webnovel

Chapter III

Chapter III: Panggulat ni munting ophir

-------

Sa isang malawak na silid makikita ang isang binata na may puting buhok at may maamong mukha.

Ang binatang ito ay walang iba kundi si Zuki Takigawa.

Ilang minuto na ang lumipas ng makausap niya si Drebon.

Nagkaroon narin siya ng bagong silid at dito narin niya hinihintay ang bunsong anak ni Estevan.

Siya ay nakaupo sa isang silya kung saan mayroong maliit na lamesa.

Sa maliit na lamesang ito ay may isang maliit na libro.

Ang maliit na librong iyon ay naglalaman ng kopya ng scroll na pinag aralan ng binata.

Ang Phantom blade technique

Balak niyang turuan nang skill na ito si munting Ophir.

Dahil napapansin niya ang potensyal nito.

Habang nag hihintay siya kay munting Ophir ay tiningnan niya muna ang kaniyang mga Interspatial ring.

Hindi parin siya makapaniwala sa mga nilalaman nito.

Sa tulong ng mga ito ay magagawa niyang malampasan ang buong Limang taon nang kaniyang pagsasanay.

Marami itong mga armaments na tiyak na mapapakinabangan niya

Mga pills at mga sangkap sa pag gawa ng sandata at mga kalasag.

At ibat ibang Herbal na sa Mystical Astrad Mirror lang matatagpuan.

Ilang saglit pa ay naramdaman ng binata ang enerhiya ni munting Ophir.

Napatingin siya sa nag iisang pintuan.

Pumasok ka! Maotoridad na sambit ng binata at agad na nagbukas ang pintuan at doon ay makikita si munting Ophir na mababakas ang kaligayahan sa kaniyang mga ngiti.

Pinapatawag mo raw ako master? Ano ang maipag lilingkod ko.

Tanong ni Munting Ophir.

Bakas sa iyong mga labi ang iyong ngiti batid ko na binanggit na ng iyong ama kung bakit kita pinapatawag.

Ganun na nga master Nalaman ko sa aking ama na Nais mo daw akong maging personal na Estudyante.

Magalang na sambit ni Ophir at tumingin ng matuwid sa kaniyang master.

Kung ganun halika rito at may mga ibibigay ako sa iyo.

Sabi ng binata kay munting Ophir

Pagkalapit ni munting Ophir ay nakita niya ang maliit na libro.

Ano ito Master.

Ang maliit na librong iyan ay nag lalamang ng bawat impormasyon Patungkol sa Techinique na pag aaralan mo.

Technique ba kamo master! Pero! Bakit?

Mababakas sa mukha ni Ophir ang pagkabigla sa sinabi ng kaniyang master.

Oo munting Ophir ang nilalaman ng librong iyan ay isang technique at iyan ay iyong pag aaralan.

Marami akong ituturo sayo mga pamamaraan sa pag hawak ng espada

Mula sa mano mano hanggang sa maramihang labanan

Dapat ay matuto ka ng lahat ng yan sa Loob ng Tatlong buwan.

Sabi ng binata kaya naman mababakas ang gulat sa mukha ni Munting Ophir.

Tatlong Buwan! Imposible! Bulaslas ni munting ophir at napatingin sa kaniyang master.

Sa mundong ito Ang Pagiging Adventurer ay hindi madali Dapat ay Gawin mo ang mga bagay na Imposible para maging isa kang totoong adventurer.

Dapat maging malakas ka! At sa pamamagitan ko ay natitiyak ang iyong magandang Hinaharap munting Ophir!.

Sabi ng binata at may inilabas na dalawang Espadang gawa sa matibay na Kahoy.

Sa Espadang Kahoy na ito ay mararamdaman ang malakas na enerhiya.

Ang itsura ng Espadang kahoy ay Maihahalintulad sa simpleng Wooden Sword ngunit kung ito'y papakiramdaman ay Hindi mo ito dapat maliitin.

Ang Espadang kahoy ito ay Top-tier Celestial armament.

Nakikita mo ang mga bagay na ito! Ito ang gagamitin mo kesa sa totoong sandata.

Dapat mong matutunan ang lahat tungkol sa Pagiging isang Swordsman.

----

Blakkkk!!! Blokkkkkk!!! Blakkkk!!

Sunod sunod na pagtama ng dalawang sandata ang maririnig ng mga naroroon.

