webnovel

Chapter 1: Queen's Twins

Dianara's POV

Naglalakad ako sa aming hardin. Nakita ko ang aking mga anak na naglalaro ng kanilang mga kapangyarihan.

Namana ng dalawa ang aking natatanging kagandahan.

"Mama!" sabay nilang tawag saakin ng masilayan ako ng mga ito. Kasabay noon ang pagtakbo ng dalawa saakin.

Niyakap ako ng mga ito na para bang matagal nila akong hindi nakita.

"Mama! Tignan mo napapagalaw na naming dalawa yung mga bagay na asa paligid namin." ani ng mga ito saakin at sabay nilang ipinakita kung paano nila galawin ang mga halaman, kung paano nila pabukain ang mga bulaklak sa aming hardin.

"Ang gagaling naman ng mga anak ko." ani ko sakanila.

"Husayan niyo pa upang magamit niyo ang kapangyarihan niyo sa kahit ano at sana'y lagi niyong pakatatandaan na ang kapangyarihang nasa atin ay hindi dapat gamitin sa kasamaan." ani ko sa mga ito.

"Opo mama!" sabi ng mga ito.

Ngumiti ako sakanila at saka ako gumawa ng bahag hari sa kanilang harapan.

"Ang ganda mama!" sabi ng mga ito.

"Syempre naman! Kasing ganda ng mg anak ko." ani ko sa mga ito.

Niyakap ko ulit ang mga ito habang sama sama naming tinitignan ang bahag hari na asa harapan ko.

"Mahal na reyna! Andiyan po si Reyna Fleariza!" isang malakas na tinig mula sa katulong ng palasyo.

'Ang kakambal ko.'

Agad naman akong kumalas sa mga yakap ko na ibinibigay ko sa akoling mga anak ngayon.

"Mga anak, haharapin ko muna si Fleariza." pagpapaalam ko sa mga anak ko.

"Mama, kukunin niya po ba ang isa saamin?" tanong saakin ng isa sa mga kambal ko.

"Hindi. Walang sinuman ang makakakuha sainyo mula saakin." matapang kong sabi sakanila.

"Mahal na mahal ko kayo mga anak." ani ko sakanilang dalawa bago ako tumalikod at tuluyan ng naglakad papalayo sakanila.

Agad kong pinuntahan si Fleariza.

Nakita ko naman agad ito na kasama ang anak niyang si Martha.

Nilapitan ko ang mga ito.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa mga ito.

"Ganyan ba talaga bumungad ang Reyna ng Lavreska?" pagtataray nitong tanong saakin.

"Mahal kong kapatid, kaya kami naparito sa kadahilanang dapat makilala ni Morioka ang kanyang kapatid na si Martha." dagdag pa nito.

"Hindi kailangan ni Morioka makilala si Martha lalo pa't isang taksil ang kanyang ina." ani ko sa mga ito.

"Kung gayun ay kailangan mo ng mawala sa buong Lavreska mahal kong kapatid." ani nito saakin saka ibinato saakin ang itim na kapangyarihang taglay niya.

'Paanong naging ganito kalakas ang kapangyarihan niya?'

"Paalam, mahal kong kapatid! HAHAHAHAHA!" malakas nitong sabi saka humalakhak ng napakalakas din.

Hindi ako dapat mawala.

Mawala man ang aking katawan, hindi dapat mawala ang kapangyarihang aking taglay.

Pinakawalan ko ang aking kapangyarihan upang mapuntahan nito ang aking mga anak na ngayon ay asa mga hardin.

Hindi dapat malaman ni Fleariza na kambal ang anak ko.

Katulad naming dalawa, kailangang isa lang ang matira.

Ngunit, hinding hindi ko hahayaang mangyari yun.

Hindi hahayaan ng kapangyarihan ko na mangyari iyon.

Pinakawalan ko ang dalawang paru-paru sa aking mga kamay bago ako lamunin ng kapangyarihan ng aking kakambal.

Wala talagang kasing sama si Fleariza.

Una ay pinatay niya si Zerxes na aking asawa at tatay ng aking mga anak na siya ring ama ni Martha.

Ngayon ay kukunin ang buong kaharian at upang magawa yun ay kikitilin nito ang aking buhay.

"Bantayan niyo ang aking mga anak. Dalhin niyo ang mga ito sa kung saan sila ligtas." ani ko sa mga paru-paru bago ako tuluyang mawalan ng hininga.

Fleariza's POV

"Sawakas! Wala na ang Reyna ng Lavreska! Ako na ang Reyna ng buong Damnivia!" sigaw ko habang lahat sila ay nanunuod saakin.

"Mama, kailangan nating puntahan si Prinsesa Morioka." ani saakin ng aking anak.

