webnovel

Chapter 12

"GOOD MORNING sleepyhead," nakangiting bati sa kanya ni Mael. May hawak itong tray ng pagkain papalapit sa kama.

Napangiti siya. Hindi niya maikakaila na natutuwa siya sa pag-aasikaso sa kanya ng asawa. Pero di pa rin nawawala ang pangamba na panandalian lang ang lahat ng ito, na hindi magtatagal iiwanan rin siya nito.

Inilapag nito sa gilid ng kama ang tray saka siya hinalikan sa labi. Dinampot nito ang isang stem ng pink roses na sigurado siyang isa yon sa mga tanim ni Nay Caring sa labas.

"For my lovely wife," malambing na sabi nito.

Para namang lumobo ang puso niya sa sinabi nito. Inabot niya yon at inilapit sa ilong.

"T-thanks..."

"Salamat lang walang kiss?" nanunudyong sabi nito maski ang mga mata ay nanunudyo din.

Napangiti siya at dinukwang ito para halikan sa mga labi.

"Hmm, sarap... Lasang pinipig."

"Baliw..." namumulang sabi niya. Madalas na ganito ito, sobrang sweet. Binalingan na lang niya ang dala nitong tray mayron iyong fried rice, daing, bacon at scramble egg. Saka gatas at slice apple.

Nalukot ang ilong niya ng maamoy ang daing. Napahawak siya sa bibig niya dahil parang babaliktad ang sikmura niya. Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo sa banyo saka nagsuka nang nagsuka sa bowl. Halos wala naman siyang naisuka kundi laway at kulay green na likido. Mapait sa panlasa niya.

Naramdamn niya may humihimas sa likod niya.

"Ayos ka lang?" Puno nang pag-aalala ang mukha ng asawa niya nang tignan niya.

"I'm sorry, ayaw ata ni baby sa daing." Pinilit niyang ngumiti kahit na nanghihina siya sa ginawang pagsusuka

"Ayos lang... Ano bang gusto ni baby?" malambing ang boses nito and she felt like crying, parang may pumipiga sa puso niya. Ayaw niya nang matapos ang ganito. Ilang gabi niyang pinagdadasal na sana lagi na lang itong maalaga at sweet sa kanya, na sana hindi na nito maisipang ipa-annul ang kasal nila at sumama sa iba dahil hindi niya kakayanin.

"Hey, bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong nito.

Saka niya lang napansin na umiiyak na pala siya. Agad siyang yumakap dito ng mahigpit. Gusto niyang magmakaawa dito na sana siya na lang ang mahalin nito na wag na siyang iwan.

"Sorry na... Hindi ko alam na ayaw ni baby ng daing... Ipagluluto na lang kita ng iba, okay?" bulong nito sa tainga niya.

"Mael..." parang batang tawag niya dito.

"Hmmm?"

"W-wag mo kong iiwan, please..." sumisigok na pakiusap niya dito.

Saglit itong natigilan pagkuwan ay humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Why would i do that?" takang tanong nito. Naramdaman niya ang mararahang halik nito sa ulo niya. Napapikit siya at lalong nagsumiksik sa dibdib nito.

Dahil hindi mo ko mahal... maktol ng isip niya.

HINDI naman maiwasang mapangiti ni Mael habang yakap ang asawa. Tama ba ang narinig niya? Ayaw ba talaga nitong iwan niya ito? Takot din itong mawala siya dito? Mahal na kaya siya ng asawa?

I hope so... - piping hiling niya sa sarili. Sana nga matutunan na siyang mahalin nito. Pagnangyari yon wala na siyang mahihiling pa.

NAPAGPASYAHAN nilang pumunta sa nag-iisang mall sa bayan na pagmamay-ari ng mga Capistrano.

Balak nilang mamili ng mga gamit ng baby. Ayaw pa sana niya dahil hindi pa naman nila alam ang gender ng baby dahil three months pa lang ang tiyan niya pero makulit talaga si Mael. Kaya naman napapayag na rin siya

Pinasok nito sa Parking lot ng mall ang sasakyan at inalalayan siyang bumaba. Sa entrance pa lang ay biglang naalerto ang mga security ng mall dahil nakita nilang dumating ang nag-iisang tagapagmana ng mall na iyon.

Aligaga ang mga tao. Ang pinaka OIC ng mall ay agad na bumaba para salubungin sila at istemahin pero agad iyong pinaalis ni Mael at sinabing hayaan na lang sila na mamili at magsibalik ang mga ito sa trabaho.