Limang oras na ang lumipas ng magtungo si zuki at munting Ophir sa gitnang bahagi ng Ikalawang palapag.

At Dahil sa pagpunta nila doon ay nakuha nila ang atensyon ng mga naroroon.

Arrrrrrgggghhhh!! Blakkkk!!! Blokok!!! Blakkkk!! Sunod sunod na atake ang muling umalingaw ngaw mula sa atake ni Zuki.

Walang Awa niyang inaatake si munting Ophir! Sa nakalipas na mga oras ay gamit nila ang Parehong Espadang Kahoy.

At ilang oras narin ng magsimula ang kanilang pagsasanay

Ano na munting ophir Yan lang ba ang kaya mo! Sigaw ni zuki sa munting bata na ngayon ay hirap tumayo.

Naliligo sa pawis ang munting bata ngunit hindi ito makikitaan ng pagod bagkus ay nakangiti ito habang nakatingin sa binatang nakatayo sa kaniyang harapan.

Hindi pa ako tapos!! Nagsisimula palang ako!! Matapang na sagot ni munting ophir at hinigpitan ang kapit sa kaniyang Espada.

Mabilis siyang tumakbo pasugod sa binata

Iwinasiwas niya pakaliwa ang kaniyang espada at doon ay isang walang kahirap hirap na depensa ng binata.

Iniharang ni Zuki ang kaniyang Espada at ikiniskis niya ito pababa at isang mabilis na pag atake ang ginawa niya dahilan ng pagtilapon ni munting ophir.

Ngunit sa pagtilapon ng munting bata ay agad naman itong nakakuha ng balanse at nakalapag sa sahig.

Humarap ito sa binata makikita ang pag kislap ng mga mata nito.

Sumugod ulit si munting ophir at iwinasiwas ng paulit ulit ang kaniyang espada.

Ngunit ang lahat ng atake niya ay hindi man lang tumama sa binata.

Mabilis itong naiilagan ng binata kaya naman nakaramdam ng kawalan ng pag asa si munting ophir ngunit isang pag atake ni munting ophir ang nagpatigil sa pag kilos ng binata.

Biglang umatras si munting ophir at ibinalik ang kaniyang espada sa lalagyan nito at doon ay mararamdaman ang hindi gaanong kalakas na enerhiya.

Makikita naman sa mukha ng binata ang pagkabigla.

Isang malaking kahibangan ang gagawin ni munting ophir.

Isang beses palang nitong nakita ang pag cast ng Isa sa Skill ng Phantom blade technique.

At kung magkamali siya tiyak na malaki ang mawawala sa enerhiya ng batang paslit.

Phantom Blade 1st Skill:

Malakas na Sambit ni munting ophir at ang mahinang enerhiya ay unti unting umaangat.

Trident!!!!!!!!!!! Void!!!!!!!! Fang!!!!!!!!

Sigaw ni Ophir at May dark violet na Enerhiya ang biglang nabuo ay pasugod ito kay zuki.

Sandaling nagulat si Zuki sa nangyari ngunit agad itong nawala ng biglang maglaho ang Dark violet na enerhiya.

Ang Skill na Trident Void Fang ay hindi nagawa ng tagumpay ni munting ophir.

Doon na nga bumagsak si munting ophir.

Mapapansin ang hirap nitong paghinga.

Kaagad lumapit ang binata kay munting ophir at may isinubong maliit na tableta.

Ang tabletang iyon ay ang Recovery Pill.

nang kainin iyon ni munting ophir ay kaagad nabalik ang nawala niyang lakas.

Napatingin siya kay Zuki takigawa

Nakaramdam siya ng Hiya dahil sa kaniyang ginawa.

Hmmm! Ayos lang yun! Munting Ophir Ayos lang mag kamali sa unang subok.

Sadyang mahirap pag aralan ang isang prebadong technique kaya naman wag kanang malungkot.

Sabi ng binata at ginulo ang buhok ni munting ophir.

Halika na! Mas kailangan mo munang mag pahinga! Pag anyaya ng binata

Ngunit sa loob loob niya ay puno siya ng pag hanga sa katapangang ipinakita ni munting ophir.

Kahit sa unang subok palang ng pag gamit nito sa technique ay nagawa siyang gulatin ng munting paslit.

Hmm! Halika na! Munti kong Estudyante.

:To be Continued:

A/n:

Inaatake ako ng katamaran ko haha

Enjoy kayo sa nakakabiting Chapter.

Chương tiếp theo