webnovel

CHAPTER FIVE

    AFTER the fountain happen, Shilo seems to be less angry. Ganoon pa rin naman ito pero hindi kagaya ng dati na lahat ng galaw nila ay nagagalit ito. Kahit papaano ay nabawasan ang tensyon sa office. Nagulat nga din ang lahat sa biglang pagbabago ni Sir Shilo. Well, para pa rin naman itong dragon pagnagagalit pero sa mga bagay lang na hindi reasonable. Kaya naman tuwang-tuwa ang puso niya. Hindi man siya nito nginingitian ay okay lang basta makita niya lang ang mukha nitong hindi nakasimangot ay masaya na siya.

    "Maze, bring me a cup of coffee. Please!" sabi ni Shilo na kakarating lang.

    Napangiti siya. Ang sarap palang marinig mula rito ang pangalan niya. Isa pa iyon sa mga rason kung bakit masaya siya nitong huling linggo. Shilo calls her Maze, not Ms. Reyes. She also calls him, Sir Shilo, not Mr. Wang. Nabawasan na rin ang pagkailang ng mga tao sa paligid nito. The atmosphere in Shilo's office seems so different. At nagugustuhan niya ang pagbabagong iyon. Lalo tuloy humanga ang puso niya rito. At ngayon palang, alam niyang lalo siyang mahihirapang makalimutan ang nararamdaman dito.

    Sinunod niya ang utos ni Shilo. Agad siyang gumawa ng kape nito. Kumatok muna siya bago pumasok. Nakita niya itong busy sa pagbabasa ng mga ilang documento. Marahan niyang inilapag ang dalang kape. Napangiti siya ng makita ito ng malapitan. Amoy na amoy niya ang gamit nitong pabango. Naipikit niya ang mga mata at dinama ang pakiramdam na hatid ng pabango nito. She see thousands of stars and it's so beautiful. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay nakatayo siya sa ulap at ilang saglit pa ay maabot na niya ang mga bituin. Pero bago pa niya mahawakan ang mga bituin ay natigilan siya ng may tumikhim.

    Napamulat siya at napatingin sa nakasalubong na mga kilay ni Shilo. Kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha nito. Napatayo siya ng tuwid. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa mukha. She bet that her face is red like a tomato. Nahuli ba naman siya ni Shilo na nagpapantasya rito. Nakakabaliw naman kasi ng amoy nito. Tumikhim siya at pilit na kinakalma ang sarili. Gusto na niyang magpalamon sa sementong kinatatayuan niya.

    "Is there anything you want me to do, Sir Shilo?" yumuko siya para maitago ang pamumula ng mukha.

    Nais na niyang batukan ang sarili. Ang tanga-tanga niya talaga. Bakit kasi ang rupok niya pagdating kay Shilo?

    "Yes! Fix all your things. Gusto ko wala na kahit anong gamit sa table mo paglabas ko." Seryusong sabi nito at ibinalik ang atensyon sa binabasa.

    "Po? Anong ibig niyong sabihin sir?" bigla siyang kinabahan. He wants her to fix her thing. Bakit tinatanggal na ba siya nito bilang sekretarya dahil sa ginawa niya? My gosh, ganoon ba kabigat ang ginawa niyang pagkakamali.

    Umangat ulit ng tingin si Shilo. "You don't hear me? I said fix--"

    "Narinig kita Sir Shilo. Pero bakit niyo pinapaayos ang mga gamit ko? Don't tell me, tinatanggal niyo na ako sa trabaho ko." Putol niya sa ibang sasabihin nito. Hindi siya natakot na sagutin ito. Marahil sa kadahilanang hindi na ito kagaya ng dati.

    "Fire you? Sinong nagsabi sayo na tinatanggal kita?" tumayo si Shilo sa pagkakaupo nito. Nakita niyang bahagya itong ngumiti.

    Biglang lumukso ang puso niya. That's the first time she sees him smile at her. At kahit hindi ganoon kalapad ang ngiting iyon ay ngumiti pa rin ito.

    "Maze, you don't heard the news." Lumapit ito sa kanya. May isang hakbang itong iniwan sa pagitan nila. "My older brother Shan gave up his position. He is planning to take over our hotel. So the board voted me as a replacement."

    Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Kung ganoon ay ito na ang bago nilang President. "Really! Ikaw na ang CEO ng MDHGC?"

