webnovel

21

"Narinig niyo ba ang balita? Itutuloy na daw ng magkapatid na ibukas na museum yung bahay nila!" excited na sabi ng isang mangangalakal sa bayan.

"Oo nga eh. Buti nagbago isip nila, pagkatapos ng lahat ng nangyari sakanila. Baka ibenta pa nila yang bahay." sagot naman ng isa pa.

"Siguro mangingibang bansa ulit sila. Kaya gagawing museum yung bahay. Para may tagalinis na din. Sayang naman ung mansyon kung aanayin lang diba?" sabi naman ng tindera ng gulay.

Usap usapan sa Huyenbi ang magpayag nila Mon at Katleya na gawing museo ang bahay nila. Kung anong rason ay haka haka nanaman and kumakalat.

"Lahat talaga ng bagay paguusapan nila no?" sabi ni Mon habang chinechek ang SNS niya. trending sa Sanjati Online ang balita.

"Okay na yun. Kesa naman yung mga nangyari satin ang pinaguusapan nila." sabi ni Katleya habang naglalakad sa batuhan malapit sa sapa.

"Naalala mo ba yung pekeng sumpa ni Kalypso na ginawa nating kwento?" natawang naalala ni Mon habang naghahagis ng bato sa tubig.

Natawa naman ang dalaga dahil naalala niya pang nagpanggap siyang white lady noon at tumakbo takbong parang tanga sa harap ng bahay nila.

"Panong di ko makakalimutan eh halos sumigaw mga bata noon nung nakita nila ako?" sabi naman ni Katleya.

Naupo naman si Katleya sa tabi ng kapatid.

"Do you hate time?" tanong ni Katleya sa kapatid niya.

"What do you mean ate?" tanong ni Mon na nalito sa biglaang tanong ng kapatid nya.

"Well. Ever since andito tayo I never once saw you bring out that pocket watch. Lagi mong dala pero di mo binubuksan. Tinanggal mo rin yung pins ng grandfather clock sa bahay kaya hindi tumutunog. And-"

"I don't hate it... It's just..." pinutol ni Mon si Katleya sa pagsasalita. "It's just difficult you know. We've been here for years... I stopped looking at clocks a long time ago. I hate the ticking of time. Parang nagaasar." sabay labas ng pocket watch niya.

Regalo sakanya iyon ng mga magulang nila nung 21 years old siya. Asa kolehiyo pa siya noon at kumukuha ng engineering. Naalala niya pa kung gaano kamahal noon ang ganoong relo. Lalo na at naka-engrave ang apilyedo at initial niya.

"You know I tried to kill myself. After we left this place." sabi bigla ni Mon sabay hawak ng mahigpit sa pocket watch. Nanlaki ang mata ni Katleya.

"I know I should have told you this pero I was shocked by your revelation that I can't bring up my stupidity." sabi ni Mon. Napahinga siya ng malalim. Hindi niya alam kung paano niya ikukuwento sa ate niya...

"Remember when I married Lyn?" tanong nalamang ni Mon sa kapatid. Tumango naman ang dalaga. 37 years old noon si Mon sa totoong edad niya. May magandang trabaho, may sariling lugar at malayo sa Sanjati.

Bumuwelo muli si Mon. Nagiipon ng lakas para makwento sa ate niya kung ano ang totoong nangyari...

"Ate... I... I didn't leave them."

"Lyn was afraid of me... I know I promised not to tell a soul.. but I thought she would understand or something... I was wrong." sabi ni Mon at niyakap niya ang tuhod niya. Nilagay naman ni Katleya ang kamay niya sa likod ng kapatid.

[1970]

"We'll meet in 6 months okay? I'll find you." sabi ni Katleya noon kay Mon pagkarating nila sa Peru.

"Akala ko ba magkasama tayo?" gulat noon si Mon dahil ang unang plano nila ay pumunta sa Peru at magstay doon ng sampung taon.

"I know... I'm sorry. But something came up. Don't worry I'll be back in 6 months okay?" sabi naman ng dalaga sakanya. Labis ang lungkot sa muka ng lalake dahil hindi niya alam paanong mabuhay ng solo. Iniimagine niya lang noon iyon pero eto na nga at kaharap na niya ang katotohanan. 37 siya noon at 40 ang ate niya. Muka parin silang mga college student dahil nga sakanilang sitwasyon.

Nagpatuloy parin si Mon sa trabaho niya bilang Site Engineer. Si Lorenzo naman ay dumating din sa Peru. Inasikaso niya ang mga papeles ng pamilya sa Sanjati bago sumunod sa kapatid. Si Lorenzo lamang ang tumatanda sakanilang tatlo. Kaedad na niya ang ate niya ngunit mas madalas na napagkakamalang siya ang panganay.

"Lorenzo! Glad you're here!" sabi ni Mon nang sinalubong ang kapatid.

"Kuya. Where's ate?" tanong ni Lorenzo na nag-alala kaagad ng wala ang ate nila.

