webnovel

Kabanata 139

Hindi na nga napgilan ni Ricardo ang pananabik niya sa anak na si Paula kaya nung nakita niya si Kelly talagang niyakap nya ito ng mahigpit na kinagulat naman ng lahat. Hindi rin naman malaan ni Kelly kung ano ang kaniyang magiging reaksyon dahil miss na rin niya ang daddy niya kaya para bang naging "father figure" niya ang daddy ni Patrick.

"Ah...eh...Daddy!!!" Ang sabi ni Patrick at hinila nya ng bahagya si Ricardo.

"Nako, pasensya ka na ija dahil hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin nung nakita kita. Kahawig na kahawig mo kasi...."

"Si Paula po? Ang sabi ni Kelly.

Napatingin si Ricardo kay Patrick "Alam niya?"

"Yes daddy pero hindi po siya si Paula kaya itigil niyo na yang kahibangan nyo."

"Sorry....hindi ko lang kasi...."

"No! It's okay."

"Eh?" Ang pagulat na reaksyon ng lahat.

"Hindi ka galit?" Ang sabi ni Patrick.

"Nope, not a big deal anyway it's just that wag lang po kayong pa bigla bigla nakakagulat po kasi Sir?"

"Ah?" Ang reaskyon ni Ricardo.

Bumulong naman si Vince kay Kelly "Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi mo ba siya nakikilala?"

"Ha? Hindi eh alam mo namang hindi ako magaling sa pag kabisado ng name o mukha."

"Hahahaha...No, its okay I'm Ricardo...I think we can catch up some other day? Ms. Kelly?"

"Daddy!!!"

"Yah...sure I'm fine with that Sir. Ricardo but call me Kelly not Paula po okay?"

"Hehe...Yeah...I will."

Napatingin naman si Patrick sa dalawa dahil ngayon na lang niya uli nakita ang daddy niya na napaka saya.

Kinahapunan,

"I'm home!!!" Ang sabi ni Kelly.

"Bakit ngayon ka lang?" Ang bungad ni Keith sa kanilang pintuan na kinagulat naman ni Kelly "What the F? Kuya naman bakit naman nang gugulat ka diyan?"

"Ano? Tigil tigilan mo ko sa ganyang mga pananalita mo Kellang!"

Napakamot si Kelly sa kanyang ulo at nilambing ang kuya Keith niya "Tsss...ito naman si kuya parang others."

"Heh! Bitawan mo nga ko! Saan ka nanggaling bakit ngayon ka lang?"

"Di ba nga nag gawa kami ng project namin saan pa ga naman ako pupunta? Kahit tanong mo pa kay Vince."

"Tsss...talaga lang!"

"Oo nga kuya!"

"BABE, SI BABYSIS NA BA YAN?" Ang sigaw ni Faith na nanggagaling sa sala.

"OO ANDITO NA SYA."

Tumakbo naman na si Kelly "Hoy!" Bumalik ka dito hindi pa tayo tapos!!!"

"Bleeeh...bahala ka diyan kuya."

"KELLY!!!!"

Makalipas ang ilang minuto na kausap nila Keith si Kelly "Ano? Nanggaling dine sila Miggy at Chollo?"

"Yes baby sis, yan namang kuya mo hindi man lang pinapasok nakakahiya tuloy."

"Huh! Hindi na kailangan dahil wala din naman dito si Kelly kanina tsaka hindi pwede ang ligaw ligaw na yan."

"Tsk...kuya naman naging rude ka naman sakanila ang init kanina di ba? Baka kanina pa yung mga yon sa labas nakakakhiya naman."

"Tsss...ano naman? Mga lalaki sila kaya kailangan makakapal ang balat nila tsaka hayaan mo ngang mahirapan ang mga yon kung gusto ka talaga nila kailangan nilang maghirap!"

Bineltukan siya ni Faith "Babe!!!"

"Ano? Lalaban ka?"

"Hi---hindi naman ang akin lang...."

"Heh! Pasensya ka na babysis wala na kong nagawa ang kuya mo kasi epal talaga eh."

"Tsk...hayaan na po natin hindi pa rin naman po ako ready sa mga ganyang bagay. Sige po tataas na po muna ako sa kwarto ko at makapag palit ng damit."

"Hep! Bakit parang may sunburn ka?"

"Ha? A---ako?"

