webnovel

Kabanata 351

Sabi nila kapag hindi mo hinahanap kusang nag papakita o lilitaw kung saan nalang. Paano kung ang akala mong yumao na ay bigla mong nakita? Ano kaya ang gagawin mo?

"Ano? So may kakambal po si daddy?" Ang sambit ng Dela Cruz sibilings maliban kay Kelly na nawalan ng malay sa gulat kaya naka higa ito sa sofa habang kausap nila Kian via video call ang mama Keilla nila na nag punta ng Cebu kasama si Jenny para mag bakasyon.

"Oo, at sya nga ang nasa harapan nyo ngayon ang uncle Kallix nyo." At sabay-sabay namang napatingin ang mga ito dito.

"Wow! So totoo pala talaga sya Ma?" Ang sabi naman ni Keith.

"Kian, paki batukan mo nga yang kapatid mong nag kulang na naman ata sa turnilyo."

"Okay Ma." At binatukan nga nya ng isang malakas si Keith.

"Aray!!! Mama naman eh."

"Heh! Makinig kayo, sa isang buwan pa ang uwi namin ng tita Jenny nyo kaya kayo na munang bahala sa uncle nyo at wag nyong pababayaan si Kelly dahil malilintikan kayo sakin."

"Opo Ma." At nag end na sila ng call at titig na titig sila sa sinasabing kakambal ng daddy nila na matagal ng nawawala matagal na panahon na ang nakalilipas.

"He—Hello sa inyo."

"Wow… kahit yung boses nya kuya parang si daddy." Ang sabi naman ni Keith kay Kian.

"Faith, pwede ba?"

"Ah… sige lang kuya walang problema. Gigil rin ako dyan eh." Ang sabi naman ni Faith habang naka bantay kay Kelly kaya naman sinakal ni Kian si Keith.

"Ku—Kuya hindi ako makahinga."

"Heh! Kapag hindi ka tumigil sa kakasalita mo ng nonsense tutuluyan talaga kita."

"O—Oo hindi na promise."

At binitawan naman sya ni Kian kahit hindi naman talaga mahigpit ang pagkakasakal nito sa kaniya "Ha… Ha… Ha… pasensya na po kayo wirdo po kasi talaga kami." Ang sabi naman ni Kevin.

"Ah… ha… ha… ganun pala…O—Okay lang naman kasalanan ko rin naman kasi bigla nalang ako pumasok dito sa inyo ng bigalaan."

"Bakit nga ba kayo doon dumaan sa likod?" Ang tanong naman ni Kim.

"Ahh… nakita ko kasing bukas yung gate kanina tapos nag mmasid masid ako at nakita kong bukas yung pinto sa kusina na amoy ko kasi yung curry eh gutom na gutom na ko kaya ayun dun din talaga ako dumiretso."

"Ah… ganun pala…" Anila at na gising naman si Kelly at inalalayan sya ni Patrick na bumangon.

"Da—Daddy?" at nahimatay na naman sya nung nakita nya ang akala nyang daddy nila.

"Ho—Honey…"

Napa buntong hininga naman ang mga kuya nya "hayaan mo lang sya ayos lang yan." Ang sabi naman ni Kevin.

"Pero kuya…"

"Don't worry hindi ito ang unang pag kakataon na naging ganyan yan."

At nagkatinginan ang mga kuya ni Kelly at napangiti dahil naalala nila nung sinabi nila kay Ethan na alam na nito na crush sya ni Kelly kaya naman sa sobrang kahihiyan na himatay sya at kapag nakikita nya ito nahihimatay uli sya. Katulad ngayon.

"Magiging okay rin sya kapag kumalma yan." Ang sabi ni Kian.

"O—Okay kuya."

"Ah… eh… sorry hindi ko kasi alam na magkaka ganito." Ang nahihiyang sambit naman ng uncle Kallix nila.

"Wala po yon." Ang sabi naman ni Kevin at biglang may nag bukas ng pinto "I'm home." Ang sabi ni Julian na naka suot pa ng pang sundalo nyang uniform.

"Julian." Ang sabi ng mga kuya nya.

"Oh, may bisita pala…" hindi naman na nya nasabi ang kaniyang gustong sabihin dahil pag lingon sa kaniya ni Kallix na tulala ito at namangha. "mu—multo!!!!" at nahimatay.

