-Jerix Han-
"Ang pipiliin kong grupo ay ang.. THE KINGS! " sagot ni Brix nang tanungin sya kung anong grupo ang pipiliin nya.
"Yown! "
"'Yan ang gusto ko sa'yo, pre eh! "
"Good choice! "
"Hindi ka magsisisi! HAHAHA! "
"Karapat-dapat ka talaga sa grupo ng mga hari. "
"Very good! Very good! "
'Yan lang naman ang maririnig mo sa anim na kagrupo ko. Tch.
"Okay then, welcome to our group. " sabi ko saka hinubad ang leather jacket ko saka inabot kay Khal. Inabot ko ang kamay ko kay Brix.
"Thank you. Hehe. " sabi nya saka tanggap ng kamay ko na agad ko ding hinigpitan ang hawak. Napaawang ang bibig nya, marahil sa pagkagulat.
"Let the game begin! " sigaw ni Zef.
"W-what-- " hindi na natapos ni Brix ang sasabihin nya na bigla ko syang sipain sa tyan.
"WOAAAAAAAH! " hiyawan ng mga tao na nasa paligid namin. Tiningnan naman ako ni Brix at bigla syang ngumisi. Tumayo sya mula sa pagkakatumba at sumugod papunta sakin ngunit agad ko sya nasuntok.
"GO BRIX! PATUNAYAN MONG KARAPAT-DAPAT KA SA THE KINGS! " sigaw ni Gray. Tiningnan ko si Brix, mukhang hinang-hina na sya pero pinilit nya pa ring bumangon. I must admit, magaling sya makipaglaban.
Tumayo sya at lumapit sakin at sa kasamaang-palad, nasapak nya ang mukha ko! Pano nangyari 'yun?! Ang bilis ng mga pangyayari! Dahil sa pagkagulat ko ay matagal ako bago matauhan kaya ang nangyari ay nasikmuraan nya ako sabay hineadbang at shit! Ang sakit ng ulo ko dahilan para mapahawak ako sa lamesa.
"Oh boss, okay ka lang? " tanong ni Khal.
"Ang galing mo, Brix! Lodi! Petmalu! " argh!
"Dalhin nyo na ako sa dorm. " walang-emosyong sabi ko. Ngina!