webnovel

Kabanata 6

               "Nasaan po si Joshede, Manang?" tanong ko.

               "Ay, hindi ba nagpaalam sa 'yo? Umalis, nakabihis."

               "Saan daw po pupunta?"

               "Ay, hindi ba sinabi. Baka kay Rissa," parang nabiglang sabi ng matanda.

               "Naku... baka may binili lang, Hija. Oo nga. Baka may binili lang," pilit na napangiti ako.

               "Baka nga po ay may binili lang," ayon ko.

               Bumalik ako sa kwarto. Gusto kong i-relax ang sarili pero hindi ko maawat ang aking dibdib sa pagtibok ng mabilis. Nate-tense ako at nara-rattle sa katotohanang hindi yata ako pansin ng lalaking pinakasalan. At kung totoong doon sa Rissa siya nagpunta, bakit parang nasasaktan yata ako?

               Malinaw ang sinabi ng lalaki na wala kaming pakialamanan. Na wala akong karapatang pakialamanan siya sa mga ginagawa niya. Kumplikado yata ang lagay ng relasyon namin.

               "Mabait si Joshede, Arci. Kaya lang ay masamang magalit. Lumalaki ang butas ng ilong at parang gusto kang singhutin."

               "Gano'n po ba? Ano naman po ang ikinagagalit niya?"

               "Kapag nagseselos. H'wag kang magagalit, huh? Kasi, 'yung kanyang favorite girl, 'yung si Risssa lagi niyang pinagseselosan 'yon."

               "A-Ano po ba ang relasyon nila ng babaeng 'yon? Live-in partner niya."

               "Hindi naman. Pero lagi rito ang babaeng 'yon. At kapag nandito, maghapon silang nakakulong sa kwarto. Pero dati 'yon. Ngayong nandito ka na, h'wag kang papayag na pupunta-punta pa rin 'yon ang babaeng 'yon dito."

               "Paano kung gusto pa ni Joshede na pupunta siya rito?"

               "Aba, awayin mo. Ipaglaban mo na ang karapatan mo bilang asawa niya."

               "Ma-Mahal po ba ni Joshede si Rissa?"

               "'Yan ang naiisip ko no'ng una pero ngayong naririto ka na at siyang pinakasalan ni Joshede, iniisip kong ngayon lang siya nagmahal."

               "Hindi po totoo 'yan."

               "Bakit hindi totoo?" nagtatakang tanong ni Manang Rosa.

                "Ah, wala po. Sorry po. Tama nga po pala kayo," biglang bawi ko.

               Sa totoo lang nasasaktan ako sa mga nalaman ko. Gusto ko sanang isiping hindi ako basta nagpakasal ang isang lalaking sa isang babae ng walang damdaming involved. Ngunit sa nalaman ko kay Manang Rosa, naniniwala ako na ang importante nga ang Rissa na 'yon sa buhay ni Joshede.

               May nararamdaman akong kirot sa dibdib. Ano ba naman itong buhay na napasukan ko? Dadalawang araw pa lang ako kasama ang lalaking ito, puro kirot na kaagad ng dibdib ang umaatake sa akin.

               Bumalik ako sa kwarto. Parang hindi ako makapaniwala sa kapalaran kong ito, nahiga ako sa malapad at malambot na kama ni Joshede. Naisip ko kung ilan na kayang babae ang nakatabi ni Joshede sa kamang ito?

               Marahang yugyog sa balikat ang gumising sa akin. "Joshede!" nagulat ako nang makita siya. Naka-Tshirt lamang ito at naka-walking short na nakatingin sa akin.

               "Napasarap ka ng tulog. Gabi na. Oras na para maghapunan." Napabalikwas ako sa pagkakahiga at kaagad akong tumayo.

               "I'm sorry. Pasensya ka na. Napasarap ako ng tulog."

               "It's okay. Halika na sa labas. Kakain tayo."

               "Maghihilamos lang ako sandali. Susunod na ako," sagot ko.

               Parang  mga bato ang damdamin namin ng mga oras na ito. Wala man lang kalambing-lambing ang pakikitungo ni Joshede sa akin.

               Paglabas ko ng CR ay hindi ko inaasahang hinihintay pala niya ako. Nagulat pa ako nang akbayan niya ako. Pampalubag loob lang 'yan, Arci. Imagine, magkakaroon na siya ng libreng babae. Hindi na siya babayad na katulad ng dati.

               Nakahanda na ang hapag ang sumalubong sa amin. Nilagang baka at piniritong tilapya. Ginutom ako pagkakita ang mga pagkain sa mesa. Inilalayan ako ni Joshede na makaupo bago ito naupo sa tabi ko. Siya na mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan ko. Gusto ko sanang ikatuwa pero parang tuksong ipinaalala ng isipan ko ang ginawang pag-alis niya ng walang paalam kanina.

               At hindi man lang nag-explain kung saan siya nagpunta. Palihim na nilingon ko si Joshede na nakaupo sa tabi ko. Relax na relax ang itsura niya at walang bahid na naguguluhan. Kabaligtaran at punung-puno ng agam-agam ang nasa isip ko. At hindi ko magawang itanong yun. Mabuti kung makonsensya siya o magpaka-concern siya sa akin. Sino ba ako sa buhay niya?

              Kumain na lang ako ang nararamdamang pagkabalisa. Pagkakain ay tutulong sana ako sa paglipit ng kinainan ngunit sinaway ako ni Joshede.

               "Trabaho ni Manang 'yan."

               "Hindi kasi ako sanay ng walang ginagawa. Sanay ako sa gawaing-bahay sa amin."

               "Hindi kita inoobligang magtrabaho rito at kung may gusto kang ipagawa ay iutos mo lang kay Manang," seryosong sabi ni Joshede bago pumasok sa kwarto.