    "Yes and as my secretary you will move out with me. Doon ka na sa top floor mago-opisina kasama ko."

    Napatutop siya sa mga labi niya. Hindi siya makapaniwala na ang pinapangarap na posisyon ni Shilo ay makukuha nito. Napangiti siya rito. "Congratulation Sir Shilo. You did it finally."

    Natigilan si Shilo sa sinabi niya. Pero agad din itong nakabawi at nag-iwas ng tingin. Tinakpan din nito ang mga labi gamit ang kamay. She knows he smiles. At masaya siya na napangiti niya ito.

    "Thank you." Humarap ito sa kanya na seryuso ang mukha. "Now, get back to your table and do your thing."

    "Yes, Sir." Tumalikod siya at naglakad palapit sa pinto. Pipihitin na sana niya ang door knob ng magsalita ulit ito.

    "Maze."

    Lumingon siya dito. "Yes, sir."

    "Can you reserve me at my favorite restaurant?"

    "Okay, sir."

    "It's dinner for two. I will be there before 7pm."

    Tumungo siya kahit nagtataka. Sino naman kaya ang kasama nito mamaya? Mukhang may tao itong kikitain. Lalabas na sana siya ng muli itong masalita.

    "Magpabili ka narin kay Mang Enesto ng isang bouquet ng puting rosas."

    Parang binundol ang puso niya. A bouquet of white roses. May kasamang lalabas si Shilo mamaya? Ibig sabihin ba noon ay may kadate ang boss niya mamaya. Mukhang may kasama itong magcelebrate. Babae ang kasama nito dahil may kasamang bulaklak. May babae ng nagugustuhan si Shilo? Iyong babae ba na iniyakan nito noong nalasing ito. Napahawak siya sa dibdib niya ng may kumurot doon. Nais bumagsak ng kanyang mga luha. Kaya ba ito biglang nagbago ay dahil sa wakas ay pinansin na din ito ng babaeng minamahal nito.

    "Maze, did you hear me?"

    Napakurap siya. Hindi niya kayang harapin si Shilo ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay babagsak ang mga luha niya pagnakita ang mukha nito. Alam niyang nakangiti ang mga mata nito. At ayaw niya iyong makita. Knowing someone makes him happy, hurts her a lot. 

    Tumikhim siya. Pakiramdam niya ay may bumara sa lalamunan niya. "Iyon lang po ba sir?"

    "Yes." Natatakang sagot nito.

    "I will arrange it well, sir." Sabi niya at tuluyan lumabas ng opisina nito.

    Agad siyang pumunta ng rest room at doon binuhos ang mga luha. Ang sakit malaman na may babae na itong nagugustuhan. Bakit ba kasi umasa ulit siya na mapapansin nito? Hindi dahil sa mabait na ito sa kanya ay mapapansin at uukulan siya nito ng tingin. Isa pa rin siyang simpleng sekretarya nito. Wala siyang pag-asa sa binata dahil sa mahirap lang siya. Hindi siya nababagay dito. Hindi mangyayari sa kanya ang nangyari kay Carila. Kahit siguro maglambing siya rito o landiin niya ito ay hindi pa rin siya nito papansinin. Shilo is not like the guy she knows. Sigurado siyang mataas ang standard nito pagdating sa babae. At nasisigurado niya nawala siya sa kalagitnaan ng mga babaeng nagugustuhan nito.

    Marahil hindi talaga siya para kay Shilo. Maaring hindi talaga si Shilo ang nakatakda para sa kanya. Kailangan na talaga niyang kalimutan ang nararamdaman dito. Mukhang kailangan na niyang magdesisyon na ikakabuti para sa kanya. At hindi siya makakamove on kapag patuloy niya itong nakakasama. She needs to make a right decision this time. She needs to save her heart even it's already too late.