"JULIAN!!!!" Anila Kian at dali-dali naman nilang nilapitan ang kapatid "bro, gising!!!"

Samantala sa Cebu…

Nakain ng kanilang dinner sila Keilla at Jenny habang nag uusap.

"Hindi ba si Kallix yung kakambal ni Kemwell na matagal ng nawawala?" Ang sabi ni Jenny.

"Um. At hindi ko alam kung bakit bigla nalang syang nag pakita."

"Pero hindi ba ang buong akala nila Inay noon na mag isa lang si Kemwell?"

"Um. Nung panahon kasi nila hindi uso ang ultra sound kaya naman sa midwife lang sila nag babase kung ano ang dapat gawin."

"Ohhh… so, paano nahiwalay si Kallix kay Kemwell?"

"Ang sabi yung midwife daw na nag paanak noon kay Inay nag ka interest kay Kallix dahil hindi ito mag ka aanak."

"Wait, Inay didn't know about Kallix?"

"Um. Dahil kambal, si Kemwell lang ang nakaya ni Inay ilabas ng normal at nung ilalabas na nya si Kallix nawalan na sya ng malay kaya naman itinakbo nila Itay si Inay sa hospital."

"Ohh… I get it na so for Kallix nag cs section pala si Inay."

"Aha."

"How about Itay? He ain't know na may isa pa sa sinapupunan ni Inay?"

"Ang sabi sakanila nung doctor na nag cs section kay Inay namatay si Kallix pero ang totoo kinuha talaga ito nung midwife."

"What? That's insane."

"Oo yun ang pinalabas ng doctor na asawa pala nung midwife."

"What?! So, they made a plan?"

"Oo parang ganun na nga."

"Pero paano nila nalaman na may kakambal si Kemwell?"

"Nung isang beses na nakita ni ate Vina si Kallix sa isang mall tapos syempre kilala mo naman ang mga Dela Cruz hihimatayin."

"Ahh…Oo napansin ko nga kasi namana yon ni Julian na kahit ganon eh pinili pa ring mag sundalo."

"Hehe… kakatuwa naman."

"Anyways, paano naman na confirm ni ate Vina na hindi si Kemwell yun?"

"Ah… matagal na yon at ng mga panahong iyon naka 2years ng namamatay si Kemwell kaya naman talagang mahihimatay si ate Vina nun lalo pa't nakausap nya ito."

"Pfft… really?"

"Oo hindi ko alam yung pinaka story eh pero nung nagising nun si ate nasa hospital na sya at nahimatay na naman sya nung nakita nya si Kallix."

"Ahhh… ha…ha…ha… himatayin nga sila…"

"At nung nahimasmasan na si ate at na realized nyang hindi ito yung kapatid nyang si Kemwell doon na nya kinuha yung pagkakataon na makipag close dito."

"Pero, bakit hindi ata alam ng karamihan na may kakambal si Kemwell?"

"Ahh… oo dahil ang buong akala kasi ng pamilya na mag isa lang talaga si Kemwell dahil ayaw na nilang pag usapan pa na may kakambal ito."

"Hmm? Why?"

"Kasi hindi sinabi ni Itay kay Inay na may kakambal si Kemwell."

"Ohhh… pero bakit?"

"Simple lang hindi nya kayang makita ng mga panahong iyon na nasasaktan si Inay dahil nung oras na nganganak si Inay namatay naman si kuya Obet."

"Ahh… yung panganay na kapatid nila Kemwell? Na nasagasaan ng truck?"

"Oo, pero dahil nga sa pangyayareng nakita ni ate Vina si Kallix ayun na banggit na ni Itay kay Inay na may kakambal talaga si Kemwell pero hindi na nila ito minakaingay pa."

"Minakaingay?"

"Ahhh… ibigsabihin hindi pinagsabi pa kasi nga matagal ng panahon ang lumipas kaya kahit ang ilang bagong generation sa mga Dela Cruz ay hindi alam ang tungkol kay Kallix."

"Ohhh… kaya pala hindi rin alam nila Kian."

"Um. Hindi naman sa ayaw kong sabihin kila Kian kaso kahit ako nakalimutan ko na rin na nag e-exist si Kallix."

