webnovel

둘: The Enchanted Book

"Base sa result ng test, negative kayo both. Siguro nung nabanggit niyo sa akin na kumain kayo ng matamis kanina kaya inuubo kayo, anyway. Basta mag-ingat kayo".

Hayy! Salamat naman sa Diyos at di kami carrier.

Ilang araw pa bago magkaroon ng lockdown dito sa lugar namin. Pero yang lockdown na yan di mapipigilan yung sleepover namin nila kuya, kaso si Hyra nasa ospital, kaya yun. Ako lang ang babae. Hehehe, ok lang yun kasi andyan naman si kuya.

Kinabukasan dumating sila Dwayne at si Ryxen ng napakaaga, siguro mga 6 pa lang andito na sila. At dahil nandito si lola, medyo di namin nagagawa yung mga kadalasang ginagawa namin. Medyo na weweirdohan na si Ryxen.

"Pstt, Gemson bakit parang ang weird?"

"Anong weird, malamang nandyan si lola, syempre kailangan tahimik lang tayo."

Bigla namang sumingit sa usapan si Dwayne

"Alam niyo guys maging productive na lang tayo. Marami naman tayong pwedeng gawin habang naka-quarantine eh."

"Mag-isa ka Dyawne, sa bahay wala ka ng ginawa kundi mag-gitara, mag-drawing ng portrait, mag-calligraphy, at mag-basa ng mag-basa!"

"Pakialam mo ba at least natututo ako, Duh."

"Anong duh?! Bakla ka ba?"

"Baka ikaw, ikaw nga tong nakikinig ng Twice tapos sumasayaw ng sayaw ng pangbabae!"

"O, ano nga yon? Di lahat ng lalaki na nakikinig ng Twice, bakla!"

"BAKLA YUNG TWICE, KAYA BAKLA KA DIN!!"

"Guys, tama na personalan na to'. Tandaan niyo nasa bahay namin kayo wala kayo sa bahay niyo!"

Biglang nanahimik ang lahat, walang nagsalita. Biglang dumating si lola sa kwarto, at inaaya na kaming kumain.

Naghanda si lola ng jjajangmyun saka tteok-bokki.

Pagtapos namin kumain, inaya kami ni lola na pumunta sa baba para tulungan siya maglabas ng mga gamit na nasa basement.

"Zeline, pakikuha nga itong box, tignan mo kung may mahalagang gamit pa diyan."

Sige po,lola.

Biglang may mga nakita akong journal o libro na parang galing pa sa Joseon Dynasty. Binuksan ko ito kaagad at ang dami ko nakita, parang ilang series ito.

"Lola pwede po ba akin na lang po itong mga libro para magamit ko po sa history?"

"Saglit lang, patingin nga."

"Ahh, ito ang libro ng lolo ng lolo ko. Lam mo na masyadong mahabanh kwento. Pinasa ito sa lolo dahil siya ang lalaking panganay na anak."

"Ahh, so pwede ko po ba itabi?"

"Tingin ko, huwag muna sa panahong ito."

"Pero la?!"

"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang mga bagay-bagay."

"Pero nasa 11th Grade na po ako".

"Hay nako, itabi mo muna dyan ha"

"Opo"

Agad ko namang sinunod ang utos ni lola. Wala akong nagawa kahit anong gusto ko. Bigla namang nagtawag si Kuya na kakain na kami ng hapunan. Kaya umakyat na kaagad si lola habang nililigpit ko pa yung isang gamit kanina doon. Hindi ko alam kung kukinin ko ba itong libro. Pero sige na. Kaso, biglang dumating si lola.

"Apo, akyat na dito, kain na tayo, at bago ka umakyat wag mo kalimutan yung susi at isarado mo ang pinto."

"Nae!"

Sakto, ako ang mag-sasara ng pinto. Biglaan kong kinuha ang mga libro at tumakbo paakyat sa aking kuwarto. Itinago ko ang mga libro sa ilalalim ng higaan ko. Nagmadali akong bumababa, tawag ng tawag na sila sa akin. Haysss

Kumain kami ng masaya. Pagkatapos mag-ayos sa baba, nag-shower na ako at sumunod na si kuya at yung dalawang bakla (Hahahaha). Ipinakita ko sa kanila yung mga librong aking nakita. Biglang may nakitang kakaiba si Ryxen at si Kuya Gemson.

"Zeline, ano to bakit parang may kakaiba? Anong nangyayari?"

"Oo nga Zeline! Ano 'to?" Biglang sigaw ni kuya.

"Zeline, alam mo na matatakutin ako. Kahit sabi nila mama na ako si na matapang ako." - Ryxen

"Alam niyo saglit lang ha, nakita ko lang yan."

Biglang naibato ni Ryxen ang libro at nabuksan ito. Bigla namang hinihigop si Ryxen papasok sa libro, parang nagiging pixelized siya, sumunod si Dwayne, at si kuya at ako…pare-parehas kaming sumisigaw dahil sa takot hanggang sa…

"AAAHHHHHHHHH!"

[TO BE CONTINUED..]

Chương tiếp theo