webnovel

Kabanata 240

Malakas at hindi pa rin na hupa ang ulan maraming nag bagsakan na puno sa daan at walang madaan ang mga sasakyan.

"Hindi pa ba natawag si Vince sa inyo?" Ang bungad ni Kian habang nakaupo na sa may dining area ang mga kapatid niya para mag umagahan.

"Nag text lang kuya wala daw ngayong wifi sa condo nila Patrick naapektuhan daw ata ng bagyo kaya nag text lang sakin extra load lang daw yung gamit niya." Ang sabi ni Kim.

"Tsk... Hanggang ngayon ba wala pa ring kuryente?"

"Wala pa kuya buti nalang at gasul ang gamit natin kung induction baka wala akong nailuto." Ang sabi ni Faith.

Napaupo nalang sa dismaya si Kian "Kim, tinawagan mo na ba yung mag gagawa ng generator?"

"Oo kuya kaso hindi sila makakadaan gawa ng mga puno na nag tumbahan sa kalsada kung maayos daw mamaya ang kalsada at tumila ang ulan baka makarating sila ngayong araw rin pero kung hindi... Hindi sila makakapunta dito."

"Haysss... Keith, samahan mo nga akong hanapin sa bahay nila Rica yung emergency light sa bahay nila paubos na ng karga ng sa atin wala na tayong gagamitin delikado naman kung hindi isasara ang kandila at para na rin kay Tum-Tum."

"Oo sige kuya pagkatapos nalang natin kumain tsaka tayo mag punta don.".

"Okay lang naman si Tum-Tum kuya may battery pa naman yung flashlight at sa tingin ko di naman sya takot sa dilim kaso nga lang dahil kulob ang bahay naiinitan sya." Ang opinion naman ni Faith.

"I know, baka sumpungin rin sya ng hika buti nalang at hindi di saksak ang nebulizer nya. Pero mas okay kung marami tayong batteries at emergency light na may charge para maka pag charge na dn tayo ng phone natin kahit papano."

"Oo kuya lowbat na ang cellphone ko eh." Ang sabi ni Kevin.

"Ako rin 20% nalang yung battery life nung sakin." Ang sabi ni Kim.

Kian made a facepalm "Tsk... ang hirap talaga pag ganito kaya maging aral ito sa atin kaya lahat ng dapat i-charge lagyan niyo na ng charge at yang lintek na generator na yan kailangan nating gawan ng paraan yan! Para hindi tayo mahirapan habang wala pang kuryente."

"Mas okay sana kung andito si Kelly magaling yung sa kutingting eh baka sakaling magawan niya ng remedyo." Ang sabi ni Keith.

"IT si Kellang at hindi electrician. Baliw ka talaga." Ang sabi ni Faith.

"Marunong talaga si Kelly kala mo diyan. Di ba mag tol?"

"Yeah..."

"Oh?"

"Sya nga nag gagawa ng electricfan dito kapag nasisira eh daig pa nga kami nun dami niya ng nagawa dito na appliances na may sira."

"Wow! Hindi lang pala magaling si Kelly sa computer pati rin pala sa ibang appliances dat pala nag IT ka na rin."

"Di naman mahilig yan sa butingting ang alam niya lang ang pag bili ng dumbbell niya." Ang sabi ni Kim.

"Hoy! Collection item naman yun tol pede ko yun benta pag kinakailangan."

"Sus! Ewan! Benta mo ng makabili tayo ng bagong generator!"

"Aba!"

"Tahimik! Bilisan niyo at kumain na para magawa na ang dapat gawin."

"Oo kuya." Anila kay Kian.

"Kuya ako? Ano ang gagawin ko?" Ang sabi ni Kevin.

"Yung ihawan natin ihanda mo para in case na maubos ang gasul natin dun tayo magluluto."

"Okay copy."

"Pano yon baka hindi pa makauwi sila Kelly at Jacob ngayon." Ang sabi ni Faith.

Samantala sa condo ni Patrick,

Buhat-buhat ni Patrick si Kelly na parang bata "It's okay na nakuha na nila yung ahas wag ka ng umiyak andito lang kami."

"Tita Kelly, don't cry na po."

"Um..."

Pabulong bulong si Harvey kay Vince "Pre, kailan pa naging close masyado yang si Patrick at Kelly?"

"What do you mean?"

