webnovel

Chapter 2

HINDI alam ni Angela kung gaano na siya katagal nakatitig sa table niya sa loob ng faculty room nang mapansin niya ang mantsa ng tinta ng ballpen sa kanyang lamesa. Kumuha siya ng tissue at dahan-dahan iyong pinupunasan. Pero lalo lang kumalat ang tinta. Ang marahan niyang pagkuskos sa mantsa ay naging madiin at mabilis. Di niya namamalayan ang panggigil na maalis ang tinta sa lamesa niya, pati ang mga luha na kumawala sa mga mata niya.

Naalala niya ang nangyari nung Biyernes ng gabi. Ang paulit-ulit na pagsasamantala sa kanya ni Ishmael. Ang paulit-ulit niyang pagmamakaawa hanggang sa mamaos siya.

Ang mantsa na naiwan sa puting kumot na sapin ng kama kung saan walang awa siyang paulit-ulit na sinamantala, binaboy at winasak ng taong pinagkatiwalaan niya. Ang mga mantsa nang karahasan nito sa katawan niya. Mga kiss mark, kagat at pasa.

Ramdam niya pa rin ang sakit ng katawan niya, ang kirot sa maselang parte ng katawan niya.

Pinilit niya lang bumangon kanina kahit hindi naman siya halos nakatulog, dahil kada ipipikit niya ang mga mata. Nakikita niya ang kawalanghiyaan na dinanas niya.

Gabi na nang ihatid siya nito sa bahay nila. Nagpapasalamat siya dahil wala ang kanyang Lola at Tatay, ang kapatid niya naman ay tulog na nang makauwi siya. Nagkulong lang siya sa kuwarto niya ng dalawang araw para makaiwas sa pagtatanong ng Lola at Tatay niya. Hindi na dapat malaman pa ng nga ito ang sinapit niya dahil masasaktan lamang ang mga ito.

Halos di siya makatingin sa mga taong nakakasalubong niya. Dahil pakiramdam niya kapag tumitig siya sa mga ito ay malalaman nila ang nangyari sa kanya.

Ayaw niya. Ayaw niyang may makaalam nang pinagdaanan niya. Hindi niya kakayanin ang kahihiyan na aabutin niya. Tutal hindi rin naman magsasalita ang binata sa nangyari sa kanila.

"Ange... Oy, Ange!"

Napalingon siya sa kumalabit sa kanya. Si Veron isa sa mga co-teacher niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Nag-iwas siya nang tingin dito.

"May problema ba, Ange?" Akma nitong hahawakan ang balikat niya nang bigla siyang tumayo para umiwas.

Nagulat ito sa ginawa niya. Napatingin din ang ibang co-teachers nila na nasa loob ng faculty room. Lunch break kaya naman nandito ang mga kasamahan niya na ang iba ay nagku-kwentuhan at iba naman ay kumakain.

Napapahiyang nagyuko siya ng ulo. Nilampasan niya si Veron na may pag-aalala sa mukha.

Nagtungo siya sa CR na para lang sa mga teacher. Ni-lock niya kaagad ang pinto. Lumapit siya sa sink at naghilamos. Napapikit siya sa lamig ng tubig na dumampi sa mukha niya. Pagmulat niya ng mga mata, napatingin siya sa malaking salamin. Hindi niya makilala kung sino ang nasa harapan niya.

Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito na namumula, sobrang putla naman ng labi niya na may maliit na hiwa pa sa gilid.

Nahaplos niya ang mukha niya. Siya ba iyon? Siya ba ang nakikita niyang nasa harapan ng salamin? Kung gano'n bakit ang miserable niya? Bakit parang ang dumi-dumi niya? Asan na ang Angela na puno ng buhay? Na laging may mga ngiti sa labi?

Nag-uunahang pumatak ang mga luha niya. Napatakip siya sa bibig niya upang pigilan ang paghikbi. Mahigpit niyang naikapit ang isang kamay sa sink para doon kumuha ng lakas at hindi siya mabuwal.

TATLONG lingo ang lumipas, pinipilit niyang kalimutan ang lahat nang nangyari. Kahit sa gabi ay binabangungot pa rin siya.

Di na nagpakita sa kanya si Mael na ipinagpapasalamat niya. Nabalitaan niya rin na wala sa bansa ang nobyo. Umalis ito nung araw na sinundo siya ni Mael at dinala sa kubo. Nagtataka man kung bakit hindi ito nagpaalam na aalis ito ng bansa hindi na niya rin masyadong binigyan nang pansin. In a way nakaramdam siya nang relief dahil wala siyang lakas ng koob makaharap ang kasintahan. Hindi niya rin kasi alam kung paano ito pakikiharapan pagkatapos ng mga nangyari.

