webnovel

Chapter 11

Chapter 11

Andrea's POV 

Kinabukasan. 

Nakita kong bumaba si Jade sa kotse nila at sabay silang dalawa ni Seth, tinawag ko siya pero di siya lumingon sa akin. Instead si Seth ang lumapit sa akin. I ask him about Jade, may problema ba ito. Sagot niya sa akin ay hindi niya raw alam. Palagi naman raw siyang tahimik at sanay na siya roon. Masaya nga raw siya at may kaibigan na ito, ako nga raw pero after the party hindi na ulit sila nagusap dalawa. 

Sa loob ng classroom umupo ako sa tabi ni Jade since seatmate kaming dalawa, wala pa ang teacher namin ng oras na iyon kaya may chance pa ang iba na magkwentuhan. 

Sinimulan ko ang paguusap namin sa paghingi sa kaniya ng patawad sa hindi ko pagpapaalam sa party niya. Sabi ko rin, umuwi na ako kasi sabi ni Via nagpapahinga na raw siya. Pero wala siyang tugon sa mga sinabi ko. Kaya tumahimik na ako hanggang sa dumating na iyong teacher namin. 

Lunch nang nagkaroon ako ulit ng chance na kausapin siya. Wala siyang katabi ng oras na iyon at tinatawag ako ni Vinson, may sasabihin ata ang mokong pero nasa isip ko si Jade, kaya mas inuna kong lapitan si Jade at tumabi ako sa kaniya pero tatayo na sana siya kaso nilapag ko kaagadbang hawak kong tray at hinawakan ko siya sa braso at sabay sabing saglit lang. Napatingin siya ng masama sa akin doon ko lang napansin na mukhang napahigpit ang hawak ko sa braso niya, kaya kaagad ko na siyang binitawan tapos lumipat umalis na kaagad siya at lumipat ng ibang table. 

Napatingin ako sa pwesto nila Vinson at nakatingin pala siya sa akin. Umupo nalang ako sa kinatatayuan ko at doon nalang kumain. 

Hanggang uwian ay hindi ako kinausap ni Jade. Napapraning na ako kakaisip kung may nagawa ba akong mali, may nasabi ba akong masama. Mabaho ba ako? Ano. Ano bang nagawa ko. 

Palabas na ako ng campus ng lumapit si Vinson, timing na nasa likuran namin si Jade. Kasabay ni Vinson si Seth ng minutong iyon, kaya nang makita niya ang kapatid niya ay tinawag niya ito pero tinignan niya lang kami, napatingin rin si Seth ewan ko pero kay kakaiba sa titig niyang iyon sa amin. Tapos tinapik niya ang braso ni Vinson at sinabing sasabay na siya sa kapatid niya which is ipinagtaka ni Vinson kasi hindi raw ito sumasabay sa kaniya. Tapos naglakad na sila palayo sa amin. Habang naglalakad sila ay pinagmamasdan ko sila parang sumisikip ang dibdib ko, nagaalala ako kay Jade, ano ba kasi ang nagawa ko. Ang hirap naman kasi ng ganito, iyong iniisip mo iyong bagay na hindi ka siguro kung may nagawa kabang mali. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim at napansin ito ni Vinson. 

"Ang lalim noon ah," reak pa niya napatingin ako sa kaniya, he looks worried. Sa akin ba? Hindi ako sure. Bakit naman siya magaalala sa akin? 

"Anyway, o." sabay abot ng isang folder na naglalaman ng questionnaire sa subject na biology. Nagtaka siya, ano raw ang gagawin niya dito. Papilosopo ko siyang sinagot, sabi ko sa kaniya kainin niya nang magkalaman naman ang utak niya sabay talikod at naglakad na. Pero hinabol niya ako, tapos he looks so serious na. Nasapo ko nalang ang ulo ko. 

"Kailangan mong sagutin iyan." 

"Seryoso? Ang dami nito." kaagad siyang nagreklamo. 

"Gusto mo sunugin mo nalang tapos, maghanap ka nalang ng bagong tutor." sabi ko sabay talikod ulit. Hanggang sa binato niya ako ng cap niya at natamaan ang ulo ko. Inis akong humarap sa kaniya. 

"Ang gago mo kasi sumagot. Seryoso akong nagtatanong. Boss mo ako, kauting respeto naman." uminit ang ulo ko sa narinig ko sa kaniya. 

"What? Boss kita? Sa pagkakaalam ko mas kailangan mo ako kaysa mas kailangan kita. Tandaan mo iyan." taas kilay kong sabi sa kaniya. 

"Sa pagkakaalala ko, ikaw ang lumapit sa akin. Remember pumasok ka sa loob ng kotse ko?" mayabang pang sagot niya sa akin. 

"You know what, bahala ka na sa buhay mo. The deal is over." saka ko na siya muling tinalikuran at hindi na hinarap kahit na panay ang tawag niya sa akin. 

Kapal mg mukha niya, nakakagigil siya. 

Chương tiếp theo