"She went to France. Anyway, naayos mo na ba ang mga papeles natin sa Sanjati?" tanong ni Mon. Tumango naman ang kapatid. "Alam mo bang ang hirap magpanggap na may sakit? I'm prefectly healthy. Tapos biglang kailangan nating magpanggap na may sakit ako kaya tayo umalis doon." reklamo ni Lorenzo sa kapatid. Ginulo naman ni Mon ang buhok ng lalake.

"Sorry bro. It was the only way." sabi naman ni Mon sa kapatid. Naiintindihan naman iyon ni Lorenzo lalo na't nakita niya kung gaano sila kafrustrated sa sitwasyon nila.

Anim na buwan din ang lumipas. Magkasama sila Lorenzo at Mon sa bahay na tinitirhan nila ng dumating si Katleya. Tuwang tuwa naman ang dalawa sa pagdating niya.

"It's good to see you! How's France?" tanong agad ni Lorenzo.

"It's good! I learned a lot." sabi naman ng dalaga. At niyakap ang mga kapatid.

"Ate! May good news pala kami sayo!" sabi naman ni Lorenzo sabay turo kay Mon.

"Lorenzo!" sigaw ni Mon sa kapatid.

"Wha-what's happening?" tanong ni Katleya. Halos batukan naman ni Mon si Lorenzo saka hinarap ang panganay na kapatid.

"Ate...."

"Oh no... BAKLA KA?!" sigaw ng ate niya. halos malaglag naman ang panga ng dalawang lalake sa harap niya.

"What? No! I'm getting married!" sabi naman ni Mon. Habaang kinakamot ang leeg niya sa kaba.

"Akala ko bakl- wait what?! YOU'RE GETTING MARRIED?!" sigaw nanaman ng dalaga.

"Uhmmmm Y-yes?" sabi naman niya. Hindi siya sigurado kung tutol ang ate niya. Mayroon pa naman ang mga magulang nila pero matatanda na sila at mahihirapan silang bumiyahe.

"Oh my god! Congratulations! When will I meet her? Hmmm?" Tanong ng dalaga at tinitignan ang namumulang muka ni Mon. "What?"

"You're not going to disagree?" tanong ni Mon.

"Nonsense! You're happy! Why would I stop you from being happy?!" sabi naman ng dalaga at ginulo ang buhok ng kapatid.

Kinabukasan noon ay pinakilala ni Mon si Lyn sa ate niya. Nagclick naman ang dalawa at tila bestfriends sila.

"Ikaw bahala sa kapatid ko ha. Lokoloko yan pero mahal ka niyan I'm sure!" sabi pa ni Katleya kay Lyn.

Disyembre ng 1970 ay kinasal ang dalawa. Sobrang saya ng magkakapatid noon. Ngunit alam din ni Katleya at Mon na darating ang panahon na kailangan nilang harapin ang katotohanan...

1971 noon at umalis muli si Katleya pabalik ng Pransya. Binilin niya sa kapatid na siyam na taon nalamang meron siya doon at kailangang umalis muli. Nanlumo si Mon sa katotohanan. Kailangan niyang iwan ang asawa niya at ang sanggol nilang anak na si Chad in 9 years. Hindi naman nagbago si Mon sa magina niya. Minahal niya sila at walang araw na hindi niya iyon pinaramdam sakanila.

1980 ng dumating ang sulat ng kapatid niya. Halos manginig siya sa galit at dalidaling nagsulat ng telegramang inaaway niya ang ate niya. Yoon din ang taon na inamin niya sa asawa niyang immortal siya. Noong una hindi pa naniwala si Lyn hanggang pinatunayan ni Mon ang sinasabi niya. Kumuha siya ng kutsilyo at sinaksak niya ang sarili niya sa dibdib.

Halos mabaliw si Lyn sa nakita ngunit napalitan ito ng takot ng makitang bumangon si Mon. Wala siyang sugat at walang bakas ng saksak sa dibdib.

"Monster!" sigaw ni Lyn at tumakbo palabas ng bahay kasama ang anak nilang si Chad. Hinabol naman siya ni Mon ngunit huli na siya...

Nakahandusay na ang magina sa kalsada at walang buhay. Hindi niya alam ang gagawin niya noon. Lungkot at galit ang naramdaman niya at hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

Galit siya na wala siyang magawa... Galit siya sa sarili niya dahil alam niyang kasalanan niya iyon. Alam niyang mali ang ginawa niyang pag-amin sa asawa niya ngunit naniwala siyang may pag-asang maniwala ito.

Sa huli ay naiwan si Mon magisa sa bahay na minsan niyang tinuring na tahanan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Sinubukan niyang wakasan ang saarili niya ngunit walang nangyari.

Sa huli ay nilibing nalamang niya ang mag-ina niya at tuluyang iniwan ang Peru.

|

|

Hindi napansin ni Mon na tumutulo na ang luha niya sa pait ng alaala niya. Nalungkot siya sa alaalang iyon. Niyakap nalamang siya ng kapatid niya.