webnovel

Five minutes Hug

iisang hotel lang ang tutuluyan ng grupo ni Jinho at Cha.

Habang nakatingin lang si Jinho kay cha nagsalita si Tanya.

"Hoy... Jinho! Ung id mo!"

"Ahh.. ah okay"

Kinuha ni Jinho ang id niya sa wallet niya after nun tumingin ulit siya sa direction ni cha kaso wala na si cha.

Palingon lingon si jinho kaso hindi niya na makita si cha.

"Tara na" sabi ni tanya kay jinho.

Nagpunta na si Jinho at tanya sa kanilang mga kwarto.

Magkakasama si vince, migs at jinho sa iisang kwarto.

Si tanya sa kabilang kwarto mag isa niya lang.

Sa kabilang kwarto ng boys.. maingay ang dalawa si vince at migs si Jinho naman nakaupo lang sa gilid at malalim ang iniisip.

Mayamaya binato ni migs si Jinho ng unan

"Ano ba!" Galit na sabi ni Jinho at tumayo siya at lumabas ng kwarto.

"Ano nangyayari dun? Bakit ganun reaction niya? Hindi naman siya ganun ah? Napalakas ba pagkabato ko?" Sabi ni migs.

"Ah malay ko sayo.. lipad kasi isip nun kasi andito si cha"

"Ha? Si cha?"

"Oo... Kasama si Ry"

"Ay naku po! Malaki atang gulo to pag nagkainitan ang dalawa na yun"

"Kaya kaylangan natin bantayan si Jinho" sabi ni vince.

"Sundan kaya natin siya baka pumunta yun kay cha lagot na pag nagka harap si Jinho at Ry.

"Hayaan muna natin siya mainit ulo niya magpapalamig lang yun siguro diyan sa labas"

___________________

Nagpunta nga si Jinho sa tabing dagat at naglalakad sa tabi ng dagat, palayo na siya ng palayo sa hotel na tinutuluyan nila.

Huminto siya sa paglalakad at umupo sa buhangin.

Pinapanood niya lamang ang mga hampas at alon ng dagat

Madilim ang kinaroroon ni Jinho kaya walang makakapansin na andoon siya.

Habang nakaupo si Jinho sa tabi ng dagat may nakabunggo sa kaniya.

"Ay.. palangka! Sino ka?"

"Tinatanong mo kung sino ako? Kanina pa ako andito tapos ikaw magtatanong niyan?

Tumayo si Jinho pag tayo niya tumutok ang flash light sa mukha niya kaya nasilaw si jinho at hinarangan ang ilaw na tumatama sa kaniya.

"Jinho..?"

Pagka tingin ni jinho sa mukha ng babae..

Si cha pala.

Nagulat si Jinho na si Cha ang nasa harapan niya ngayon kanina lang na iniisip niya ito andito na sa harap niya.

Hinawakan ni jinho ang flash light na hawak ni cha at nilihis niya ito sa mukha niya.

Lumapit siya kay cha at kinabig niya ang back ni cha at napalapit si cha sa kaniya.

"Hindi ko akalain na nasa harap na kita ngayon" sabi ni Jinho sa mababang boses na nakatingin sa mga mata ni cha.

Hindi naman makatingin ng deretso si cha sa kaniya.

"Bitawan mo nga ako!"

Hindi pinakinggan ni Jinho ang sinabi ni cha lalo paniya ito pinalapit sa kaniya at niyakap pa niya na ito.

Hindi makapalag si cha dahil mahigpit ang yakap ni jinho.

"Please stay with me.. for just 5 minutes"

Hindi na nakaimik si cha hinayaan niya nalang na yakap yakap siya ni jinho for 5 minutes.

"Jinho? My 5 minutes na pwede mo naba akong bitawan?"

Humiwalay na si jinho sa pagkakayakap kay cha.

"Sige.. mauna na ako sayo baka hinahanap na ako"

"Teka lang.."

Hinawakan ni jinho ang kamay ni cha para pigilan.

"Bakit?"

Lumapit ulit si jinho kay cha ng mas malapit at hinalikan niya ng mariin ito. Hinahalikan niya si cha na hawak ang mukha ni cha. Napa ka passionate ang mga halik ni jinho dahil dun hindi na din napigilan ni cha ang sarili niya, tumugon na din siya sa halik ni Jinho. nagtagal iyon ng 1 minute at unti unti ng pinahiga ni Jinho si cha sa buhangin at tuloy tuloy padin ang halikan nilang dalawa.. nakapatong na si Jinho kay cha at hinahalikan na ni jinho si cha sa may leeg, sobrang nag liliyab na ang pakiramdam nilang dalawa, pababa ng pababa ang halik ni Jinho pero ng maramdaman na ni cha na tatanggalin na ni jinho ang pang ibaba niya, umalma siya pinigilan niya ang kamay ni jinho, bumangon si cha at umupo at inayos ang sarili. Umupo din si jinho sa tabi niya at umingin sa kaniya.

