webnovel

EPILOGUE:

Epilogue:

After 15 years

"I found the defendant, Janah Ronquillo and Kyla Assuncion, guilty against the accusation of Second Degree Murder. So ordered."

"Court adjourned."

Napuno ng usapan ang buong silid kasunod nuon ay ang hagulhol ni Kyla at Janah habang pinoposasan sila ng mga pulis.

Tumayo ako at humarap sa kanila, hindi ako nagbitiw ng salita, tanging walang emosyon na tingin lang ang binigay ko.

For 15, years naging malaya sila, naging maayos ang buhay nila. Panahon na para pagbayarin nila ang lahat ng ginawa nila sa girlfriend ko, kay Stephanie. Nabasura ang kaso nung panahon na iyon dahil wala kahit na isang witness, pero hinanap ko ang tumayong lider na isa sa mga gumahasa kay Stephanie. At ngayon ay kasama siyang makukulong.

"Kelvin, Kelvin please, huwag mong gawin sa amin ito. Patawarin mo na kami." Hagulhol na pakiusap ni Janah.

"Ang kapal ng mukha mo. Sobrang kapal ng mukha mo. Hayop ka! Kung hindi dahil sa'yo siguro... siguro kasama ko pa ang anak ko ngayon. Pero pinatay mo siya. Pinatay mo ang anak ko, hayop ka."

Kitang kita ko sa mga mata ni Tita ang galit, kahit labinlimang taon na ang lumipas ay sariwa pa din ang sakit nang pagkawala niya. Niyakap ko lang siya at hinimas ang kanyang likod.

"Dapat lang sa'yo na makulong hayop ka. Pinatay mo ang kaisa-isang kaibigan ko. Buti nga ikaw makukulong lang e, ang kaibigan ko hindi mo binigyan ng pagkakataon na mabuhay at tuparin ang mga pangarap niya. Hayop ka."

Kahit si Shean ay galit na galit din, binigyan pa niya ng isang malutong na sampal si Janah at Kyla, sinubukan pa niyang sabunutan ang dalawa pero inawat na siya ng kapulisan.

Muli kong tinignan si Janah at Kyla, hindi ko akalain na kaya nilang gumawa ng ganoong bagay, na kaya nilang magpapatay.

Pinaupo ko muna si Tita habang patuloy pa ito sa pag-iyak. Tumabi rin sa amin ni Shean na katulad niya ay umiiyak din.

"Salamat Kelvin, salamat at binigyan mo ng katarungan ang pagkamatay ng anak ko."

"Alam kong hindi mo pangarap na maging isang abogado pero ginawa mo para lang bigyan ng katarungan ang pagkawala ng kaibigan ko. Salamat, Kelvin."

Ngumiti lang ako at niyakap silang dalawa. Kahit pa wala na si Stephanie alam kong masaya na ito kung nasaan man siya ngayon. Masaya narin ang mga taong iniwan niya dito dahil nabigyan siya ng hustisya. Ito nalang naman ang hahangarin namin ngayong wala na siya. Kung kakayanin ko lang ibalik yung oras, hindi ko na hahayaan pang mangyari iyon.

Inihatid ko si Tita sa bahay nila samantalang si Shean ay may pinuntahan. Malaki na kasi ang tiyan nito at kailangan niyang magpatingin sa doctor niya. Nanduon naman si Yohanne para alalayan siya, hindi siya pababayaan nuon.

Iniwan ko si Tita at binilin ulit sa nanay ni Shean, hindi naman sila lumilipat pa ng bahay, magkalapit parin sila at inaalalayan ang isa't isa.

"Uy, p're kamusta?"

Malapad na ngiti ang binigay ko sa kanya habang papalapit ako sa kinaroroonan niya. Nagkita kasi kami dito sa restaurant, sabay lang naming dadalawin ang isang babaeng nagbigay kulay sa mundo naming dalawa. Si Kurt.

"Ito, napanalo ko ang kaso ni Stephanie. Bakit nga pala hindi ka dumating?" Umupo ako sa tapat niya.

"Kauuwi ko lang galing Canada, alam mo na buhay artista." Napangiti ako, artista na nga pala siya ngayon. Isang sikat na artista.

"Salamat ha." Naging seryoso ang mukha nito. "Salamat dahil hindi mo pinabayaan ang kaso ni Stephanie, masaya ako na pinanalo mo iyon."

"Tungkulin ko iyon at mahal ko ang babaeng iyon, kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya."

"Hindi mo naman pangarap maging isang lawyer diba? Ngayon, case closed na ang kay Stephanie, paano naman ang pangarap mo?"

Tinignan ko siya at binigyan ng matamis na ngiti.

"I already take an examination to fulfill my dreams and I passed. Magiging isang engineer na ako."

"Wow. Congratulations. Kamusta naman ang lovelife?"

Natahimik ako, "I'm engaged." Ngumiti ako ng malapad kasabay nang panlalaki ng mata niya.

