webnovel

-Chapter 1

"ANG MGA KARAKTER AT LUGAR AY HINDI SINASADYA AT GAWA LAMANG NG IMAHINASYON"

Habang si alex ay natutulog sa kanyang kama hindi niya makalimutan ang mga nang-yari sa kanya noon lagi syang binaba-ngungot kapag siya ay natutulog, Nag taka nalamang ang kaniyang ina nasi rosaly kung bakit hindi pa siya nagigising kaya naman binilisan ni rosaly ang pag punta niya sa kwarto ni alex dahil alam niya na bina bangu-ngot nanaman siya, habang paakyat ang kaniyang ina papunta sa kwarto ni alex malayo palamang naririnig na ni rosaly ang boses ni alex kaya naman kinakabahan na ang kaniyang ina.

Pilit na binubuksan ni rosaly ang pintuan ni alex ngunit hindi niya ito mabuksan, Malalakas na katok sa pintuan at sigaw na ginagawa ni rosaly ngunit Hindi parin magising si alex kaya pumunta si Rosaly sa kanyang kwarto at diretso siya sa aparador na kung saan nakatago ang susi ng kwarto ni alex, sobrang natataranta si Rosaly sa ng yayari sa sobrang kaba hindi niya mahanap ang susi, naalala ni rosaly na ang susi sa kwarto ni alex ay may keychain na dahon kaya naman nakita na niya agad ang susi at tumakbo ng mabilis papunta sa pintuan ni alex at binuksan,nagulat nalamang si rosaly sa kanyang nakita ,si alex ay naka straight body at tila na ninigas ang kanyang katawan at namumuti ang labi at sobrang pawis na pawis pilit na ginigising ni rosaly si alex.

"Anak,alex gising gising! na anak please, andito na si mama"

sigaw at pilit na ginigising ni rosaly si alex,

Habang ginigising niya si alex may sinasambit itong mga salita ngunit hindi malinaw ,

sa sobrang kaba ni rosaly sinampal niya si alex para magising at sobrang pasasalamat ni rosaly dahil nagising na sa bangu-ngot si alex napapaluha nalamang siya sa kanyang panaginip at niyakap niya ang kaniyang ina.

"Mama ang sama ng pana ginip ko may pilit na huma-hawak sa paa ko pero hindi ko makita ang muka niya, Mama natatakot na ako" sambit ni alex habang nakayakap siya sa kaniyang ina,

"Anak wag kang mag alala andito lang lagi si mama hinding hindi kita iiwan, anak wag ka ng matakot ha Andito lang ako sa gilid mo"

"Mama paano kapag kinuha na ako ng lalaki na iyon, Mama ayoko sumama sakanya nanatakot na ako mama" sambit ni alex sa kaniyang naginginig na boses.

" Anak panaginip lang yon hindi ka niya makukuha basta kapag matutulog kana mag pray kalang palagi para hindi na siya bumalik"

kumalma si alex sa ng yari at kinalimutan nalang niya ang kaniyang panaginip, Inalalayan ni rosaly si alex papunta sa kusina para kumain ngunit natu-tulala parin si alex, Kaya naman isinindi ni rosaly ang speaker para patug-tugin ang paborito niyang kanta habang sila ay kumakain unti-unting napansin ni rosaly na kumakalma at bumabalik na si alex sa normal, sa sobrang pagod ni alex sa kanyang panaginip gutom na gutom ito at marami siyang nakain.

"Anak dahan-dahan lang Ha baka mabulunan ka"

"Opo Mama ang sarap kasi ng luto mo eh"sa masayang sambit ni alex"

nakalimutan ni alex na ngayon ang araw ng enrollment sa kanilang paaralan siya ay mag eenroll na ng kolehiyo sa Berdanil college.

Buti nalamang ay sinundo siya ni maria na kanyang kabigan simula pag kabata sabay silang lumaki ni maria at kung saan mag eenrol si alex ay sinusundan ni maria para may kausap at laging kasama si alex dahil siya ay mahiyain at hindi pala kaibagan. Kumakatok sa pintuan si maria at narinig ni alex,

" Alex si maria ito anong oras na oh mag papa enroll pa tayo "sigaw ni maria sa labas ng bahay nila alex.

narinig ni alex ang boses ni maria mula sa labas ng kanilang tahanan at bigla niyang naalala na ngayon pala ang enrollment sa papasukan nilang eskwelahan Kaya dali dali siyang nagbihis at hindi na naligo sa sobrang taranta.

"OO saglit lang andiyan na " sigaw ni alex

lumabas si alex sa kanilang bahay at nakita niya si maria sa labas ng pintuan, Nag tataka nalamang siya kung bakit tumatawa si maria at hindi na tumitigil sa katatawa halos maluha na siya sa sobrang tawa niya,

"Maria ano ba para kanamang tanga diyan ano bang tinatawanan mo? "

"Alex sure ka wala kang nakalimutan?" tanong ni maria habang siya ay tumatawa,

tinignan ni alex kung ano ang kulang nakita niya na siya ay naka boxer palamang na lumabas sa pintuan sa sobrang taranta niya nakalimutan niya na siya ay naka boxer palamang,Sobrang nahiya siya kay maria at sinisi niya pa ito,

"ikaw kasi maria eh nag mamadali ka tuloy nakalimutan ko mag pantalon "

" Haynako alex alam mo ikaw ulyanin kana talaga eh noh pati banaman pag suot ng pantalon nakalimutan mo, Magbihis kana bilisan mo late na tayo eh"

Dali daling tumakbo si alex papunta sa kwarto niya para magbihis sa sobrang hiya niya kay maria hindi niya ito kinakausap o tignan manlang, habang si maria naman ay walang pake at patuloy na naglalakad habang tumatawa papunta sa sakayan ng Bus.

"Ano ba maria tama na ngayang katatawa mo, alam mo ang O.A mona ha dika na nakakatawa " Galit na sinabi ni alex kay maria,

" Alam mo ikaw alex ang tanda tanda mona pero ulyanin kaparin eh noh, Pasalamat ka meron palagi itong maganda mong kaibigan na laging nag papa alala sayo" sabay tawa na sinasabi ni Maria kay alex,

" Ha! maganda saan banda maria mahiya ka nga sa sarili mo" painsultong tanong ni alex

" Alam mo ikaw alex napaka sama talaga ng ugali mo eh noh batukan kita dyan eh mag lakad kana nga lang "

Habang sila ay patuloy na nag lalakad pa punta sa sakayan ng bus naalala ni alex ang mga napaginipan niya Napa tulala nalamang si alex at hindi umiimik habang nag lalakad na parang wala siyang kasama.

Chương tiếp theo