" good morning... "
[ Emia ]
Good morning!???
Hindi ko ini-expect na iyon ang una niyang sasabihin sa akin kaya nabigla ako... Ang madalas niya kasing sabihin eh wag ko siyang lapitan saka kahit pag tinatawagan niya ako sa umaga eh hindi ko pa narinig na iyon ang pasimula niya: ang salitang good morning...
Isa pa eh akala ko mauuna muna akong magsalita bago ko siya marinig na magsalita...
" o bakit? Parang normal na ata ang pag iisip mo ngayon, hindi ka na ba inaantok?... "
" alam mo,... Mas maganda pala kapag ikaw ang nauunang magsalita, magaganda kasi ang lumalabas sa bibig mo eh... "
" lagi ka kasing galit kapag ikaw ang nag uumpisang magsalita kaya lagi mong minamasama ang lahat ng sinasabi ko... Pasensya ka na kung lagi akong tumatawag sayo ng napakaaga... "
" hindi ayos lang, naiintindihan ko naman, isa pa nasasanay na rin naman ako... Ah! Oo nga pala!?... Ayaw mo nga palang nilalapitan ka... "
Palayo na ako nun ng marealize ko yun kaya lang bigla niya naman akong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak niya sa kanang braso ko at kasabay nun ay sinabi niya...
" teka sandali... Mali ka ng pagkakaintindi sa sinabi ko... "
" huh?... Bakit, di ba ayaw mo naman talagang nilalapitan ka?... "
Nakakapagtaka naman?... Kahit sinong tao eh ganun i-i-interpret ang sinabi niya.
" wag mo akong lapitan kung gagawa ka ng eksena,... Yun ang ibig kong sabihin dun... "
Matapos niyang sabihin iyon ay binitawan na niya ang kamay ko.
Magsasalita na sana ako kaya lang napatingin ako sa likod ko ng marinig kong may mga hakbang na papalapit sa amin.
Si Nina...
Binalik ko ang tingin ko kay Sylvan pero wala naman akong nakitang ibang reaksyon niya kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Nina,... Yun nga lang eh sa akin na pala siya nakatingin... Buti na lang at binitawan na ni Sylvan kanina pa ang kamay ko...
————
[ Nina ]
Ano kaya ang ginagawa nh baaeng ito at kausap niya si Sylvan?... Siya rin yung babae na nakiupo sa lamesa ko nung nakaraan na napakadaldal... Emia ang pangalan niya...
[ Emia ]
Kinikilatis ba ako ng babaeng ito?... Ayos ah, wala naman akong ginagawang masama,... Mukhang tama nga si Lliane, bago ak makalapit kay Sylvan eh dadaan muna ako sa kanya( Nina ).
Bakit kaya hindi pa siya nagsasalita,... Pinapauna ba niya si Sylvan?...
" siyanga pala si— "
" magkakilala na kaming dalawa... Nakasabay ko na siyang kumain... "
Tama nga ako. Pinauna nga talaga niya si Sylvan na magsalita, siguro alam niya na maayos makipag usap si Sylvan kapag siya ang nauunang magsalita,...
" kung ganun kilala niyo na pala ang isa't isa... Sapalagay ko eh mauuna na akong umalis sa inyo... "
Iniwan niya na kami doon ni Nina. Akala ko pipiliting sumabay sa kanya ni Nina kaso mukhang balak pa niya ata akong kausapin...
" bakit mo kausap si Sylvan?... "
Wow!?... Ayos ah,... Mukha atanv isang laban ito... Mukhang nagdedeklara siya ng gyera sa akin... Akala niya eh magpapatalo ako sa kanya,...
" bakit ko naman kailangang sabihin sayo, Isa pa bakit mo naman sinabi na magkakilala tayo? eh hindi mo nga ako pinansin nung makiupo ako sayo... "
" Emia ang pangalan mo di ba... "
" paano mo naman nalaman?... "
" nakalimutan mo na agad, ikaw itong nagsabi nun sa akin... "
Talaga!??? Oo nga pala,... Pero akala ko eh hindi niya ako pinapansin...
