webnovel

Muling Pagtawag

"Huy ikaw! Salamangkero!" Sigaw ng isang pinuno.

"Magbantay ka! At huwag kang pagala-gala!" Dagdag nito.

"Masusunod po." Tugon ng alagad. Umalis na ang pinuno at naglakad papasok ang salamangkero. "Ako ang inatasang magbantay sa labas ng silong na ito." Pagdadahilan ng salamangkero sa kapwa tagapagbantay. Ng makaalis ang isa'y unti-unti siyang humakbang papasok sa malaking tolda patungo sa silid ng pinuno. "WALANG MAKAKAPASOK SA LOOB MALIBAN SA PINUNO!!" Malalim na boses ang bumungad sa salamangkero at sabay na hinarang ng dalawang malalaking espadang itim na usok ang arkong daanan. "Inyong ipagpaumanhin..." Tumalikod ang salamangkero habang may namumuong asul na mahika sa kaniyang mga kamay.

*Dàndréavílîër!!*

Isang mahina't di halatang pagyanig ang naramdaman ni Dantr. Pinatumba ng salamangkero ang dalawang Zharun at pinag-mukhang nakatayo't nagbabantay parin ang mga ito gamit ng mahika at tuluyang pumasok sa silong ng pinuno. *Mahika sa mahika, gabi sa liwanag, sa sinag ng buwan, ito'y matitinag. Ipakita ang nakatago sa mata!!* Pagkatapos niyang magsalamangka ay bumungad ang isang libro. "Ang libro ng encanta!" Bulong ng asul na salamangkero. Nagyanig ng malakas ang lupa sa pagbaba ng dragong Zharung sakay ang pinunong salamangkero.

"Ihanda ang prinsesa! Pupunta tayo sa mundo ng Enderia!" Utos nito sa mga tagapagbantay.

Tumakbo pababa ng parte ng kampo ang asul na salamangkero't nagtungo sa kinaroroonan nina Dantr.

"Dantr!" Biglaang pabulong nito.

"Wala ng panahon, tutungo na sila sa kabilang mundo kasama ang prinsesa!" Wika ng salamangkero habang binubuksan ang libro ng encata.

*Éncántûs vérinà lévîàrü.. là vérêàl* patuloy siya sa pagsasalamangka habang siya at ang libro'y lumilitaw sa hangin at nagliliwanag sa mahika.

Sa pagkakawala ng bisa ng encanta, nabuksan na ang kabilang selda at agad hinila ni Dantr ang mga kamay at nawasak ang tanikalang nakagapus sa kaniya.

---

"Buksan ang lagusan!" Utos ng pinunong salamangkero habang hawak ang maliit na bitak na kristal ng Yvandri Crystalia.

*Dàndréavílîër!!* Natigil ang pagbubukas ng lagusan nang patamaan ng asul na salamangkero sa himpapawid ang dragong Zharung sinasakyan ng pinunong salamangkero.

"Prinsesa!!" Sigaw ni Anna.

"Huy kupal na pangit na ogreng salamangkero! Wala akong paki-alam kahit pinuno ka rito! Ibaba mo ang Prinsesa!" Sigaw ni Greg.

"Mga inutil!! Paano nakawala ang mga yan?! Sugurin ninyo!!" Pasigaw na utos ng pinuno habang kasalukuyang binubuksan ang lagusan.

"Eudora, makakaya mo bang lumaban?" Tanong ni Aldrin.

"May malaking dahilan kung bakit hinirang akong Heral sa mundong aking pinanggalingan, at may bagay pa silang dapat bayaran" tugon nito at inilabas ang isang krystal na espada. Napangiti si Aldrin sabay sigaw, "Greg! alam mo na!"

"Huwag mo kong utusan!" Tumalon si Greg sa hangin at nilikop ang lugar ng mala-kuryenteng mahiwagang halang.

"Walang makakatakas." Pangiting bulong ni Aldrin habang dala ang mahabang mala-diyamanteng nagyeyelong pana na may tig-tatatlong palasong nagliliparan mula rito.

"Akala niyo kayo lang!!" Inilabas ni Anna ang dalawang nagbabagang punyal at nagsimulang sumugod kasama ng ilan, "Mukhang masaya 'to!!"

Umuulan ng bala galing sa pana ni Aldrin habang si Anna at Eudora ay nakikipagsanggaan sa mga Zharun at si Greg kasama ang salamangkerong asul ang humaharap sa ilang itim na salamangkero.

