webnovel

Chapter 8

NAGISING si Angela na wala na si Mael sa tabi niya. Nag-iwan ito ng note sa side table na nagsasabing umalis ito dahil may aasikasuhin sa opisina at babalik agad para sunduin siya.

Tumingin siya sa digital clock. Alas kuwatro na ng hapon. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang makatulog ng ganon kahaba, sanay kasi siya na alas kuwatro pa lang ng umaga ay gising na.

Agad siyang bumangon at nagmamadaling naligo at nagbihis. May nakita siyang isang jumper denim dress sa cabinet may katerno itong black brassier pero mas pinili niya ang pinakamaliit na white shirt ni Mael inamoy niya yon at napakagatlabi bigla ay parang hinahanap-hanap niya ang amoy ng asawa. Ipinailalim niya iyon sa jumper saka sinuot ang flat valentino sandals. Napansin niyang halos flat sandals ang binili sa kanya ni Mael. Siguro dahil sa iniisip pa rin nito na buntis siya. Napahawak siya sa flat na sikmura. Hindi pa siya nagkakaron at kahit kailan hindi pa siya na dedelayed, regular ang menstration niya simula pa ng dalagita siya. Pero wala naman siyang ibang nararamdaman gaya nang pagkahilo o pagsusuka. Wala rin siya pagkain na nahihiligan niya. Ah baka siguro stress lang siya. May nabasa kasi siya dati na minsan kaya na dedelay ang mga babae dahil sa stress, at nitong mga nakaraang linggo hindi lang stress ang naranasan niya kundi depression na kung hindi siya pinalaking may takot sa diyos ay nagpatiwakal na siya.

Bumuntong hininga siya at inayos ang sarili.  Pinatuyo niya ang buhok at ipinusod iyon. May mga cosmetics na binili sa kanya si Mael pero hindi niya iyon gnagamit, kaya pulbo at nag pahid siya ng manipis na lipstick sa labi, kulay pink iyon.

Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Nagmukha siyang high school student dahil sa ayos niya lalo na at five feet and two inches lang ang height niya. Maraming nagsasabi na bata siyang tignan kaysa sa tunay na edad.

Twenty four na siya pero madalas siyang mapagkamalang nineteen hindi niya alam kung matutuwa do'n o maiinis dahil minsan nagiging tampulan siya nang kantiyaw ng mga kaibigan.

Five thirty na at gutom na gutom na siya. Wala siyang almusal at tanghalian, mukhang diretso na hapunan ang kain niya ngayon. Halos madaling araw na kasi ng lubayan siya ni Mael kung hindi pa siya nagreklamo hindi pa siya nito titigilan. Para ba itong hindi nauubusan ng lakas. Numula siya sa alaala ng mga nangyari kagabi. Yun ang unang beses na hindi siya nandiri at nagalit na may nangyari sa kanila ni Mael. Tumutugon at hindi tumututol ang bawat bahagi ng katawan niya sa ginagawa nito sa kanya. Dinala siya nito ng paulit-ulit sa zenith.

Napalingon siya sa pintuan nang biglang bumukas iyon. Nanlaki ang mata niya nang makita si Donya Matilde na nakatayo sa pintuan. Naglakad ito papalapit sa kanya. Huminto ito sa likuran niya at pinagmasdan ang repleksyon niya sa salamin.

"Magandang hapon ho Donya--"

"Gabi na, hija," malamig ang tinig na putol nito sa kanya.

Napayuko siya. Nailang siya sa titig nito na parang nang-uuyam.

"Ano ba yang soot mo?" maarteng sabi nito. Hinila nito ang manggas ng t-shirt niya. "Balak mo ba talagang ipahiya ang pamilya namin? Look at you wala kang ka-class class! I can't believe that this is happening to my family. Kahit minsan di ko pinangarap na mahaluan kami ng mga kagaya mo! A low class public teacher na mahilig magdidikit sa mga hindi niya naman ka-level!" Tumaas baba ang dibdib ng donya halata ang pinipigil na galit.

Napayuko siya sa sinabi nito. Nanliliit siya at gusto na niyang lumubog sa kinauupuan. Kinagat niya ang labi para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mata niya.