"Goodbye and thank you, see you tomorrow."

Sabay-sabay na sabi ng mga estudyante niya bago isa-isang lumapit sa kanya at nagmano.

Napabuntong-hininga siya. Kung pwede lang hindi na matapos ang klase niya. Dahil kapag may klase siya nalilibang niya ang sarili. Nalilimutan niya kahit saglit ang pinagdaanan. Natatakot din siya na gumabi at matulog para maiwasang bangungutin.

Sinisinop niya na ang lahat ng gamit sa lamesa niya nang may tumikhim sa pintuan.

Napalingon siya do'n.

Nanginig ang kamay niya kaya nabitiwan niya ang hawak na stapler. Ramdam niya ang pagkawala ng kulay sa mukha niya habang nakatitig sa lalaking laman ng mga bangungot niya.

Nakasandal ito sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip.

"M-Mael..." kababakasan ng takot ang boses na na bulong niya.

Ngumisi ito, tumayo nang tuwid at namulsa habang hindi inaalis ang tigin sa kanya. Binalot ng matinding takot ang buong katawan niya. Nanlalamig ang kanyang mga kamay at bahagyang nanginig.

"Hi," nakakalokong anito, nakataas ang gilid ng labi.

Naglakad ito papalapit sa kanya. At sa bawat hakbang nito ay siya ring paghakbang niya paatras. Hanggang sa bumangga ang binti niya sa upuan. Nawalan siya ng panimbang kaya naman paupo siyang bumagsak sa sahig.

Yumuko si Mael at naupo sa harapan niya.

"Miss me?" tanong nito. Nakatiim bagang habang nakatingin ang mga mata sa kanya. Inangat nito ang isang kamay at umakmang hahawakan ang pisngi niya. Napapiksi siya at mabilis na iniiwas ang mukha dito, mariin siyang pumikit. Takot na nag-aantay sa susunod nitong gagawin.

Pero lumipas ang ilang segundo walang kamay na dumapo sa kanya. Unti-unti siyang nagdilat ng mga mata. Nasalubong niya ang mga mata nito na puno nang pangungulila. Malambot na ang ekspresyon ng mukha nito. Napansin niya na parang nangangalumata ito.

"I missed you..." paos na anito.

Puno rin nang pangungulila ang boses nito, para rin itong nahihirapan. At para niya ring nakita uli ang Mael na kababata niya. Yung batang lagi siyang ipinagtatanggol sa mga umaaway sa kanya dati, yung batang laging hinahati ang baon para bigyan siya. Yung batang nangakong puprotekta sa kanya sa lahat ng oras.

Pero alam niya na balat kayo lamang iyon. Wala na ang batang iyon. Ang nasa harapan niya ngayon ay ang demonyong bumaboy sa kanya. Nangilid ang luha niya, hindi dahil sa takot kundi sa panghihinayang dahil alam niyang nang mga oras na pinagsamantalahan siya nito nawala na rin ang batang yon.

Nakaramdam siya ng galit dito. Nami-miss siya nito? Nami-miss babuyin? Naikuyom niya ang palad. Gusto niya itong saktan, kalmutin ang mukha nito. Pero hindi niya mahanap ang lakas ng loob na gawin iyon. Hindi siya lumaking bayolente pero sa pagkakataong ito gusto niya patayin ang lalaki.

Nagulat siya nang hawakan nito ang magkabila niyang balikat at igiya siya patayo. Agad niya ring inalis ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Nandidiri siya sa hawak nito at parang gustong bumaliktad ng sikmura niya.

Lumakad si Mael sa desk niya at sinamsam ang mga gamit niya at inilagay sa shpulder bag. Sinukbit nito ang shoulder bag niya saka bumaling sa kanya.

"A-akina ang mga gamit ko!" kahit nanginginig sa takot ay lakas loob na sabi niya. Naging malikot din ang kanyang mata. Naghahanap nang pwedeng hingan ng tulong.

"No. Ihahatid kita."

Naalarma siya sa sinabi nito.

"Ayoko! Hindi ako sasama sayo!" halos histerical na sigaw niya dito.

Tumalim ang mga mata nito. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo Angela. Ihahatid kita at 'wag mong subukan ang pasensya ko!" sigaw nito na ikinapitlag niya.

