webnovel

Chapter 10

Loey.

It's six in the evening. I'm still here at her house.

Hindi ko siya maiwan-iwan dahil nakatulog na naman siya and she is still a little bit warm. Mag-isa lang siya rito at baka kung mapano pa siya. I will never be at peace kung aalis ako na ganito siya.

Tumambay nalang muna ako at naglaro ng ML sa phone ko. Nagpadeliver na lang din ako ng pagkain dahil hindi naman ako marunong magluto. Isa pa, wala ring laman yung ref niya dahil tiningnan ko ito kanina.

I ordered a healthy vegetable salad for her, the one that's heart friendly. She told me awhile ago that she has arrythmia.

While for me was a two piece chicken form Jollibee.

I'm a bit hungry already pero hinihintay ko parin na magising siya para sabay na kaming kumain.

Kanina ay wala lang akong pakialam sa paligid, hindi naman ako mausyosong tao. Pero ngayon ay naisipan kong igala ang paningin sa paligid ng bahay niya.

It was quite aesthetic at halatang may kaya talaga siya sa buhay. Sabi pa nga ni Kuys Jayem, business partner daw ng Daddy niya ang Daddy nito.

Matapos kong oasadahan ng tingin ang buong paligid ay napako ang mga mata ko sa piano na naroon sa malapit sa window.

Does she play music too?

"OMG. Nakatulog na naman ako. I'm sorry nandito ka pa pala?"

Inialis ko ang pagkakatitig sa piano at lumingon ako sa kanya.

"Do feel better now?" I asked her.

Hinawakan niya ang leeg at saka tumango sa'kin.

"Gabi na pala. You should go home now," Aniya.

"Shall we eat first?" Sabi ko naman.

Napayuko siya na tila nahihiya.

"Sorry, I don't have food here."

I smiled and told her, "Nag order ako kanina nung tulog ka pa."

I stood up and walked towards her kitchen as if it was mine. I prepared the food that I ordered at sumunod naman siya.

Nang makalapit na siya sa table at nang makita niya yung pagkain ay natawa siya.

"Vege salad? Hindi kaya ako kumakain nito," Aniyang nakataas ang kilay at nagkibit-balikat. "Ang daya mo, chicken yung iyo sa'kin gulay lang," Aniyang nakapout pa ang lips.

"Di ba bawal naman sa'yo----"

She cut me off.

"Don't treat me like I'm sick. I'm fine, I can eat whatever I want," She said while smiling.

Kumunot ang noo ko at nag kibit-balikat. "Well, it doesn't mean that if you're sick and dying ay hindi mo na aalagaan ang sarili mo," Tugon ko naman.

She laughed. "Bakit pa? Eh kahit anong ingat ko, mamatay rin namam ako kaya I better eat what I want, because when I die, I can't do it anymore. So, I want to live the life I want hangga't nabubuhay pa ako 'diba?" She said and still manage to smile pero halata na may kaunting pait sa pagkakasabi niyang iyon.

Tsk. What she is saying is hurting me.

I really hate the thought of someone dying. Wala na akong masagot sa pinagsasabi niya.

Kinuha naman niya yung isang hiwa ng chicken joy at kinain iyon.

Napa-iling na lang ko. Matigas din pala ang ulo nito.

Kumain kaming dalawa na hindi nag-uusap. Hanggang sa matapos kami.

"Salamat sa dinner.... ano nga pangalan mo?" Anito.

Hindi nga talaga niya ako kilala.

"Kilala mo ba yung Peterpan?" I asked.

"Peterpan? Sorry?" Aniyang nagtataka.

"Nevermind," sabi ko. Sa Australia nga pala siya tumira.

"I'm Loey."

We walked back towards her living room at nakita ko ulit yung piano.

"Do you play that?" Tanong ko sabay turo sa piano at siya naman ay napatitig sa gawi nito.

Tumango siya.

"Yes, I love music. I compose songs," tugon niya.

"Really?" I became interested. If that's the case, we have the same interest.

Nilapitan ko yung piano at binuksan iyon.

"Were same, I love music too."

I sat and started to play.

I am into composing songs and music too. Sa katunayan, sa grupo namin, minsan ay ako ang nagsusulat ng kanta namin.

I was playing my original piece ng mga sandaling iyon. At naupo naman siya sa tabi ko.

"Original mo 'yan?" Tanong niya.

Tinapos ko muna ang pagpapatugtog bago siya sinagot

"This is the music I made after the death of my girlfriend," sagot ko sa kanya.

"Kaya pala malungkot yung melody. I'm sorry," sabi niya bigla.

I smiled.

"It's okay. Actually this is just a melody. Hindi ko kasi magawan ng lyrics."

I paused and smiled again.

"I just can't find the right words to say to her."

Or should I say, no words could express the pain I felt when she suddenly left.

I kept silent for a moment and gave way for the sad feeling that is slowly crippling in my heart.

But I was startled the moment I felt her head landed hardly on my shoulder.

Nilingon ko siya.

She fell asleep again?

Chương tiếp theo