Papunta na ako sa tagpuan namin ni harry ng may sumulpot sa harap ko na babaeng hindi ko naman kilala. Lalagpasan ko na sana ito pero hinigit nya ang braso ko at bago pa ako makapagsalita ay nasampiga na nito ako na kinaatras naman ng katawan ko sa lakas ng pwersa nito.
"ano?! Masakit ba?! Kulang pa yan sa dinulot mo na sakit sa kaibigan ko!" galit na galit na sabi nito sakin habang nakahawak ako sa mukha ko na nakararamdam ng pangangapal dahil sa pagkakasampal nito.
"s-sino ka ba? Ni hindi kita kilala at wala akong ginagawang masama sayo para sampalin mo ako!" kahit kailan ay hindi ko sya nakasalamuha kaya anong kinagagalit nito sakin?! Tsk! Ang sakit ng mukha ko.. Feeling ko namamaga.
"Hindi mo ako kilala?! Ako lang naman ang kaibigan ng sinaktan nyo ni harry! Ang babaeng mahal na mahal ang boyfriend mo!"pagkatapos non lumapit sya sakin at sinabunutan ako bigla.
"aray! Bi-bitawan mo ako!" sa sobrang sakit ng pag ganot nya sa buhok ko ay feeling ko anytime ay makakalbo ako. Pilit ko hinahagip ang buhok nya para makaganti at bitawan ang buhok ko pero imbes na bitawan ang buhok ko ay mas diniinan pa nito ang pag sabunot sakin.
"bagay lang sayo ito! Malandi ka! Argghh!!!!" galit na galit na sabi nito sakin. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang higpit at sakit ng pagkakahawak nya sa buhok ko. Napaiyak nalang ako dulot ng sakit sa ginagawa nya sakin. "wag kang umiyak! Dahil deserve mo yan!ito ang dapat sayo!" hindi pa ito nakuntento ay pinagsasampal pa ako nito habang ang isang kamay ay nasa buhok ko ang isa naman ay sinasampiga ang mukha ko.
"miss! Tigilan mo na yan!"
"oo nga… walang laban ang babae sayo oh!"
"tumawag na kayo ng aawat at baka kung ano pa ang magawa nya sa babae bilisan nyo!"
Lahat ng nagtatangka na paghiwalayin kami ay hindi din nagtatagumpay dahil sa sobrang lakas nito kahit babae ang pangangatawan nito.
"huwag kayong aawat kung ayaw nyong masaktan! Haliparot ang babaeng ito kaya wag nyong kaawaan!"
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay nanlalabo na ang paningin ko kaya namalayan ko nalang ang sarili ko na unti-unting nagdidilim ang paningin.
*****
Nagmulat ako ng mata ng makita ko si nanay na nagaalala ang mukha habang nakatingin sakin "oh diyos ko! Anak! Okay ka na ba? May masakit ba? Nagugutom ka na ba? Ano anak? Magsabi ka lang kay nanay ha?" sunod sunod naman na tanong nito sakin.
Nang tatangkain ko ng bumangon ay napahiga ulit ako sa sobrang sakit ng ulo ko pati ang anit. Napahawak naman ako sa mukha ko na namamanhid ngayon na ang feeling ko ay ang kapal kapal nito ngayon. "nay! Masakit po!" napahikbi naman ako kay nanay ng maalala ko ang nangyari kanina. "nay! Sorry po! Hindi ko naman alam na magkakaganito.. Hindi ko din kilala yung nanakit sakin. Pero base sa sinasabi nya kanina ay kaibigan sya nung naghahabol kay kuya harry" naluha ako habang nagsusumbong kay nanay.
"sshhh…. Tahan na anak.. Wag kana umiyak at baka makasama pa yan sa kalagayan mo. Ang kuya mo na ang bahala sa nangyari kaya wala sya dito." habang hinihimas ni mama ang buhok ko at pinapahiran ang mga luhang umaagos sa mga mata ko ngayon. Nasa hospital ako ngayon at kami lang ni nanay ang nandito ngayon.
Pagkatapos ako icheck ng doctor ay pinakain naman ako ni nanay pero parang hindi kayang bumuka ng bibig ko sa sobrang sakit ng mga pisnge ko, feeling ko kasi pag nastretch ang skin ko ay mas sasakit to.. Kaya tubig nalang ang hiningi ko ay nanay.
Pipikit na sana ako para mamahinga ulit ay narinig ko ang boses ni kuya habang nasa labas ng pinto ng room ko.