"What? Bakit hindi mo man lang ako inimbitahan nung engagement ninyo? Anong klase kang kaibigan? You need to pay the price, ako ang magiging best man mo. Don't worry, ikaw din ang gagawin kong best man sa kasal ko."

"Sure."

Nag-usap pa kami tungkol sa kung ano anong bagay. Gayon na din sa mga buhay namin, ang tagal na din naming hindi nakakapag-usap ng ganito. We're both busy fulfilling our own dreams. Magkakaroon na din kami ng sari sariling pamilya.

Napag-alaman kong malapit naring magkaanak si Kurt mula sa babaeng naging ka-love team niya. Masaya narin ang buhay niya at tahimik na. Madami narin itong natanggap na awards simula ng maging artista siya, hinahangaan siya ng milyon milyong tao sa mundo.

Si Yohanne at Shean naman ay happily married na at tulad nang sabi ko kanina, magkakaanak narin silang dalawa. Doctor na si Yohanne at si Shean naman ay teacher na. Ang madaldal na babaeng iyon ay nagtuturo na ngayon. Hindi ko akalain na pangarap niyang mag-teacher nuon kahit tamad siyang mag-aral.

"Kelvin, susunod nalang ako. May aayusin lang ako."

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Nakarating ako sa puntod ni Stephanie, malinis iyon dahil hindi ko naman pinababayaan. Inilapag ko ang boquet na bulaklak. Nagsindi rin ako ng kandila bago ako umupo sa puntod niya.

15 years ago, I celebrate my birthday with her. Masaya ako na kasama ko siya, masaya ako dahil sa unang pagkakataon mula nang mamatay si mommy at ang kapatid ko, nagkaroon ulit ako ng lakas para i-celebrate ang birtday ko dahil sa kanya. But, 15 years ago, on my birthday, I lost her, I lost the most precious girl I've ever had.

And now, after 15 years of not celebrating my birthday, nandito ulit ako, ice-celebrate ang birtday ko at nilalabanan ang takot ko.

"Hi, Baby Steph." Hinimas ko ang puntod niya. "Nabigyan na kita ng hustisya, pinagbabayaran na ng mga taong gumawa nito sa'yo ang kasalanan nila. Alam kong masaya kana kung nasaan ka man ngayon, alam ko din na palagi kang nakabantay sa amin. Palagi kang nandito sa tabi namin para alalayan kami."

"Stephanie, sana nandito ka ngayon kasama ko sa pagtupad nang lahat ng pangarap nating dalawa. Pero huwag kang mag-alala tinupad ko yung pangako ko sa'yo. Nagawa ko lahat ng pangarap nating dalawa, isa nalang ang kulang, hindi ko naman matutupad iyon gayong wala kana. Pero, tutuparin ko ngunit ibang babae na ang makakasama ko."

"Alam kong ito ang gusto mo para sa akin, ang maging masaya ako. Ang tuparin ko ang lahat ng pangarap nating dalawa kahit wala kana. Huwag kang mag-alala, kahit pa magkaroon ng bagong babae sa buhay ko, magkakaroon at magkakaroon ka ng puwang dito sa puso ko."

Tumahimik ako sandali at ninamnam ang sariwang hangin na humahaplos sa balat ko.

"Stephanie, ikakasal na ako. Alam mo, yung babaeng papakasalan ko pareho kayo. Pareho kayong makulit at maganda." Natawa ako sa sarili ko. "Pupunta siya dito ngayon, gusto ka daw niyang makilala. Kilatisin mo siya para sa akin ha."

Tumayo ako at inayos ang sarili ko, pinagmasdan ko ang nakaukit na pangalan sa lapida. Napangiti ako nang manumbalik sa akin ang napakaraming masasayang ala-ala naming dalawa. Yung apat na taong pangungulit niya sa akin, yung mga pagkukuwento niya at mga kalokohan. Nung nagkaaminan kami at bumuo nang masayang ala-ala.

Ang ala-ala nalang naming dalawa ang natira sa akin at ang pagmamahal niya.

"Honey."

Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Malawak ang ngiti nito habang papalapit sa pwesto ko, agad niya akong niyakap ng makalapit siya sa akin.

"OHEMGY! Siya ba si Stephanie? Yung babaeng palagi mong kinukuwento sa akin?"

Napatango ako, matagal na niyang gusto rin kasing makita ang puntod ni Stephanie. Gusto niyang makilala ito sa hindi ko rin alam na dahilan. Basta ang sabi niya sa akin, gusto lang niyang makilala ang babaeng minsan kong minahal.

"Hi, Stephanie. Matagal na kitang gustong makilala dahil alam kong sobrang mahal ka ni Kelvin. Gusto ko rin na personal kang makilala para pasalamatan ka. Hindi ko kaya yung ginawa mo, yung isinakripisyo mo ang sarili mo para sa taong mahal mo. Salamat ha, salamat dahil hinayaan mo pa siyang mabuhay para matupad ang mga pangarap niya."

