webnovel

Snobbish!

Dollar's POV

Naglalakad ako sa quadrangle nang masapol ako ng bola ng basketball sa noo... At dahil normal na tao lang naman ako, NAG-INIT TALAGA ANG ULO KO?!

"Miss, pakibato naman o!" Sigaw ng isang lalake na nakaupo sa ilalim ng puno. Kasama niya ang mga kabarkada niya na nakakaloko kung makangisi.

Aah, mga varsity players na mayayabang! Pero kahit pare-parehong matatangkad at may maipagmamalaking pagmumukha, hindi pa din nakaligtas sa paningin ko ang kasama nilang lalake na nakatayo pasandal sa puno. The guy from yesterday.

Don o Mon o Bon ata ang pangalan niya. Whatever! Naka-smirk ang hinayupak at nahuhulaan ko na na sinadya talaga 'kong patamaan ng mga lalakeng 'to! "Miss? Sige na!" Nag-mwestra pa sa kamay ang mga lalake na parang tumatawag lang ng aso. The nerve!

Tinitigan ko ang bola na nasa paanan ko at malakas na sinipa palayo sa kanila at nagtuloy sa paglalakad. Only to stop dead on my tracks...

Dahil si Rion ang nakasalo ng bolang sinipa ko at ngayon ay makakasalubong ko na. Pinatalbog niya pabalik sa grupo ng mga lalake ang bola. Na agad nasalo ni Vaughn. Ewan ko kung imagination ko lang pero nakita ko na may kakaiba sa palitan nila ng tingin.

Parang nararamdaman ko na ang animosity na nilalabas ng aura nila. At parang katulad sa mga anime, may namuong kidlat sa pagitan nila. Hmp! Ba'la kayo sa buhay niyo.

Bago pa makalingon sa'kin si Rion ay pumihit na 'ko pabalik sa pinanggalingan ko. How's that, huh? Hindi na 'ko lumingon at tuloy-tuloy na naglakad at pinasok ang unang pintong nakita ko. Ang library.

Pero hindi pa man ako nakaka-upo ay sumalampak na sa tabi ko si Euna. Psh! Tsismis ang hanap ng babaeng 'to dahil hindi normal na pumapasok 'to sa library.

"Oy, Dolyar! kanina pa kita tinatawag sa quadrangle!"

"Baket?"

"Ahm... wala lang... he-he-he"

Atubili ang bruha, may tinatago.

Nilagay ko ang backpack ko sa katabing upuan. Huminga nang malalim at ngumiti na nauwi sa hagikhik. Uncontrollably... Bwahahaha!

"And what is the meaning of that?!" napangiti ako lalo kay Euna dahil sa paggaya niya sa line ni Toni G. "Hoy, Dollar! Alam mo bang ilang araw ka ng under surveillance sa'kin?"

"Oo, alam ko at kung hindi ko nakilala na ikaw iyong aninong sumusunod sa'kin kagabi baka nahambalos na kita ng tubo. Sino bang may pakana niyan?"

"Si Boss Al. Pinakiusapan ako dahil hindi mapakali sa pananahimik mo. Can't blame him, maski ako eh. Lalo na ngayon na pagkatapos mong magmukmok ng ilang araw ay tatawa ka naman ng ganyan. You really have some issues, girl!"

"Si Uncle talaga ang daling mag-panic pag nanahimik ako. Kahapon pa nga 'ko pinipilit magpa-general check-up."

Naalala ko tuloy noong grade two ako. Sinabi ko na kay Uncle na may award ako bilang most behave sa klase. Pero dahil hindi siya maniwala, nakatunganga tuloy ako buong recognition day dahil hindi man lang siya nagpakita. Buti na lang inaliw ako ni Moi na may award din dahil lang cute na cute sa kanya ang teacher namin. Nagulat na lang tuloy si Uncle pag-uwi ko at may bitbit na award. Pero wala na yun sa'kin. Behave naman kasi talaga 'ko, wala lang maniwala dahil sa porma ko. Maingay lang talaga 'ko madalas kaya kapag tumahimik ako ang iniisip naman nila ay may problema ako.

"Kung ako si Boss Al, mag-aalala din ako. Hindi kasi normal. At lalong hindi normal na nasa harap mo na si fafa Rion kanina ay wala ka man lang ginawang kakaiba?!"

"Kakaibang ano?"

"Katulad ng sinalubong siya ng yakap, tiningnan siya nang may pagnanasa, sininghot-singhot siya---"

Binatukan ko si Euna.

"Ano namang akala mo sa'kin?!"

"At ano namang akala niyo dito sa library?! Tsismisan!"

Sabay kaming napalingon ni Euna sa librarian na namumula na ang mukha sa inis. Nilagay niya sa desk namin ang malaking signage ng 'observe silence' at saka umalis na.

"Tara dun."

Nahila agad ako ni Euna papunta sa pinakasulok ng library. At basta na lang siya sumalampak sa mga nakapatas na libro sa sahig.

"O sige na sabihin mo na sa'kin?"

"Ang ano ba?"

"About kay Rion!" Nagniningning pa ang mata niya, hmn... sabik sa tsismis.

"Anong malay ko tungkol sa kanya?"

"Aah, kung ganon hindi ka broken hearted sa kanya?"

"Hahaha! Euna, Euna, Euna... Wala ka talagang katiwa-tiwala sa'kin."

"Hmn... in denial ka pa yata. Bakit nakita kitang umiiyak sa hagdan noong isang linggo na parang loka?!"

Hindi ako nakaimik. Bakit alam ng bruhang 'to? Totoo namang nasaktan ako. At isa nga 'yong mga araw na iyon sa mga kadramahan ko sa buhay.

"Baka naman, Dollar, bagong pakana mo lang yan?"

Nginitian ko lang siya at lumabas na sa madilim na sulok bago pa siya makapagtanong ulit.

Chương tiếp theo