Gusto niyang sagutin ito. Ipamukha dito na hindi naman niya ginustong makasal sa anak nito pero hindi niya magawa, ang sabi ng Lola niya kahit anong bato ng isang tao sayo huwag ka raw gaganti hayaan mo lang na ang diyos ang gumanti para sa'yo. Kinalakihan na niya yon. Mga pangaral na noong una ay tinututulan niya pero kalaunan ay nakasanayan niya na rin. Hindi raw pagiging mahina ang hindi paglaban bagkus iiwas ka lang no'n sa mas malaki pang problema kaya mas mabuti pang tumahimik na lang siya. Ayaw niyang lalong magalit sa kanya ang Donya ito pa naman ang klase ng tao nakapaglalo mong kinontra lalong hindi ka titigilan at ayaw niyang mangyari iyon. Hangga't maaari iiwasan niya na magalit ito sa kanya.

"I-im s-sorry po..." hinging paumanhin niya dito.

Lalong tumaas ang mataas ng kilay nito. Bumuka ang bibig nito para magsalita pero napigil iyon ng bumukas ang pinto at sumilip ang ulo ng Daddy ni Mael.

"Nandito ka lang pala! I've been looking for you!" Pinaikot nito ang mga mata at tatawa-tawa. Bumaling ang tingin nito sa kanya, nawala ang ngiti nito tapos ay nagdududang tinignan ang asawa. "Ano na namang kalokohan ang ginagawa mo Matilde?" Nag-aakusa ang boses nito pero may lambing pa rin doon. Tuluyan na itong pumasok at humalukipkip na nakatingin sa asawa. Para itong isang magulang na nahuling may ginagawang kalokohan ang anak.

Umismid lang si Donya Matilde at walang sali-salitang lumakad palapit sa pinto. Binunggo pa nito ang balikat ng asawa bago lumabas.

"Isip bata," iiling-iling na bulong ng Don sa ginawa ng asawa. Tumalikod na rin ito pero bago lumabas ay lumingon pa sa kanya. "You are lovely. No wonder my son is head over heals in love with you, hija." ngumiti ito na tila nanunudyo

Matagal nang nakalabas sa pinto ang Don pero nakatigalgal pa rin siya. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang sinabi nito

In love daw sa kanya ang anak nito at bakit ba parang kinilig siya?

HINDI NA mabilang ni Mael kung ilang beses na niyang tinignan ang relos niya, halos maya't-maya ata ang silip niya do'n. Inip na inip na siya. Gusto na niyang matapos ang board meeting at sumakay sa kotse niya at paharurutin yon pabalik sa asawa niya.

It's been seven hours fifty two minutes and twenty nine seconds since the last time na nakita niya ang asawa. Nanghihina na siya. He need his vitamins. A daily dose of his happy pill. His wife.

Sinuri niya nang tingin ang mga board members. Dignified and respectable. Pero walang siyang pinagkakatiwalaan sa mga ito. Alam naman niyang tutol ang mga ito na siya ang tumayong CEO at mas malaki ang tiwala ng mga ito kay Jonas. Wala nga lang magawa ang mga ito dahil siya ang may hawak ng 30% share sa kompanya at madadagdagan pa yon sa oras na magkaanak sila ni Angela.

Ang 40% ay nakapangalan kay Don Damian Arcega at hindi niya alam kung bakit dito ito ibinigay ni Don Jose Almendra gayong walang balak si Arcega na mapahalaan ang Almendra Internationals. Ang natitirang 20% ay pinaghahatian ng mga nasa harap niya ngayon.

Nang mamatay si Don Jose Almendra nag-iwan ito ng last will na ang 80% share nito sa kompanya ay paghahatian ng lolo niya at ni Don Damian Arcega. Ang lolo naman niya ay kinausap ang dalawang anak nitong lalaki which is ang papa niya at papa ni Jonas. Sinabi ng Lolo niya na ang share na nakuha nito sa matandang Almendra na matalik nitong kaibigan at ipamamana nito kung sino ang magpapakasal sa apo nito. Nabigla siya ng malaman na si Angela ang isa sa apo nito na kailangan nilang pakasalan.

