webnovel

Chapter 31

[Sylvan]

Matapos ang mahigit na fifthteen hours na nonstop flight namin ay nakarating na rin kami sa London ng magtatanghali ng sabado.

Kumain na muna kami at pagkatapos ay bumyahe papunta sa malapit sa mansion nila Emia ng mahigit na dalawang oras at naghanap ng matutuluyan na hotel.

Mag aalas kwatro ng makahanap kami ng hotel at dahil sa may oras pa kami ay napagpasyahan nila Lliane at Nina na mamasyal na muna kaya wala na kaming nagawa ni Lindoln at sumama na rin kami sa kanila.

Pagkakain namin sa isang restaurant at umuwi sa hotel ay pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Kasama ko si Lindoln sa kwarto habang sina Lliane naman at Nina ang magkasama.

"So, may plano ka na ba para bukas ng gabi?..." tanong ni Lindoln matapos humiga sa kama niya.

"Hmm... hindi ko pa alam..." sabi ko habang inaayos ko ang aking higaan.

"Sapalagay mo sino kaya ang ipapakilala na fiancee ni Emia bukas?... Hindi naman siguro si Elliot yun kasi nagawa ka niyang kumprontahin nung nakaraan..." sabi ni Lindoln na humarap sa higaan ko.

"Wag mong sabihin na kaya kayo pumunta ditong tatlo ay para pigilan yung lalaki?..." sabi ko matapos kong humiga at tumingin kay Lindoln.

"Natural, alangan namang hayaan natin si Emia sa ayaw niyang mangyari..."

"Sigh,... sabi ko na nga ba at manggugulo kayo bukas eh..."

"Maliban na lang kung may gagawin kang hindi ko ini-expect..." sabi ni Lindoln na may hinahanap sa akin na sagot.

Pambihira mukhang kailangan ko pa atang bantayan ang tatlong ito bukas ah...

----------

The next day, Sunday 11:00am

[Emia]

Lumabas muna kami ng mansion kasama ang Mama ko habang nakasakay kami ng kotse at nagulat ako ng makita ko ang dalawang pamilyar na mukha ng babae sa labas ng isang coffee shop at nagkakape sa gilid.

Huh!?... Sila Lliane at Nina yun ah?... bakit kaya sila nandito sa London at magkasama?...

Pinahinto ko ang sasakayan sa tabi nila at binuksan ang pintuan at mabilis na tinawag si Lliane.

"Lliane?..."

"Emia!?..." napatayo si Lliane at excited na lumapit sa akin at mabilis akong niyakap ng mahigpit at ganun din naman ang ginawa ko.

"Sino sila Emia?..." tanong ni Mama na bumaba na rin ng sasakyan at lumapit sa amin.

"Ah! Kumusta po Mam, ako nga pala si Lliane Heavens..." sagot ni Lliane matapos humiwalay sa pagkakayap sa akin.

"Oh! Ikaw pala si Lliane. Madalas ka sa akin makwento ni Emia... tawagin niyo na lang akong tita..."

"(happy) ganun po ba..." sagot ni Lliane.

"Kumusta po Tita, ako po si Nina Allumielle..."

"Nandito ba kayo para sa birthday party mamaya ni Emia?..."

"Opo... ako rin po ang representative nila Mama dahil hindi sila makakapunta..." sagot ni Nina.

"Ma, pwede ba silang sumama sa atin mamasyal?..." tanong ko kay mama dahil sa na miss ko talaga si Lliane.

"Sige, para naman makilala ko rin ang mga kaibigan mo..."

----

[Lliane]

Nakasakay na kami sa sasakyan at pansin ko na mukha namang maayos ang relasyon ni Emia sa mga magulang niya. Palagay ko hindi ang kagaya ng ugali ng mama ni Emia ang ipipilit siyang ipakasal sa hindi niya gusto.

Hindi kaya ang papa ni Emia?...

Namasyal kami at nag ikot-ikot kasama ang Mama ni Emia at nahalata kong napakaganda ng relasyon ng dalawa.

Matapos naming kumain sa isang restaurant at mamasyal pa sandali ay nagpasya na kaming bumalik ng mapansin naming mag a-alas kwatro na pala ng hapon. Maghahanda pa kasi sila Emia para sa party mamayang alas siyete.

