webnovel

Chapter 34

"Ang ganda niya!"

"So gorgeous!"

"Beautiful bride!"

'Yon ang naririnig ni Kyra galing sa mga bisita nila noong pinatigil siya ni Cindy sa baba ng bulaklaking arch. Kinabahan tuloy siya lalo at hindi rin siya makatingin sa mga bisita nila sa sobrang kaba. Nawala na lang 'yon ng kunti ng hinawakan na siya ng daddy at mommy niya sa kanyang magkabilang kamay.

"Don't be nervous, baby anak. This is yours and Bryan's special day at ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng bride ngayong taon." Masuyong sabi ng daddy niya.

Tumango din ang mommy niya na kumikislap na ang mga mata. Naiiyak ang mommy niya pero may ngiting nakapaskil sa mga labi nito.

Naramdaman siguro ng mga ito ang panginginig ng kamay niya kaya pinapakalma siya. Ngumiti lang din siya sa mga ito kahit naiiyak na rin siya. Pero ulit siyang sinaway ng mommy niya kasi baka daw masira ang make-up niya at magmukha siyang aswang habang nagmamartsa.

"Ready?" Nakangiting tanong sa kanila ni Cindy.

Tumango agad ang mga magulang niya at ginaya na rin niya ang mga ito. Nag-iba na rin ang tunog ng piano at naging piano version na 'yon ng Thousand Years noong nagsimula na silang lumakad ng mga magulang niya.

Napagawi ang paningin niya sa pinagawang parang altar sa gitna.

'Ready na 'kong bitayin. Take me Lord!' Nalolokang sabi niya sa isip para sana'y madagdagan ang pagkalma sa sarili but its not a good joke though! 'Ay, joke lang po, Lord. Sorry, sorry!' Bawi niya rin agad sabay niyuko ang ulo ng tatlong beses.

Habang naglalakad sila ay iniwasan niya munang tingnan ang pwesto ni Bryan, baka kasi kabahan lang siya lalo. Mas mabuti ng yumuko na lang o tumingin na lang muna sa mga bisita nila, or sa altar na lang.

Sobrang nakakamangha talaga ang pinagawang altar nina Cindy. Pinagawa kasi 'yon malapit sa mismong beach ng resort kaya ang labas ay naging background nila ang nagsasparkle na karagatan. Medyo umayon din nga ang panahon sa kasal nila, kasi lampas 11am na kaya dapat sobrang init na talaga but instead naging maulap at mahangin sa mga oras na 'yon.

Lampas na sila sa kalagitnaan ng aisle ng hindi na niya maiwasang dumapo ang tingin niya sa pwesto nina Bryan. Lalo pa't pumapalakpak at pumipito ng malakas sina Justin at Russel sa tabi nito.

Mga loko-loko.

Sinasaway din ang mga ito ni Nathaniel at kitang-kita niya na parang pinagalitan pa ang dalawa. Tumigil nga ang mga ito sa ginagawang kalokohan. Si Justin kulit nagpadyak pa akala mo'y batang paslit eh. Napangiti tuloy siya. Narinig niya rin ang mga halakhak ng ibang mga bisita nila kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam niya.

Iniwasan talaga niyang mapatingin kay Bryan mismo. Pinalipat-lipat niya lang kasi 'yon sa tatlo kanina pero noong umayos na nga ang mga ito ay hindi na niya naiwasan ang mga matang dumapo na 'yon sa taong iniiwasan niyang tingnan.

Nakatingin din pala ito sa kanya ng diretso. And he's not even blinking kahit na malapit na sila sa pwesto kung saan siya nito kukunin sa mga magulang niya. Napaiwas lang siya ng tingin dito noong hinalikan na siya sa pisngi ng daddy at mommy niyang naiiyak na talaga.

"We love you, baby anak." Sabi ng daddy niya sabay palis ng luha nito sa mata.

"M-Mahal ko rin po kayo." Naiiyak na sabi niya sabay yakap din sa mga ito.

Pagkatapos nilang magyakapan, ay tumingin na ang mga magulang niya kay Bryan at ginaya na rin niya ang mga ito. Pero hindi pa pala ito nakalapit sa kanila. Nanatili itong nakatayo sa harap at nakatingin pa rin ng diretso sa kanya. Parang nakatulala yata.

"Anak." Tawag dito ni Mr. Sevilla.

"Bry." Tawag din ni Nathaniel dito pagkatapos ay siniko din nito ang tinawag.

Parang doon lang ito natauhan. Napatikhim muna ito bago tumingin sa mga katabi nito. Tinuro ng apat at ni Mr. Sevilla ang pwesto nila ng mga magulang niya kay Bryan.

"Ah. Sorry." Usal lang nito.

Lumapit si Mr. Sevilla dito at nagmano ito sa ama nito bago ito humakbang palapit sa kanila.

Nag mano rin ito sa mommy at daddy niya. Her daddy then gave Bryan a tap on his shoulder.

"Please take care of our daughter.." Sabi ng daddy niya na tinanguan naman nito.

