webnovel

Chapter 2

--ALEX:

'WTF? Eh kung suntukin ko kaya iyang pagmumukha mo para makatingin nang diretso sa dinaraan mo ha?' Sabi ko sa isip ko, syempre 'di ko sinabi 'yan kahit na naiinis ako sa kanya tsk.

Kahit na naiinis ako sa kanya, ay nanatili parin akong kalmado.

"Wala akong stiff neck at tama ka, sa semento ako nagsossory at hindi sa'yo Mr. I don't care whoever you are." I said in a very cold tone habang nakatalikod pa rin ako sa kanya, yun bang parang nabalutan ang hangin at nyebe sa lamig ng atmosphere. Isama pa ang katahimikan ng paligid dahil wala ni isang may gustong magsalita.

Haaaysss. I hate being center of attraction. -_-

Nakalipas ang ilang segundong katahimikan ay binasag ito 'nong lalaking mayabang.

"Ah so miss baliw ka rin siguro noh? At sa semento ka nagsossory eh ako ang nabangga mo. And wow! 'Di mo ako kilala miss? Transferee ka ba dito at di mo kilala ang isang hot na tulad ko? " Nagmamayabang na sabi niya at dahil sa sinabi niyang yun, napalingon ako sa kanya ng bongga habang nakachin-up at nang nagtama ang mga mata namin ay sabi ko na nga ba, laglag panga ang drama niya.

"Para sabihin ko sayo, hindi ako baliw porket sa semento ako nagsossory. Alangan namang sayo? Eh kasalanan mo rin naman kung bakit ka nabuhusan ng slurpee ko kasi haharang- harang ka sa daan. Nabuhusan ka tuloy at 'yong semento ng oh so yummy na slurpee ko." Naiinis na sabi ko sa kanya. Ginigigilniya ako ah. Nakalimutan kong sabihin na may dala pala akong slurpee na binili ko sa 7-11 kaninang umaga kasi nakita kong may bagong silang flavor kaya bumili ako para matikman ito.

Halata sa mukha niya ang pagka-asar at inis, at dahil dun, napangisi naman ako. Bago pa siya makaangal, binara ko na siya.

"At isa pa, tamang-tama ka dahil hindi kita kilala, yun nga lang hindi ako transferee dito at wala akong time na kilalanin ka dahil wala akong balak kilalanin ang mga taong nagfefeeling hot dahil nababalutan ang lugar na ito ng nyebe." Parang naguguluhan siya dahil sa sinabi ko pero di pa ako tapos magsalita kaya tinuloy ko pa ang speech ko, "At baka ako ang 'di mo kilala tss" Cold nanaman na pagkakasabi ko sabay alis sa lugar na 'yon at iniwan siyang nakakunot ang noo. Habang papalayo ako, nakarinig din ako ng ilang bulungan sa paligid pero mas pinili kong hindi nalang pansinin ang mga iyon.

"Oy pren grabe ka talaga napalamig mo nanaman ang atmosphere ng campus kanina huhS" sabi ng isang matinis na boses na biglang sumulpot sa tabi ko, eh sino pa nga ba yan kundi ang hinayupak kong bespren na basta basta nalang lilitaw kung saan-saan. tss.

"Okay." 'yan lang ang naisagot ko sa sinabi nya.

"At akalain mo ung pren, for the first time in forever nakausap mo na si Mr. Hot. Ayieee" Nanunuksong sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

So 'yun palang mayabang 'na yon ang palaging pinuputok ng butsi ng mga babae dito tss.

"Sinong hot?" Pa-inosenteng tanong ko sabay harap ko sa kanya at habang nakataas ang isang kilay ko.

" 'Yung guy nga na nagsabi na may stiff neck ka daw kanina. Pfffttttt. Hahah."

"Wala akong paki sa kanya kahit umapoy siya sa harap ko." Tamad na sabi ko sa kanya sabay lakad ulit.

Pagkadating namin sa classroom ay bigla namang tumahimik ang buong klase. Ganyan na lang sila parati kapag dumadating ako ng classroom. 'Yung feeling na kapag nasa labas ako ng classroom eh ang iingay nila then pagpasok ko bigla silang tatahimik. 'Yun bang usual na ginagawa ng mga estudyante kapag dumating ang teacher or prof nila sa classroom.

"Uy Alex good morning."

"Hi A.M."

"Mau ganda mo ngayon ha."

Bati ng mga kaklase ko saken pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik nila. Kung napapansin niyo wala nang nagtanong tungkol sa nangyari kanina sa corridor, 'yun ay dahil alam na nila ang mangyayari. Titignan ko sila mismo sa mata gamit ang makapanindig balahibo kong tingin na giginawin ka sa lamig. Hindi sila makakatanggap ng matinong sagot mula sa akin.