————
[ Nina ]
Mabilis kong matandaan ang mukha at pangalan ng tao kahit isang beses ko palang iyong nakita...
Iba ang amoy ko sa babaeng ito,... Sigurado akonv ina ang balak niya kay Sylvan,...
" sigh,... Di bale na nga,... Ayokong makipagtalosayo Nina,... May pinagawa lang sa amin ang Prof namin kaya ko siya nilalapitan... "
Ah talaga lang ha!? At magkaklase pa pala kayong dalawa,... Grabe namang pagkakataon yan,... Sa ganitong pagkakataon nagkakakilala ang magkakumpetensya...
" babantayan kita Emia,... "
————
[ Emia ]
Edi bantayan mo!... Sige na umalis ka na,...
**********
[ Lliane ] second class
Malapit ng magsimula ang klase at papasok na ako sa classroom ng pigilan ako ni Lindoln at hawakan niya ang wrist ko...
" Lindoln?... "
Hindi siya nagsalita pero nakahawak lang siya sa akin.
Hinihintay niyang magsalita ako pero hindi ko magagawa yun,... Hinde! Hindi ko kaya...
" bitiwan mo ako Lindoln kung ayaw mong gumawa ako ng eksena dito... "
" bakit, kaya mo ba? "
" ano!?... Gusto mo talagang— "
" bakit mo ako iniwan ng hindi man lang nagsasabi? Gusto kong malaman kung bakit mo ako nilalayuan at kung bakit ayaw mo akong kausapin!?... "
Ayoko,... Ayokong malaman niya ang totoo...
" layuan mo na lang ako!...— "
" bakit hindi pa kayo pumapasok sa loob?... "
[ Lindoln ]
Pareho kaming napatingin ni Lliane sa nagsalita at malapit na pala ang professor namin na isang babae.
" papasok na ho kami... "
Binitiwan ko na si Lliane pagkasabi niya nun at nauna na siyang pumasok habang bigla naman akong tinawag ng prof namin kaya hinintay ko siya na makalapit.
" ayokong may nag aaway sa mga estudyante ko kaya ayusin niyo kaagad ang hindi niyo pagkakaunawaan... "
" opo mam... "
" hindi ko kayo pinagbabawalan pero gusto ko na... "
" wala po kayong dapat na alalahanin mam... "
" kung ganun papayuhan na lang kita,... Mali yung ginagawa mo, kung meron kang gustong marinig na sabihin niya eh ikaw muna ang dapat na mauna. Tandaan mo, babae siya... Nakakahiya sa mga babae anv mauna kaya nga nandiyan kayong mga lalaki eh... "
Matapos sabihin yun ni Prof ay bingyan niya ako ng isang suntok sa dibdib na parang sinasabi niya sa akin ay goodluck...
**********
[ Emia ]
Ang dami ko naman talagang problema ngayon,... Di bale, ilang linggo na lang din naman....
[ three weeks later ]
End of punishment...
YEEESSSS!!!!... Sa wakas tapos na rin ang isang buwan!... Last day na ngayon!... Friday, hindi ko na kfailangan pang lumapit sa Sylvan na yun,... Wala ng tatawag sa akin tuwing umaga at wala ng manggigising sa akin,... Malaya na rin ako sa wakas!!!!
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang number ni Sylvan... Buburahin ko ba nav number niya?... Nagdadalawang isip ako... Sigh,... Saka ko na lang ito buburahin...
Papasok na ako ng classroom ng makasabay ko si Sylvan kaya lang hindi man lang niya ako tinignan. Akala ko eh magpapatuloy na ang ugali niya na pagpansin sa akin gaya nung nakaraang mga araw pero hindi pala,... Balik na naman siya s umpisa... Kung sabagay eh wala na siyang gigisingin sa umaga para pumasok...
Badtrip!... Bakit ba ang lonely ng boses ko!?...
————
[ Lliane ] lunch break
" bakit parang kanina ka pa wala sa mood?... "
May nangyari na naman siguro sa kanilang dalawa ni Sylvan... Ang alam ko eh ngayon na magtatapos yung one month n pagpasok nila ng hindi nale-late...
