Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!
••••••
Chapter 12
"Alice, pupunta ka ba mamayang gabi?" bulong ni Armen sa gitna ng klase.
Kumunot ang noo ko. "Saan?" habang pasulyap-sulyap sa harap kung nasaan ang prof namin.
"Haler. Sa birthday party ni Ally! Sinabi niya na invited tayong lahat." irap niya pero agad naman siyang ngumisi.
Napatango nalang ako. "Titingnan ko baka kasi busy ako mamaya eh." sagot ko at tinuon ang atensyon sa harap. Kanina namigay ng invitation card ang kaklase naming si Ally para sa 23th birthday niya.
I don't know if I can go or not. I'm not really busy. Tinatamad lang talaga ako. Dahil mag-iisang buwan ng hindi nagpapakita ang gago kong Boss. Oh well, gwapong boyfriend pala. Hindi ko Alan king among nangyari sa kanya. Bigla nalang hindi nagpakita kahit sa HQ ay wala siya.
"Basta pumunta ka." pamimilit ni Armen habang nasa harap ang atensyon.
"Susubukan ko."
"Tss. Pumunta ka nalang! Para may makausap ako!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "May makausap? Sa daldal mong iyan Armen imposibleng wala kang makakausap. At isa pa iba lahat tayo inimbitahan? So, kausapin ml yung mga kaibigan mong kaklase natin." napanguso siya sa sinabi ko.
"I don't like talking to them, Alice. Napakaarte nila puro pasosyal kahit hindi naman. Mas gusto kong ikaw ang kausap ko."
"Eh si Nilo nalang kaya? Madaldal din iyon." suggest ko.
"Yung baklang iyon? Ayoko puro kahalayan lang ang lumalabas sa bibig no'n." reklami niya.
Mahina akong natawa. "Pareho lang naman kayo ah."
"Iba sa akin noh! Mas may filter ang bibig ko kesa sa kanya. Kaya please, Alice. Pumunta ka mamaya. Uupo lang naman tayo tapos kakain. Balita ko tatlo daw ang lechon nila. Naku masarap iyon!"
Napailing nalang ako dahil sa kakulitan niya. This is why I like Armen dahil kahit mayaman siya ay hindi niya iyon ipinagmamayabang. She likes simple things.
Pag-katapos ng pang-umagang klase ay pinuntahan ko muna ang kapatid ko. Whole day kasi kami ngayong araw dahil sa papalapit na exam. Malapit na ako sa classroom ng kapatid ko ng nakasalubong ko ang kanyang kaibigan na kaklaseng si Bea. Minsan na ding dinala ni Yanna si Bea sa condo kaya nakilala ko.
"Bea, nandyan ba si Yanna?" tanong ko sa kanya.
May pagtataka niya akong tiningnan.
"Ate Alice, absent po si Yanna ngayon eh." sagot niya.
"Absent? Pero nauna siyang pumasok kesa sa akin eh. Sigurado ka?"
"Opo Ate. Nag-text siya kaninang umaga sa akin na hindi muna daw siya papasok." paliwanag niya.
Tumango nalang ako at nag-paalam. Napakagat-labi akong bumalik sa campus namin habang iniisip ang kapatid ko. Maaga kasi siyang umalis kaninang umaga para pumasok. Sigurado akong naka-suot siya ng uniporme bago umalis. At hindi siya basta-basta nalang uuwi ng hindi pinapaalam sa akin.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago kinuha ang cellphone sa bag para matawagan ang kapatid ko. Baka biglang sumama ang pakiramdam kaya umabsent. Nakatatlong ring bago niya ito sinagot.
"Hello Ate." napakunot ang noo ko ng marinig ang mabibigat niyang hininga.
"Yanna nasan ka? Pinuntahan ko kita kanina sa classroom mo pero sabi ni Bea absent ka daw." tanong ko. Saglit natahimik Ang kabilang linya. Ang kanyang mabibigat lang ng paghinga Ang naririnig ko.
"Yanna? Nandiyan ka pa ba?" sambit ko sa kanya.
"O-oo Ate. S-Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi nalang ako papasok ngayong araw." pigil hininga niyang sagot kaya bigla akong nag-alala.
Narinig ko na medyo maingay sa kabilang linya pero hindi ko yun pinansin. Baka nanonood lang siya ng T.V.
"Ayos ka lang ba? Gusto mo puntahan kita?" nag-aalalang kong sabi.
"O-Okay lang ako ate. Wag mo nalang ako ahh--" bigla akong kinabahan nang marinig ang ungol niya na tila nasasaktan.
"Yanna. Ba't maingay diyan? Saan ka? Pupuntaha kita." mas lalo akong kinabahan. She's not watching T.V! I can feel that something is happening on the other line!
