webnovel

Chapter 4

"ma nandito na ko, yung sinasabi ko sayong makakaubos ako ng paninda ngayong araw nagawa ko na." masaya akong pumasok sa loob ng kwarto ni mama dahil gusto ko makita ang reaksyon niya tungkol dito.

"m..m..maaa!! Anong ginagawa mo?!" halos mabitawan ko ang mga dala ko dahil sa nakita kong pilit na tumatayo si mama.

"anak, n..nandito ka na pala." nakangiting bati sa akin ni mama

"ano bang ginagawa mo? Nagugutom ka ba?" inalalayan ko si mama pabalik sa higaan, dahil halata sa kanyang mukha ang hirap.

"anak, hayaan m..mo na a..ko" hirap na salita ni mama sa akin habang hawak ang mukha kong naupo sa kanyang tabi.

"ma ano bang sinasabi mo? Ayokong biro yan ha. Napagusapan na natin ang tungkol dyan." nakangiti akong sinabi yun, pero hindi pa rin matago ang sakit sa aking mga mata.

"anak may isang bagay ang dapat m..mong mala..man. isang..bagay na dapat nating maintindihan" hirap na sa pagsasalita si mama, pero pinilit niya pa rin makapagsalita.

"Minsan sa buhay natin kailangan talaga natin mag paalam sa isang tao,bagay o kung ano man 'importante o kinasanayan natin. At minsan yung pagpapaalam natin sa isang bagay yun ay yung dahilan para sa panibagong yugto ng buhay mo, at dahilan kung bakit tayo nag ggrow sa buhay na to. Oo sumuko tayo pero hindi dahilan ng sumuko ay tapos na ang laban. Minsan kasi eto yung mag sisilbing simula para sa panibagong laban mo. Mawala man 'pero may paraan para ipagpatuloy ulit." hindi ko namalayan na sunod sunod na pala ang pagpatak ng mga luha ko kasabay neto ang malakas kong paghikbi habang nakayuko kay mama.

Ayokong makita yung mukha niyang parang sang ayon na siya sa lahat ng nangyayari dito.

"anak naalala mo si tita Felicia mo?" tita felicia? Sa kabila ng ginawa niya gusto nya pa rin tawagin kong tita si Felicia. Hindi ko alam pero si mama ay isa sa mga mayroong bukal na puso.

"anong meron sa kanya ma?" napatingin na ko kay mama, tuluyan niya ng nakita ang mga luha ko. Agad niya itong pinunasan ng kanyang mga daliri at ngumiti.

"kailangan mo silang hanapin, at si Rose. Kailangan mong pumunta sa academy para mabawi ang kwintas mo." alam ko naman yun, gagawin ko yun ma pero kailangan mo munang gumaling.

"kaya huwag mo ng ilaan ang pera na yan para sa akin, ilaan mo yan para sa pagpasok mo sa academy. Hanapin mo silang dalawa. Sila ang kumuha ng naipon nating pera noon, hindi lang kwintas mo ang kinuha nila." nagulat ako sa mga nalaman ko. Halata sa aking muka ang pagkagulat. Hindi lang kwintas kundi kalahati rin ng ipon ni mama noon para sa akin. Wala silang puso.

"hindi lang kwintas ma?" tanong ko dhil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

"ang pagkawala ng kwintas mo ang dahilan kung bakit tayo ganito ngayon, kung bakit agad akong nawalan ng lakas." maagang nanghina si mama dahil sa pagtatrabaho para sa akin noon, bata pa lang ako inaatake na ko ng kung anong mga sakit. Kakagaling ko lang, mayroon nanaman.

"kailangan mo silang hanapin para mawala ang lahat ng ito. Kaya hayaan mo na ako anak ko." nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Naalala ko bigla ang mga araw na parehas naming nilalabanan ni mama, ang hirap para lang makasurvive sa isang araw.

