webnovel

Virgin Series 1: [Playfully Virgin]

Tác giả: Danyan
Hiện thực
Đang thực hiện · 18.3K Lượt xem
  • 2 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • N/A
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

Thẻ
1 thẻ
Chapter 1CHAPTER 1:

VIRGIN SERIES 1: PLAYFULLY VIRGIN

Chapter one:

Mariin akong napapikit habang pinagmamasdan ang isang pasyente mula sa loob nang ward nito. She's Amira and she's been suffering from paranoid schizophrenia for a month now. She's talking to herself as if she's with someone else.

"How is she? Is she doing well?" tanong ko sa aking assistant habang hindi inaalis ang aking tingin kay Amira.

"She's way better than her first week." Tinignan niya ang mga papel na hawak niya. "As you can see, she's talking to herself right now and as I observed she's still hallucinating about her mother who passed away a year ago."

Tumango lang ako sa sinabi niya. It's way better than before, atleast hindi na siya nagwawala dahil lang sa takot niya. She just need to undergo some treatment for her full recovery.

"Kiesha, may mga meetings and appointment ba ako this day?" I asked my assistant again.

"Wala naman po ma'am," she said after scanning her notebook.

"You can go now, I'll call you if I need anything. Take some rest."

Tumayo ako at inayos ang aking sarili nang makalabas siya. Halata ang pagod sa mga mata ko matapos ang pakikipaghabulan sa mga pasyente ko.

Pinagmasdan ko ang hospital na dati lang ay pinapangarap kong maitayo ngayon ay nandito na sa harap ko. Mapait akong napangiti sa kawalan, kung nandito lang sana ang taong naging dahilan kung bakit ko tinayo ito sigurado akong proud siya sa akin.

Mula sa hospital ay binaybay ko ang maingay na daan patungo sa Cafeina. Wala akong marinig kundi ang pagbusina ng mga sasakyan sa sobrang traffic. Halos abutin ako ng siyam-siyam para lang makalagpas sa mahabang traffic.

Ninamnam ko ang mabangong amoy ng pagkain nang makapasok ako sa Cafeina. Mula sa aking kinatatayuan ay pinagmasdan ko ang ayos nang buong restaurant mula sa magandang kulay nito at pagkakaayos ng mga furniture ay sadyang nakakahanga, maging ang mga nakasulat na quotes ay piling-pili. Well she's Maegan, anyway, and she's good in everything.

"Maegan, my friend," sinadya kong plastikan ang pagkakasabi ko nang salitang iyon. "What the fuck!" Akala ko ay siya ang masu-sorpresa sa pagdating ko ngunit ako yata ang na-sorpresa sa nakita ko.

Damn! Kailan pa siya nagkaro'n nang manliligaw? I mean she never did that in her entire life, kahit nga kausapin ang mga nanliligaw sa kanya ay ilag na ilag siya tapos ganito ang maabutan ko sa opisina niya?

Mula sa prenteng pagkakaupo ay pinaikot ni Maegan ang kan'yang swivel chair. Kumurba din ang kakaibang ngiti sa kan'yang mapulang labi na para bang iyon ang pinaka-magandang oras na mangyayari ngayong araw.

"Asteria." Halos mapatalon ako nang marinig ko ang lalaking-lalaki ngunit malambing na boses nang lalaking kasama nang kaibigan ko. Wait, is he just call my name?

"Excuse me?" Nakataas na ang kilay ko nang tignan ko ang kung sino mang lalaking ito.

"Dadaan ka?"

Literal na nagsalubong ang aking dalawang kilay nang marinig kong sabihin niya iyon. Bumilis ang pagkalabog nang dibdib ko hindi dahil sa kinakabahan ako o ano pa man kundi dahil sa sobrang inis ko sa lalaking kaharap ko ngayon. He's acting like we known each other for a years.

"Tama na nga iyan baka sumabog ang opisina ko kapag nag-away kayong dalawa dito." Hindi ko man tignan ang kaibigan ko ay nahihimigan ko naman sa boses niya ang pagkaaliw sa nangyayari between me and this... is he guy? I bet he's a gay.

"Sino ba itong fucking bisita mo? Pipili ka nalang nang lalaki mukha pang bakla."

"Excuse me?"

"Dadaan ka?"

I just rolled my eyes as I heard my bestfriend laughed, halata sa malakas nitong pagtawa na naaaliw siya sa aming dalawa. Nakita ko rin ang paghawak niya sa kanyang tiyan, gano'n siya kaaliw sa amin nang estrangherong ito.

"You two are so funny," she then laughed again. "Wala parin kayong pinagbago."

Pinagbago? Sa tono nang pananalita niya ay parang nagkita na kami nang lalaking ito, hindi ko naman siya kilala kahit nga pagmumukha nang lalaking ito ay hindi ko matandaan na nakita ko na.

