webnovel

Chapter 29

CHAPTER 29

--ALEX:

Pagkarating namin ng mall, agad akong hinila ni unggoy papunta sa World of Fun.

"Ano'ng gagawin natin dito?" Tanong ko habang nagpapapalit siya ng token.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa World of Fun?" Saka siya ngumiti at hinila ulit ako sa isang car racing machine.

"Oh ano game ka ba?" Naghahamong tanong niya.

"Game!" Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para mapapayag niya ako ng ganun-ganon lang.

"Sige, maghulog ka na ng coin mo." Saka inaabot niya sa akin ng sampung token.

Naglagay ako ng dalawang token sa machine at agad naman itong nag-start.

"Get ready, in

3......

2.......

1........

prrrrrtttt" Sabi ng machine at kanya-kanyang paandar naman kami ni unggoy.

"Whoah! Ang lupet mo Alexa." Sabi ni unggoy habang matulin na pinapatakbo ang kotse na nasa monitor

"I know right." Sabay kindat ko sa kanya.

-

"So you have a lot of experience huh." Sabi niya nang matapos kaming magcar-racing.

"Konti lang." Tugon ko.

Sa totoo lang, dikit lang naman ang laban namin eh. Nakauna nga lang ako ng isang segundo na makalagpas sa finish line.

Nakapaglaro pa kami ng ilang games nang maisipan namin ipalit ang mga ticket na nalikom namin. Medyo marami-rami rin ang nakuha namin kaya malaki rin ang price.

Siya ang pumili ng price ko at ako ang pumili ng sakanya. Pinili niya para sa akin ay isang medium size na teddy bear at nung ako naman na ang pipili ng para sa kanya, siyempre pinili ko ang the best. Pinili ko ang pinakamagandang hairclip na kulay blue. Natatawa ako sa reaksyon niya kanina nang 'yon ang pinili kong premyo niya. Yun bang naiinis siya na natatawa na ewan haha.

Tinanong niya rin ako kung bakit iyon ang pinili ko para sa kanya samantalang maganda ang pinili niya para sa akin. Ang sagot ko lang ay para maiba naman. At hanggang paglabas namin ng World of fun ay nakasimangot siya.

Kanina pa niya tinatanong kung aanhin daw niya ang clip na binigay ko sa kanya pero sabi ko ay siya na ang bahala kung saan niya ito gagamitin. Hanggang sa may nakita kaming mga taong kumakain.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya habang naglalakad kami.

At dahil medyo nagugutom na rin ako, tumango na lang ako sa kanya at agad naman din niya akong hinila papunta sa Mang Inasal.

Napansin ko lang huh, palagi niya akong hinihila kanina pa at bakit ba ako nagpapahila? Aiisssh, ang gulo ko naman.

Mabuti na lang at ang inorder ni unggoy ay yung unli rice kasi talaga namang nagugutom ako dahil sa pagod sa paglalaro namin kanina.

Habang kumakain kami, napansin ko naman hindi pa ginagalaw ni unggoy ang pagkain niya.

"Staring is rude." Habang nakatingin pa rin ako sa kinakain ko at kinakagatan ang chiken na inorder niya para sa akin.

"Yeah I know, pero masasabi mo pa bang staring is rude kapag........

tinititigan lang naman kita dahil ang ganda-ganda mo?"

Nabato ko naman sa kanya ang tissue na hawak ko.

"Tigilan mo nga ako." Sabay irap ko sa kanya.

"Bakit naman?"

"Ang mais mo kasi."

"Anong mais?"

"Corny."

"Pero kinilig ka naman?" Wow, napaka-assuming naman nitong unggoy na 'to. Lagpas langit ang confidence level huh.

"Asaness."

"Pa'no kung ayaw ko?"

"Sapak." Sabay pakita ng kamao ko.

Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at sinumulan g kumain haha.

Titiklop din pala ang buntot nitong unggoy na 'to eh.

Pagkatapos naming kumain, nalibot-libot muna kami sa mall at nagwindow shopping kasi ayaw niya namang bumili kasi tinatamad daw siya bumili at gano'n din ang rason ko kaya hindi na din ako bumili ng kung anu-anong bagay.

Nang bandang hapon na, nanuod naman kami ni unggoy ng sine.

Amputs, mahilig pala ang nilalang na tulad niya sa romantic movies haha. Gusto ko sana ng action movie na panoorin pero sold out na daw ang tickets kaya sa romance na kami.-_-

Ang nakakainis, ang corny nung pinapanood namin. Yung lalaki daw babanat dun sa babae tapos yung babae naman kikiligin, naknang.

"Ba't kapag ako ang bumabanat, hindi ka kinikilig?" Tanong ni unggoy.

"Malay ko."

"Siguro kinikilig ka pero ayaw mo lang aminin noh? Yieee." Sabay sundot ng tagiliran ko.

"Ano ba! Asa ka namang kikiligin ako sa mga corny mong banat tss." Saka akonag cross arms.

"Sabi mo eh." At humagalpak naman siya ng tawa.

"Shhhhhh." Rinig namin sabi ng tao sa likod namin.

Oh deym, nasa sinehan pala kami. >_<

"Kaw kasi, kung makatawa ka ang lakas." Bulong ko kay unggoy.

"Hindi kaya, ikaw kaya diyan kinikilig ka eh." Tukso pa niya.

"Asa ka naman." At inirapan ko siya.

"Sige, sabi mo eh." Sabay kibit-balikat niya at tinutok na sa palabas ang atensyon niya

-

Naramdaman ko namang may tumatapik sa pisngi ko, at pagmulat ko ng mata, nakita ko si unggoy na ginigising ako.

Nakatulog pala ako sa balikat niya, hindi ko namalayan. Ang boring naman kasi ng palabas kaya nakatulog ako.

"Tulog mantika ka talaga." Nakangiting sabi niya sa akin sabay pisil ng ilong ko.

"Don't touch me." At pinalo ko ang kamay niya palayo sa ilong ko.

Napansin kong kaunti na lang ang taon sa sinehan kaya naman minabuti na naming lumabas agad.

Bago kami umuwi, dumaan muna kami sa drive thru kasi tinatamad akong magluto sa bahay ngayon kaya inutusan ko siyang ideretso ang kotse sa drive thru.

Yeah, siya ang nagddrive ngayong pauwi kasi I'm not feeling well. Feeling ko magkakasakit ako.

Hindi ko alam kung bakit, masama pakiramdam ko. Siguro dahil na rin sa ilang araw na pagpapagod ko sa paghahanap.

Pagdating namin ng bahay, agad naman akong nilapitan ni unggoy at kinapa ang noo ko.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"I'm not feeling well." Simpleng sagot ko.

"May masakit ba sa'yo?"

"Medyo masakit lang ang ulo kaya don't worry, itutulog ko lang ito siguro." At umakyat na ako ng kwarto ko.

"Gusto mo pa bang kumain?" Pahabol niya.

"Hindi na, inaantok na talaga ako."

"Sige, kapag nagugutom ka, katukin mo lang ako sa kwarto ko then ako na ang magpapainit ng pagkain mo." Alok niya.

"Yeah thanks." Sabi ko bago ko buksan ang pintuan ng kwarto ko.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Chương tiếp theo