Malaya na nga ba akong maituring?
Kung walang kadenang sa aki'y sumusupil.
Walang mga rehas sa aking paligid.
O cedulang papel na sa aki'y nagtatali.
Malaya na nga ba akong matuturing?
Kung sa aking puso'y kalis nakaligid.
Lumipad ba sa aki'y wala nang pag-asa.
Sakit at dusa'y walang tigil rumagasa.
Parang pakpak ng ibong sinugatan
Upang lumipad ay 'di na makayanan.
Kayaan nga ba'y wala nang pag-asa
Sa aking kulungang hindi ko nakikita.
Puso, Lipad patuloy na lumaban
Patuloy lumakad upang makamtan iyong kalayaan.
Tumigil at sumoko'y hindi mo kailangan.
Kalayaan! Kalayaan! Iyo nang mahahawakan!