"Shut the fuck up, Maegan," inis kong singhal sa kanya. Mukhang mali na nakipagsiksikan pa ako sa ma-traffic na daan para lang makapunta dito. Mas lalo lang yatang iinit ang ulo ko dahil sa kabaliwan niya.

"Mae, it seems she really does forget me." Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niyon.

Bakit parang sila lang ang nagkakaintindihan? I can't really understand them.

"Aste, let me introduce you, our long lost bestfriend, Lawrence Ford."

Manilog ang aking mga mata nang marinig kong muli ang pangalan na iyon. It's been ten years since I heard that name. Nilingunan ko ang lalaking maganda ang ngiti sa akin ngayon, tila bumagal ang hinto nang oras at tanging siya lang ang nakikita ko sa mga segundong ito. Mabilis din ang pagtibok ng aking puso.

I can't even expect him to be here for almost ten years, I almost forgot about him--Lawrence Ford.

"Fuck, para saan naman iyon?" reklamo niya nang mag-asawang sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napakapit oa siya sa kanyang pisngi dahil sa ginawa ko.

"Hey, Aste, bakit mo naman ginawa iyon?" nagtataka ring tanong ni Maegan.

"Ang kapal din nang mukha mong magpakita pa rito matapos mo kaming iwan nang walang paalam." Pinigil ko ang pagtulo nang aking luha, halos makagat ko rin ang aking labi dahil sa labis na pagka-inis.

How can he be sure that after ten years, magiging tulad kami nang dati? How can he be sure that after what he'd done to us, I'll still accept him? The fuck!

Fifteen years old palang ako nang umalis siya nang walang man lang pasabi. I waited for him, hinintay ko siya dahil ayaw kong isipin na iniwan niya ako. He's my bestfriend nah, scratch that I treated him as my older brother. Akala ko hindi niya ako iiwan because he promised me. He promised.

"I'm sorry," tanging lumabas sa bibig niya. "Hindi ko rin naman ginustong umalis pero kailangan."

"Kailangan. Kailangan pero sana nagpaalam ka para hindi kita hinintay bumalik."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang panlalaki nang mata niya gayon din si Maegan. Alam kong nagulat sila sa sinabi ko pero iyon ang totoo, hinintay ko si Lawrence noon dahil ang sabi niya hindi niya ako iiwan at kung sakaling umalis siya ay hintayin ko lang siya dahil siguradong babalik siya.

"H-hinintay mo ako?"

"Oo hinintay kita. Hinintay kita kase sabi mo hintayin kita kung sakali mang umalis ka dahil babalik ka. Babalikan mo ako."

"Bumalik ako, bumalik ako kase gusto kong tuparin ang pangako ko. Gusto kong balik---"

Napahinto ito sa pagsasalita nang marinig niya ang halakhak ni Maegan. Kahit ako ay napahalakhak narin at sumabay sa aking kaibigan. Hindi namin mapigilan ang sariling matawa dahil sa itsura ni Lawrence habang paniwalang-paniwala siya na galit na galit ako sa kan'ya.

"Asteria, ang pangit mong umarte hindi bagay sa'yo," she then laughed again.

"What the fuck is going on?" Halata sa boses nito ang pagka-disgusto sa aming dalawa. Alam kong inis na inis na siya dahil naisahan ko siya.

"Ang epic nang mukha mo, Lawrence. Did you know that hindi talaga siya galit? She just made a pact ten years ago na kapag nagkita muli kayo ay gan'yan ang gagawin niya sa'yo and it's really funny," natatawang paliwanag pa ni Maegan sa kanya. Hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang pagtawa.

"Happy?"

"Happy to see you again? Yes." Umayos ako nang upo at pinigilan na ang pagtawa ko.

Ang kaninang naka-kunot niyang noo ay biglang umaliwalas nang sabihin ko ang mga salitang iyon. And it's a fact na masaya akong makita siyang muli.

"Halata naman sa'yong masaya ka na makita ulit ako, halos maglupasay ka nga sa hasig sa sobrang saya," sarkastikong tugon niya.

"Sorry naman, does your face hurt? I'm sorry for slapping you, nabigla lang ako."

"Nabigla? Mag-asawang sampal ang natanggap ko mula sa'yo tapos nabigla? Ano 'yon, pa-welcome mo sa akin?" sarkastiko parin niyang tanong. "Ayos na naman ito at hindi na masakit." Sa huli ay sumagot narin ito nang maayos.

"Aste, how's your patients?" pag-iiba naman ni Maegan sa usapan.

Malalim ang naging paghinga ko sa tanong na iyon. "Para lang naman akong bata na nakikipaglaro ng habulan sa mga pasyente ko," malamya kong sagot.