"Nung napatalon si Kelly sa takot imbes na sayo sya lumapit kay Patrick sya sumampa at tignan mo para syang bata na dala-dala ni Rick."

"Ewan ko. Baka akala ni Kelly di ko sya kayang buhatin."

"Hmmm... I don't think so brad I think ganun talaga instinct ng gf kapag nasa panganib sya sa bf agad pupunta."

Siniko ni Vince si Harvey "Baket mo ginawa yon? Ang sakit ha!"

"Wala lang."

"Ikaw!!!"

Nagising naman na si Dave na nahimatay kanina "Mmm... Anong nangyayari?"

"Wala!" Ang sagot nila Vince at Harvey at hinila papalabas ng kwarto.

"San— San nyo ko dadalhin?"

"Manahimik ka!" Anila.

At paglabas naman nung tatlo ibababa na na sana ni Patrick si Kelly sa may kama pero ayaw nitong mag pababa "No! Ayoko!"

"Okay sige hindi na muna kita ibababa."

"Tita Kelly..." Ang nakikisimpatyang sambit ni Jacob.

"Baby, sige na sumunod ka na sa mga tito mo dun susunod na rin kami ng tita mo papakalmahin ko na muna sya."

"Pero..."

"Sige na baby, para makapag breakfast ka na rin."

"Si... Sige po."

"Don't worry susunod kami ng tita mo."

"Um..."

At habang papalabas si Jacob ng kwarto nag aalala at nakatingin parin siya sa tita Kelly nya hanggang sa maisara niya yung pinto "Hindi ka pa ba nagugutom?" Ang sabi ni Patrick kay Kelly na nakaubob sa kanyang balikat habang dala niya ito na parang bata.

"Di ako nagugutom."

"Pero, gabi pa ang huli mong kain baka pagalitan ako ng mga kuya mo pag nalipasan ka ng gutom."

"No! I just want to be with you."

Nanlaki ang mga mata ni Patrick sa sinabing iyon ni Kelly "O— Okay."

Nag sway-sway pa sya na para bang pinapatulog nya si Kelly at tinapik tapik pa nito ang likuran nito "Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Um..."

"Ahm... sorry to ask you this but do you still love me?"

Gumalaw si Kelly at tumingin ng diretso kay Patrick "Why do you ask?"

"I... I... just..."

He can't continue talking because Kelly kissed him "Did I answer your question Mr. Santos?"

Napalunok nalang si Patrick ng di oras at sobrang pula rin ng mukha niya "Ako naman ang magtatanong do you still love me?" Ang direktang tanong ni Kelly kay Patrick.

Tinitigan ni Patrick si Kelly na para bang may gusto ring gawin na kung ano pero pinili nitong sa noo nalang halikan si Kelly "I still love you Mrs. Santos."

"Wha— What? Anong Mrs. Santos ang sinasabi mo?"

"Wala ka bang naaalala kagabi?"

"Na ano?"

Napatigil sa pag sasalita si Patrick at iniisip niya yung nangyari kagabi sa kanila ni Kelly.

Ang mga pangyayari kagabi...

"Lord wag niyo po akong hayaan sumama sa kadiliman."

Hirap na hirap si Patrick sa kaniyang sitwasyon dahil nga nakapatong sa kaniya si Kelly at may kakaiba na rin siyang nararamdaman sa bandang baba niya at sobrang pawis na rin siya. Ang bilis ng tibok ng puso niya na para bang gusto na nitong sumabog ano mang oras.

"Lord!!! Ayokong magkasala pero tignan niyo naman ang itsura namin ng girlfriend ko ayoko pang mamatay pero ibang langit na ata ang papasukin ko. Lord!!! Tulungan niyo ko ayoko pong labagin ang utos niyo pero si Junjun baka di makapag pigil!!!"

.

.

.

.

.

.

.

Note: Kung iniisip niyo po na may R18 po na mangyayari wala po dahil masyado pang bata ang inyong author. Char! Kaya mag imagine na muna kayo diyan. Hahahahaha...XD

Ps. More votes of powerstone mas madami po ang updates sa ngayon bibitinin ko po muna kayo. See you tomorrow. Ciao! HAHAHAHAHAHA

Vote!!!

Vote!!!

Vote!!!

Comment!!!

Comment!!!

Comment!!!

lyniarcreators' thoughts
Chương tiếp theo