    NAKANGITING lumabas ng building si Maze. Katatapos lang ng trabaho niya sa araw na iyon at bago siya lumabas ay dumaan siya sa opisina ni Joshua. She was happy for what she heard from Joshua. Kinausap niya ito tungkol sa paglipat niya ng ibang department. Buti na lang talaga at may available position sa Marketing department. Nagresign ang sekretarya ng Marketing head nila dahil pupunta na ng ibang bansa. Doon siya ililipat ni Joshua. Tinanung pa nga siya nito kung bakit bigla siyang nagdesisyon ng ganoon. Ang sabi lang niya ay hindi niya kaya ang pressure ng pagiging sekretarya ng President. Agad naman naniwala si Joshua kaya sinabi nitong sa marketing department siya ilalagay. Pero natural kailangan niya magturn over. Bigyan niya daw ito ng isa o dalawang linggo para makahanap ng bagong sekretarya ni Shilo. Pumayag naman siya. Alam naman niya na hindi niya basta-basta maiiwan ang posisyon niya ng ganoon. Company protocol.

    Naglalakad siya papunta sa may bus stop ng may humintong kotse sa harap niya. Binaba ng driver ang bintana ng kotse. Nagulat siya ng makitang si Shilo iyon.

    "Sakay na Maze." May bahid ng galit na utos nito.

    Napalunok siya. Nakaramdam siya ng takot ng makita ang galit sa mga mata nito. Agad siyang umikot para sumakay sa passenger seat. Ayaw niyang gumawa ng eksena kaya naman sinunod niya ito. Pagkasakay niya ay agad nitong pinatakbo ang kotse. Napahawak siya sa handle ng sasakyan. Ang bilis nito magmaneho. Hindi pa nga siya nasusuot ng seatbelt.

    "Sir, p-pakibagalan naman po." Paki-usap niya sa nanginginig na boses.

    Mukhang napansin nito ang takot niya kaya naman binagalan nito ng bahagya. Nakahinga naman siya ng malalim sa ginawa nito. Agad niyang sinuot ang seatbelt. Napatingin siya kay Shilo. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Ano kaya nangyari at galit na naman ito? Hindi ba naging maganda ang kinalabasan ng dinner date nito kagabi. Nakita niyang maaga itong umalis kahapon. Halata sa mukha nito ang excitement. Tapos ngayon naman ay galit na naman. Buong araw itong wala kaya naman nagtataka siya kung bakit nandito ito ngayon.

    "Sir Shilo, ano po? Saan po tayo pupunta?" tanong niya para basagin ang katahimikan sa pagitan nila.

    Hindi umimik si Shilo. Nanatili itong nakatingin sa kalsada. At dahil alam niyang galit pa rin ito at natatakot siya na baka mag-ugaling dragon na naman ito ay tumahimik na lang siya at tumingin sa labas ng kotse. Buti na lang talaga at hindi ganoon ka traffic sa Edsa kaya mabilis silang nakarating sa bahay niya. Napuno ng pagtataka siya ng makita ang lugar na tinutuluyan niya. Ito ang unang pagkakataon na hinatid siya nito. Anong nakain nito at bigla siyang hinatid?

    "Sir, thank you po sa paghatid." Sabi niya at tinanggal ang seatbelt. Lalabas na sana siya ng biglang sinuntok ni Shilo ang manibela.

    Napaigtad siya sa gulat. Napakalakas ng pagsuntok nito sa manibela. He is mad and she feels scared. Bumalik na naman ang dragon at mukhang siya ang makakatikim ng galit nito. Tumingin sa kanya si Shilo. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito. He's eyes is like a dragon ready to skin her alive. Napaatras siya sa may pintuan at napahawak sa handle.

'Let her live, please!' bulong ng isip niya.

Ano ba kasing nangyari at galit na naman ito? Nabasted na naman ba ito ng babaeng nagugustuhan?

"Sabihin mo sa akin, Maze. Did I done wrong to you again?" tanong nito.

"Ho?" nagtatakang tanong niya.

"Did I done wrong to you? Bakit nagpapalipat ka ng ibang department? Akala ko kapag naging mabait ako sa'yo ay hindi mo ako iiwan. But I thought wrong. You are like them. You are also going to abandon me." Hinampas ulit ito ang manibela. "I am so stupid."

She was dazed at the moment. Galit ito sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit galit ito. Nalaman na pala nito na nagpapalipat niya ng department. And he was thinking she abandon him. Napayuko siya. Napahawak sa kanyang dibdib. Nasasaktan siyang malaman na siya ang dahilan kung bakit galit na naman ito. At iniisip nito na kagaya siya ng ibang tao. Alam niya naman na biglaan ang kanyang desisyon pero kailangan niya lang talaga isalba ang sarili sa sakit na dulot ng pag-iibig. Hindi pwedeng patuloy siyang magtrabaho rito. Masyado na niyang sinasaktan ang sarili.

