webnovel

Kabanata 359

Kinaumagahan pinapunta ni Kelly si Mr. Sensen sa gazebo nila at tinanong kung anong balita sa daddy Kemwell nya.

"Opo Madam sa Friday po ang lab test ng mga kuya nyo at doon po malalaman kung sino ang pwedeng maging ka match ng bone marrow ni Sir Kemwell."

Nainom ng kaniyang gatas si Kelly habang nakikipag usap kay Mr. Sensen "so, hindi balak nila kuya na sabihin ang tungkol ron sakin?"

"Ah… Eh… Madam, hindi ko nga po dapat ito sinasabi sa inyo kapag nalaman ito ng Chairman nako baka matanggal na ko nire sa trabaho ko."

"Wag kang mag alala kung matanggal ka akong bahala sayo."

Pabulong bulong naman si Mr. Sensen "kayo ngang bahala baka mapatay naman ako nila Chairman."

"Nga pala, sino yung babaeng nabanggit mo sakin kagabi na bumisita kay daddy?"

"Sya po si Ms. Feliza Assucion at matalik na kaibigan po yon ng daddy nyo."

"Ohhh… ganun pala, ano pang nalalaman mo?"

"Gaya ng iniutos nyo sakin nag background check po ako sa kaniya pero hindi pa po fully detailed ang nalalaman ko. Pero ang mga kuya nyo po nag papaimbestiga na rin po."

"I knew it. Hindi na ko mabibigla sila kuya yon eh pero anong nalaman mo?"

"Eto po ang ilang information na nalaman ko." iniabot nya kay Kelly ang isang short brown envelope.

"Salamat."

Habang tinitignan ni Kelly yung ilang papeles na ibinigay sa kaniya ni Mr. Sensen ipinapaliwanag nito sa kaniya ang bawat nilalaman nito.

"Gaya po ng nakita nyo ang daddy at ang Feliza na nag pakilala po sa mga kuya nyo ang nasa larawan na yan."

"What? Pero lalaking naka uniform na pang pulis ito na kasama ni daddy at hindi ito babae."

"Yes Madam, kung makikita nyo matagal na picture na po yan dahil ka gagraduate palang po diyan ng daddy nyo."

"So? What's your point?"

"Ang nais ko pong malaman nyo na ang Feliza Assucion na nag pakilala sa mga kuya nyo kahapon ay isang lalaki at hindi talaga babae."

"ANO?!"

"Ye—Yes Madam. Base po sa mga taong nakausap ko na kilala si Ms. Feliza o Felliano Montes Assucion sa totoong buhay ay isa po talagang binabae. Sa madaling salita isa pong gay ang matalik na kaibigan ni Sir Kemwell."

"Wait, hindi ko maintindihan bff's siya ni daddy at parehas silang pumasok sa iisang University tapos criminology ang course nila tapos sinasabi mong isang gay yung si Ms. Feliza?"

"Yes Madam, hindi pa po malinaw sa nahagilap kong information pero tsaka lang daw po nag lantad si Mr. Felliano nung maka graduate na po sya sa pagiging pulis."

"What? Do you think daddy knows about her ay his bestfriend condition?"

"Well, kung ako po ang tatanungin nyo about dyan wala naman pong masama sa pagiging gay because in the end of the day tao lang din naman po si Ms. Feliza na gustong lumigaya sa buhay. Doon naman po sa tinatanong nyo kung alam ng daddy nyo ang tungkol kay Ms. Feliza? Well, I think opo dahil mag bestfriend po sila at tinanggap po sya ng daddy nyo kahit na iba ang gusto nya sa buhay."

"Well said. Pwede ka ng maging advisor.

"Salamat po. Hehe."

"How about you?"

"P—Po? Me?"

"Yeah… ikaw kailan ka mag o—out?"

"Ho? Madam naman! Hindi po ako binabae."

Binatukan naman sya ni Kelly at sinabing "sira! Ang sabi ko kailan ka mag out late ka na bilisan mo na bumalik ka na sa company baka makahalata na ang Boss mo."

"Pero Madam sabi nyo kayong bahala sakin."

"Oo nga akong bahala sayo pero hindi ibig sabihin hindi ka na babalik sa company baka mamaya makahalata si Patrick lalo tayong malilintikan."

"Ye—Yes Madam babalik na po ako."

