webnovel

Maze

Chloe POV

"Pffft wahaha! Miss ang pula mo!" he laugh in front of my face. Nakakahiya! Akala ko hahalikan n'ya na ako sa lips pero napadpad lang pala sa cheeks! Natataranta na'ko that time pero ganito lang pala kakahantungan ko! Pinagtatawanan at pinagloloko na naman ako! The nerves of that jerk!

"Shut up you stupid idiot!" I shouted while hiding my face behind my knees. Nakakapikon yung tawa n'ya! Sarap sabunutan.

"Sorry if I disappoint you for not kissing you to your precious lips but your eyes is the most beautiful thing that I ever seen, kaya di ko namalayan na dumampi 'yong labi ko sa cheeks mo." he said suductively which is nakakapanindig balahibo.

I rolled my eyes because of annoyance. Napaka-assuming niya naman para gustuhin kong halikan siya. Kanina pa ako naiinis sa kakatawa niya at kanina ko pa gusto ingod-ngod sa sahig ang labi niya.

"Wag ka sabing maingay!" Someone suddenly interrupted and kicked the guy in front of me, kaya ayon sumalpok sa sulok.

I just looked at the guy with sympathy. Serves you right.

Di ko maiwasan na humanga sa nakikita ko ngayon, ba't ganito nakikita ko? Pinapalibutan ako ng mga magagandang lalaki?! Nakakatunaw! Ang sisilaw nila, parang si Sunako Nakahara ako ngayon, di magtatagal ay babahain dito ng dugo, nakaka nosebleed 'yong mga...

Bumalik ako sa ulirat.

"Holy Shit! ba't wala kayong pang-itaas lahat?! Uso ba ang hubaran ngayon?!" I shouted kaya ilan sa kanila ay nagulat.

"Sorry sweety, manyak ata 'yong kumidnap sa'min kaya hinubaran kami," sabi ng lalaking sinipa ng kasama bago lang. "Sayang naman sana ikaw rin hinubaran." He added and wink at me.

Ang manyak talaga!!

"No thanks Mister." Masungit kong sagot.

Di ko malingon-lingon ang limang lalaki sa paligid ko. Awkward. Ako lang 'yong babae dito.

Di na ako makatiis kaya tumalikod na lang ako at baka mahalay sila ng mga mata ko!

"Oy, wala ba kayong balak tumakas?" I asked while facing my back at them.

Kasi ako. OO. Di namin alam kung anong mangyayari sa amin kung di kami kikilos.

"We can't. As you can see, di namin kakayaning makatakas sa lagay na 'to." The guy said.

Napalingon naman ako sa kanila. Shocks! Double hand cuffs! Pati sa paa may malalaking bakal.

I just sigh in defeat. Useless bunch.

Di nagtagal may nagbukas ng pinto at iniluwa ang maraming nakaitim na kalalakihan at inilabas kami mula dito sa silid.

"Kuya, saan n'yo po ba ako dadalhin?" I asked pero parang hangin lang ako sa kanila. No reaction!

Di lang pala kami 'yong nakidnap dahil may inilabas din mula sa kabilang silid na mga kasing-edad ko lamang at may mga babae din. Akala ko ay ako lang ang babae.

Mga ilang sandaling paglalakad ay napunta kami sa isang di pamilyar na lugar.

"What the hell is this?!" napalingon ako sa babaeng umiiyak na ngayon dahil sa takot.

Nakarating kami sa isang...

Anong ibigsabihin nito?

Napunta kami sa isang stage at pinapalibutan kami ng mga teenagers na may mga dalang armas at nagsisigawan sila na parang excite na excite sa susunod na mangyayari.

Isa lang ang nasisigurado ko, nandito parin ako sa paaralan kung saan ako nagtransfer. Ito na ba yung sinasabi ni Chiyo sakin na kailangan kong takasan?

"Pakawalan niyo kami! Anong lugar ba 'to?"

"Shit man! wag mo akong hahawakan. Wala akong atraso sa inyo."

Isa-isa na kaming nagpupumiglas sa takot. Masama ang kutob ko pero parang ako lang ang aware sa pangyayari.

Di na kami nakagapos ngayon pero mahigpit parin sa pagbabantay ang mga lalaking nakaitim sa paligid namin. Sinisiguradong di kami makakatakas.

"Pssst!" tawag ko sa nagkiss ng cheeks ko kanina. Parang mahinahon lang siya, pati rin 'yong mga kasamahan niya.

"Oy, sweety!" lumingon siya sa kinaroroonan ko nang marinig niya akong tumatawag sa kanya at sinabayan niya pa ng kindat. Ew. may time pa siyang lumandi samantalang natataranta na 'yong iba sa amin.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" I asked him for confirmation if they are really aware of what kind of situation they are now.

Siya naman ay parang nag-iisip bago nagsalita, "Hmm. Hindi eh, ang alam ko lang ay may manyak na kumidnap sa isang gwapo na tulad ko."

Sira talaga! Di 'yan ang ini-expect kong sagot mula sa kaniya!

"I mean, na-enroll ka din ba sa school na 'to?" I asked again at nagulat naman siya sa tanong ko.

"I don't know what are you talking about. Wait, this is a school?!" pareho kaming di makapaniwala sa nalaman. So it means that di siya aware na isang paaralan ng mga gangster ang lugar na 'to! They are just innocent civilians?

Chương tiếp theo