               "Sige na, Arci. Asikasuhin mo na ang asawa mo at baka magtampo pa."

               "At bakit naman po siya magtatampo?"

               "Syempre, kapag bagong kasal kailangang lagi ka sa tabi ng asawa mo."

               Napasimangot ako. Hindi ko lang maisumbat kay Manang na nagawa nga niyang pumuslit ng hindi siya nagpapaalam para magpunta sa kung saan. Doon sa Rissa na 'yon. Ano ang akala ng lalaking 'yon sa 'kin, walang damdaming marunong masaktan? Hindi ko magawang ilabas ang nararamdamang sakit ng kalooban ko. Mabuti kung makonsensya siya.

               Sumunod ako sa kwarto at nadatnan kong nakahiga na si Joshede sa kama. Nasa gawing kaliwa siya malapit sa dingding kung saan nakasandal sa kama. Napalunok ako. Parang hindi ko makayang tumabi siya sa pagtulog. Nag-aalangan ako. Paano kung may mangyari ulit sa amin?

               Bakit ko ba iniisip 'yon? Pwede, bilang isang babaeng for one night stand. Huwag na muna akong mag-isip na may iba pang dahilan.

               "Pwedeng manuod muna ako ng TV?" tanong ko. Hindi pa naman ako inaantok at sadyang parang may ano sa tiyan ko na isiping magkakatabi ulit kami ni Joshede sa pagtulog.

               "Sige, ikaw bahala," malamig niyang sagot.

               Iniisip ko, kung may mangyayari ulit sa gabing ito ay siguradong hindi ako papayagang manuod ng TV. Pero wala. Malamig pa sa yelo ang reaksyon niya. Subukan lang niya akong yakapin at halikan at hindi ako magdadalawang isip na tumabi sa kanya.

               Kaya lang puro pananabik lang 'yong nasa isip ko. Waaaaahhh.. nasa isip ko lang 'yon, wala kay Joshede.

               Lumabas ako at nanood pero hindi ko naman naiintindihan dahil kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko. Palipat-lipat ako ng channel gamit ang remote control. Hanggang sa magsawa ako. Napatingin ako sa wall clock. Mahigit isang oras rin ako ng nagmukmok sa sala. Baka mahimbing na siguro ang tulog ni Joshede kaya dahan-dahan akong pumasok sa aming kwarto.

               Patay na ang ilaw sa silid. Tanging table lamp na lang ang bukas, malapit sa ulunan ng kama. Napapalunok ako habang pa-tip-toe na naglalakad palapit sa kama. Ingat na ingat akong lumikha ng ingay at dahan-dahang nahiga ng patalikod sa tabi ni Joshede.

               Dahan-dahan ko rin na inangat ang kumot para ikumot sa katawan ko. Naramdaman ko na lang may isang kamay na humawak sa baywang ko, kasunod din niyang hinaplos ang balakang ko. Huminto ako ng paghinga. Gising pa ba ito o nananaginip lang at baka napagkamalan niya akong unan?

               Pero mukhang hindi ito nananaginip. Kumilos ulit ang kamay niya. Sinalo ng aking dibdib at nilaro ang mga ito. Tapos naramdaman ko ang maiinit na halik niya sa aking batok. Mariin akong napapikit. Alam ko kasi na ginagawa lang ito ni Joshede para i-satisfy ang sex urge.

               "I need you....." malaming niyang sabi.

               Hindi na niya hinintay ang pagsagot ko. Inihiga niya ako at pumaibabaw na siya sa akin. Nang halikan niya ang aking labi ay nawalan na ako na lakas ng loob para tanggihan siya.

Kinaumagahan

               Nasilaw ako sa tama ng sikat ng araw. Kinapa ko ang pwesto ni Joshede at napadilat ako ng mapagtantong nag-iisa na lang pala ako sa kama.

               Alas-nuebe na pala ng umaga. Napasarap ata ang tulog ko dahil sa nangyari kagabi. Ilang ulit ba naming ginawa yun ni Joshede kagabi? Hindi ko na matandaan kung dalawa o tatlo.

               Basta ang alam ko, walang salitang namamagitan kung ano ang tunay na nararamdaman namin. Basta pareho kaming nasiyahan sa mainit na sandaling nangyari sa amin ng nagdaang gabi. Ang mga ungol ni Joshede ang nagpapahiwatig na lubos siyang nasiyahan.

               Dahan-dahan akong tumayo pero natigilan ako ng makita ko ang nakatuping papel sa side table. Sulat ito ni Joshede na nagsasabing hindi siya makakauwi ng tatlong araw at wala na itong sinabing dahilan.

               Baka si Rissa ang pupuntahan niya. Wala ba akong karapatang alamin kung saan siya pumunta? Hindi man lang niya ako binigyan ng selpon para makontak niya ako. Asawa naman niya ako, ah. Dapat lang naman na alam ko kung saan siya napupunta.

               At sino ba naman ako para sabihing gusto ko at ayaw ko kay Joshede? Maliwanag na maliwanag ang sinabi niya kahapon. Na tanging obligasyong moral ang nagtulak sa kanya kaya niya ako pinakasalan.

               Ibang klaseng arrangement. Malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw na hindi isang asawa ang papel ko sa buhay ni Joshede kundi isang sex object.

               "Gising ka na pala. Kain na."

               "Bakit po hindi ako ginising ni Joshede, Manang?"

               "Naku, mahimbing kasi tulog mo. Masyado ka raw napagod kagabi," nakangiting sabi ni Manang Rosa.

               Lalo akong nahiya sa sarili. Para akong babaeng babayaran sa paningin ni Joshede.

***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

jaedgucreators' thoughts
Chương tiếp theo