Lihim niyang hinangaan ang asawa dahil do'n. Matagal na niyang alam na hindi ito katulad ng ibang mga anak mayaman na akala mo ay nabili na ang mundo kung makaasta.

Hindi man palabati ang lalaki pero hindi naman ito kagaya ng iba na nang mamata. Katunayan nga ay ito pa lagi ang nagtatanggol sa kanya noon kapag pinag-iinitan siya ng mga kaklase niyang galing sa buena familia. Naging scholar kasi siya sa private school na pinapasukan din ni Mael noon na pagmamay-ari naman ng lolo nito. Dahil empleyado ng kompanya nila Mael ang itay niya nabigyan siya ng scholar na makapag-aral doon. Kaya lang naging mahirap ang buhay niya doon dahil lagi siyang nabu-bully. Pero nang makilala at maging kaibigan niya si Mael noon wala nang nakapang-bully sa kanya. Sa katunayan nga niyan parang pinangilagan na rin siya ng mga kaklase niya kaya naman wala rin siya talagang ibang naging kaibigan kung hindi si Mael kahit na ahead sa kanya ang lalaki ng dalawang taon.

Naputol ang pag-iisip niya nang hilahin siya nito sa isang boutique ng mga pang new born. Para itong bata na hindi malaman kung ano ano ang pipiliing laruan.

"Puro puti muna ang kunin natin. Tutal hindi pa natin alam ang gender ni baby," sabi niya dito.

"Okay."

Nag umpisa na itong kumuha ng mga baru-baruan ng pang new born sa mittens hanggang sa lampin ay hinayaan niya lang itong mamili.

Sunod naman naming pinuntahan ay ang bilihan ng crib. Masusi nitong pinag-aralan ang crib na para bang isang specimen iyon na bagong diskubre.

Natatawa siya dito habang pinanonood ito.

"Mukhang excited na excied si Sir sa baby niyo, Mam," kinikilig na komento ng isang saleslady. Nginitian niya lang ito.

"Sigurado ba kayong matibay to?" seryosong taong ni Mael sa katabi niyang saleslady

Agad naman itong nilapitan ng saleslady at nagpaliwanag kung gaano kaganda at katibay ang crib. Mukha namang na kukumbinsi na ang asawa niya dahil patango- tango na ito kahit nakakunot pa rin ang noo.

"What do you think, hon?" biglang baling nito sa kanya.

"Ahmm... mukhang okay naman yan," sabi niya dito. Sa tingin naman niya ay matibay naman iyon dahil sa mahal ba naman ng crib na yon hindi naman siguro biro-biro ang materyales na ginamit doon.

Sunod na tinignan nito ay mga stroller at walker. Ganun din ang ginawa nito ininspeksyon muna at kung ano-ano ang tinanong sa saleslady.

Iniwan niya muna ito at lumapit siya sa mga feeding bottles. Dalawang aisle ang layo non sa kinaroroonan ni Mael.

Dadamputin niya sana ang isang avent na baby bottle ng may dumampot din non. Napatingin siya sa umagaw non sa kanya. Nagulat siya pero di niya pinahalata nang makita kung sino iyon.

"Suzette..." aniya na parang sumpa sa panlasa niya ang pangalan nito pagbinabanggit niya.

"Hi, namimili ka rin pala. Kasama mo ba ang asawa mo?" tanong nito na halatang nanunuya pagkabanggit sa salitang 'asawa'. Lumingon pa ito sa likod niya.

Bumuntong hininga siya at tumalikod na dito. Wala siyang panahong makipag-away na naman dito dahil the last time na nakipag-away siya dito muntik na siyang makunan kaya mas mabuting umiwas na lang din siya.

Pero napahinto siya ng magsalita ito.

"Buntis din ako."

Natigilan siya sa sinabi nito pero hindi siya lumingon.

"Hindi mo ba tatanungin kung sino ang ama?" nakakalokong sabi nito.

Napapikit siya. Ayaw niyang marinig ang sasabihin nito kahit may hinala na siya.

Naramdaman niyang humakbang ito papalapit sa kanya. Nanigas siya nang ilapit nito ang bibig sa tainga niya. "I'm six weeks pregnant to your... lawfully wedded husband," bulong nito sa kanya sabay tawa. Hindi siya nakakilos sa sinabi nito. Nilagpasan siya nito at pakendeng kendeng na lumayo sa kanya hanggang sa nawala sa paningin niya ang babae.

Para namang isang bomba iyon na sumabog sa kanya. Nanlalamig ang katawan niya. Six weeks? Ibig sabihin kasal na sila ni Mael nang mabuo ang dinadala nito. Pinagtataksilan siya ng asawa?