"Ang dami nila!!" Sigaw ni Anna.

*Thug!!!* "Kapitan!! Mukhang tamang tama ah!!??" Sigaw ng isa sa paparating na tauhan ni Aldrin at binaril ang mga Zharung papalapit sa likod ni Anna.

"Krystal na balat ng Dragong dagat to ah?" Sabay na sambit ni Anna't Eudora habang hawak ito.

"Ginawa niyong bala?!" Sigaw na tanong ni Anna.

"Hahahaha! Ang tahimik sa baybay, wala kaming ginawa kundi iponin ang krystal ng dragong kumakapit sa haligi ng barko." Sabay na nagtawanan ang mga tauhan.

"Kayo! Pabayaan niyo ang pinunong nakasakay sa dragong Zharun, si Dantr ang bahala diyan." Utos ni Aldrin sa mga tauhan.

"Walang problema, Kapitan!" Sigaw sabay atake sa mga Zharun.

*Inuutusan ko ang Krystal. Dinggin mo ang tinig ng Prinsesa ng mga Avials, tanging dalangin ko ang pakinggan. Magsara ka!*

"Inuutusan kitang magbukas!" Patuloy sa pagtawag ng lagusan ang pinunong salamangkero.

"Hindi makikinig sayo ang krystal!" Sambit ng prinsesa habang nakatali sa likod ng dragon.

"Tumahimik ka!" Sinampal nito ang prinsesa.

"Walang lagusang magbubukas. At lalong walang sino man ang may karapatang mananakit sa Prinsesa." Seryosong sambit ng ermitanyo habang palakad at nilalagpasan lang ang ilang mga kalaban.

"Buksan mo ang lagusan!! Inuutusan kita!!" Galit na utos ng pinuno sa krystal, "Walang kwenta!! Dadaan na lang ako sa lagusan ng karagatang Halea" Itinapon ng pinuno sa tubig ang krystal. Subali't tumakbo't nasalo ito ni Anna.

"Wala kang ibang pupuntahan, salamangkero." Wika ni Dantr.

Mas lalong pinalakas ni Greg ang malakuryenteng halang.

"Kung gayu'y sa tingin ko, kailangan ko kayong ubusin!!"

Sinugud ng pinuno ang ermitanyo gamit ang malalakas na salamangka.

Tumayo lamang si Dantr habang inaangat ang kaliwang kamay at tinawag ang dibinong espada. Nawasak ang mahikang tanikalang gumagapus rito at nagbabagang dumating sa kaniyang kamay. Pawang hinahati lamang ni Dantr ang mga nagliliparang salamangka sa hangin gamit ang espada. Sumulong si Dantr at napagpirapiraso ang dragong Zharun sa bilis at bigat na mga atake ni Dantr. Subali't nakalayo ang pinuno at hawak parin nito si Andalia habang nakatutok ang bastong pangmahika sa leeg ng Prinsesa.

"Dantr!!" Sigaw ng prinsesa.

"Diyan ka lang, ililigtas kita, magtiwala ka" mahinang pabulong ng ermitanyo.

Naging tahimik ang lahat sa paligid ni Dantr at ramdam ang dapyas ng hangin habang lumuluhod sa isang tuhod, hawak sa kaliwang kamay ang dibinong espadang nakatusok paibaba sa lupa at binuksan ang ilang pahina ng libro.

"Sumusuko ka na ba?!! Dapat lang na lumuhod ka!!"

"Hindi siya lumuluhod nino man, hindi kahit sa hari." Bulong ni Anna.

*Ávéàlïrëântús!!!* Sunod sunod ang mga atakeng mahika ng salamangkero. Subali't pawang hindi man lamang nadadapyasan ang ermitanyo.

"...Sabay sa pagliwanag ng buwan, ang gabi ay tuluyang mawawalan ng dilim."

"Ako ang tanging dilim, na siyang kumakalaban sa dilim. Tinatawag ko ang kapangyarihan sa mga pahina ng libro. Dinggin mo ang tinig ko, Magbukas ka! Yvandria!!"

Lumiwanag ang mga pahina ng libro't bumungad ang magkahalong itim at kahel na pakpak sa likod ni Dantr. Mala-mahikang kulay kahel ang bumubuo sa kaniyang mga mata't maitim na usok ang pumapalibot sa kaniyang katawan.