"W-Wag ayos lang ako. Medyo sumakit lang ang tiyan ko ate. Mag-papahinga nalang muna ako." sabi niya at nag-paalam.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala kung ano ng nangyari sa kanya. Pero hindi ko parin mapigilang mag-alala. Bumalik ako sa room para sa pang-hapon naming na klase. Busy ako sa pag-sagot ng tanong sa answer sheet ng biglang nag -vibrate ang cellphone ko.
Mabilis kong kinuha iyon at patagong tiningnan kung sino ang nag-text.
From: L
'Alice, may ipapagawa ako sa'yo.'
Tumingin muna ako sa prof namin bago mabilis nagtipa sa cellphone at sinend kay L.
To: L
'Ano yun? Nasa klase pa ako.'
Mabilis naman siyang nag-reply. Panay ang tingin ko sa prof namin baka kasi mahalata ako.
From: L
'Oh I'm sorry. Tawagan mo nalang ako pag-katapos ng klase mo.'
Nireplyan ko siya ng 'ok' at nag-patuloy sa pag-sagot.
It's been a month since I accept L's offer. Alam kong dapat hindi ko tinanggap iyon dahil labag iyon sa batas ng Mafia Douglas pero kailangan ko si L. He knew something that's why I accept his offer. Gusto kong malaman kung ano ang tinatago niya lalo na't alam niya ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko.
I don't trust him. Because his part of Mafia Kopert. Ang mortal na kaaway ng mga Douglas. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin. Ang biglaan niyang paglapit sa akin ay isang napakalaking tanong. He wants to help me but why? Why so sudden?
This past few weeks, my mind was really a mess. Nagsimula ito noong hindi na nagpakita si Boss sa akin at dumagdag ang tungkol sa mga sinabi ni L. Pakiramdam ko tuloy ay may darating na mas lalong magpapagulo sa isip ko.
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko bago lumabas ng classroom. "Mauuna na ako sayo, Armen." paalam ko sa kaibigan na abala sa pagligpit ng gamit. Nilingon niya ako saglit.
"Kita nalang tayo sa bahay nila Ally. Pumunta ka ha. Ingat ka." saad niya. Tumango nalang ako para mapaikli ang usapan.
Habang papalabas ako ng school tinawagan ko kaagad si L na agad naman niyang sinagod.
"Bilis ah." natatawa kong sabi.
Hinintay talaga ang tawag ko.
'"Tss. Tapos na ba ang klase mo? Nasa labas ako ng school." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Seriously? Kanina ka pa diyan?" di mapakapaniwala kong tanong.
"Oo kaya bilisan mo." inis niyang sabi.
Napailing nalang ako nang binabaan niya ako ng tawag. Sa maikling panahon na nakilala ko si L hindi ko masabing mabait o mabuti siyang tao. We have the same world. And I know how dangerous he is. Really dangerous.
Dahil kagaya ko marami na rin siyang napatay pero kahit ganon magaan ang loob ko sa kanya. Dahil siguro namiss ko ang kuneho. Tss. Miss my ass.
I can say that L has a looks. He's gorgeously handsome pero mas gwapo ang Boss. Yes. Mas gwapo ang boyfriend ko. Syempre boyfriend ko iyon eh at isa magaling yon sa— never mind. Bwesit.
Mainitin ang ulo ni L at sobrang demanding. Laging nakakunot ang noo. Kung hindi ko lang siya kailangan at kung di niya lang ako tutulungan baka nag-papalitan na kami ng putok ng baril. Lalo na't magkalaban kami. He's really a bossy dude and I don't like it but I have to deal with him.
Pag-kalabas ko ng school agad kong nakita ang itim niyanh Audi sa kabila kaya tumawid muna ako bago sumakay sa driver seat.
"Ang bagal." sabi niya ng makaupo na ako.
"Mukha mo." irap ko.
Ikakabit ko na sana ang seat belt ng bigla niyang paandarin ang kotse.
Pinuno ko siya ng mura buong byahe dahil sa ginawa niya. Bwesit. Tawa lang ng tawa ang bwesit. Sarap dukutin ang asul niyang mata eh.
"So, how's your day?" napalingon ako sa biglaan niyang tanong.
This is the first time he ask me about my day.
"Well, just like yesterday. Mukha mo na naman ang nakikita ko kaya walang bago." poker-face kong sagot sa kanya at tamad na sumandal.
"Hindi naman nakakasawa pagmumukha ko ah? You should be thankful that you always see this handsome face of mine." puno ng kahanginan niyang sabi.
Napairap naman ako. "Hindi ko alam na marunog ka palang mag-joke. Tatawa na ba ako?" I sarcastically asked him.
Napasimangot siya. "You know what? You should buy an eye glasses. Malabo na yata yang mga mata mo. O masyado ka lang nagwagwapohan sa akin at ayaw mo lang aminin." ang nakasimangot niyang mukha ay napalitan ng nakakalokong ngisi.
Kung hindi lang siya nagmamaneho ngayon baka natadyakan ko na siya palabas ng kotse niya.
"Oh well. My eye sight is good. Lumalabo lang 'to pag ikaw ang nakikita ko."