"Siyanga pala kayong dalawa lang ba ang pumunta dito sa London?..." tanong ng Mama ni Emia habang nakasakay kami sa sasakyan.

"Ah! Hindi po may kasama pa kami." sagot ko.

Nahalata ko ng sabihin ko iyon ay medyo parang may nakita akong kislap sa mata ni Emia na akala mo ay may ini-expect pero nakita ko rin na napansin ng Mama ni Emia ang reaksiyon niya at balak pa atang usisain.

"Kasama niyo ba ang mga boyfriend niyo?..."

"Ah! Hindi po, bale kasama ko ang boyfriend ko na si Lindoln tapos po ang isa ay si Sylvan na kaibigan namin..." sagot ko.

"Sylvan?... Parang medyo narinig ko na ang pangalan niya minsan..."

"Huh!?... May sinabi ka ba sa Mama mo Emia tungkol kay Sylvan..." tanong ko kay Emia.

"Hindi ah!..."

Nakita ko ang pamumula ni Emia ng sabihin niya iyon at mukhang yun ang gustong makita ng mama niya. Mukhang naisahan niya ata kami.

"O! Bakit hindi mo sakin sabihin kung sino siya Emia..."

"Ha!?..." sabi ni Emia.

"Haha!... So sino ba si Sylvan? Medyo parang pamilyar kasi sa akin ang pangalan niya..." sa amin na ni Nina nakatuon ang tono ng mama ni Emia.

"Palagay ko po hindi imposibleng narinig niyo na ang pangalan niya. Ang kumpletong pangalan niya ay Sylvan Azure Zephyni..."

Napatingin kaming lahat kay Nina ng magsalita siya at mukhang nagkaroon na ng ideya ang mama ni Emia kay Sylvan.

"So, kabilang pala siya sa Azure Family..." sabi ng mama ni Emia.

"Ang totoo po niyan eh siya ang nag iisang tagapagmana ng Azure Empire." sabi ni Nina.

Hindi na kami gaanong nakapag usap pa dahil dumating na kami sa hotel na tinutuluyan namin ni Nina kaya bumaba na kami ng sasakyan at nagpaalam.

Matapos naming makapasok ni Nina sa kwarto namin ay agad ko siyang tinanong tungkol sa uri ng pamilya ni Sylvan at mula duon ay nalaman ko na napakayaman pala ng pamilya nila. Bukod sa London ay meron la silang base company sa anim pa na iba't ibang lugar isa na rito ang sa France, America, Germany at Japan. Meron din silang mga branches na nagkalat din sa mga lugar na iyon.

----------

[Emia]

Matapos naming makarating ni Mama sa mansion ay agad na kaming nag ayos para sa birthday party ko mamayang gabi habang ini-explain sakin ni Mama ang mga kailangan kong gawin pero habang nagsasalita siya ay wala duon ang isip ko.

"Sino ang iniisip mo Emia?..."

Sabi ni Mama naming makapag bihis ng dress at maayusan ng buhok.

Kaming dalawa na lang ang naroon sa dressing room dahil pinaalis muna ni Mama ang mga nag aayos sa amin.

"Huh!?... ah, wala naman..." sagot ko.

"Hmm?... Anong inaalala mo samantalang pinuntahan ka na niya dito sa London."

"Ha!?... Anong ibig mong sabihin Ma?..."

"Akala mo ba wala akong ginagawa habang nasa school ka?... Pinaimbestigahan ko na dati si Sylvan at nalaman ko na siya pala ang anak nila Sylvia Azure at Ivan Zephyni kaya ipinatigil ko na agad ang pag imbestiga ng malaman ko yun pero mukhang kailan lang nalaman ng lolo mo ang totoo."

"Bakit? Dahil siya ang tagapagmana ng Azure Empire?..." tanong ko.

"Syempre hindi. Ang totoo ay pareho kong matalik na kaibigan ang mama at papa ni Sylvan. Nagpanggap lang ako na walang alam kanina do dahil gusto kong makita ang reaksiyon mo hehe..."

"Ma!?..."

"Matagal na kaming hindi nagkikita na tatlo kasama ang anak nila kaya hindi ko alam ang itsura ni Sylvan pero palagay ko naman eh walang magiging problema kung magkakagustuhan kayong dalawa. Hehe..."

"Bahala nga kayo diyan!..."

Chương tiếp theo