webnovel

Misunderstanding

Nakabalik na nga sila Jinho at cha ng pilipinas.

back to normal na ulit ang lahat.

dahil back to normal na ang lahat, maagang nagising si cha para ipaghanda ng pagkain si Jinho at ihanda ang mga kaylangan ni jinho.

" wow..!! kina career na ng wifey ko ang may asawa ah.."

sabay yakap nito sa likod ni cha habang hinahanda ang mga pagkain.

"sige na kumain kana baka ma late ka pa sa work mo."

"okay my Queen."

at hinalikan ni jinho si cha sa noo nito.

At umupo na siya at kumain.

pumasok na nga si jinho sa work at naiwan nga si cha sa condo.

naboboring ito kaya ang ginawa niya ng linis at nag ayos siya ng bahay. namalengke nadin.

habang nasa bahay siya hindi niya maiwasan ang mag-isip ng hindi maganda iniisip niya na baka may umaaligid na higad sa asawa niya sa trabaho o baka isang araw magbago nalang si Jinho sa kanya.

ahHhh.... No..!! ano ba tong iniisip ko erase erase!

gabi na ng makauwi si Jinho at mukhang nakainom ito.

"Jinho.. nakainom ka?"

"ah..? eh konti lang nagkayayaan lang.

wag ka mag alala hindi naman napadami."

Masama ang tingin ni cha sa kaniya..

"galit kaba? sorry..  sorry na please

"okay... sana hindi lagi.."

"yes... my Queen".

dumaretso na si Jinho sa kama nila at humiga na ito at nakatulog agad na hindi pa nagpapalit.

napabuntong hinanga nalang si cha.

pagkagising ni Jinho masakit ang ulo nito na nahihilo pa masama ang tingin ni cha sa kaniya.

"ohH.. my Wifey... sorry na..."

Nag papa cute si jinho sa harap niya na parang bata.

sabay halik kay cha.

pero hindi parin ngumingiti si cha sa kaniya.

"ganyan ka nalang ba sakin hanggang makaalis ako? hindi ako makakapag focus sa trabaho ko pag ganyan ka."

lambing ni jinho sa kaniya at niyakap niya si cha.

"ayaw ko na makita kang ganyan. pero alam ko hindi maiiwasan."

"promise hindi naman parati.."

"okay.. kumain kana para makalis kana."

"parang minamadali mo ata ako para hindi mo na ako makita ngayon.."

"hindi naman.."

nakaalis na nga si Jinho pero malalim ang nasa isip ni cha na bo boring siya na nasa bahay lang siya parang gusto din nitong magtrabaho para may pinagkakaabalahan din siya kaya pag uwi ni Jinho kakausapin niya ito.

Gabi ulit nakauwi si Jinho pero hindi siya nakainom ng alak.

"bakit ginabi ka?

"wifey nagkaroon kami ng O.T sorry late ako nakauwi."

at hinalikan ni jinho si cha.

"kumain kana ba wifey?

"hindi pa kanina pa kita inaantay"

"ganun ba? sige kumain na tayo pero pag hindi pa ako nakakauwi mauna kanang kumain para hindi ka malipasan ng gutom. "okay..?"

"pano ako mauuna kung wala akong ganang kumain kung hindi kita makakasabay.."

At nag  pout lip si cha

"wag ka ngang ganyan!! lalo kang cute! nadidistract ako baka iba magawa ko ngayon."

"so..."

dahil sa sagot ni cha ni hablot ni jinho si cha at napahiga si cha sa sofa at nasa ibabaw si Jinho.

nagkatinginan sila ng matagal.. hahalikan na sana siya ni jinho pero bigla tinulak ni cha si jinho.

ahH..!! kumain muna nga tayo.!

pagalit na sabi ni Cha.

nakangiti lang si jinho at sumunod na ito.

habang kumakain na sila, napatatigil sa pag subo si cha kasi susubuan siya ni Jinho..

"ayaw ko.."

"please... magtatampo ako pag tinanggihan mo ako."

"okay"

Angsweet ni Jinho sa kaniya, ginagawa nito lahat para mapangiti si cha.

"baka one day hindi kana sakin ganito"

"hindi yun mangyayari wifey"

"pano mo masasabi yan? wala ako sa tabi mo at hindi kita nakikita at hindi mo hawak ang mangyayari sa future."

"just trust me. Okay?"

"sabi mo eh nga pala pwede ba tayong magusap?"

"ano ang pauusapan natin? gusto mo na ba mag ka baby tayo?"

"ahmm... hindi tungkol dun."

"so tungkol saan?"

"jinho pwde ba ako mag work din.?"

kumunot ang noo ni Jinho.

senyales lang na ayaw nito.

"bakit pa.. kaya naman kitang buhayin kahit hindi ka magtrabaho at kaya ko naman ibigay lahat ng gusto mo.."

"pero gusto ko lang sana naman para may maitulong din ako sayo para hindi din ako naboboring mag isa dito sa bahay."

"hindi na kaylangan pa Cha kung na boboring ka man dito habang wala ako pwede kang pumunta sa mg friends mo or relatives mo para hindi ka ng iisa dito habang wala ako."

