramdaman ko ang mga titig sa aking ng estudyante, marahil dahil kay Edrian.

Napansin kong papalapit si Rose sa pwesto namin at hindi ko mapaliwanag ang emosyon sa kanyang mukha.

"ano Alice, wala ka man lang sasabihin na plano para sa misyon? Pagiging makasarili ka pa din?" nakaramdam ako ng pagkairita dahil sa boses ni Rose.

"Rose.. Mamaya na lang, kumakain pa yung tao," inaawat na ni Nadia si Rose dahil nageeskandalo nanaman dahil sa ingay.

"kaya namatay yung pusang walang kaalam alam dahil sa pagiging makasarili mo!" napantig ang tainga ko sa aking narinig. Tumayo ako sa harapan ni Rose at tinitigan ko siya ng mariin. Hindi na ko nakapagpigil, binitawan ko ang platong babasagin sa harapan niya dahilan upang ito ay mabasag. Kita ko ang paglaki ng kanyang mata dahil sa aking ginawa. Sumilay ang ngisi sa kanyang labi, bago ako tuluyang umalis tinitigan ko siya ng mariin at binangga ko ang braso ko sa braso niya ng malakas dahilan upang muntik na siyang matumba. Wag ngayon Rose, baka hindi ako makapagpigil.

Pumunta ako ng bundok upang mapagisa, hindi ko alam bakit nagumpisa nanaman si Rose. Sa pagkakatanda ko wala naman akong ginawa para ganoon ang maging galit niya sa akin. Ni wala pa kong plano pagdating sa pagkuha ng kwintas na nawawala. Paano nya yun nalaman? Pwede din dahil sa pagiging atat niya. Akala ko ba magaling siya? Bakit ngayon parang gusto na niya malaman ang plano ko?

Hindi ako nakapagtimpi kanina sa ginawa ni Rose, naalala ko yung platong nabitawan ko.. Hindi, binitawan ko pala talaga yun. naayos na kaya yung platong nabasag ko?

Kinagabihan ay sinabi ko kay Nadia na may balak akong kausapin si Rose tungkol sa plano, dahil napagtanto ko na misyon nga pala namin to. Baka lalo pang masira ang plano, kung hindi kasama si Rose. Mamayang alas-otso ko nalang siya ng gabi kakausapin upang kakaunti na ang mga estudyante sa labas.

Naalala ko nanaman ang mga magic stealer. Mayroon nanaman kayang aatake ngayon? Biglang pumasok sa isip ko si Edrian, kamusta ka na Ed?

Pasado alas-otso ng pumunta ako sa garden at saktong nakita ko si Rose, agad ko itong lalapitan at nang mapansin ako ay bahagya siyang napaatras. Chill Rose, kalmado na ako ngayon.

"ba..bakit?" nauutal niyang tanong sa akin. Nasa harapan niya ako ngayon nakatayo at siya nama'y nakaupo.

"may sasabihin ako," seryoso kong sabi dito at naupo na sa kanyang tabi. Nakita ko ang pagkawala ng ekspresyin niya kanina at napalitan na ito nang pagiging mataray niya.

"tungkol saan?" tanong nito habang naka krus ang kanyang braso sa kanyang dibdib.

"wala pa akong plano tungkol sa pagkuha ng kwintas, kung iniisip mo na sinasarili ko ito.. Nagkakamali ka," seryoso kong sambit.

"sigurado ka?" parang hindi pa rin siya naniniwala sa aking mga sinasabi.

"naisip ko na misyon pala natin 'to," napatingin na siya ng seryoso sa akin.

"sa totoo lang.. Hindi ko alam na mawawala ang kwintas," nagulat ako sa pagbukas niya sa usapan tungkol sa kwintas. Tumingin siya sa kalangitan at huminga ng malalim.

"tinago ko lang siya sa lalagyan ko pero hindi ko namalayan na nawala na pala ito."

Kita ko sa kanyang mukha na seryoso siya sa kanyang sinabi. Hindi niya talaga alam kung bakit nawala na lang ang kwintas ng biglaan.

Pero kung ganoon, maaaring magic stealer kaya ang kumuha? Pero paano?

"hindi kaya magic stealer ang kumuha?" napailing siya hudyat na hindi ito ang kumuha.

"mga ibon sila, paano nila makukuha e malalaki yun."

Tama si Rose, pero sigurado ba siyang ibon lang talaga ang mga 'to?

Nagulat ako sa pagtayo niya ng biglaan at dumiretso sa gilid ng academy. Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang aking mga paa kaya sinundan ko ito kung saan ito patungo.

Sinundan ko siya ngunit nakalayo ako upang hindi niya ako mapansin. Nang mukhang nakarating siya sa kanyang pinuntahan ay nagtago ako sa gilid neto. Laking gulat ko sa aking nakita. Si Jacob na nakatayo ngayon at seryosong nakatingin kay Rose. Mukhang inaasahan niya ang pagdating neto, dito ba ang tagpuan nila?

Lumapit si Rose kay Jacob at akmang hahawakan ang braso neto ng biglang lumayo siya kay Rose. Ngunit agad ding nakalapit si Rose upang mahalikan ang pisngi ni Jacob. Parang kinukurot ang puso ko sa nangyayari. Tagpuan ba nila ito?

Tumama ako sa parang bakal dahilan upang sabay sila mapatingin sa akin. Nagulat si Jacob nang nakita niya ko. Tiningnan ko siya ng seryoso at tuluyan ng tumakbo palayo dahil sa kahihiyan.

Naistorbo mo ata sila Alice, ang tanga tanga mo. Tsaka ako tumigil sa pagtakbo nang napagtanto kong nakalayo na ako.

Papasok na sana ako sa dormitoryo upang magpahinga nang may naramdaman akong humawak sa aking braso, nakita ko kung sino ito. Mariiin na hinablot ni Jacob ang aking braso at isinandal ako sa pader na malapit sa akin. Ikinulong ako ng kanyang isang braso at akmang aalis ako ng bigla niyang idinikit din ang palad niya sa pader dahilan upang tuluyan na akong makulong sa kanyang mga bisig.

Nakita ko ang mata niyang parang nagtatanong. Magsasalita na sana ako ng biglang maramdaman ko ang init ng labi niya sa aking mga labi. Masuyong inangkin ni Jacob ang labi ko, parang may mabangis na tigreng dumaan sa aking kaibuturan, lumalim ang halik.

Napahawak ako sa kanyang leeg, dahil sa tangkad niya. Naramdaman ko ang paghapit niya sa aking braso upang magdikit ang aming katawan. Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg, kasunod ang panga at sa aking balikat.

Tumitig siya sa akin at ngayon ay parehas kaming naghahabol ng hininga. Umigting ang kanyang panga at ang mata'y mapupungay.

Hindi ko alam kung bakit may biglang pumatak na luha galing sa aking mata at agad niya itong pinunasan gamit ang hinlalaking daliri at hinalikan ito na para bang pinapatahan ako.

Pagkatapos noon, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, nandito ako sa loob ng kwarto at nadatnan kong nakahiga si Nadia sa kama ko.

"Nads.." halata ba na hinihingal akong pumunta dito?

"saan ka galing?" sa pagkakatanda ko sinabi ko sa kanya na kakausapin ko lang si Rose.

"kinausap ko si Rose diba?" tumaas ang kilay niya sa aking sinabi. Pinagsa walang bahala ko na lamang ito.

"ang halik pag lumalim mahuhubaran ka."

Nagulat ako sa biglaang pagsabi ni Nadia ng ganoon. Alam niya? Agad naman ako nabalutan ng hiya sa aking buong katawan.

Chương tiếp theo