"Well, you have a point after all patay na si Kemwell kahit ako kung makikita ko yung Kallix na yon baka hindi lang ako himatayin sa gulat baka atakihin pa ko sa puso."

"Huy wag ganyan."

"Just kidding, pero kasi matagal ng panahong wala si Kemwell at alam mo naman na si ate Wilma ang may kagagawan kung bakit…"

"I know, wag mo ng ituloy. Sana lang walang ibang motive si Kallix kung bakit bigla nalang sya nag pop up."

"Hmm? What do you mean?"

"Nothing, I just thought of something lang."

"Like?"

"Ang muling magbalik."

"Ayos lang naman siguro yun di ba?"

"Oo ayos lang pero ayos na ang pamilya natin baka mamaya ng dahil sa kaniya magulo na naman…ayokong masaktan si Kelly."

Kinabukasan,

Maagang na gising si Kelly at nakita nyang nag luluto ang uncle Kallix nya ng kanilang agahan. Doon na pinatulog nila Kian sa bahay nila ang kakikilala palang nilang tiyo.

"Guten Morgen." Ang bungad sa kaniya ng uncle Kallix nya "ay, sorry good morning ang ibig sabihin nun."

"Auch dir einen guten morgen."

"Ohh… you know how to speak German?"

"Ein bisschen… char lang po mga basic lang po."

"Char?"

"Ah… expression lang po yun ngayon nyo lang po ba yun narinig?"

"Oo actually ka uuwi ko lang galing Germany."

"Ohhh… Welcome po."

"Danke…"

"Wala pong anuman."

"By the way, ako nga pala ang uncle Kallix mo."

"Opo nabanggit kayo sakin ni Patrick yung asawa ko.:"

"Ah… ganun pala. Sorry nga pala kahapon kung na gulat kita."

"Wala po yun na overwhelmed lang po ako kasi nakita ko sa inyo si daddy."

"Ah… Oo nga kahit ang mga kuya mo rin na gulat eh. Akong ako ba talaga ang daddy nyo?"

Nag iba naman bigla ang mood ni Kelly "sino kayong talaga?"

"Ha? A---Ako ang kakambal ng daddy nyo na si Kemwell."

"Oh really, bakit sa tagal ng panahong wala na si daddy ngayon pa kayo nag pakita? Sabihin nyo anong pinaplano nyo?"

"Kelly!!!" Ang bungad naman ni Kian at saktong gising na rin naman noon ang mga kuya nya.

"Mga ku—kuy's…"

"Ano bang pinagsasabi mo? Agang aga wala ka sa mood?" Ang sabi naman ni Keith.

"Mag sorry ka kay Uncle. Mali yang inaasal mo." Ang sabi ni Kian.

"Pero kuya…"

"It's okay. No need to apologize tama naman si Kelly kasi nga naman ang tagal ng panahon na wala ang daddy nyo ngayon pa ko magpapakita."

"Pero hindi naman po namin alam na may kakamabal pala si Daddy." Ang sabi naman ni Kevin.

"He's right, kami nga po ang dapat mag sorry kasi wala po kaming alam. Kaya sige na bunso mag sorry ka na." Ang sabi naman ni Kim.

Hindi naman nag sorry si Kelly at umalis ng kusina at umakyat na papunta ng kanilang kwarto at naka salubong nya si Patrick.

"Honey, you okay?"

"Let's go home."

"Hmm? Pero nasa bahay naman…"

Nakita naman ni Patrick si Kian at ang iba pang kuya ni Kelly na tinatawag ito "bumalik ka dito Kelly! Hindi pa kami tayo tapos!"

"A—Ano bang nangyayare?" Ang nag tatakang sambit ni Patrick at hinila na sya ni Kelly papataas uli pabalik ng kanilang silid "dun muna tayo sa satin ayoko dito."

"O—Oo sige."

Hiyie geysh!!! (✿◠‿◠)

• Hope you enjoy reading po. Wag n’yo po sanang kakalimutan na mag basa rin po ng iba ko pang novels.

.

.

* Chasing Her Smile

PRIDE of Friendship

.

.

Thankies and Godbless po sa inyo. (•ؔʶ̷ ˡ̲̮ ؔʶ̷)✧

lyniarcreators' thoughts
Chương tiếp theo