"anak punta na ako sa bayan, kapag may naramdaman kang masakit ulit sa katawan mo. Tawagin mo lang ang pangalan ko." sumasakit ang tiyan ko ngayon, pero pinilit ko nalang ngitian si mama para hindi sya maperwisyo.

Umalis na si mama para magtinda ng mga isda. Magtinda ng isda ang pangunahing hanap buhay namin, kaya malaking bagay sa akin ang isda. Bukod sa maraming mahilig sa isda dito, e mabilis din makakuha dahil sa mahika namin parehas ni mama, ngunit may pagkakaiba ang mahika naming dalawa.

"aray!" pinipilit kong tumayo para kumuha ng inumin, ayokong tawagin si mama kahit anong sakit ng tiyan ko. Naaawa na ko sa ginagawang sakripisyo sa akin ni mama, sobra sobra na ayoko ng dagdagan pa.

Sa pagpupumilit kong tumayo, natumba ako at nandilim ang paningin ko.

Nagising ako na mabigat ang aking mga mata. Anong nangyari? Bakit nasa higaan na ako, sinong nagdala sakin rito?

"anak kamusta pakiramdam mo? Umuwi ako agad hindi ko na inubos yung isda para maasikaso ka. Sabi ko tawagin mo ko diba?" medyo galit si mama dahil hindi ko sinunod ang inutos nya.

"ma ayoko naman makaabala sayo, lagi nalang ako ang inaasikaso mo." umupo siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay sabay hingang malalim.

"anak huwag mong iisiping perwisyo ka sa akin, kaya ako nabubuhay dahil sayo. Kaya ginagawa ko to lahat para sayo, walang magulang ang gustong nahihirapan ang anak." huminga ng malalim si mama.

"kaya anak, kahit ano pa at gaano kahirap gagawin ko ang lahat para sayo, para sa ikabubuti mo." hinaplos ni mama ang buhok ko sabay yinakap ako.

Noong naalala ko ang mga sakripisyong ginawa ni mama para sa akin. Napaiyak nanaman ako ng malakas at napahikbi, habang yakap si mama.

"ma, gusto mo na ba talagang magpahinga?" tanong ko sa kanya.

"oo anak." nginitian ako ni mama, bakas ang hirap sa muka neto.

"ma kaya ko na, sige..na...m..maaa gaga..win ko la..hat pa..ra maki..ta ko si..la Rose." grabe na ang iyak ko, at wala nakong pake sa makakarinig neto.

"paa..lam anak ko.." pumikit na ang mga mata ni mama at bumigay na ang kanyang kamay na kanina ay nakahawak sa pisngi ko.

"maa!!!! Ma!!!! Patawad sa mga pagkukulang ko. Pangako kukunin ko ang dapat na nasa akin." pasigaw ko itong sinabi kay mama.

Kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan at pagkidlat ang pagiyak kong walang sino man ang makakapagpaliwanag ng sakit na nararamdaman ko.

Inimpake ko ang mga gamit ni mama, isasabay ko na sa pagsaboy ng abo ni mama sa dagat ang mga gamit niya. Sabi niya sakin, gusto niyang isaboy siya sa dagat para makalipad na siya ng malaya at sa sakit pero sinisigurado niyang kasama niya pa rin ako sa lakbay ko sa buhay ko.

Ikaw yung taong kilala kong matapang ma... I was mostly terrified of losing you because there's still so much for us to experience. You need to be there when I meet the love of my life, sit next to me while my hands and feet are adorned with beautiful bridal, to hold your grandchildren and shower them with all the love that you gave me. We need more time. even when you haven't felt like getting out of bed. Thank you for always telling me I'm beautiful when I struggle to see it in myself. And thank you for never forgetting to remind me that I'm the best thing that ever happened to you. I hate seeing you go through all this; it's so unfair. You deserve so much better, I wish I could take all of your pain and make it mine.

Pasensya na ma kung hindi ako katulad mong may malambot na puso para sa isang kaibigan na tinalikuran ang aming samahan.

Patawad ma pero kailangan ko tong gawin.

Chương tiếp theo