"I'm sorry." Tanging nasabi niya rito.

Narinig niyang nagmura si Shilo. "I don't want to see your face again."

Natigilan siya sa sinabi nito. Napaangat siya ng mukha at napatingin dito. Hindi ito seryuso sa sinabi nito, di ba?

"If you're moving to another department. It's better for you to resign. Ayaw ko ng kagaya mo sa kompanya ko." Matigas na sabi nito. Nakatingin ito sa labas ng kotse.

"Sir Shilo..." pumatak ang mga luha niya. He is firing her. Thinking about leaving the company makes her heart break. Oo at ayaw niyang makita ito pero ang tuluyan itong hindi makita ay parang sinasakal ang puso niya. Going to another department, she still have a chance to see him even once a week but leaving the company means she have no chance to see him again.

"What?" galit itong tumingin sa kanya. May sasabihin sana ito ngunit hindi nito natuloy ng makita ang mga luha niya.

"I'm sorry." Hinawakan niya ito sa braso. Napatingin naman si Shilo sa kamay niya. "Please! Don't fire me. I can't. Please." Pakiusap niya rito.

Nakita niyang nagbago ang expression ng mukha ni Shilo. Mula sa galit ay naging masuyo pero agad din iyong nawala. Tinanggal nito ang kamay niyang nakahawak dito.

"Get out!"

"Sir…"

"I said get out." Malakas na sigaw nito.

Hindi na siya muling umimik pa. Patuloy siya sa pag-iyak. Ganoon ba kabigat ang ginawa niyang desisyon gayong para naman iyon sa sarili. Bakit pakiramdam niya ay isang malaking kasalanan dito ang paglipat niya ng ibang department? Hindi naman siya importante dito, di ba? Kahit naman sino pwedeng maging sekretarya nito. Mabait na ito kaya naman madali lang sa magiging bagong sekretarya nito na makisama pero bakit kailangan pa siya nito pahirapan pa? Bakit kailangan pa siya nito tanggalin?

Kinuha niya ang bag at lumabas ng kotse nito. Mukhang wala na talaga siyang magagawa pa. Kilala niya si Shilo, once he decided, no one can change his mind. Wala na siyang trabaho at hindi na niya ito muling makikita pa. Siguro nga ay tama lang iyon. Tama lang na tinanggal siya nito. Kailangan niya itong kalimutan. And staying away from him makes her heart forget faster. Madali na lang sa kanya makahanap ng ibang trabaho. 

Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. Siguro tama lang itong nangyari sa kanya. Everything will be alright from now on that she is far away from the guy she love for three years. Her heart will be free finally.

Napaupo siya sa daan ng marinig ang paglayo ng sasakyan ni Shilo. He already left. Nararamdaman niya ang pagkadurog ng puso niya sa ginawa ng binata. Umiyak siya sa daan at walang paki-alam kung pinagtitinginan siya ng mga tao. Sobrang nasasaktan ang puso niya ng mga sandaling iyon. Sa isang iglap lang ay nawala sa kanya si Shilo. Mali ba ang desisyon niyang lumipat ng ibang department?

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nasa ganoong sitwasyon ng may naramdaman siyang may yumakap sa kanya mula sa likuran. At nanigas siya sa gulat ng maamoy ang pabango ng taong yumakap sa kanya. 

"I'm sorry. Please! Don't leave me too." Narinig niyang bulong nito. Wala na ang galit sa boses nito. Naruroon na lang ang pagmamakaawa.

Anong nangyayari? Bakit nakayakap sa kanya si Shilo? Totoo ba ito?

"Sir..." hind niya alam kung anong sasabihin dito. Her mind literary become blank.

"Akala ko hindi mo ako iiwan kapag naging mabait ako sayo pero heto at sinabi sa akin ni Joshua na nagrequest ka na lumipat sa ibang department. May ginawa ba akong mali? Sinusubukan kong wag magalit at nagawa ko naman di ba? Alam ko naman na sa loob ng dalawang taon ay hindi ako naging mabait sayo. I feel guilty when I saw you cry. Wala kang kinalaman sa galit ko sa ibang tao pero sayo ko naibuhos.