"Sorry.."

tumingin si cha sa kaniya.

"Wag kang mag sorry... Dahil ginusto ko din. Pero hanggang dun lang yun."

"Mahal mo pa ako. Alam ko na mahal mo pa ako ramdam ko yun cha. "

"Pasok na ako sa loob Jinho.." tumayo at lumakad na si cha papalayo.

"Im willing to wait Cha! kahit gaano pa katagal yan! " Sigaw nito ng makalayo na si cha

Bumalik na din si Jinho sa kwarto niya.

"Oh? Saan ka galing? Sorry sa pagbato ko ng unan sayo okay?" Sabi ni migs at inakbayan si jinho.

"Okay lang un, kung hindi mo sana un ginawa hindi ako lumabas ng kwarto at ng mumukmok sana ako dito. Hindi sana ako naka points."

"Ha? Points? Anong points?"

"Ah! Wag mo ng isipin!"

"Naka points kay cha yan!" Sabi ni vince

"Huh? Nagkita kayo? Anong klaseng points naka home run kaba? Tanong ni migs at tumawa siya.

"Yan lang alam mo! Matulog kana nga!" Sabi ni vince at binatukan si migs.

"Hindi ako naka home run, muntik na" sabi ni jinho.

"Sayang naman.. nailove sana ulit si cha kapag naka home run ka hahaha" napakalakas ng tawa ni migs.

"Matulog kana! Kung ano ano pinagsasabi mo diyan!" Binatukan ulit ni vince si migs..

__________________

Kinaumagahan marami ng tao sa labas ng beach.

"Jinho hindi kaba lalabas?"

"Mamaya na ako mauna na kayo"

Hindi niya alam kung lalabas ba siya dahil alam niya na mahihiya siya pag ngkita ulit sila ni cha.

Nagtungo si jinho sa terrace ng kwarto nila tanaw niya ang dagat at mga tao sa labas. Sa d kalayuan napansin niya si cha kasama si Ry, nakaakbay si Ry kay cha, ng makita ni Jinho nanggigil siya sa inis selos na selos na naman siya lalo na pag hinahawakan ni Ry si cha Hindi na matiis ni Jinho ang nakikita niya, ang sweet kasi ng dalawa ng bubulungan at ng tatawanan. Kaya naman nagbihis siya at lumabas pero nasa malayo lang siya nahihiya siyang magpakita. Every may store ng mga souvenir sinusundan niya ang dalawa.

___________

May tinignan si Ry na hikaw mula sa mga store ng souvenir kinuha niya ito at nilalagay sa tenga ni cha napakalapit ng mukha ni Ry sa mukha ni cha kaya naman namumula na ang pisngi ni cha sa sobrang lapit niya kaya nahihiya si cha

"Bagay sayo. Napakaganda mo"

Ngumiti nalang si cha.

Nasa malapit lang din si Jinho na naka cap at nakatakip ang mukha.

Gustong gusto niya ng istorbohin ang dalawa pero hindi niya magawa kaya sunod lang ng sunod ito

Hanggang nakarating na si Ry at cha sa malayo nasa tabi na sila ng dagat na maraming bato nakatayo sila doon.

"Cha.."

"Yes?"

Hinawakan ni Ry ang kamay ni cha at lumapit.

Nakikita ni Jinho ito na lumapit si Ry ng napakalapit kay cha at hahalikan na ni Ry si cha ng makita ito ni Jinho lalapit na sana siya pero nakita niya na dumistansya si cha.

"Ry.. ano bang ginagawa mo?"

"Try to kiss you.." sabi nito sa polite na manner.

"Ewan ko sayo! Bahala kana diyan!"

Lumakad ng mabilis si cha papalayo kay Ry.

Nag tago si Jinho sa likod ng puno ng Niyog.

"Cha!! Hintayin mo ako!" Tumakbo si Ry at hinabol si Cha.

"Sorry na..."

Nakatingin lang sa malayo si Jinho na pinapanood ang dalawa na ng hahabulan at ng so sorry si Ry na paulit ulit niyang sinasabi at naiinis naman si Cha sa kulit ni Ry hanggang nakapasok na sila sa hotel.

"Hmm... Para akong tanga na sunod ng sunod sa kanila! Kainis! Daig ko pa ang paparazzi! Bweset talaga!" Inis na inis nitong sabi at pinagsisipa ang puno ng niyog.

"Awts! Sakit nun" sabi nito pagkatapos pasisipaian ang puno ng niyog.

_____Chapter 32 end_____

Author: please dont forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.

Chương tiếp theo