" medyo wala nga ako sa mood ngayon,... Hayaan mo na lang muna ako... "
" pwede ba naman yun?... "
Siguro may iba pa siyang pino-problema...
**********
[End of classes] Lliane
Sabay na kami pauwi ni Emia at nasa may gate na kami ng makita namin sina Sylvan at Nina na magkasama...
LOVE TRIANGLE...
Naisip ko lang iyon at ewan ko lang kung totoo pero ng tignan ko si Emia eh parabg totoo nga,... Kasi naman eh... Mas lalo siyang naging tinatamad,...
May love triangle nga kaya?...
" SAAN kaya sila pupuntang dalawa??? Hindi naman doon ang papunta sa sakayan ng bus?... "
Sinabi ko lang yun para makita ang reaksiyon ni Emia pero nakalakad na pala siya paalis...
Don't mind lang ang style ah,...
Tignan natin...
" teka lang Emia,... Hindi ka ba nagtataka kung saan sila pupunta?... "
" hayaan mo sila, wag na tayong maki-tsismis pa... "
" sige, sabi mo eh... "
Grabe!? Wala lang sa kanya?... Parang hindi naman ata ako makapaniwala doon,... Halos one month din silang nagtatawagan sa umaga tapos hanggang ganun lang,... Wala man lang bag spark kahit konti?...
O baka naman plaing tough on the outside while hurting on the inside siya...
[ Emia ]
Wala naman akong dahilan para alamin kung saan sila pupunta... Kung wala lng sa kanya eh wala lang din sa akin,... Babalik n lgang din ako sa una kong buhay nung hindi ko pa siya nakikilala...
**********
[ Emia ]
Monday morning...
GOOD MORNING! GOOD MORNING! GOOD MORNING! GOOD MORNING!!!
Agad kong sinagot ang phone ko kahit na medyo nakapikit pa ako at masakit ang matang dumilat...
" hello?... "
Pinunasan ko ang mga mata ko at dumilat,...
Hindi pa rin nagsasalita si Sylvan kaya tinignan ko ang phone ko...
Ngah!... Pahiya!...
Agad akong napahiga at tumingin sa dingding bago ko itinaas ang phone ko,...
Ano ba yan!... Nasanay kasi ako na may tumatawag sa akin pag ganitong oras,... Sigh!... Akala ko tuloy eh tinatawagan niya ako...
————
Bumaba na ako at ginawa ang mga dapat kong gawin bago ako sumabay sa pagkain nila mama at papa. Nandoon din si Lolo at mukhang may pinag uusapan sila kanina ni Papa.
" maaga ka ng gumising ngayon, maganda yan para hindi ka na gaanong nale-late sa klase mo... "
" yes ma,... "
" bakit kasi diyan ka pa nag aral,... Pwede ka namang— "
" Pa, napag usapan na natin yan... Alam niyo namang ayoko sa school na gusto niyo... "
Habang nagsasalita ako eh nakatingin ako kay Lolo... Hinihintay kong magsalita siya pero nakatahimik lang siya,... Siguradong may binabalak na naman itong si Lolo...
**********
[ office of Mr. Rain Sr. ]
Nakatayo lang ang Lolo ni Emia sa may glass wall habang may isa pang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo at nakatingin sa likod niya.
Nasa table axbg isang folder kunf saan nandoon ang lahat ng files ni Sylvan Zephyni..
" dalhin mo sa akin ang lalake,... Gusto ko siyang makausap... "
**********
[ Sylvan ]
Papasok na ako sa gate ng school ng mapansin ko ang isang pamilyar na sasakyan. Kung tama ang pagkakaalala ko eh ilang beses ko na iyong nakikita malapit sa bahay ko.
Kakaiba rin ang mga nakasakay dun kasi ng minsang makasalubong ko sila matapos nilang magkape sa isang coffee shop eh iba ang tingin nila sa akin at nung minsan pa eh nakita ko silang nakatingin sa bahay ko. Siguradong minamatyagan nila ako...