"Kaya naman sinubukan kong maging mabait sayo. Kaya ngayon hindi ko lubos maiisip kung bakit bigla kang magpapalipat ng ibang department." Patuloy pa rin siyang yakap ni Shilo.

Para naman may humaplos sa puso niya sa sinabi nito. Kaya pala bigla itong nagbago. Shilo is not a heartless guy after all. Naguilty ito sa pagsigaw sa kanya. Kung ganoon ay siya ang dahilan nang pagbabago nito. And she feels proud and happy for herself. Nagbunga din pala ang pagtitiis niya ng dalawang taon.

"Sir Shilo..."

"What should I do for you to stay as my secretary?"

Napakagat siya sa mga labi niya. He was asking me to stay. Nakiki-usap ito sa kanya. At iyon ang unang pagkakataon na narinig niya itong naki-usap sa isang tao.

'I want you to love me.' Gusto niyang sabihin dito. Ngunit natatakot siya na baka tumakbo ito palayo.

"Maze, I---"

"I stay." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Oo, marupok siya. Marupok siya pagdating kay Shilo. Kunting sabi lang nito ng ganoon at heto siya, bumabalik dito. Hindi niya pala ito kayang iwan. Mali man pero nais niyang subukan ulit. Mukha siyang tanga na naman. Gusto niyang makalimut at wag na mahalin si Shilo pero hindi naman niya kaya itong iwan. Bakit ba kasi ito ganoon?

His hug makes her mind blank. His words make her heart bet crazy over him. He makes her a different person. Kinalas ni Shilo ang mga braso nito sa pagkakayakap sa kanya. At marahan siyang itinayo at pinaharap dito. Nakangiti na ito. Mukhang itong batang napagbigyan.

"Thank you."

Ngumiti din siya rito. Her heart beat fast after seeing his smiles. Ngayon lang ito ngumiti ng malapad sa kanya. His smiles in genuine and it is also rare.

"See you tomorrow. I will call Joshua." Sabi nito at hinalikan siya sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Gulat na gulat siya sa biglang ginawa nito ngunit si Shilo parang baliwala lang dito. Ngumiti lang ito at hinawakan siya sa ulo. Habang siya ay nanigas sa kinatatayuan at parang nakakita ng maraming star. Hindi lang iyon, pakiramdam niya rin ay nakatayo siya sa mga ulap. Iyong puso niya sobrang bilis na parang lalabas na sa loob niya.

"Maze!"

Napakurap siya ng may narinig na tumawag sa kanya. Nasira ang moment niya ng marinig ang boses ni Christian. Napalingon siya rito. Masama ang tingin nito kay Shilo na nasa tabi pa niya.

"Chris." Tawag niya sa kaibigan.

Naagaw naman niya ang atensyon nito. Tumingin sa kanya ang kaibigan. Nakalapit na rin ito sa kanila.

"Kanina ka pa hinihintay ni China."

"Ganoon ba. Sinundo mo ba siya sa school?"

"Oo naman. Sabi mo eh." Ngumiti sa kanya si Christian at inakbayan siya.

Bigla siya nakaramdam ng pagkailang. Pasimple niyang tinanggal ang braso nito pero talagang makulit ang kaibigan. Binabalik nito ang braso sa pagkakaakbay sa kanya.

"I see you in the office, Maze." Agaw pansin ni Shilo. Pormal na ang mukha nito. Wala na ang bakas ng Shilo na nakiki-usap sa kanya. Parang ibang tao na ang kaharap niya. Hindi, iyong Shilo na lagi niyang nakaka-usap sa office ang nasa harap niya ng mga sandaling iyon.

"Sige po sir." Ngumiti siya rito.

Tumingin si Shilo kay Christian at marahang tinanggal ang braso nito sa kanya. Nagtataka siyang napatingin dito ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha nito.

"Don't do thing to make a woman uncomfortable." Seryusong sabi nito at tumingin sa kanya. "Good night, Maze."

Tumalikod na ito at bumalik sa nakaparadang sasakyan nito. Gulat pa rin niyang sinundan ito ng tingin. May ganoong side pala si Shilo. Ngayon niya lang iyon nakita. Bakit ang weird ng mga tao sa paligid niya? At bakit pakiramdam niya ay lalo siyang nahuhulog sa weird Shilo na nakikita at nakikilala niya ngayon? Nababaliw na talaga siya.

Chương tiếp theo