Ano pa nga ba. Balak na nila yon diba! - Nagpupuyos sa galit na bulong niya sa isip.

Napahawak siya sa tyan niya na may bahagya ng may umbok. Napaka walanghiya ng ama mo. Hindi ka pa man isinisilang binigyan kana agad ng kapatid...

"Hon!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Mael mula sa likuran niya. Kaya ba ito nag-aya sa kanya na mamili ngayon dahil balak nitong makipagkita kay Suzette? Kaya ba napakarami nang pinamili nito dahil ang iba ay sa anak nito at kay Suzette? Pasimple niyang pinunasan ang luha na kumawala sa mata niya. Hindi na niya hahayaang makita ng mga ito na nasasaktan siya.

Lumingon siya dito pero hindi ito nginitian. Lumapit ito sa kanya na ngiting-ngiti pero agad din iyong nawala ng mapunang wala siya sa mood.

"Pagod kana ba?" masuyong tanong nito at inakbayan siya.

"Oo," pormal na sagot niya.

"Oh, sige kumain muna tayo. Pinalagay ko na sa kotse yung mga pinamili natin at yung iba naman idedeliver na lang--"

"Gusto ko nang umuwi. Pagod na ko, Mael. Pagod na pagod na!" Nagpapasalamat siya at hindi pumiyok ang boses niya. Nararamdaman na niya kasi ang pagbabara ng kanyang lalamunan at pag-init ng sulok ng kanyang mga mata kaya agad siyang nag-iwas dito nang tingin.

"Okay." Nagtataka man sa bigla niyang pagbabago ng mood ay hindi na ito kumibo.

BUONG BYAHE nila ay nagkunwari siyang natutulog at nang makarating sila sa log house ay agad siyang nagkulong sa kwarto nila at doon nagmukmok hanggang sa nakatulog na siya.

Madilim na nang magising siya at parang nagsisi pa siya nang magising siya dahil ayan na naman ang sakit na nararamdaman niya. Ipinikit niya uli ang mga mata at pilit na bumabalik sa pagtulog pero wala talaga.

Bumangon na lang siya at pumunta sa banyo. Hinubad niya ang lahat ng saplot at pumuwesto sa ilalim ng shower. Hinayaan niya ang luha na kanina niya pa pinipigilan na humalo sa tubig na bumubuhos sa kanya. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal doon. Narinig niya na lang na may kumakatok sa pinto ng banyo.

"Angela?" tinig iyon ni Mael.

"B-bakit?" sagot niya dito.

"Dinner is ready, hon. Baba ka na after mo d'yan o gusto mong akyatan na lang kita ng dinner?" narinig niyang sigaw nito sa kabilang pinto.

"B-bababa na lang ako!"

"Okay..."

Yun lang at nakarinig na siya ng mga yabag papalayo sa pinto.

Naitakip niya ang kamay sa bibig para pigilang mapahagulgol. Bakit ba ayaw nitong tumigil sa pag-arte na para bang may pagmamahal ito sa kanya. Gayong nagawa nga nitong mang buntis ng iba?

Damn you Mael!

UMIWAS SIYA nang tingin kay Mael nang pumasok siya sa komedor, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

Nakaupo ito sa kabisera, tumayo ito para ipaghila siya ng upuan sa kanan nito.

"Umiyak ka ba?" tanong nito nang makaupo siya.

"H-hindi," tanggi niya na hindi makatingin sa mga mata nito

"Bakit namamaga yang mata mo?" nagdududang tanong nito.

"Nasobrahan siguro sa pagtulog," katwiran niya.

Magtatanong pa sana ito nang pigilan niya.

"Kakain ba tayo o mag tatanungan, Mael? Gutom na ko!" Di na niya napigilan ang mapataas ang boses.

Tumiim ang bagang nito pero hindi na umimik. Kinuha nito ang bandehado ng kanin at akmang lalagyan siya nang agawin niya dito iyon.

"Ako na!" angil niya dito. Nakita niyang kumuyom ang kamao nito. Pero wala siyang pakialam. Galit siya at hindi niya kayang pigilan iyon. Nasusuklam siya sa pag-aasikaso nito sa kanya samantalang sinasaksak naman siya sa likod. At ano pa ang silbi ng pagpupumilit nitong pakitaan siya ng maganda kung hihiwalayan lang din naman siya?

Wala na silang imikan hanggang sa matapos silang kumain. Tumayo na siya at walang paalam na iniwan ito at umakyat na sa kuwarto nila.