"BULLSHIT HARRY! Kung hindi mo lang hinayaan ang kapatid ko kanina hindi magkakaganito ito!" galit na naman ito base sa tono ng pananalita nito. Pumasok na ito kasunod si harry na nakasunod lang sa kaniya ngayon.
"sorry brad.. Nahuli lang ako ng dating kasi may project ako na sinubmit" paliwanag nito kay kuya. "kung hindi dahil kay jesthle ay bugbog sarado pa sana ang kapatid ko!" dinuro pa nito si harry na iyamot na iyamot ang mukha.
"k-kuya.." tawag pansin ko dito na magsasalita pa sana ulit kay harry. Napalingon ito sakin at tumakbo sa tabi ko.. Nawala na ang asar sa mukha nito sa nakikita ko kanina pero sa nakikita ko ngayon ay alalang alala ang mukha nito sakin.
"oh.. Gising ka na pala.. Kamusta ka?" malumanay sa sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko. "pasensya na at hindi man lang kita napag tanggol kanina.. Alam mo naman si kuya ay iba ang schedule sayo" alam ko na nagiguilty ito ngayon dahil wala sya sa tabi ko kanina.
"okay lang kuya… WaG mo ng sisihin ang sarili mo at si kuya harry" napatingin naman ako kay harry na ngayon ay parang sinasabi ng mukha nito na patawarin ko sya. "tingnan mo ohh..hindi naman nya ginusto na magkaganito ako" dugtong ko pa kasi kawawa nanaman itong tingnan.
"tsk! Sige para sa ikatatahimik mo lang pero dahil sa kanya parin kung bakit ka nagka ganyan! Kinausap ko na ang director ng school natin kaya pwedeng maexpelled ang gumawa sayo nyan!" ngayon ay parang galit na naman ito.
"anak mag pahinga muna kayo ni harry.. Anong oras na oh.. Kumain na ba kayo?" alam talaga ni nanay kung kailan papasok sa usapan kaya naiba na ang topic kasi kung pababayaan na ganon parin ang topic ay iinit na naman ang ulo nito.
Umalis muna si nanay at kuya para bumili ng makakain at para makapagusap na din kami ni harry.
"pasensya na kung nag ka ganyan ka ah? Hindi man lang kita natulungan kanina.. Sorry talaga!" nagsusumamo ang mukha nito ngayon habang nakaupo katabi ng hospital bed ko.
"okay lang yun.. Hindi naman natin alam na magkakaganito eh." ayaw ko kasi isipin nya na kasalanan nya talaga kasi syempre nakakaawa naman ito.
"buti nalang naisugod ka kaagad ni jesthle dito sa hospital" ngayon lang nag sink in sa utak ko ang pag liligtas ni jesthle sakin.."nasan sya ngayon?" tanong ko dito kasi mula kaninang pag gising ko ay hindi ko na ito nakita pa.
"pagsugod nya kanina sa hospital ay hinintay lang nito na makapunta ang kuya mo at si nanay.. Kasama namin sya sa school kanina pero after non ay may tumawag dito na importante kaya hindi na ulit sya nakasama dito" mahabang explain nito sakin. Pasalamat pala ako at nailigtas nya ako kanina kundi baka kung ano na ang nangyari sakin ngayon.. Pano kaya ako magpapasalamat don? Eh puro pangaasar lang lagi ginagawa sakin non! Hmp! Kung hindi lang talaga kapasa pasalamat ang ginawa nya hindi ako magiisip na kausapin sya.
"ahm kumain ka na ba? May prutas nga pala akong dala sayo.." at kinuha nito ang bag nya para kunin ang nakalagay na prutas don. "gusto mo ba nito?" tukoy nya sa mga dala nya.
"salamat pero wala akong gana kasi parang nangangapal sa paga ang pisnge ko oh.." at tinuro ko pa ang mukha ko dito. Hinawakan naman nito ang mukha ko kaya napakislot ako sa ginawa nitong paghawak sa mukha ko.
Bumukas ang pinto at napatingin kaming dalawa kasi akala naman si nanay at kuya na ang dumating pero si jesthle pala ang nagbukas ng pinto. Napakagat labi naman ako sa reaksyon nito na pabaling baling saming dalawa ni harry ang tingin at nagiba naman ang timpla ng mukha nito.