"Sandali lang."

"Po?"

May iniabot na isang white na sobre si Kelly kay Mr. Sensen "eto, i-date mo ang gf mo para naman matuwa sya sayo."

"Po? Madam…"

"Tanggapin mo na bago pa mag bago ang isip ko."

"Si—Sige po hindi ko po yan tatanggihan singilan na naman po kasi ng renta eh. Hehe..."

Kelly smirked "para ka na ring si Patrick eh sige na makakaalis ka na siguraduhin mong may makukuha ka pang ibang impormasyon tungkol dun sa bff ni daddy at siguraduhin mo ring hindi makakahalata yang Boss mo."

"Yes Madam. Roger that!"

"Go!"

At kumaripas na ng takbo si Mr. Sensen at napa buntong hininga naman si Kelly habang pinag pupunit nya yung mga papeles na ibinigay sa kaniya nito "hindi pwedeng malaman nila kuya na alam ko na ang sikreto nila."

***

Sa makalawang araw naman na isipan ni Kelly na umuwi sa Dela Cruz residence kaya kinagulat iyon ng mga kuya nya.

"Mamsie. Tita Kelly!!!" Ang bungad na pag salubong ni Jacob habang nakain naman ng hapunan ang mga kuya ni Kelly.

Sabay-sabay namang na samid sila Kian ng marinig nila si Jacob "si—sila Mama at Kelly nandito??" Ang pagulat na sambit ni Keith kaya dali-dali naman silang tumayo sa kinauupuan nila para tignan nga kung sino yung dumating.

"Ma? Bunso?" Anila.

"Oh? Bakit parang gulat na gulat naman kayo?" Ang sabi ni Kelly.

"Oo nga hindi ba kayo masaya na nandito kami ng kapatid nyo?" Ang sambit naman ni Keilla.

"Hi—Hindi naman po sa ganun Ma pero bakit kasi biglaan naman? Sana nag sabi kayo para na sundo namin kayo." Ang sabi ni Kian.

"Oo nga naman Ma. San kayo sumakay?" Ang tanong ni Kim.

"Edi ako ang nag drive ng kotse nila Kelly ang ginamit namin."

Naupo naman sa sofa si Kelly "yah, marunong naman si Mama mag drive."

"Kayo? Marunong mag drive?" Ang sambit naman ng mga kuya ni Kelly.

Pinag bebeltukan naman ni Keilla ang mga kuya ni Kelly "anong akala nyo sa nanay nyo walang alam?"

"Mama naman hindi naman sa ganun." Ang sabi naman ni Kian.

"Anyways, anong niluto nyo? Nagugutom si Kelly."

"Nag luto po si tito Kevin ng pork curry." Ang sabi naman ni Jacob.

"Pork curry?" Sambit ni Kelly.

"Opo tita Kelly kaso napaalat po ang timpla ni tito Kevin."

"Siopao nandito ko."

"Hehe… sorry po tito Kevin."

"Tsss… ayos na nagawan ko na ng paraan sige ikukuha kita babysis."

"Thankies kuya."

"Yeah."

Pag alis ni Kevin na upo rin naman sa sofa sila Kian "sige kayo na munang bahala kay Kelly itataas ko na muna ang gamit namin."

"Hindi na Ma kami na diyan." Ang sabi ni Kian.

"Oo nga Ma, sige na Keith ikaw na mag taas." Ang sabi naman ni Kim.

"Ano?!"

"Aba't aangal ka?"

"Tung mga batang re ako ng bahala konti lang naman ang gamit namin ni Kelly. Mag bibihis rin muna ako."

"Sige po ma iakyat nyo nalang po muna yang mga hand bag nyo kami na mag akyat sa iba." Ang sabi ni Kian na napa buntong hininga dahil yung kokonting sabi ng nanay nila ay hindi totoo dahil sobrang dami nilang dala. Bilang galing pa sa Cebu si Keilla nung nakaraan dagdag pa ang mga gamit ni Kelly na dalawang maleta.

"Sya sige, mag usap na muna kayo dyan."

Pag kataas naman ni Keilla tinanong agad ni Kian na bakit biglang naisipan ni Kelly na umuwi sa kanila.

"Hindi naman sa ayaw kong nandito ka pero baka hanapin ka ni Patrick nag sabi ka ba?"