Nahiga na siya doon at nagtalukbong ng kumot. Inabot na ng ala una pero di pa rin siya dinadalaw ng antok. Gising na gising pa siya. Hindi pa rin pumapasok sa kuwarto nila ang asawa. bumuntong hininga siya at inis na bumalikwas nang bangon at naupo, sumandal siya sa headboard ng kama at niyakap ang unan ni Mael. Naaamoy niya ang asawa doon.

Nakaramdam siya ng matinding pangungulila dito. Gustong gusto niya ang amoy ng asawa niya pati na rin ang init na nagmumula dito. Pero kailangan niyang sanayin ang sarili na wala ito dahil hindi rin magtatagal ay tuluyan na itong mawawala sa kanya. Iiwan na siya nito.

Sino ba naman kasi siya para piliin nito kumpara kay Suzette. Napilitan lang itong pakasalan siya dahil sa manang makukuha nito.

At kahit ano pang gawin niya para mapanatili ang asawa sa piling nilang mag-ina malabo nang mangyari iyon. Dahil buntis na rin si Suzette. Ano pang laban niya don. Mas maganda at sexy sa kanya ang babaeng karibal. Mas mataas ang pinag-aralan nito kaysa sa kanya at isa pa mas pabor dito ang biyenan niyang babae dahil galing si Suzette sa isang buena familia mga ka-level ng mga ito. Eh siya? Isang hamak na teacher na nagkataong apo ng isang mayaman? Patawa siya. Wala siyang magiging laban kahit ano pang gawin niya.

Naninikip ang dibdib niya. Tumayo siya para lumapit sa bintana at sumagap ng sariwang hangin.

Nang buksan niya ang bintana sumalubong sa kanya ang malamig na hangin, nayakap niya ang sarili. Kahit papaano lumuwag ang paghinga niya. Napatingin siya sa baba walang mga poste don ng ilaw pero maliwanag ang bilog na bwan kaya kitang-kita niya ang dalawang tao na naghahalikan sa may hardin. Nakilala niya kagad ang likod ng asawa at ang babae; walang iba kung hindi si Suzette! Hindi niya natagalan iyon at mabilis siyang umalis sa bintana.

Lumayo siya doon na parang napapaso. Ang mga walanghiya. Nagkikita pala ang mga ito dito. Ilang beses na kayang nagkikita ng palihim ang mga ito? Dito rin ba nabuo ang anak ng mga ito?

Parang hindi na niya kakayanin ang sakit na nararamdaman niya. Sana pinatay na lang siya ng mga ito. Oh, yon ang balak ng mga ito ang saktan siya hanggang sa ikamatay niya?

Napaka sama mo Mael! Ang bababoy niyo!

Napaupo siya sa sahig at sumubsob sa palad saka doon umiyak nang umiyak.

NAGISING SIYA KINABUKASAN na mabigat ang pakiramdam. Agad siyang bumangon nang maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura.

Sapo-sapo ang bibig na tumakbo siya sa banyo. Hindi napansin ang nagulat na asawa na naliligo doon.

Sumuka siya nang sumuka sa lababo. Hindi niya napigilan ang mapaluha. Awang-awa siya sa sarili.

Naramdaman niyang may humihimas sa likod niya. Napatingin siya sa salamin. Nasa likod niya ang asawa at puno nang pag-aalala ang mukha nitong patuloy sa paghagod sa likod niya.

Basang-basa ito at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa pang ibabang katawan nito.

Napatingin siya sa repleksyon niya sa salamin. Gulo-gulo ang buhok niya at magang-maga ang mata niya. Mukha siyang luka-luka. Mabilis niyang tinabig ang kamay nito at naghilamos para maitago ang pagkapahiya dahil sa itsura niya.

Narinig niyang bumuntong hininga ito. Nang matapos siyang maghilamos ay inabutan siya nito ng face towel pero hindi niya yon inabot bagkus ang kwelyo ng tshirt niya ang pinamunas niya sa mukha.

Nakita niya itong umiling-iling na lang parang naa-amused sa nakikitang ugali niya. Lalo naman siyang nanggigil dito. Pakiramdam niya ay kunukutya siya nito.

Akma siya nitong aalalayan nang tabigin niya ito at malakas na itinulak.

"Wag mo 'kong hahawakan nandidiri ako sayo!" malakas na sigaw niya dito.

Napanganga naman ito. Pagkatapos ay kitang-kita niya ang sakit na bumadha sa mukha nito. Para tuloy gusto niyang bawiin ang sinabi pero pinigil niya ang sarili dahil sa ala-alang nakita kagabi. Pumikit siya at huminga ng malim.

"Gusto ko ng annulment," kuyom ang kamay na sabi niya dito..

to be continued...

Chương tiếp theo