webnovel

Chapter 8

Xander POV

Paglabas ko ng pinto ng Bridal Shop ay agad na akong nagtungo sa kotse ko. Inistart ko na yon habang hinihintay si Zia na makalapit. 'Gaganti ako sayo sa pagtataray mo'. bulong ng isip ko. Napangisi ako sa naisip ko. At ng akmang bubuksan na nito ang passenger seat ay agad ko namang pinaharurot ang sasakyan ko.

"Now were even" sabi ko ng may ngiti sa labi habang nakatingin sa reflection nya sa rearview mirror ng sasakyan. "May pera naman yun, kaya nyang umuwi mag isa!" bulong ko sa sarili ko at tinuon ko na ang atensyon sa kalsada.

Since wala naman akong gagawin naisipan ko munang umuwi sa condo ko.

Pagkarating ko dito ay agad na akong nagtungo sa banyo para maligo at makapagbihis. I just wear white shirt and boxers. Nakakarelax kasi kapag ganito lang ang suot ko.

Sa isang bahagi ng puso ko parang kinakabahan ako. Nakauwi na. Kaya si Zia? Nasan na kaya ito? Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number ni Zia. Pipindutin ko na sana para tawagan ito pero parang nag aalinlangan ako. 'Baka tarayan na naman ako ni sungit'. bulong ng utak ko. Saglit pa akong nagisip at napagdesisyunan ko na lang na hwag na itong tawagan. Pero napaisip din ako, 'paano kaya kung hindi sya nakauwi? hays! Bakit ko ba inaalala yun? Bahala sya, marami namang taxi doon.

Makalipas ang ilang sandali, bigla akong nakaramdam ng gutom. Nagtungo sko sa kusina at naghanap ng maluluto.

Pagkatapos kumain nagsisimula na akong magcheck ng emails sa loptop ko.

- - -

Zia POV

Kanina pa ako palakad lakad dito sa mall, sumasakit na ang paa ko. Nararamdaman ko na din na nagugutom ako kaya naglakad lakad pa ako para maghanap ng makakainan. Hindi ko namamalayan 2pm na pala.. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko.

Nakita ko ang isang restaurant na hindi matao kaya dito na lang ako kakain. Pagkatapos ko kumain ay umuwi na ako. Nagtaxi na lang ako.

Pagkarating sa bahay ay nakita ko si daddy na nakaupo sa mahabang sofa.

"Hi dad! " bati ko sakanya at humalik sa pisngi. "whoa! I feel so tired! " anas ko ng makaupo ako sa sofa at sinandal din ang ulo ko.

"Why iha? San ba kayo nakarating ni Xander? " tanong ni daddy.

"Doon lang s bridal shop dad. After namin doon ay nagmall na ako, nagshopping lang ng konti. Nagpaalam na din kasi sya dad, may gagawin pa daw kasi sya. " Hindi ko na lang sinabi sa daddy na iniwan na lang ako basta sa labas ng shop. Baka kasi kapag sinabi ko ay lalo na lang syang magusisa dito.

"okay, but how about your wedding gown? Nakapili ka na ba? "

"Yes dad. Ahm dad, can I still live here kahit kasal na ako? " tanong ko .

"Sad to say iha, hindi pwede"

"Why not dad? Wala kang makakasama, you know, tayong dalawa na lang ang magkasama. Ayokong malayo sayo? " anas ko dito.

"Bilang asawa anak kailangan mo manirahan sa bahay ng asawa mo. Hindi maganda sa isang bagong kasal kung magkahiwalay sila ng bahay? Paano kayo bubuo ng pamilya? Tsaka anak, chance mo na para makilala ang magiging asawa mo kapag nagkasama kayo sa iisang bahay. Isa pa, nandito si Tessa, at ang iba nating kasambahay. I'm not totally alone. Kaya don't worry na iha. I will be fine, I promise. " mahabang litanya nito.

Hindi ko lang masabi kay daddy na sa tuwing magkasama kami ay parang aso at pusa ksming hindi matigil tigil sa bangayan.

Kaya ko ba talaga? I mean, makakasama ko sya sa isang bubong. Baka lagi lang din kaming mag aaway, naku mai-stress ang beauty ko nito. Baka tumanda akong dalaga. Nalukot ang mukha ko sa isiping iyon.

Sa kakaisip d ko namalayan napatulala na pala ako.

"Are you okay iha? " tanong ni daddy na nagpabalik sakin mula sa lalim ng pagiisip ko.

"ahm, yeah,! yes dad! im.. I'm good. Oh! Sorry dad, siguro pagod lang ako. Akyat na po muna ako dad, papahinga lang ako. " sagot ko dito.

"okay iha, magpahinga ka na. Mukha nga yatang pagod ka." Tumayo na ako at humalik ulit sa pisngi ni daddy at nagtungo na sa kwarto ko.

Pagkarating ko sa kwarto ay binagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakipagtitigan na naman ako sa kisame habang nagiisip. Hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Chương tiếp theo