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Wala na siyang magawa nang mauna na itong lumakad papunta sa pintuan. Siya naman ay parang itinulos sa kinatatayuan niya.

Huminto ito at lumingon bago tuluyang lumabas.

"Tara na," may pagbabanta sa tono ng boses na anito.

Wala sa sariling napahakbang siya kahit nanlalambot ang tuhod niya. Sumunod siya dito hanggang sa parking lot. May mga nakasalubong siyang mga estudyante na bumati sa kanya pero wala sa sariling tinanguan niya lang ang mga ito.

"Get in."

Binuksan ni Mael ang passenger seat ng hindi siya kumilos hinawakan siya nito sa braso at sapilitang iginiya papasok sa kotse nito. Kumapit siya sa may pintuan para hindi nito maisara ang pinto.

"P-please, Mae, gusto ko n-nang u-umuwi..." nanginginig ang boses na pakiusap niya dito.

Blangko lang ang ekspresyon nito na tumitig sa kanya.

"Ihahatid kita pauwi."

Mabilis siyang umiling. Hindi siya naniniwala na iuuwi siya nito na walang gagawin sa kanya. Nag-umpisa nang manginig ang kanyang katawan sa takot na lumukob sa kanya. Hindi niya gustong maulit ang ginawa nito. Kailangan niyang makaalis upang makalayo sa lalaki.

Naramdaman niya ang mga bisig nito na yumakap sa kanya.

"Hindi kita sasaktan. Iuuwi kita sa bahay niyo ng wala kahit isang galos. Please, calm down," masuyo ang boses na anito. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa likod niya.

Napapikit siya. Ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi nito pero hindi niya alam kung anong meron sa boses nito at ramdam niya na nagsasabi ito ng totoo, na hindi ito gagawa ng anumang ikasasakit niya.

Pero nagawa niya na Angela! -Bulong ng isip niya. Itinulak niya ito pero hindi niya nagawang ilayo ang sarili sa lalaki.

Bumitaw ito sa kanya pero hindi umalis sa harapan niya. Ikinabit nito ang seatbelt at walang salitang isinara ang pintuan at umikot sa driver seat.

Nagsumiksik siya sa tabi ng bintana na para bang mapo-protekhan siya no'n kung may gagawin mang masama sa kanya ang binata.

Sumulyap lang ito saglit saka bumuntong hininga at sinumalan nang paandarin ang sasakyan. Wala silang imikan sa buong biyahe.

"WE'RE HERE." Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Angela. Tanaw niya pa nang lumabas ang Itay niya para pagbuksan sila ng gate na kahoy. Ipinasok ni Mael ang kotse sa maliit na bakuran nila. Napansin niya ang isang pulang Jaguar na nakaparada sa bakuran nila. Wala silang kotse kaya alam niyang hindi sa kanila iyon. Wala rin siyang kilalang may gano'n kagarang sasakyan para dumalaw sa kanila.

Nagtataka man ay sumunod na siyang bumababa nang huminto na ang kotse ni Mael.

"Tay, mano po." Inabot niya ang kamay ng ama at nagmano. "May bisita ho kayo?" tanong niya rito.

"Andiyan ang babiyanin mo Angela," nakangiti nitong sagot.

Napakunot ang noo niya sa sinabi ng ama pero bago pa siya makapagtanong uli naramdaman na niya ang kamay ni Mael na umakbay sa kanya.

"Magandang gabi ho." Inabot din nito ang kamay ng Itay niya saka nagmano. Malapit ito sa Itay niya dahil madalas ang binata sa tahanan nila mga bata pa lamang sila. Sa kompanya rin ng Daddy ni Mael nagtatrabaho ang Itay niya.

"Kaawan ka ng dyos." Tinapik pa ng Itay niya ang balikat ni Mael. "Hindi ko akalain na kayo rin pala ang magkakatuluyan ang akala ko ay si Jonas ang mamanugangin ko. Ano ba ang nangyari sa inyo ni Jonas anak? Hay, hane, hayaan mo na at kung masaya kana dine kay Mael, eh, masaya narin ako," maluha-luhang sabi ng Itay niya saka siya niyakap nang mahigpit.

"Tay..." Yun lang ang nanulas sa labi niya. Unti-unti parang naiintindihan na niya ang nangyayari. Matalim na tinignan niya si Mael. Matiim din itong nakatingin sa kanya. Parang nagbababala na wag siyang kokontra. Napalunok siya. Gusto man niyang kumontra sa sinasabi ng ama hindi niya magawa dahil sa banta na sinabi ni Mael sa kanya tatlong lingo na ang nakakalipas.