Hinawakan na ng daddy niya ang isang kamay niya at inilahad 'yon kay Bryan na agad naman inabot ng huli. Nagkatinginan muna sila ng ilang saglit pero sabay ring nag-iwasan ng tingin at nagsimula nang lumakad palapit sa pari. Umupo sila doon sa itinalagang upuan nila.

"Today, we are all gathered here to witness the wedding of Kyra Mae Melendez and Edward Bryan Sevilla.." Paunang sabi ng pari noong nakapwesto na sila ng maayos.

Nanatiling nakahawak si Bryan sa kamay niya at naramdaman rin niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito habang nagpapatuloy ang seremonya ng kasal nila. Imbes na makaramdam ulit ng kaba ay naging panatag ang puso niya.

Napabaling lang ang tingin niya dito ng hinahaplos ng hinlalaki nito ang kamay niya. Pero nakatutok lang naman ang mga mata nito sa pari. Seryoso din ang itsura nito. Napaiwas na lang din siya ng tingin at nagconcentrate na lang din sa seremonya.

Nag-iiba na talaga ang pakiramdam ni Bryan habang nagpapatuloy ang seremonya ng kasal nila ni Kyra. Ramdam niya ang lakas ng pintig ng puso niya habang magkahawak ang kamay nila. Sa totoo lang pwede niyang bitawan ang kamay nito noong umupo na sila pero pakiramdam niya ay doon siya nakakakuha ng lakas at kumakalma rin ang puso niya. Her hand feels so soft that he can't stop himself from touching it with his thumb. Tutuk na tutuk man ang mga mata niya sa pari but he's still aware of Kyra's presence beside him.

Pinatayo na sila ng pari at magsisimula na raw ang palitan nila ng vows sa isa't isa. Pinaharap sila sa isat-isa habang magkahawak na ang dalawang kamay nila. Pinananatili niya ang paningin niya sa mga kamay nila kaysa tingnan si Kyra sa mukha.

This is safer, baka kasi mapatulala na naman siya katulad kanina.

"Do you Edward Bryan Sevilla take this woman, Kyra Mae Melendez, to be your wife, according to God's holy decree? Do you promise to be her loving and loyal husband, to cherish and keep her in sickness and in health, and forsaking all others, to be faithful only to her as long as you both shall live?" Tanong ng pari.

Kinain siya ng konsensiya sa tanong ng pari sa kanya, but hopefully God would understand why he needs to lie in front of Him and accept this marriage.

Napabuntong-hininga muna siya bago sumagot, "I do."

Tinanong din ng pari si Kyra katulad ng tanong nito sa kanya. He literally stopped breathing when Kyra pulled out her hand from his grasp, at agad siyang napabaling dito.

Kinabahan siya.

Akala niya ay tatakbo ito at iiwan siya o ipapatigil nito ang kasal nila.

'Yon pala ay pinalis lang nito ang luha nito sa mata. Binalik nito ulit ang kamay nito sa kamay niya bago ito tumingin sa kanya ng diretso sa mata. Napapahikbi ito ng mahina before she answered 'I do'.

Doon lang siya napabuga ng hangin pagkatapos niya marinig ang pagtugon nito. Hindi na niya ulit natanggal ang mga mata niya kay Kyra, hanggang sa nagpalitan na sila ng singsing.

Inilahad na sa kanya ang singing ng ring bearer nila na anak ng kinakapatid niya kaya napaiwas siya ng tingin dito. Agad niya ring binigkas ang generic line na, "Take this ring as a sign of my love and loyalty."

Habang sinasabi niya 'yon ay sinigurado niya talaga na parang walang emosyon ang itsura niya. Binilisan niya rin ang pag suot ng singsing sa daliri ni Kyra.

Narinig niya ang malalim na paghugot ng hangin ni Kyra bago ito yumuko para kunin ang singsing na isusuot nito sa kanya. Tumingin siya dito at nakita niya ang lungkot sa mukha nito bago nito sabay na binigkas ang linyang sinabi din niya kanina at sinuot ang singsing sa daliri niya.

"By the power vested on me, I now pronounce you, as husband and wife! You may now kiss your bride." Nagagalak na hayag ng pari sa kanila.

Dinig niya agad ang masigabong palakpakan ng mga tao, at mga hiyaw ng mga kaibigan niya. Kahit nakangiti ng tipid si Kyra ay malungkot pa rin ang ekspresyon nito at nakaiwas ang tingin sa kanya.

"Kiss! Kiss!"

"Ako na kikiss kay Kyra ganda, big bro!" Malokong sabi naman ni Justin pero agad itong binatukan ni Wilbert.

Napatingin siya kay Kyra pero nakaiwas pa rin ang tingin nito sa kanya. Nahihiya yata ito lalo na noong mas lalong lumakas ang hiwayan ng mga bisita nila. Kahit ang pari na nagkasal sa kanila ay nakikisabay na rin sa pagtukso sa kanila. Pero nanatili pa ring mailap ang mga mata nito sa kanya.