"pare! Nandi--" hindi na nito naituloy ni harry ang sasabihin dahil padabog nitong isinara ang pinto paglabas nito. Hala! Nagalit ba ito? Ano naman ang ikagagalit nito? Kadarating lang umalis agad?
Nagkatinginan naman kami ni harry na pati itoy nagtataka ang reaksyon sa ginawa ng kaibigan nito. Nagkibit balikat naman ako dito bilang sagot sa kanya.
Dumating sina nanay at kuya na may dalang madaming pagkain kaya kumain muna ang mga ito. Medyo nakahinga na siguro ang utak ni kuya kasi kinakausap na nito si harry ng matino unlike kanina na puro pagalit ang pananalita. Hindi na din namin nabanggit ang pagpunta at pagalis basta dito ni jesthle kasi baka magtaka din sila pag kinwento namin ang ginawa nito kanina.
*****
Nakauwi na ako pagkalipas ng dalawang araw dahil may mga sinuri pa ang mga ito sakin. Samatalang dinalaw naman ako ng mga kaibigan ko tuwing out nila para kamustahin ang kalagayan ko. Naghihimutok sa galit nung nakita nila ang kalagayan ko at kung ano ano ang pinagsasabi na kesyo gagawin din nila ang ginawa sakin don sa babae tapos ipapakulam daw nila.. As if naman na magagawa nila eh hanggang salita lang naman ang mga ito,kaya hindi boring ang pag stay ko sa hospital.
Ilang araw din ako sa hospital pero hindi na ulit naulit ang pagbisita sakin ni jesthle buti pa ang ibang friends ni kuya dinadalaw ako paminsan minsan.. Wala talagang mapurat sa jesthle na yun!.
Habang nagmumukmok sa kama ay nagfacebook nalang ako at as i expected.. Kalat na kalat na yung video sa nangyari sakin. Pero wala na akong paki don eh.. Yung nakaagaw pansin sakin ay si jesthle habang inilalayo ako don sa babae kasi kahit nawalan na ako ng malay ay sinasabunutan parin ako nung babae.. Nung napaghiwalay na kami ay hinarangan agad ako nito at sya ang napagsabunutan ng babae.
Grabe pala ang eksena nung nakaraan.. Nakakaawa din si jesthle sa ginawang pananabunot sa kanya tapos kung ano ano iniisip ko ngayon sa kanya!
Nagdalawang isip ako kung ichachat ko sya o hindi pero dahil sa makapal ang mukha ko ay chinat ko ito pero hindi naman nagrereply puro seen lang sakin. Tsk! Galit ba ito sakin? Wala naman akong ginawa sa kanya eh! Baka naman nasaktan sa pagsabunot nung babae eh pati utak nito ay naalog na din?
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko pero hindi ko nalang pinansin baka kasi si nanay o kuya lang. Tuloy tuloy parin ang katok nito kaya tumayo na ako pagbukasan.. Siguro wala na naman magawa si kuya kaya iniistorbo na naman ako nito!
"kuya! May kamay ka naman para buk--" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng malaman ko kung sino ang nasa labas ng kwarto ko. Sa gulat ko ay sinarado ko ulit ito tapos kumatok ulit ito ng mas malakas.
Hala! Chinachat ko lang ito kanina tapos nandito na sya ngayon sa harap ko? Namamalikmata lang ba ako?
"hindi mo ito bubuksan? Gigibain ko ito!"
Kaya nagmadali akong buksan ulit ang pinto. "a-ano ba ang gi-ginagawa mo dito?" nabubulol na naman ang dila ko pati puso ko parang tambol sa lakas ng kabog nito.
Hindi ako sinagot nito bagkos ay hinawa nito ang pagkakaharang ko sa pinto at pumasok sa loob ng kwarto ko. "ba-bakit ka ba na-nandito?!" natatarantang sabi ko dito. Jusko! Ito na naman ang pakiramdam ko pag kaharap ko ang taong ito.
"tsk! Mukhang okay ka na naman.." pinagmasdan pa ako nito tapos nagbuntong hininga pa "panget parin!" sabi nito habang nakaupo sa kama ko..
"nandito ka ba para mangasar na naman?!" nakapamewang na tanong ko dito kahit kailan panira talaga ito ng araw! "wala ka bang pasok? Pumasok ka nalang at nasisira pa ang pamamahinga ko ng dahil sayo!" nakaismid na sabi ko dito habang kumukumpas pa ang mga kamay ko na lumabas na sya sa bukas parin na pintuan ng kwarto ko.