"Why? Ano bang trabaho mo ngayon?" Lawrence asked.

"Psychiatrist."

"Woah. Hindi mo ba kayang gamutin ang sarili mo? It's seems you need it more." Inerapan ko siya dahil do'n.

"Lawrence, naman, parang hindi ka na nasanay kay Aste. Bata palang tayo gan'yan na iyan kaya natural na sa kanya ang pagiging baliw."

And there they goes again, pagtutulungan na naman nila akong dalawa. Kahit pa man nung bata kami ay sila nang dalawa ang magkakampi at ako ang laging kawawa sa kanila.

" Bakit ako ang tinanong mo? Itong lalaking ito ang hindi natin nakasama nang sampong taon, dapat siya ang tanungin mo." Inerapan ko siya. "Kamusta naman ang buhay mo sa loob nang sampung taon ma hindi ka namin nakasama?"

"Well, for ten years nagsumikap ako para matupad ko ang lahat ng pangarap ko without any helps. And currently, I own ten cruise ship and one private ship," he lifted his chin.

Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. He really did his best to prove himself. Hindi ko maitatangging malaki ang pinag-bago niya, kung dati ay umaasa lang siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, ngayon ay nakatayo na siya sa sarili niyang paa.

"Wow, big-time. Baka naman pwede mo kaming isakay sa ship mo," humahangang mungkahi ni Maegan.

"Sure, anytime. Tawagan niyo lang ako kung kailan kayo free or just visit in my office," sang-ayon nito.

Hindi huminto ang usapan namin duon. Sadyang na-miss kong kasama ang mga kaibigan ko lalo na si Lawrence dahil sampung taon din namin siyang hindi nakita. Maraming nangyari sa loob nang sampung taon pero isa lang ang nasisiguro ko, na kahit lumipas pa ang ilang taon naming pagkakahiwalayananatili ang pagkakaibigan namin sa isa't isa. Hindi na mababago pa iyon.

"Gusto ninyong mag-shopping?" biglang tanong ni Lawrence sa gitna nang pag-uusap naming tatlo. "My treat," dugtong pa nito.

"Nagsh-shopping kana ngayon? Samantalang noon ay halos umiyak ka para lang magpaiwan sa bahay ninyo kapag mag-sh-shopping ang parents mo. Hindi kana allergy sa mall?"

"People change. Ako ang bumubili nang damit ko ngayon, hindi ko gusto ang taste ni daddy e," pangangatwiran nito sa sinabi ni Maegan.

"Go ako diyan, I need to buy new clothes din para sa gathering natin sa makalawa." Tumayo na ako at nag-ayos nang damit ko. Bukod sa libre ang mga damit na bibilhin ko ngayona ay gusto ko ring maka-bonding ang kaibigan ko, kailangan niyang makabawi para sa sampung taon na wala siya.

"I'll join next time, sa ngayon ay may aasikasuhin pa ako e, may food tasting later. Enjoy nalang kayo," pagtanggi nito. Ngayon pa talaga siya tumanggi ha.

"Sure, but next time, I'll accept no excuses."

Sa kotse ni Lawrence kami sumakay matapos magpaalam kay Maegan. Humanga ako sa ganda no'n, isa na yata ang kotse niya sa pinaka-mahal na kotseng nakita ko. Natupad na talaga niya ang pangarap niya at sariling dugo at pawis niya ang pinuhunan niya para sa lahat ng iyon.

Maswerte ang girlfriend nang lalaking ito, sigurado ako. Isang mayaman at responsableng lalaki ba naman ang maging boyfriend niya ewan ko na lang kung hindi pa siya ma-kontente.

"Mas lalo kang gumanda ngayon." Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig kong muli ang boses niya. Lalaking-lalaki iyon ngunit may lambing sa bawat salita.

"Matagal na akong maganda, Lawrence," buong pagmamalaki kong turan.

"I wonder, anong nangyari sa sampung taon na wala ako?" tanong nito habang nasa daan parin ang tingin.

"I've learned a lot of things in my own, I travelled and enjoyed my life. Tinupad ko rin ang pangarap ko, nakapagpatayo na ako nang hospital for those who has mental disorder," pagkukuwento ko.

"How about a love life? May nagpapatibok na ba niyang puso mo?"

Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na tumatawa dahil sa tanong niyang iyon.

"Hey, can you heal yourself? You're a goddam crazy," suway nito sa akin.

"I'm normal, Lawrence. It's just funny to hear those things from you. And, nah, I don't have a lovelife. Sa pasyente ko nga napapagod na akong makipaghabulan tapos kukuha pa ako nang isang sakit sa ulo? Baka mamatay na ako no'n."

"Then, die with me, incase."

Bạn cũng có thể thích