Natatakot siyang totohanin nito ang banta. Tinignan niya ang ama na binalingan naman si Mael. May ngiti sa mga labi nito halatang boto sa binata. Kung alam lang ng Itay niya kung anong klaseng tao ito papayag kaya ang ama na ipakasal siya dito? Paniguradong hindi. Malamang na mapatay nito si Mael at makukulong ang tatay niya kung hindi man, magdedemanda ang ama niya pero kahit manalo sila gaano siya makakasiguro na hindi rin idedemanda ng binata ang Itay niya? Makukulong din ang tatay niya.

"Tayo na sa loob," aya ng Itay niya at nauna nang nagtungo sa loob ng bahay ang Itay niya.

Hinila niya si Mael bago pa ito sumunod papasok sa munti nilang bahay.

"Anong sinabi mo sa tatay?" Mahinang asik niya dito.

"Kung ano ang dapat niyang malaman," balewang sagot nito at namulsa pa.

"Ano nga ang sinabi mo?" gusto na niyang umiyak sa panggigil dito.

"Tsk... Sinabi kong matagal na tayong nagkakaunawaan at magpapakasal na tayo dahil may hinala akong buntis ka. Nasa loob na--"

"B-buntis?"

Ngumisi ito. Umangat ang kamay nito at humaplos ang impis niyang tyan. "Hindi naman nakakapagtaka ang bagay na yon," nagnining-ning ang mga mata nito na para bang nangangarap. Yumuko ito at hinalikan ang tiyan niya. Nagulat siya sa ginawa nito kaya di siya agad nakakilos.

Nang makabawi ay sasagot sana siya pero lumabas sa pintuan si Donya Matilde ang Mommy ni Mael. Matalim ang tingin nito na nakatingin sa kanya. Napaka-elegante ng donya sa suot nitong mamahaling bistida na humahakab sa katawan nito na bagamat may edad na ay napakaganda pa rin. Kumikinang ang mga alahas nito na sa tingin niya ay hindi siya makakabili no'n kahit buong buhay pa siyang mag-ipon. Nagmukhang basura ang bahay nila dahil sa donya. Napakaalangan nito sa payak nilang tirahan.

"Mom " bati dito ni Mael at humalik pa sa pisngi ng ina.

"Magandang gabi ho, Donya Matilde," nakayukong bati niya dito. Di niya masalubong ang nanunuring tingin nito. Naalala niya pa ng minsang dinala siya ni Mael sa mansyon ng mga ito nung labing dalawang taong gulang pala mang siya para ipakita ang aso na ibinili ng Daddy nito. Doon niya unang nakaharap ang donya. Sinampal siya nito nang makitang marumi ang soot niyang panyapak, di niya kasi sinasadyang maapakan ang carpet na nasa sala. Sinabihan din siya nitong layuan ang anak nito dahil patay gutom siya, umuwi siyang umiiyak ng araw na iyon awang-awa sa sarili. Kaya nagtataka siya kung paano napapayag ni Mael na pumunta dito ang ina.

Hindi siya pinansin ng Donya. Umismid lang ito at tumalikod na para pumasok sa bahay nila. Napatingin siya kay Mael. Hiniwakan nito ang braso niya saka hinila na rin papasok sa loob ng bahay. Parang dumoble naman ang kaba na nararamdaman niya

Naabutan nila ang Daddy at Mommy nito na nakaupo sa sofa nila. Nakangiti ang ama ni Mael na si Don Arturo sa kanya. Kamukhang-kamukha ito ni Mael at para lang itong nakatatandang kapatid ng binata. Matikas at gwapo.

Nasa tapat ng mga ito ang Lola at Itay niya na halatang hindi komportable sa mga bisita.

"M-magandang hapon ho, Don Arturo," bati niya sa dito. "Mano po, La." Nilapitan niya ang abuela at humalik sa pisngi nito.

"Daddy, Daddy na ang itawag mo sa akin, Angela, tutal in one week magiging parte kana ng pamilya," masayang sabi ng Don.

"H-Ho?!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses dahil sa sinabi nito. Kumunot naman ang noon ng Don.

Umakbay sa kanya si Mael at pinisil ang balikat niya. "Diba napag-usapan naman na natin na magpapakasal tayo sa lalong madaling panahon?" May pagbabanta sa mga mata nito ng sulyapan niya. "We're getting married one week from now, Angela," hindi iyon pahayag kundi utos at alam niya wala siyang magagawa kundi sundin ito.

To be continued..

Chương tiếp theo