"Oo yang mukha mo ang pula!"

"Eh? Nababanasan lang talaga ko kuya masyado ka na namang paranoid bahala ka na nga diyan ate Faith ikaw na nga po bahala sa isang yan."

"Sige babysis pahinga ka muna mamaya kakain narin tayo ng hapunan."

"Thanks ate."

"Um...see yah later."

At umalis na nga si Kelly napatayo naman si Keith "Hey!!! Kelly!!! Come back here!!!!"

Hinila naman siya ni Faith at sinabing "Ang ingay mo ikuha mo ako ng apple."

"Ha? Pero babe andun lang naman ang ref sa kusina kaya mo na yan kakausapin ko pa si Kelly."

"Ikukuha mo ba ako o gusto mong magalit pa si babay sayo?"

"Sigh...okay eto na po kukuha na..." Hinawakan naman ni Keith yung tyan ni Faith "Baby, wag kang magagalit ha? Wag mong pahihirapan si mommy mo pag lumabas ka diyan. Okay?"

Napangiti naman si Faith "Tsss...lumakad ka na gusto namin ni baby ng apple."

"Opo kamahalan..."habang papaunta naman siya sa kusina pabuong bulong siya "7mos na yung tyan niya naglilihi parin ba sya? Sigh...ang demanding din talaga ng may buntis na asawa."

"MAY SINASABI KA BA?" Ang sigaw naman na sabi ni Fiath.

"Wa---Wala BABE eto na kukuha na ko."

"KUMUHA KA NA RIN NG TUBIG SAMAHAN MO NA RIN NG KONTING BILIS!"

"Tsk...oo na po mahal na reyna."

"HEH!"

Kinabukasan,

Nag luluto ng umagahan sila Keith at Faith "Babe, hindi ba umuwi sila Kevin?"

"Hindi mukhang nag OT siya sa ospital pero mamaya ata siya uuwi pati sila kuya."

"Ohhh...I see si Kelly hindi pa gising?"

"Nako, baka mamaya pa yun weekend kasi eh di ka pa na sanay sa batang yon."

"Ayusin mo na yung lamesa matatapos na ito gisingin mo na rin si Kelly para sabay sabay na tayo."

"Okay sige."

Samantala sa kwarto ni Kelly,

"Ring...Ring..." Ang tunog ng cellphone ni Kelly.

"Hmmm...Hmm...sino ba naman ang lintek na tumatawag natutulog yung tao eh." Kinuha niya yung telepono niya at hindi tinignan kung sino yung tumatawag basta na lang niya sinagot dahil antok na antok pa sya.

"Hello? Sino toh?"

"KELLY!!!!"

Nilayo naman ka agad ni Kelly yung telepono sa may tenga niya dahil na binge siya sa sumigaw "Putek!!! HINDI AKO BINGE!!!" tinignan niya kung sino yung tumatawag sa kaniya at nakita niyang si Vince iyon kaya nag hang up nalang siya.

"Buset ka! Gigising mo kong hinayupak ka na kala mo may sunog! Mag dusa ka inaantok pa ko."

Tinapon niya yung telepono niya sa may sofa na nasa kwarto niya tapos bigla namang may kumatok sa kwarto niya "Knock...knock..."

"Kelly!!! Gising na kakain na tayo ng agahan."

"Tsk...mamaya na kuya inaatok pa ko!! Mauna na lang kayo ni ate Faith."

"Eh gusto nga niya na sabay sabay tayo bumangon ka na diyan!!!"

"Tsk...kainis naman!" Ang pabulong bulong niyang sabi.

"Bumangon ka na diyan at aalis tayo mamaya."

"Aalis?"

"Pupunta tayo kila Vince!"

"ANO? BAKIT?"

"Birthday ni tita Ada diba?"

"Eh? Nako, kaya siguro natawag ang lukong yun sakin nalimutan ko naman."

"KELLY???"

"OO KUYA BABABA NA KO MAUNA KA NA."

"Sige bilisan mo diyan!"

"OO NA!"

Pandalas namang kinuha ni Kelly ang kaniyang telepono "Tsk...matawagan nga ang lintek."

"Hello?"

"HOY!!! BAKIT MO KO BINABAAN KANINA?"

Nilayo naman ni Kelly ang telepono sa may tenga niya "PUTEK KA!!! HINDI AKO BINGE!!!"