OA man kung tutuusin na mapapalamig ko ang paligid dahil lang sa cold look ko. Hindi naman literal na magkaka snow ang paligid kundi makakaramdam lang ang taong tinignan ko ng cold look ng kilabot. 'Yun bang mapapataas ang balahibo nila dahil sa tingin ko. 'Yun ang sabi ni Aira, 'nong una, hindi ako naniniwala sa sinasabi niya na nakakatakot ang tingin ko kasi hindi naman ako umiirap sa kanila, kundi cold lang na tingin. Blanko.

Pero habang tumatagal, naniniwala na ako sa kanya kasi everytime na may titignan ako gamit ang cold look ko, napapansin ko ring tinataasan sila ng balahibo hahaha. Feeling ko tuloy mukha akong monster.

"Morning din sa inyong lahat." sabi ko sa kanila with smile, oha kahit cold ako ningingitian ko parin naman sila at di naman ako peymus para iisnob ko sila pero kahit na nakangiti ako ay cold parin ang tingin ko, kumbaga hindi umabot sa mata ko ang ngiti pero alam na nila yan sanay na sila sa tingin ko kapag umaga idagdag pa yung nangyari kanina kaya alam nila na badtrip ako ngayon.

Syempre pagkatapos kong bumati umupo na ako sa upuan ko sa pinakalikod sa tabi ng bintana, alangan namang tumayo ako sa pintuan forever eh wala namang forever. Tss. 'Di ako bitter, realtalk lang.

Dumating na ang prof namin pero hanggang ngayon 'di pa rin tumitigil sa kakatalak si Aira sa tabi ko.

Oo, magkatabi kami ng upuan dahil 'yun ang gusto niya at hindi ako ang may gusto, pero okay lang naman sa'kin na katabi ang madaldal na gaya niya tutal kahit 'di ako nakikinig sa kanya masaya naman kasi nagmumukha syang baliw kakatalak mag-isa.

Lumipas na ang buong araw na tahimik ang buhay ko. Uwian na namin pero sinundo na si Aira ng driver nila kaya mag-isa nalang akong nakatambay sa tambayan ko, ang library. Andito ako hindi para magbasa kundi tumambay lang at magsoundtrip at para matulog na rin. Hindi porket nasa library na ako, magbabasa ang pakay ko.

Sadyang naaantok ako kapag nasa library ako. 'Yun bang kapag titignan ko ang mga libro sa mga shelves ay para talagang hinihikayat nila akong matulog sa loob ng library idagdag pa ang napakatahimik dito at walang mang-iistorbo sa tulog ko, kaya talagang nakakatulog ako.

Nagising na lang ako dahil may umihip ng tainga ko, anak ng tokwa nakikitang natutulog ang tao. Pero ',di ako nagpatinag 'di parin ako bumabangon at nakarinig ako ng "tsk" sa tabi ko. Wala akong balak tignan kung sino 'yon dahil tinatamad at inaantok ako ng bongga.

Maya-maya ay may kumalabit sa'kin, paulit-ulit ang kalabit at nang 'di na ako nakatiis ay hinawakan ko ang kamay ng kung sino mang barumbadong 'yon habang nakapikit pa rin ako. Kasabay ng paghawak ko ay diniinan ko ang kuko ko sa braso niya, nalaman kong lalaki agad yon dahil matigas at nahawakan ko ang muscles niya, wow matigas ang biceps huh. Ngek! Ano ba 'tong pinag-iisip ko, at kailan pa ako nagkaroon ng pagnanasa sa biceps? Erase erase ugh.

'Di ko namalayan na bumaon na ang kuko ko sa braso niya at naririnig ko ang pabulong na sigaw nya ng "aray". Dahil nasa library kami, bawal ang mag-ingay, at naging dahilan 'yon para iangat ko ang ulo ko at pagkaangat ko, parang gusto ko pang diinan ang niluwagan kong pagkakatusok ng kuko ko sa braso niya nang makita ko ang pagmumukha ng katabi ko na siya ring tumodas sa tulog ko.

Walang iba lang naman kundi si Mr. Hot daw kuno habang pulang pula ang mukha dahil siguro sa sakit habang mahinang nagmumura na nakatingin sa braso niya.

"Oh f*ck!sh*t! Arayyyyy!" Nabitawan ko agad ang braso niya dahil tumutulo na pala ang dugo dahil sa kuko ko na binaon ko sa braso niya.

"Sorry." Sabi ko sa kanya na parang di man lang naguilty sa ginawa ko. At ba't naman ako maguiguilty eh kasalanan niya din naman kung bakit siya nagkaganyan. Siya ang lumapit sa'kin in the very first place kaya it's not my fault anymore. Tsss.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Chương tiếp theo