"Hindi mo na dapat tawaging Prinsesa ang isang yun, magiging alipin siya ng buong Lavreska!" ani ko dito.

Naglakad ako papalapit sa isang katulong.

"Asaan si Morioka?" tanong ko rito. Dama ko ang takot at kaba nito habang hawak hawak ko ang magkabilang pisngi nito.

"Asa hardin po mahal na reyna." sagot nito na halatang nenenerbyos na sa mga titig ko sakanya.

Agad ko itong binitawan.

Kasama si Martha, nilakad namin ang daan papunta sa hardin.

Laking gulat namin ng matuklasan naming hindi nag iisa si Morioka.

"Anong ginawa mo saaming ina!?" galit na sigaw ng isa sa mga kambal na ngayon ay lumilitaw na ang kapangyarihan.

Naging kulay berde ang kabilang mata nito at pula naman ang isa.

Ito ang kombinasyon mg kapangyarihan ng isang bampira at sorcerers na gaya namin ng aking kapatid.

Tinitigan ko ang kakambal nito na mukha namang walang balak magalit saamin.

Pinakawalan ko ang kapangyarihan ko at agad silang sinugod nito.

Sinangga naman ito ng dalawang paru-paru.

Ang kapangyarihan ng aking kapatid.

"Morioka, tara na." dinig kong sabi sa kakambal ni Morioka.

"Walang aalis rito ng buhay lalo na ikaw!" sigaw ko sa batang iyon.

Nagpakawala ulit ako ng mas malakas pang mahika at sa pagkakataong iyon ay tinamaan na si Morioka.

Tusok tusok ito at kitang kita na tagos na tagos ang kapangyarihan ko sa katawan nito.

"Morioka!" dinig kong sigaw ng kakambal nito na ngayon ay umiiyak narin.

Tila isang malagim na pangyayari ang nasaksihan ni Martha ngayong araw na ito.

Dahan dahang tumingin saakin ang kakambal ni Morioka.

Nakakatakot na tingin ang ibinigay nito saakin.

Nahati sa apat na kulay ang kaliwang mata nito. Red, Orange, Yellow, Blue.

Sa kanan naman ganun din ngunit magkaiba ang kulay ng mga ito sa kaliwa. Green, Indigo, Violet, Pink.

Anong klaseng nilalang ito?

Tama! si Zerxes. Itinakwil na anak ng mga manlilikha.

Pero paano?

Paanong ganyan kalakas ang nakuha niya?

Nagpakawala muli ako ng kapangyarihan ko upang siya naman sana ang mapaslang nito nang bigla na lamang ito mawala maging ang katawan ni Morioka.

"Mama, gusto ko ng kapangyarihan na ganoon." tulalang sabi saakin ni Martha.

Hindi ko alam kung paano ko makukuha ang kapangyarihan iyon ngunit gagawa ako ng paraan para makuha iyon.

Hindi karapat dapat ang batang iyon na humawak ng ganoon kalakas na kapangyarihan.

🌺🌺🌺

"Hindi kami mawawala, Sharika. Lagi lang kaming nasa tabi mo. Lalong lalo na si Morioka. Hinding hindi mawawala ang anino nito na nakabalot narin sa katauhan mo. Lalabas ito kapag inutusan mo. Sa takdang panahon, babalik ka sa kaharian upang ibalik ang dati nitong kulay.

Babalik ka sa Damnivia upang tulungan ang ibang kaharian na sugpuin ang aking kapatid. Si Morioka ang magsisilbi sayo hanggang sa lumaki ka. Alam naming pareho na hindi ka isang ordinaryong Prinsesa lamang kahit na siya'y kakambal mo. Binigyan ka ng natatanging kapangyarihan na sa buong Damnivia ay hindi pa kahit kailangan ay nagkakaroon.

Ngunit mula ngayon, mag uumpisa ka ng panibagong buhay kasama si Solomon. Laging nakabantay ang kaibigan at kapatid mo sayo hanggang sa dumating ang takdang panahon.

Sa ngayon ay ipadadala ka ng mga paru-paru ko sa ligtas na lugar sa mundo ng mga tao. Ang marka sa iyong batok ang magtatago ng kapangyarihan mo upang hindi ka matunton ni Fleariza. Mag iingat ka parati, anak." sambit ko dito habang wala itong malay saka ko pinag isa ang katawan nila ni Morioka.

"Sa tamang panahon, kapag tapos na ang laban anak, sasama ka rin saakin. Ngunit sa ngayon kailangan mo munang sumama kay Sharika." ani ko sa isang kambal ko na ngayon ay nasa katawan narin ni Sharika.

A/N: Sana nagustuhan niyo yung story. Any comments, suggestions or violent reactions are accepted po. Please don't forget to vote mamshies and papshies. ♥️

Chương tiếp theo