"Ay...so---sorry naman excited lang ako."

"Ngayon nga pala ang kaarawan ni ninang Ada noh?"

"Tsss...aba buti naman at naalala mo pang bday ni mama at na ninang mo siya."

"Tsk...oo na! Well, nalimutan ko talaga nawala sa isip ko kung hindi pa nabanggit ni kuya Keith hindi ko talaga maalala na bday ni ninang."

"Tsss...ganyan ka naman."

"HEY!!! Wag ka nga!"

"But by the way, pumunta kayo dito nila kuya mo ha? May konting salo salo lang dito sa bahay."

"Hala, wala pa ako regalo kay ninang bakit hindi mo kasi na banggit sakin kahapon mag kasama naman tayo buset ka talaga."

"Aba! At kasalanan ko pa pala ngayon ba malay ko bang di mo pala naalala ang bday ni mama. Maaga pa naman pwede pa kayo bumuli ng gift. Ehehehe..."

"Hindi ikaw yung may bday noh! Kaya wag kang epal diyan."

"Sus...ewan pero ang gusto ni mama eh ang makapunta lang talaga kayo dine lalo ka na alam mo namang para ka na rin nung bunsong anak."

"Yeah...I know, sige na bababa na ko para mag umagahan baka diyan nakami mag lunch sainyo nila kuya Keith at ate Faith."

"Eh? Kayo lang tatlo?"

"Um...wala pa sila kuya Kim at kuya Kian may kasal kasi silang daadaluhan ngayon abay sila eh si kuya Kevin naman eh...nasa ospital pa ata baka mamaya pa yun umuwi pero baka dumaan din yun diyan bago umuwi dine. Si Jacob nasa mommy niya kay ate Rica"

"Ohhh...sige iintayin namin kayo dito."

"Sige bye na."

"Um...teka!!"

"Bakit na naman?"

"Inimbitahan ko nga rin pala sila Mimay."

"Oh? Eh ano naman? Syempre friends natin eh."

"Oo nga I mean kasi ano..."

"Ano? Bakit naman bigla ka diyang nag papabebe?"

"Tsk...asar ka talaga kahit kailan! Sige na nga! Bye!"

"toot...toot..."

"Hoy!!! Aba't binabaan lang ako? Buset na yon."

"KELLY!!!" Ang sigaw ang kuya Keith niya.

"OO ANDIYAN NA!!!"

Sa hapagkainan nila Patrick,

"Morning dude." Ang bungad ni Dave kay Patrick.

"Mornin'...wait bakit andito ka na naman?"

"Ha? Hindi ba at nag happy happy tayo ka gabi na lasing ako kaya hindi na ko nakauwi sabi ni tito dito nalang daw ako mag palipas ng gabi hindi mo alam kasi nga tulog ka na isang shot pa lang ang weak eh!"

Binato naman sya ni Patrick ng tinapay at nasalo naman niya ito "Nice dude! Gutom narin talaga ko eh."

"Heh! Nga pala birthday daw ang nanay ni Vince pupunta ka ba?"

"Ahhh...oo naman bakit ayaw mo?"

"Wala pa kong sinsabi baliw!"

Naupo naman na si Dave at kumain na rin ng agahan at habang nakain nag sasalita siya "Syempre kailangan nating pumunta nakakahiya naman kung hindi tayo pupunta inimbitahan tayo ni Vince eh."

"Tsss...hindi yun ang point ko! Puro kasi pagkain ang laman ng utak mo!"

"Ha? Hindi naman kaya pre paabot naman nung ham diyan sa tabi mo."

"Huh! hindi pala ha?" Kinuha naman niya at iniabot ng pabagsak kay Dave "Oh! Ayan mabulunan ka sana sa katawakawan mo."

"Hehe...salamat dude! At kumuha nga siya ng ham at nilagay sa tinapay niyang kinakain at nag madali sa pagkain kaya nabulunan nga.

"Du---De!!!!"

"Ano?"

"Tu---Tubeg!!!"

"Huh! Bahala ka!"

"DUDE!!!!!"

"Tsk...bwiset ka talaga! Ang takaw kasi kala mo may aagaw." Binigyan naman ka agad niya ng tubig si Dave.

"Sigh...salamat dude you're my saviour."

"Gung gong!"

Chương tiếp theo