"Sorry, nakakalabo pala ang kagwapohan ko."
"Woah. Ilang bangko ang binuhat mo?"
"Wala. Inborn talaga 'to."
"Edi wow. Mas gwapo ang boyfriend ko noh." may pagmamalaki kong sabi.
Saber should be thankful right because I flex how handsome he is. Imagining his reaction, I know he'll blushing righy now.
"May boyfriend ka? May pumatol sayo? Wow!" gulat kuno niyang tanong.
Inarap ko siya. Kahit hindi ko sabihin kung sino ang boyfriend ko alam kong alam na niya. Hindi na ako magtataka kung bigla niyang banggitin ang pangalab ni Boss.
"Sa ganda kong 'to. Oo naman noh!"
"Ikaw yata ang nagbubuhat ng bangko, Baltazar." iling niyang sabi. "Fuck!" bigla niyang mura. At binilisan ang pagmamaneho.
Napatingin ako sa likod. May sumusunod sa amin na itim na sasakyan!
"What the— iligaw mo!" utos ko.
Agad niyang iniliko ang kotse sa isang kanto na walang masyadong tao at pinaharurot iyon. Muli akong tumingin sa likod. Sakto naman at lumampas ang itim na kotse. Bumagal ang takbo ng sasakyan habang panay ang mura ni L.
"Bakit niya ako sinusundan? I thought...fuck!" inis niyang bulong sa sarili.
Nilingon ko si L. "Kilala mo 'yun?" tanong ko.
"Yeah. Kasama ko siya sa Kopert."
"Kasama mo pa. Eh bakit niligaw mo?"
"Sabi mo eh. Iligaw ko." sagot niya sa akin.
Natampal ko ang noo ko. "Ay uto-uto."
He shrugged bago nagfocus sa pagmamaneho. Hindi ko alam na may pagkaabnormal pala 'tong si L. Hay naku.
"Teka anong ipapagawa mo sa akin?" tanong ko ng maalala ang text niya kanina.
"Let's talk that over coffee." sagoy niya habang nakatuon ang atensyon sa daan.
"Okay." at inabala ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana.
Bigla sumagi sa isip ko ang huling araw na nagpakita si Boss sa akin.
Abala ako sa paggawa ng report project sa kwarto ko ng bigla bumukas ang pinto. Kahit hindi ko lingunin ang taong iyon ay alam ko kung sino. Dahil sa pamilyar niyang panlalaking pabango.
"Hindi pa ba yan tapos? Kagabi mo pa kaharap yang laptop mo ah." ramdam ko ang presenya niya sa likod ko at ang paghawak niya sa kabilang balikat ko.
Tiningala ko siya. "I almost done. Isang page nalang " sabi ko at muling humarap sa laptop.
Hinatak niya ang upuan sa kabilang side ng mesa at naupo sa tabi ko. "Gusto mo ako na ang tumapos niyan? Tanghali na, Alice. Hindi ka pa kumakain. Eat first." may inis niyang sabi.
"Thanks but no. Malapit na talaga 'to. And after this kakain na ako. I just need to finish this today dahil ipapasa ko 'to bukas." paliwanang ko sa kanya.
He tsked and stand up. Kaya napalingon ako.
"Where are you going?"
"I'll get our food. Dito nalang tayo kakain." humalik siya sa noo ko bago lumabas ng kwarto.
Napangiti ako at mas binilisan ang pagta-type para pagbalik niya ay tapos na ako. Kaya yun ang nangyari. Pero kahit tapos na ako ay hindi larin siya bumabalik kaya sinundan ko nalang siya.
Pagkalabas ko ng kwarto ay rinig kong may kausap siya kaya nagtungo ako sa kusina kung saan nanggaling ang kanyang boses.
"No! You can't do that. I am the Boss!" may diin pero pabulong niyang sabi sa kausap niya na nasa kabilang linya.
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita. I saw how his shoulder move and his hand fisted.
"Try. Try me and I'll kill you." may pagbabanta niyang sabi bago binaba ang tawag.
"Sino 'yun?" he stiffed when he heard my voice.
He slowly turned to face me. Gulat niya akong tiningnan.
"Sino 'yun?" ulit ko.
Umiling siya. "Wala 'yon." sagot niya at kinabig ako para mayakal niya. "No one. I love you." bulong niya at humigpit ang pagkakayakap sa akin.
Kahit nagdududa ako sa ikinikilos niya ay hindi nalang ako nagtanong. Habang kumakain kami ay pasulyap-sulyap ako kay Boss na maganang kumain. Alam ko, alam kong may bumabagabag sa kanya. He's hiding it from me.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa kwarto at nahiga. Bigla akong inantok dahil siguro wala aking masyadong tulog kagabi kay niyaya ko siyang matulog. Pareho kaming tahimik habang nakayap sa isa't isa hanggang sa nakatulog ako.
At hindi ko akalaing pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Iyon na pala ang huli. Hindi man lang nagpaalam ang gago.