"pero.."

tumayo na si jinho at

"wala ng pero pero... basta ayaw ko period."

at dumaretso na siya sa kwarto nila.

alam ni cha na galit nga si Jinho.

dumaretso nalang si cha sa banyo at naligo na lang siya hindi siya pinapasin ni Jinho nakatalikod si jinho sa kaniya dahil alam nito na hindi na nga maganda ang mood ni jinho, hindi na lang niya din ito pinansin.

kinaumagahan ganun padin si Jinho wala itong ka ngiti ngiti hindi sila nagkikibuan.

pero bago ito umalis ng bahay ng good bye kiss ito kay cha at umalis na.

tanghali tinawagan ni cha si Jinho.

-on phone-

"hi my hubby.. kumain kana ba?"

"hindi pa"

cold parin ang boses nito.

"bakit ka naman ganiyan sakin... napa ka cold mo.. galit ka talaga?"

napapaiyak na si cha sa kabilang linya.

"hmm... are you crying?"

hindi na sumasagot si cha sa kabilamg linya at binababa niya na ito.

at hindi na nga niya maiwasan ang pagtulo ng luha umiyak na nga si cha dahil sa pagiging cold ni Jinho sa kaniya for the first time na ginawa ni jinho sa kaniya iyon.

nagkulong lang siya sa kwarto maghapon.

dahil nga binaba ni cha ang tawag nito. nabahala si jinho at hindi mapakali.

"ano tong nagawa ko.?"

maghapon hindi makapagfocus si jinho sa trabaho nito iniisip niya si cha.

nang magout na sila sa trabaho dali dali itong umuwi ga condo nila.

nagmamadali na nga siyang umuwi hindi pa gumagana ang elevator, kaya ng hagdan siya. nasa 15 floor paman din ang condo unit nila. kaya tumakbo ito at nahingal sa pag dating sa tapat ng unit nila binuksan nito ang door walang sumalubong sa kaniya hindi niya nakita agad si cha pinuntahan nito sa kwarto at andun nga si cha mahimbing ang tulog napailing nalang si jinho na gui guilt si jinho dahil napaiyak niya ang pinakamamahal niyang asawa na wala naman itong ginawang masama pinagmamasdan niya ito at hinahawi ang buhok na tumatakip sa magandang mukha ng asawa niya napaluha si jinho.

"sorry my Queen sa inasal ko.."

dapat hindi ko ginawa iyon na ngako ako sayo na parati kitang pangingitiin pero.. failed na ako agad ilang araw palang na mag asawa tayo napapaiyak na kita.

mahimbing parin ang tulog ni cha.

umalis na si jinho sa kama at nagpunta ng kusina para magluto dahil wala pa ngang naluto dahil buong araw na nagkulong lang si cha sa kwarto.

past 8pm na ng magising si cha at pasuray suray ito sa paglalakad, nahihilo din siya. pababa na siya ng hagdanan matutumba na sana siya at mahuhulog sa hagdanan pero nasalo siya ni Jinho at nagkatinginan silang dalawa.

"okay ka lang.? muntik ka ng mahulog.. "

Kita ni Jinho ang maga mugtong mata ni cha

At lumungkot ang mukha ni jinho na makita si cha na hindi okay dahil sa kaniya.

inalalayan niya si cha pababa at pinaupo sa dining table.

"kain kana wifey ko."

pero tahimik padin si cha kahit habang kumakain pero hindi kumakain si Jinho nakatingin lang sa kaniya malungkot ang mukha ni jinho habang pinagmamasdan na kumakain si cha.

"oh.. bakit hindi mu pa ginagalaw yang pagkain mo.?"

"ah? sa wakas nagsalita ka nadin kasi kanina kapa nakatahimik kala ko di mo na ako kakausapin, sige kumain ka lang wifey ok lang ako. "

nakangiti si jinho sa kaniya pero wala parin ngiti si cha pabalik sa kaniya tumayo na si cha para iligpit ang mga pinagkain at habang naghuhugas siya, niyakap siya ni Jinho sa likod ng mahigpit.. at ang nasabi lang ni Jinho..

"SORRY...."

At tumulo na ang luha ni cha at naririnig nito ang hikbi ni cha.

ipinaharap ni jinho si cha at ni wipe nito ang mga luha ni cha gamit ang kamay niya at hinalikan niya ng mariin si cha.

"Im so sorry my Queen... " At niyakap niya ulit ito ng mahigpit.. matagal niya itong niyakap.

"hindi kana ba galit sakin?"

"Bakit ikaw ang nagtatanong niyan sakin ako dapat ang nagtatanong niyan dahil sa pagiging cold ko sayo nitong buong araw.. ok kana ba?"

"ok na ako hubby... hindi ko lang kasi kaya na nagiging cold ka sakin."

"hindi na mauulit my wifey.. hindi na.."

at hinalikan niya ito sa noo binuhat ni jinho si cha at dinala sa room.

"magpahinga kana my wifey..."

"magpapahinga naba tayo?"

"bakit..? may gagawin paba tayo?"

"ahmm... wala naman.."

nakangiting nakatingin si jinho sa kniya..

at nagulat nalang si cha  na bigla siyang ipahiga sa kama at nasa ibabaw na si jinho

bumilis ang tibok ng puso ni cha

at

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"wifey.... its 12am na kaylangan na natin matulog kasi maaga pa ako bukas.. "

Na dismaya si cha at natutulala at nipwesto na ni jinho siya ng maayos sa higaan at ipinaunan niya ang braso niya kay cha.

" sleep well wifey..."

at hinalikan niya ito sa noo.

__Chapter7 end__

Author: please dont forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.

Chương tiếp theo