Ang ina ni Angela ay anak sa labas ni Don Jose Almendra. Hindi raw nagkaroon nang pagkakataon na kilalanin nito ang anak dahil na rin sa asawa ng Don. Walang anak si Don Jose sa asawa nito at imbis na sa mga apo nito ipamana ang mga naiwan. Ipinamana nito iyon sa dalawang bestfriend nito. Kung bakit ay hindi pa malinaw sa kanya pero may hinala na siya. Sa tingin niya ay naatasan ng Don ang Lolo niya at si Don Damian na ipakasal ang isa sa mga apo nito sa mga apo ni Don Jose.

Hindi malabong mangyari yon dahil sa pagkakaalam niya magkababata ang tatlo na halos magkakapatid na ang turingan ng mga ito.

Angela is his bestfriend since he was ten years old at may pagtatangi siya dito. Alam yon ni Jonas at ng papa niya kaya naman ine-expect ng lahat na siya ang pakakasal kay Angela. Kampante siya sa bagay na yon. Lalo na at may sarili rin namang kompanya sila Jonas bukod pa sa kompanya ng Lolo nila. Hindi niya akalain na mag-iinteres pa si Jonas sa mana.

Pero nagkamali siya. Sabagay pera nga naman iyon.

hindi niya agad yon pinagtapat kay Angela at kung maaari ay ayaw na niya iyong sabihin dito dahil ayaw niyang isipin nito na kaya niya lang ito pinakasalan ay dahil sa mamanahin niya pagpinakasalan niya ito, kaya naman hinayaan niya itong matupad muna ang pangarap nitong maging guro at siya naman sinunod ang gusto ng daddy niya na mag-masteral.

Akala niya okay na ang lahat. Pero nalaman niya na lang na niligawan at naging nobya ito ni Jonas.

Hindi siya makapaniwala noong una. Alam ni Jonas ang damdamin niya kay Angela. Akala niya rin na may pagtingin na rin ang huli sa kanya. He felt betrayed. Both to Jonas and Angela. Kinausap niya ang pinsan. Sinabi niya kung gaano niya kamahal si Angela. Ipinangako na kahit siya ang pakasalan ni Angela ay ibibigay niya dito ang mana pero masyadong ganid ang pinsan niya. Pinagtawanan siya nito. Hindi raw ito naniniwala. He became crazy. Hindi niya kayang tanggapin na may ibang aangkin at magmamayari kay Angela. So, he did what he did. Pinuwersa niya at blinackmail si Angela. Wala na siyang pakialam kung kasuklaman siya nito ang importante sa kanya ay makuha ito, maging pag-aari niya. Mababaliw siya kapag napunta ito sa iba.

At ngayon nandito siya sa board room ng Almendra Internationals at nagpapaka CEO just to protect the interest of his wife. Para naman talaga kina Angela ang Almendra Internationals dahil ito ang may dugong Almendra.

Wala siyang pakialam sa share na hawak niya pero dahil para kay Angela iyon napilitan siyang tanggapin ang posisyon para mapangalagaan ang para sa asawa niya. Ibibigay niya dito ang para rito. Karapatan iyon ng asawa niya bilang isang Almendra. Tama lang na ito ang magtamasa ng mana. She deserved everything money could buy.

"Jim..." tawag niya sa secretary niya. Bata ito sa kanya ng dalawang taon. Masipag ito at magaling sa trabaho at ang importante sa lahat subok niya ang loyalty nito sa kanya

Agad itong lumapit sa kanya. Sinenyasan niya itong yumuko na ginawa naman nito. Bumulong siya dito. Tumango-tango ito saka mabilis na nagpaalam. Ibinalik niya naman uli ang atensyon sa meeting.

ALAS SIYETE na pero wala pa rin si Mael. Mag isang kumain ng hapunan si Angela kanina dahil umalis ang mga 'biyenan' niya.

Tinanggal na rin niya ang denim dress niya pero iniwan niya ang tshirt ni Mael saka nagsuot ng cotton short.

Nasa library siya ngayon na karugtog ng kwarto nila. Naisipan niyang magbasa-basa ng mga libro do'n. Namimiss na niyang magturo. Kailan kaya siya makalabalik sa pagtuturo? O papayagan pa kaya siya ni Mael na magtrabaho?