"Yah, tsaka bakit parang ang dumi-dumi ng bahay? Nasan si ate Faith?"

"Ah… umuwi muna sa Bulacan umuwi kasi ang tita nila na galing sa abroad." Sagot naman ni Keith.

"Oh? Nasan ang mga bata?"

"Andun tulog na. Hindi ko na pinasama para naman makapag enjoy ang ate Faith mo."

"Eh? Paano yung dalawa kapag may pasok ka?"

"Ah… naka leave kami ng mga kuya mo."

"Ha? At bakit?"

Nagkatinginan naman sa isa't isa sila Keith "here you go, kumain ka na muna." Ang sabi naman ni Kevin na may dalang pagkain ni Kelly

"Ikaw rin kuya? Naka leave?"

"Ha?"

"Naka leave daw sila kuya Keith eh pati ba ikaw? At bakit? Anong meron?"

"A…Ano kasi…"

"Ako! Kaya ako nag leave dahil nga sa mga pamangkin mo walang mag aalaga." Ang sabi ni Kevin na parang naiilang tumingin kila Kian dahil parang na realized nya sa sinabi nyang yon na parang nilaglag nya ang mga utol nya.

"Ohhh… good reason, kayo kuya? Bakit kayo naka leave?"

"Ako po!" Ang sabi naman ni Jacob na may pag taas pa ng kamay.

"Baby boy?"

"Si daddy po kaya nag leave aalagaan rin po ako."

"Ha?"

"Opo, wala po kasi si mommy."

"Ano? At bakit naman? Nag bakasyon rin?"

"Ah… Ano bunso ganito kasi yun may team building kasi ang ate Rica mo kaya yun ako ang bantay kay Jacob." Ang sambit ni Kian na para bang kinakabahan.

"Ohhh… galing ah parehas ng reason ng kay kuya Keith."

"Ha—Ha---Ha… hindi naman sa ganun bunso nagkataon lang . Di ba Keith?"

"Ha…ha…ha… O—Oo ganun nga yon Bunso. He… He…"

Sa isip-isip ni Kelly "tsss… kala naman ng mga re maloloko nila ako." Napatingin naman siya kay Kim "eh ikaw kuya Kim bakit ka nag leave? Don't tell me dahil rin sa anak mo na aalagaan baka nakakalimutan mo wala ka namang asawa at anak."

"Ha…Ha…Ha… Bunso naman, nag leave ako kasi…ano…"

"Kasi?"

"Kasi…"

"Mag rereview sya." Ang sambit naman agad ni Kevin.

"Review?"

Napatingin naman si Kim kay Kevin at nag winked ito sa kaniya na para bang sinasabi na maki ride on nalang ito sa kaniya.

"O—Oo mag rereview ako."

"Para san?"

"Sa… Ano…"

"Sa ano, mag mamasteral na kasi si kuya." Ang sabi agad ni Kevin.

"Eh? Hindi ba naka pag masteral ka na kuya?"

"Ha? Hi—Hindi pa babysis kala mo lang yun. Diba kuya?"

"O—Oo kaya nga nag rereview ako."

"Talaga lang ha? Eh ikaw kuya Kevin nag leave ka rin ba?"

"Ha? A—Ako? Hi—Hindi ako naka leave."

"Ohhh… pero balita ko parati kang nasa hospital ngayon wala ka ng dayoff?"

"Ha? A—Ako?"

"Alangan naman si Jacob? Kuya naman syempre ikaw, ikaw ang kausap ko eh tsaka ikaw lang naman ang nag tatrabaho sa hospital dine satin. Sila kuya Jules at kuya Julian naman iba ang forte."

"Ah… he…he…he… Oo nga naman may babayaran kasi ako kaya hindi ako nag da-day off. Ha… Ha…Ha…"

"Ohhh… really? Ano naman yon? Pwede ba naming malaman?"

"Ahm… Ano…yung ano."

"Sandali nga, bakit ba nag sisinungaling kayo sakin?"

"Ha?" Ang reaction ng mga kuya nya sa kaniya.

Sabihin na kaya ni Kelly na alam na nya anv tungkol sa kondisyon ng daddy nila? Patuloy pong abangan ang mga susunod ba kabanata. SALAMAT AND GODBLESS po sa inyong lahat. ♡~♡

lyniarcreators' thoughts
Chương tiếp theo