*Ang bawat pahina ng librong dala-dala sa kanang kamay ng ermitanyo ay nabuo mula sa mga matatandang reliko ng Adryia. Ang mga sinaunang Yvandri Crystalia. Sinakripisyo ng kaniyang ama ang sariling buhay tumawid sa kabilang mundo upang ilikha ang libro. Walang nakasulat sa mga pahina nito. Ang tanging nakatatak lang ay ang mga katagang isinulat sa lenguwahe ng Nagdaang Adryia. "Ang tanging makakapagtawag ng pangalan ng libro ay ang itinakda"* biglang bungad ng alaala ng propeseya sa likod ng isipan ng asul na salamangkero habang tanaw si Dantr.

"Ito ang huling pagkakataong masisilayan mo ang ganda ng mundo, pagmasdan mo." Naiwan sa hangin ang mala-mahikang usok ng magkahalong itim at kahel nang biglang nawala sa bilis ang ermitanyo.

*Nasaan siya?!* Inilipad ng pinunong salamangkero ang prinsesa sa himpapawid sa pamamagitan ng mahika habang nasisilayan ang sunod sunod na pagtumba ng mga salamangkero't Zharung nakapalibot sa kaniya.

"Lumabas ka!! Kung ayaw mong..!." Napatigil siyang magsalita nang biglang bumungad sa kaniyang harapan ang ermitanyo. Tumilapon bigla ng napakalakas ang salamangkero at nabitawan niya sa kaniyang mga kamay ang prinsesa. Nasalo ni Dantr ang Prinsesa sa hangin at gayunding bumaba sa lupa.

"Maayos ka lang ba, Mahal na Prinsesa?" Malumanay na may halong lambing na boses ni Dantr habang nakahilay si Andalia sa mga braso niya.

"Di ko alam kung bakit lagi kang namumula." dagdag ng ermitanyo.

Unang beses na nakatitig lang ang prinsesa sa mga mata ng ermitanyo na di mapigilang mamula habang mas lumakas ang kabog ng dibdib niya.

"A-ahh, ha?"

"Dito ka lang, may tatapusin akong laban." Ibinaba siya ni Dantr at nawala kasabay ng hangin.

Tulala parin si Andalia habang di mapigilang ngumiti.

Lumikha ng napakalakas na salamangka ang pinunong salamangkero sa himpapawid.

"Walang kwenta kay Dantr yan." Wika ni Aldrin habang nakaupo at binabaon ang diyamanteng palaso sa isang Zharun.

"Paano yan, ikaw na lang ang natitira." Sambit ni Greg habang kumukuryente ang mga mata nito at patuloy na pinalakas ang halang.

"Haaaaaaaaaaaa!!!!!!!!" Pinalakas ng salamangkero gamit ang itim na encanta at hinagis ang napakalakas na mahikang yaon mula sa himpapawid.

"Itim na encanta!! Mawawasak ang isla sa lagay na 'to!" Sigaw ni Anna.

"Hindi mangyayari yan." Wika ni Greg, "..magtiwala ka.. isang alamat ang kinakaharap ng salamangkerong yan." Dagdag ni Aldrin.

"Tinatawag ko ang espirito ng dibinong espada, gumising ka, Aneria!!" Buong pusong isinigaw ni Dantr habang inaangat ang espada sa himpapawid.

"Pangalawang beses na namin 'tong nasilayan, ang pagtawag ni kuya sa pangalan ng dibinong espada." Ngiting sambit ni Anna

"Anna, mukhang bumabalik na nga ang kuya mo." Pangiting sambit ni Aldrin.

*Inakala kong di na niya ibibigkas muli ang katagang 'yon, simula ng mga panahong nawala ang unang babaeng minahal niya.* "Nagmahal ka na ba ulit, kuya?" Tumingin si Anna sa kinaroroonan ng Prinsesa. *Sa tingin ko nga.* Ngumiti si Anna at tinanaw ang nakatagong lakas ng dibinong espada.

Hinati ni Dantr ang hangin sa himpapawid patungo sa kinaroroonan ng mahika at ng salamangkero.

*Hindi nga maipagkakailang anak ka ng reyna ng Verrier*

"Aaaaahhhhh!!!" Huling sigaw ng salamangkero bago siya tuluyang napudpud sa malakas pagsabog ng sariling mahika sa himpapawid kasabay ng paghati ng hanging dala ng dibinong espada.

Nilikop ng liwanag ang buong isla sa pagsabog. Nawala ang sumpa sa gubat at bumalik sa normal ang buong isla.

---

Chương tiếp theo