Siguro naman papayag siya, alam niya naman kung gaano kaimportante sa'kin ang pagtuturo...

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bumukas ang adjacent door. Wala sa loob na napangiti siya nang makita ang asawa. Kung hindi niya lang napigil ang sarili baka tinakbo niya na ito at nilundag nang yakap. Napakagatlabi siya. Mukhang sobrang na-miss niya ito kahit buong maghapon lang itong nawala. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Hi," nakangiting batu nito saka lumapit sa kanya sa couch at tumabi. Hinalikan siya nito na puno ng pananabik. Napakapit siya sa batok nito at buong pagmamahal na tinugon ang halik nito.

Pagmamahal...

Natigilan siya. Kumalas siya dito at nanlalaki ang mga mata na tumitig dito. Ang bilis nang tibok ng puso niya. Nagtataka naman itong nakatingin sa kanya.

Mahal ko na nga ba ang lalaking to? - tanong niya sa isip.

Napalunok siya. Wala naman sigurong masama kung matutunan niya itong mahalin dahil asawa niya naman ito?

Baka naman hormones lang o di kaya dahil sa naiinip ako kaya kung ano-ano ang nararamdaman ko?

"Hey, what's wrong?" takang tanong nito.

"Ha? Ah, w-wala." nag-iwas siya nang tingin "K-kumain kana?" tanong niya na lang dito.

Medyo naiilang siya sa titig nito para bang nakikita nito ang kaloob-looban niya.

"Hindi pa nga eh," humilig ito sa balikat niya na parang bata na naglalambing sa ina.

"I-ipaghahain kita."

Hindi niya mapigilan ang bilis nang tibok ng puso niya. Kahit kay Jonas hindi niya naramdaman ang ganito parang may nagkakarera sa loob ng dibdib niya.

"T-shirt ko ba to?" anito.

Nag-angat ito ng ulo at pinaglaruauan ang laylayan ng t-shirt na suot niya.

"Ah, O-Oo. Sorry ha--"

"Bagay sayo," anito at ngumiti ito at pinatakan ng halik ang labi niya. "Wel, kahit ano namang isuot mo bagay sayo, kahit ata basahan bagay pa rin sayo."

Napatitig siya sa mata nito. May kung anong emosyon doon na humaplos sa puso niya. Kung tignan siya nito parang siya na ang pinakamagandang babae sa mundo. Posible kaya na mahal din siya ng asawa? May katugon kaya ang nararamdaman niya dito?

Siguro naman pwede siyang umasa? Dahil bakit siya nito pipilitin magpakasal dito kung wala itong nararamdaman para sa kanya?

Hinawi nito ang buhok niya at tinitigan ang mukha niya sa paraang parang kinakabisado iyon.

"May regalo ako sayo," excited na sabi nito. May dinukot ito sa bulsa. Isang susi. Inabot nito iyon sa kanya.

"Para saan to?" takang tanong niya dito.

"Key to your car. Para kung di man kita masundo may magagamit kang sasakyan papasok sa school--"

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi dahil sa binigyan siya nito ng kotse kung hindi dahil sa sinabi nito.

"Papayagan mo akong bumalik sa pagtuturo?" Excited na tanong niya dito. Nagniningning ang mga mata niya.

"Yes, I know you love teaching. It's your dream--"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinalikan. Nagulat ito. Pero maya-maya ay tumugon din sa halik niya.

Nang maghiwalay ay habol hininga sila pareho. Nakangiting tinitigan niya ito.

"Thank you..." puno ng sensiridad na sabi niya dito.

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha nito.

"You dont have to. Ibibigay ko ang lahat nang gusto mo just... just s-stay with me..."

May lungkot sa mga mata nito. Ang boses nito ay puno nang pakiusap. Niyakap niya ito. Parang may kumurot sa puso niya sa nakikitang desperasyon dito. Hindi na nito kailangan magmakaawa sa kanya. Mananatili siya sa tabi nito dahil asawa niya ito.

"D-Dont leave m-me, Angela." Basag ang boses nito at humigpit ang yakap sa kanya.

"I wont," pangako niya saka sinubsob ang mukha sa leeg nito.

"Promise?" parang bata na tanong nito

Napangiti siya.

"Promise..."

to be continued...

Chương tiếp theo