Umupo kami pareho sa tabi ng puntod niya, ganito din kami ni Stephanie nuon nung araw na binisita namin sila mommy. Humilig siya sa balikat ko.

"Huwag kang mag-alala, Stephanie, hindi ko sasaktan ang lalaking mahal mo. Mahal ko rin ito e. Pangako ko sa'yo na mamahalin ko siya tulad ng pagmamahal mo sa kanya."

Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napangiti lang ako, dahil ang dalawang taong importante sa akin ay kasama ko ngayong kaarawan ko. Hindi ko rin naman nakalimutan sila mommy, una ko silang dinalaw bago si Stephanie.

"Happy birthday, Kelvin." Masaya nitong bati sa akin.

"Whaaats up! Madlang pips." Napatingin kami pareho kay Kurt, ang lalaking sumigaw.

Natawa ako dahil may kasama siyang babae, siguro ito ang fiance niya. Matangkad ito at balingkinitan din ang katawan. Halatang artista din ito tulad niya.

"Mukhang may reunion tayo dito ah?"

Bigla kaming natawa lahat ng makita namin si Shean na inaalalayan ng kanyang asawa, si Yohanne.

"Aray! Ano ba? Ayusin mo nga ang pag-alalay sa akin." Reklamo nito.

"Ito na nga po, mahal na reyna."

Hindi parin nagbabago ang dalawang ito, puro parin sila kalokohan. Iyon siguro ang nagpatatag sa relasyon nilang dalawa.

"Ayy, oo nga pala si Jenny fiance' ko." Pagpapakilala ko sa babaeng kasama ko.

Agad naman silang nagpakilala dito. Masaya ako na maganda ang pagpapakilala nila sa isa't isa.

"Akala ninyo kayo lang? HAHA, ako din, si Amie fiance' ko din."

Napuno ng tawanan ang paligid, muling nabuo ang dating masayang pinagsamahan.

"Pareho naman pala kayong malapit nang ikasal, bakit hindi niyo nalang gawing double wedding?" Suggestion ni Yohanne.

"Oo nga 'no? What do you think Kelvin?"

Natawa ako, "Sure, let's settle the wedding next time."

Naglatag kami ng blanket kung saan umupo kaming lahat. Ang mga taong ito ay isa nang malaking parte ng pagkatao ko.

"Hindi ko naman alam na may kasiyahan pala dito?"

Napatayo kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Tita kasama ang nanay ni Shean, nilapitan namin ito at inalalayan.

"May narinig kaming kasalan. Hindi kami maaaring mawala duon ha." Humalakhak ang dalawang matanda.

Iniligay nila ang bulaklak na dala at nagsindi ng kamdila.

"Alam ninyo, siguradong masaya ang anak ko ngayon dahil hindi niyo siya nakakalimutan. Sa kahit na anong tagumpay ninyo sa buhay palagi ninyong pinapaalam sa kanya. Salamat." Naluluhang sambit nito kaya niyakap namin siyang lahat.

"Parte na po ng buhay namin si Stephanie. Marami kaming natutunan sa kanya."

Muli naming pinakilala ni Kurt ang fiance' namin sa dalawang ginang at nagalak naman ito pareho.

"Happy birthday Kelvin," bati nilang lahat sa akin bago tumungin sa puntod ni Stephanie. "Happy death anniversary, Stephanie." Masaya naming tugon lahat.

Sa buhay ng tao mayroon talagang kabiguan na mangyayari, may sakit at puno ng pighati. May mawawala pero may nga tao din namang darating para muling bumuo ng magandang ala-ala.

Sa puntong ito, si Stephanie ang naging pinaka-malaking parte ng pagkatao ko ang nawala, pero hindi niya ako pinabayaan. Binigyan niya ako muli ng pagkakataon upang magkaroon ng masaya at masaganang buhay.

Natuloy ang double wedding namin ni Kurt, masaya at naging puno ng kalokohan sa reception. Madaming bisita ang dumalo dahil narin sa sikat si Kurt at maging ang asawa niya.

"Babae ho, ang anak ninyo." Sabi ng nurse na may hawak sa anak namin ni Jenny. "Ano pong ipapangalan namin sa kanya?" Tanong pa nito.

Nagkatinginan kami ni Jenny at malapad na nginitian ang isa't isa.

"Stephanie, Stephanie Corpin po ang pangalan niya." Nakangit at sabay naming sabi.

Hindi man kami nagkaroon ng happy ending ni Stephanie, alam kong masaya siya para sa akin ngayon, para sa aming lahat na naiwan niya gayong natupad na ang lahat ng pangarap namin. At ang ala-ala naming dalawa ay babaunin ko hanggang sa pagtanda.

Muli ko siyang dadalawin sa kanyang puntod na madaming ala-alang ipapaabot sa kanya. Mga ala-alang palagi namin siyang isasama.

"Mahal na mahal kita, Stephanie."

=The End=