"ganyan na lang ba pagkatapos kitang tulungan?" naka smirk pa na sabi nito na hindi parin natitinag sa pagkakaupo.
"tsk! Ay salamat ah? Oh.. Iyan nagpasalamat na ako.. Kaya umalis kana!" tss.. Pumunta lang dito para pasalamatan ko sya! Bwisit talaga ito!
"magaling ka na nga! Nagmamaldita ka na naman!tss…" sabay hila nito sakin kaya magkalapit ang katawan at ang mukha namin ngayon sa pagkakahila nya. Lalayo na sana ako ng pigilan ako nito. Ang awkward ng position namin kasi nakaupo sya habang ako ay nakatuon ang dalawang kamay sa kama na parang hahalikan sya.. Ang laswa!
Naduduling na ako sa lapit ng mukha namin "bi-bitawan mo n-na ako" pabulong na sabi ko dito kasi nanghihina ako pag naamoy ko na naman ang nakakalasing na pabango nito.
Napapikit nalang ako ng mata sa sobrang init ng nararamdaman ko na ngayon ay magkalapit ang mga mukha at katawan namin. Feeling ko pulang pula na ang mukha ko ngayon kaya habang nakapikit ay napahigit ako ng hininga para irelax ang katawan ko.
Nang imumulat ko na ang mata ko ay kasabay nito ang paglapat ng labi nito sa labi ko na kinalaki bigla ng mata ko sa pagkagulat. Hindi ako makakilos para maitulak ito kaya ng makapagisip isip ako pagkatapos ng pagkagulat ay ilalayo ko sana ang mukha ko pero mas diniinan nito ang paghalik sakin habang ang isang kamay ay nasa batok ko.
Nalalasing ako sa amoy nya… at ngayon naman nalulunod ako sa halik nito.. Parang may sariling utak ang mga labi ko at tinutugon na ang mga halik nito.
Bigla ako nitong hiniga sa kama kaya nasa ibabaw ko na ito ngayon nakahawak sa dalawang kamay ko. habang magkatitigan kami ngayon ay wala namang nagsasalita samin. Hinayaan lang namin na ang mga mata namin ang magusap kaya unti unti ulit nitong nilapat ang mga labi sa labi ko na ngayon ay tinutugon ko.
Nahuhumaling ako sa tamis na dulot ng halik nito sakin habang nakapikit. Naghiwalay lang ang paglapat ng labi namin ng kami ay kinapos na ng hininga.
Binasag lang nito ang katahimikan namin ng magsalita ito "sinong mas masarap humalik? Si harry o ako?" seryosong tanong nito sakin habang nakahiga ako sa kama at ito ay nasa ibabaw ko.
Nagulat ako sa tanong nito sakin kaya sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon ay dumapo ang kamay ko sa mukha nito. Umalis na ito sa ibabaw ko at nakatayo na ngayon samantalang ako naman ay napaupo sa kama ko na nasasaktan sa sinabi nito.
"si harry ba? Kaya bigla mo nalang ako sinampal?!" galit na ang anyo nito ngayon na nakakuyom din ang mga kamay.
Gago ba ito? Ano ba ang nasa isip nito ngayon?! Mukha ba akong p*kpok sa mata nito?! Sya lang ang nakaunang humalik at pangalawang humalik sakin.. Gusto ko sana isigaw sa pagmumukha nya!
"umalis kana kung ayaw mong may magawa pa akong di mo magustuhan!" sabay turo ko sa pinto. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako ngayon kung hindi ko pa naramdaman ang malamig na pumapatak sa binti ko ngayon.
Imbes na magsorry ito ay agad agad naman itong lumabas sa pinto ng walang pasabi at padabog na sinarado ang pinto kaya lalo akong humagulhol ng iyak kasi akala ko pag nakita nya akong umiiyak ay magbabago ang sinabi nito sakin at magsosorry ito.. Pero nagkamali na naman ako! Babalik na naman ba yung dati? Bakit lagi nalang ganito ang nagiging ending ng kissing scene namin? Lagi nalang akong nasasaktan at umiiyak sa kanya!
Ano bang nagawa kong mali at ganito sya sakin?! Kung pwede lang turuan ang puso na mamuhi ito sa kanya eh di sana hindi na ito nauulit diba? Kaso hindi eh! Kahit anong pilit kong gawin.. Hindi ko magawa kasi taksil itong puso ko!
>hope you will like it my story :) thank you po!