"Kyra." Tawag niya dito at hinawakan niya ang baba nito para humarap ito sa kanya.

Noong nakaharap na ito ng maayos ay agad niyang pinulupot ang isang kamay niya sa bewang nito. Habang ang kamay niya na pinanghawak niya sa baba nito kanina ay nilipat na niya sa likod ng batok nito at agad siyang yumuko para angkinin ang mga labi nito.

Nakaramdam na naman siya ng uhaw ng matikman ulit ang mga labi nito.

Potangina!

Hindi niya namalayang natagalan na siya sa paghalik dito, lalo na nang tumugon din ito sa kanya. Pinasok pa niya ang dila niya sa loob ng bibig nito. Napatigil na lang siya ng bigla siya nitong tapikin sa braso na para bang pinapatigil na siya.

Doon niya napansin na parang tumahimik ang paligid nila. Pagbaling niya sa mga bisita nila, halos lahat pala ay namimilog ang mga mata at napanganga habang nakatingin sa kanila.

Damn, Bryan!

Ano ka si the Greatest Showman?

Nakaramdam tuloy siya ng hiya at parang sumikip ang bow tie niya bigla kaya napatikhim siya. Doon lang din parang natauhan ang mga bisita nila at agad na pumalakpak ng malakas. Humihiyaw din ng malakas ang mga kaibigan niya.

"Mabuhay ang bagong kasal!!" Dinig pa niyang sigaw ni Russel.

Pagbaling niya ng tingin kay Kyra ay namumula na ito sa sobrang hiya. Napakamot na lang siya sa batok at agad na napangisi sa mga kaibigan niyang tumatawa at nanunukso na sa kanya. Gusto na sana niyang umalis na doon sa altar habang hawak-hawak pa rin ang bewang ng 'misis niya'.

'Misis... niya.'

Shit! Hindi niya alam kung bakit siya kinikilig habang sinasambit 'yon sa isip niya.

'Tangina mo Bryan!'

Pero agad siyang pinigilan ni Cindy na nakangisi ng nakakaloko. Magpipicture taking pa raw kasi sila ni Kyra, pagkatapos ay kasama pa ang mga magulang nila, kaibigan, at iba pang mga bisita.

Pagkatapos ng picture taking ay agad na silang ininstruct ni Cindy na magmamartsa daw sila ni Kyra galing sa altar papunta sa bulaklaking arch, at titigil daw sila doon. Maghintay lang daw sila sa queue nito bago sila lumakad. Nagsipunta at pumwesto na rin doon ang mga bisita nila, pati na ang nagvivideo at nagpipicture sa kanila.

Napatingin siya kay Kyra. Kita niya ang pagningning ng mga mata nito kahit na nakatingin ito sa mga bisita nila. Nawala na ang lungkot nito kanina. Hindi niya alam kung bakit pero sobrang nasiyahan siya sa nakikitang pagbabago sa ekspresyon nito.

Ang kamay niya sa bewang nito ay nilipat niya sa kamay nito at pinagsalikop niya ang mga daliri nila. He then tugged her hand slightly para tumingin ito sa kanya.

"Are you happy?" He asked the question that he's been dying to ask her bago pa nagsimula ang kasal nila.

"Y-Yes.." Nahihiyang sagot nito sa kanya at sinabayan pa ng tango.

"Good. You look so beautiful.." Hindi na niya napigilan ang pagsabi niyon at akmang hahalikan sana ulit ito sa labi ng biglang tumikhim si Cindy sa gilid niya.

May nanunuksong ngiti pa rin ito sa mga labi habang nakatingin sa kanila.

"Save it for later, Bryan! Tipid-tipid din sa laway!" Nanunuksong sabi nito sa kanya at agad na sinabihan sila ni Kyra na lumakad na raw sila. Bagalan lang daw nila para mas maganda ang pagkuha ng nagvivideo.

Palakpakan at hiyawan agad ang sinalubong ng mga bisita nila pagkarating nila sa dulo. May nagsaboy din ng petals ng iba't-ibang klaseng bulaklak sa kanila. Meron din isang malaking machine doon na nagbubuga ng bubbles, kaya sayang-saya ang mga bata at isip-bata na katulad ni Justin.

"Kiss! Kiss!" The people chanted again.

Wala ng pagdadalwang isip, agad niyang binalingan si Kyra na namumula na naman. Nilagay niya ang libreng kamay niya sa likod ng batok nito, hinila ito palapit sa katawan niya, at mabilis na sinakop ulit ang labi nito.

"Woooo!" Dinig niyang hiyawan ulit sa paligid nila.

"Tama na yan, big bro! Mamamaga na 'yang labi ni Kyra ganda eh!" Malokong pagrereklamo ni Justin.

Nagtawanan tuloy ang mga bisita nila. Binitawan na rin niya ang labi ni Kyra at niyakap ito ng mahigpit.

Aaminin na niya sa sarili niya.

Masaya siya.

Sobrang saya niya ngayong araw na 'to!

Chương tiếp theo